webnovel

Chapter 5

Philautia Chamenos

"I thought you changed your mind."

Nginitian ko lamang si Cyan—ang Club President ng sinalihan ko, at nagpaalam din agad matapos kong ipasa ang output ko. Pagkatapos ng insidente no'ng isang gabi ay bumalik din lahat sa normal maliban na lang sa medyo pag-ilag sa akin ni Samuel ngayon. Mukhang hindi pa rin niya matanggap na nagpakita siya ng kahinaan sa harap ko at hindi ko rin naman siya masisisi. Masyadong masakit para sa kan'ya ang nangyari kaya hinayaan ko na lamang siyang magpalamig dahil sa ngayon, mas kailangan niya ng oras para sa kan'yang sarili. May mga oras naman na pinapansin ako ni Samuel at kukulitin niya lamang ako na parang walang nangyari at may mga oras naman na titingnan niya lamang ako sabay ngingiti at babalik nang muli sa pakikipagdaldalan niya sa mga lalaki sa room.

Lumipas ang ilan pang mga araw at gano'n pa rin ang sitwasyon; bihira na rin akong sabayan kumain ni Samuel at aminado akong naninibago ako ro'n ngunit sa tuwing wala akong ganang kumain ay susulpot naman siya para pilitin ako. There was a time that he actually scolded me with a very serious face that left me in shock; he never had the gut to do that. Napapansin ko rin na mas sumeseryoso siya sa klase. Hindi na siya masyadong nag-iingay at talagang itinututok niya ang atensyon niya sa kung ano ang itinuturo ng prof at isa pa, nagsusulat na rin siya ng notes! Kung kailan naman patapos na ang klase. Maganda ang ginagawa niya pero hindi ko maiwasang mag-alala; I know what happened with his family was totally painful but I can't help but wonder if there's any other reason that he's acting this way. Kanina lang ay kausap ko siya, balik na naman sa normal ang pakikitungo niya. Hindi na lang ako nagrereact para naman walang problema. He just kept on telling me to eat dahil wala na naman akong gana ngayon dahil nag-heavy breakfast naman na ako kanina at masama rin ang pakiramdam ko.

Isinubsob ko ang aking mukha sa aking desk at 'saka ko ipinikit ang aking mga mata. Dahil siguro 'to sa pagod. Mula nang matanggap ako sa club ay nagsimula rin agad ang sandamakmak na trabaho dahil may pakulo rin kami sa Valentines' Day. Sa akin naman niya iniatas ang pag-isip ng diskarte para makuha ang atensyon ng mga mag-aaral dito; at wala akong ideya kung paano ko gagawin 'yon!

Napasinghap ako nang marinig ko ang mahinang pagkakalapag ng sa tingin ko ay plato sa gilid ko.

"Samuel, ang sabi ko ay ayaw kong...kumain." Pahina nang pahina kong pagkakasabi nang itaas ko ang ulo ko para tingnan ang taong naglapag ng pagkain sa katabing desk ko.

"Hindi Samuel ang pangalan ko." Kaswal niyang sambit sabay hila ng isa pang upuan at tsaka siya umupo nang nakaharap sa akin.

"What are you doing?"

"I'm going to eat." Aniya; ang tingin ay nasa lunch box na inaalis niya sa pagkakabalot sa isang plastic.

"Doon ka kumain." Turo ko sa upuan niya at 'saka ko isinubsob muli ang mukha ko sa desk.

"Kumain ka rin. May sakit ka 'di ba?"

"It's none of your business." Pabalang kong sagot bago siya muling tiningnan.

"Why are you here?"

"Nasa iisang section tayo, Phi. Besides, take that, I bought that for you. You seriously must eat."

"Kailan pa tayo naging close?"

"C'mon, we've been classmates for years. Mas matagal mo na akong kilala kaysa kay Samuel, kumain ka na lang dahil lalamig na 'yan."

Tinapunan ko ng tingin ang inilapag niya kanina bago kunot-noong ibinalik ang paningin sa kan'ya. Nagsimula na siyang kumain nang hindi man lamang ako dinadaanan ng tingin. Wirdo. Hindi ko maiwasang magtaka kung ano ang mayro'n at nilapitan ako nito; sa tagal naming magkaklase ay ngayon lang kami nagkaroon ng maayos na conversation—kung matatawag itong maayos. Nagpakawala na lamang ako ng malalim na buntong-hininga at kinuha ang pagkaing binili niya. Nagdasal muna ako bago nagsimulang kumain.

Nasa gitna ako ng pagnguya nang biglang magsalita si Phyrus sa harap ko.

