webnovel

You Are My Now.

Alli came in their office later that day. Halos ayaw pa siyang pakawalan ni JV but she insists on going to work. Hinatid lang siya ni JV sa opisina saka nagpaalam ito na uuwi muna sa sariling bahay.

She arrived at the office with a very blooming aura. Elai was there at binati niya ito nang pumasok sa opisina nila.

"Hi. So sorry I am late," she said smiling as she hurriedly sit on her table. Nakasunod ng tingin sa kaniya si Elai. Elai had this mischievous look na para bang may kakaiba sa kaniya as she enters the room.

"You look extra blooming today. Fresh na fresh ang aura mo ah," turan nito na nakatitig pa rin sa kaniya.

She shyly smile. Saka pabirong inirapan lang si Elai.

"Hindi ba pwedeng nakatulog lang ng maayos kagabi? Kahit papano I had more than 8 hours sleep kahit pa pumapasok ako ng weekend ngayon," she said.

Elai raised an eyebrow as she gave an even more mischievous grin. "Nakatulog ng maayos ba talaga o nasa whipped era na?"

May lahing manghuhula ba ang mga kaibigan ni JV o sadyang malalakas lang ang mapanuksong instincts ng mga ito? Did JV told them already? She shrugged. Nahihiya siyang maunang umamin. JV should tell it to his friends first.

"Kung tutuksuin mo lang ako maghapon sana di na lang ako pumasok," pairap na turan ni Alli.

"Did you know he specifically called me out in our GC?" sabi pa din ni Elai. Nawala ang ngiti ni Alli. Elai laughed at her reaction. "He said, Elaija, it's Saturday! Do you really need Alli to work today?" she told trying to imitate JV's voice in a cartoonic way.

Alli smirked.

"He insisted not to let you work today. I told him to back off pero inaaway akong lalo," pagmamaktol ni Elai.

"What time did he message you?"

"Early this morning. Right after you message me that you'll come in late. Magkasama ba kayo magdamag?" Diretsang tanong nito na hindi agad siya nakahuma.

"W-what?" nasabi na lang niya.

"JV was never this annoying before. Pero lately, naiinis ako sa mga pangungulit niya sakin in regards sayo. Grabe makabakod ang loko. Kala mo boyfriend kung makaasta eh hindi nga makaamin sayo!" Elai sounded really irritated. Pero natawa siya sa revelation nito sa kaniya.

She just laughed at what Elai was ranting.

"Did he drop you off today?" tanong pa rin nito.

Tumango lang siya. Baka mapasobra ang sagot niya.

"Kaya siguro nagrereklamo papasok ka ngayon. Hay naku, Alliyah, tama lang na pag-effortan ka niya. Kasi malapit ko ng masapak yang siraulo na yan!" ani pa nito.

Ngumiti lang siya. Hinarap na niya ang laptop at akmang nagsisimula ng magtrabaho.

Elai kept looking at her tila may sinisipat itong kung ano sa kaniya.

"Why are you silent?" tanong nito na may paniningkit pa ng mata.

"Huh?" aniya in an awkward facial expression.

"There's really something different about you," turan pa rin ni Elai.

She awkwardly laugh. Trying hard to hide out her embarassment. Wala naman siyang balak itago sa mga kaibigan ni JV ang tungkol sa kaniya. It's just that nahihiya siyang sa kaniya maunang malaman ng mga ito.

"Can we work now? Nauumay na rin ako sa kakatukso niyo sakin kay JV. Like you said, hayaan muna natin siyang mag-effort," pag-iwas niya.

Elai just looked at her meaningfully pero hindi na ito nagsalita. Iniwas na lang niya ang tingin and looked at the laptop to hide. Nahuli niyang iiling-iling na lang si Elai habang itinutuon ulit ang atensyon sa trabaho.

Mag-aals tres ng hapon nang dumating si Thor, JV, Matt and Red sa opisina nila. Kasalukuyang nagbibrainstorm silang dalawa regarding sa proposal para sa isang kliyente. Alli was standing behind Elai's desk looking over sa laptop kung saan ineedit nila ang proposal.