"Phi, gusto ko sanang sabihin na—"

"I don't like you." Putol ko agad sa sasabihin niya bago ipinagpatuloy ang pagkain. Ayoko nang may dumagdag pa sa sakit ng ulo ko.

Sandaling nangibabaw ang katahimikan bago dumagundong ang mga halakhak ni Phyrus sa buong classroom na ikinakunot ng noo ko. Tiningnan ko naman agad siya nang masama.

Siraulo ba 'to?

"I didn't know you got some strange sense of humor." Aniya habang tumatawa. Ang sarap punuin ng kanin ang bibig niya ngayon sa kakabungisngis niya.

"What the hell is your problem?" Tiningnan niya ako at kitang-kita mo ang tuwa sa kan'yang mga mata na dulot ng isang hindi malamang dahilan. Ikinalma niya muna ang sarili bago ngumiti sa akin.

"Hindi ko alam na assuming pala si Ms. Chamenos." He chuckled softly but it still seemed like an insulting laugh to me.

Sandali akong natigilan bago inalala ang sinabi niya kanina at ang pagputol ko sa sasabihin niya, "I don't like you."

Ramdam ko ang biglaang pag-init ng mga tenga ko. Napapikit ako at iniyuko ang ulo ko at tsaka sumubo. What the hell...mabuti na lang at kami lang ang nandito dahil nakakahiya!

"As I was saying, maybe we can be friends. Let's start over, can we?"

Hindi ako agad nakasagot para bawiin ang pagkakapahiya. Why did he have to do this in the first place? Gunggong ampugo.

"I am not into friendship right now, mister." Malamig kong tugon at muli ko na namang narinig ang halakhak niya. Sinulyapan ko siya at pinagmasdan kung paanong swabe niyang ipinagkrus nang pambabae ang kan'yang mga binti habang itinungkod niya naman ang braso niya sa lamesa at ipinatong ang kan'yang baba sa kamay sabay tingin sa akin nang may nakakalokong ngisi sa kan'yang mukha.

"Really? Perhaps, you might reconsider if I'll ask you out?" Biro niya pa at sinamaan ko lamang siya ng tingin.

"Just kidding." Umayos siya nang pagkakaupo at sinimulang ayusin ang pinagkainan niya.

"Your offer of friendship was out of the blue. Ano'ng mayro'n?" Bawi ko.

"Bawal bang makipagkaibigan? I have no ulterior motives, I'm doing this out of interest."

"With what?"

"You."

Muling kumunot ang noo ko sa sinabi niya at tiningnan siya sa paraang itinatantsa ang maaaring motibo niya sa paglapit sa akin at muli lamang siyang humalakhak kaya umirap lamang ako bago tumayo.

"Stop fooling around."

"Are you returning the plate?" Tumayo rin siya nang makita akong pumihit papunta sa pintuan.

"Obviously."

"I'll go with you."

Hindi na lamang ako sumagot at hinayaan siyang sundan ako papuntang Canteen. I can see him walking casually in my peripheral sight. His hands are tucked in his pockets and his head is being held high na akala mo ay haring naglalakad sa isang red carpet gayong pareho naman kaming baguhan sa paaralang 'to.

Habang naglalakad ay naririnig ko rin siyang sumisipol ng pamilyar na kanta na siya sigurong dahilan kung bakit naaagaw niya atensyon ng mga taong madadaanan naming. Wirdong tunay.

"Itigil mo 'yan." Irita kong saway.

"What? I'm not doing anything." Inosente niyang sabi na ikinakunot ko na lamang ng noo.

Kahit malapit nang matapos ang lunch break ay marami pa ring nagkukumpulan sa canteen. Kaliwa't kanan ang ingay at mukhang hindi man lamang iniinda ng kasama ko ang lahat ng 'yon. Dumiretso ako sa station kung saan inilalagay ang mga platong ginamit na; doon na lang kasi kinukuha ng mga staff iyon bago dalhin sa kitchen, nagpaalam naman si Phyrus na may bibilhin daw muna and I couldn't care less. Nang maipatong ko ang plato sa mga huhugasan ay hindi ko na siya hinintay at nagtuloy-tuloy na lamang sa paglalakad. Narinig ko ang pagsigaw niya sa pangalan ko ngunit hindi ko siya pinansin at walang lingon-lingong tinahak ang daan pabalik sa classroom.

Napapikit ako at napatigil sa paglalakad nang bigla akong tamaan ng konsensya nang maalala kong binilhan niya ako ng pagkain at hindi ako nakapagpasalamat. I didn't tell him to do so but, he did it out of courtesy and I should still thank him for that. Pumihit ako para sana balikan siya pero may kamay na biglang nagpahinto sa akin sa pamamagitan nang paghawak nito sa noo ko.

"Mainit ka!"

Tiningnan ko si Phyrus at mahinang itinabig ang braso niya.

"Duh? Don't touch me."

Tiningnan niya lamang ako ng may pagtataka bago ako inabutan ng chocolate drink.

"Ano 'yan?"

"Duh? Inumin." Panggagaya niya pa sa tono ko.

Inirapan ko na lamang siya bago kinuha ang inumin at sinserong nagpasalamat sa kan'ya.

"Salamat din sa pagkain." Ngumiti lamang siya bilang tugon.

Pabalik na kami sa classroom nang biglang may humila sa braso ko at itinago ako sa likod niya.

"Hoy, ano ginawa mo kay Phi?" Bulyaw ni Samuel kay Phyrus ngunit sinuklian lamang siya nito ng malamig na titig bago ako sinulyapan. Humarap naman si Samuel sa akin at hinawakan ako sa magkabilang braso. Ibinaba niya ng kaonti ang ulo niya at ipinantay ito sa akin bago ako tinitigan nang diretso sa mata.

"Bakit magkasama kayo?"

"Don't overreact, he just treated me lunch."

"Tapos no'ng pinapakain kita, ayaw mo?" Malumanay niyang sabi.

"Ano ba'ng problema mo? I had no choice, he already bought the food. I can't just let it go to waste." Kaswal kong sagot. Ano na naman bang problema nito?

"Ikalma mo utak mo. She's sick, take her to the clinic." Pahabol pa ni Phyrus bago nagsimulang umalis.

Narinig ko ang mahinang pagtikhim ni Samuel na naroon pa rin sa posisyon niya kanina, "You don't have to tell me." Nakapikit niyang sabi.

Nang imulat niya ang kan'yang mga mata ay sinalubong nito ang titig ko bago hawakan ang noo ko.

"Mainit nga." Umayos siya ng tayo at hinawakan ang braso ko. Agad ko naman itong binawi at matalim siyang tiningnan.

"I can walk on my own." Angil ko pa ngunit tiningnan niya lang ako at hinila muli ang braso ko.

Tahimik lang kaming naglakad papunta sa clinic at hinayaan ko na lang siya dahil mukhang wala na naman sa mood ang mokong, dinaig pa ang may regla sa pagkamoody. Nang makarating kami sa clinic ay doon niya naman ako tinadtad ng Bakit hindi mo sinabing masama pakiramdam mo?, Kailan pa 'yan?, Ano na naman ba pinaggagawa mo?, at kung ano pang ka-OA-yan habang inaasikaso ako ng nurse doon. Nang makainom ako ng gamot ay doon naman siya tumahimik. Pambihira, gusto lang siguro nito ng audience para ipamukhang matigas ang ulo ko.

"Kailan pa kayo naging close?" Pagbasag niya sa katahimikan. Nando'n na naman ang himig ng pagkaseryoso sa tono niya.

"Hindi kami close."

"Bakit kayo magkasama? Binilhan ka pa niya ng pagkain at inumin." Mahina siyang napatawa sa huling pariralang sinabi niya.

"Hindi ko alam. Siya ang tanungin mo dahil siya ang lumapit."

"Hinayaan mo naman." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"What the hell is wrong with you? Why do I have to explain myself, anyway?!" Naiirita kong sabi. Parang sinasabi niya pang hindi ko dapat pinakisamahan 'yong tao.

Natahimik siya bigla at biglang lumumanay ang ekspresyon ng mukha niya. Napayuko siya at nakita ko ang pagkuyom ng kamao niya ng ilang sandal bago ito kumalma.

"I'm scared."

"Of what?"

"Of losing you." Natigilan ako; hindi malaman ang sasabihin.

"Nasasaktan din ako. Nasasaktan ako at hindi ko p'wedeng isisi sa 'yo 'yon. I'm hurt and all I can do right now is be hurt." 'Eto na naman ang mga panahong nagbibitaw siya ng mga salitang umuubos sa kakayahan kong sumagot.

"Mahal kita pero alam kong hindi 'yon sapat na dahilan para mahalin mo ako pabalik at," huminga siya nang malalim at nanlulumo akong tiningnan bago itinuloy ang sasabihin, "at natatakot akong baka mahanap mo ang dahilang 'yon sa ibang tao at iwanan mo 'ko para sa kan'ya."

"Samuel, alam mong hindi ko kayang magmahal."

"Then please, tell me. How can I make you love me?"