Dire-diretso lang ang apat na pumasok sa opisina nila. Bahagyang binati lang sila ng mga ito. Red and Matt sat on the couch. SIi Thor ang unang lumapit sa lamesa nila but sat in front of Elai's desk. And to everyone's surprise, lumapit sa kaniya si JV, hugged her from behind saka itinukod ang baba sa balikat niya.

Nagulat din siya sa inakto ni JV. But napatingin na lang siya sa mga kaibigan nito.

"What the heck?!" Elai reacted.

Red and Matt just laughed softly habang napatanga naman si Thor.

"Wag mong sabihing boyfriend mo na 'tong siraulong 'to?" nanlalaking mata na turan ni Elai.

Nakagat lang ni Alli ang labi as she suppressed a shyfull smile.

"You're acting like you are against it," sarcastikong turan ni JV.

"Tapos na pala ang torpe era ng tropa ko. Tell us Alli, pano ka napasagot niyang mokong na yan?" ani Matt.

"I'll bet Thor's fortune, dinaan lang yan sa fastbreak. Wala ng time out," ani Red.

"Can't you just be happy for us? Salamat sa suporta ha?" ani JV.

Matt took out his phone, and took a picture of JV and Alli in back hug position. "We need proof for everyone, na hindi na single ang brader ko," he said as he sent the pic in their GC.

"Kasasabi ko lang Alli, milk him longer. Tapos kayo na pala," reklamo pa din ni Elai.

Napapailing na natatawa lang si Alli. "Pwede ba? Tumigil na kayo!" Hinarap nito ang nobyo. "And ikaw, alam kong clingy ka, showy at sobrang proud, pero kumalma ka. Nagtatrabaho kami dito. Masyado kang nakaabala na."

Napabitiw sa kaniya si JV at inangat ang mga kamay na tila sumusuko.

"Kung magstistay kayong apat dito, sit there and behave yourselves. We have a lot of things to finish unless you want to help," ani Alli. Elai smiled and nodded as the four boys shut their mouths and looked at each other. JV walked towards Red and Matt and sat also sa sofa.

"Bakit ba kasi nandito na naman kayo?" Tanong ni Elai.

"Hindi ko na ba pwedeng makita ang fiancée ko?" Ani Thor.

"I'm waiting for Terrenz, eh tinawagan ako nito. So dito na ko maghihintay," ani naman ni Red.

"Nahila lang din ako, don't ask," sagot naman ni Matt.

"Hindi pa ba kayo matatapos? Elai it's Saturday and mag-aalas tres na. Don't tell me, buong araw talaga kayong magtatrabaho?" sabi ni JV.

"We're almost done, 'no! Nang-aabala lang kayo," sabi ni Elai na pinanlakihan pa ng mata si JV.

"Asan na ba tayo?" ani naman ni Alli na akma ng binalik ang atensyon sa ginagawa. They started to get focus ulit sa trabaho. Lingid sa dalawa, may lihim na pinag-uusapan na pala ang apat. And to their suprise, biglang tiniklop ni Thor ang laptop na kaharap nila.

"Babe!"

"Arthuro!"

Sabay na sigaw ni Alli at Elai. Thor just give out a peace sign at nagtawanan ang apat na lalaki.

"Comm'on, Babe, I know it's important but it can be done on Monday. Let's go home. Isang linggo ka ng busy. You have dark circles under your eyes. Mgagalit na ko sayo," ani Thor sa nobya.

Elai pursed her lips, at pinaningkitan ng mata ang nobyo. But she admits na tama si Thor sa sinabi nito. She's looking forward to have a break na rin. The week was so exhausting. Pasalamat talaga siya that Alli was there. Pero di niya naisip na nadadamay niya na ito sa pagod niya.

She looked at Alli. And give in sa sinabi ng nobyo.

"Hindi tayo titigilan ng mga ito. I think, we better call it a day. Anyway, ito na lang naman ang pending natin. We can do this on Monday," ani Elai sa kaniya.

She rolled her eyes saka bumuntong hininga saka tumango. Lumayo na siya sa lamesa ni Elai saka tinungo ang sariling desk.

"Ano bang meron?" tanong ni Alli as she starts fixing her things.

"We will have dinner at Buboy's and Wallen," sagot ni Matt. "Para sa initiation mo," biro nito.

Napatingin dito si Alli then at JV as if determining if Matt was saying is true. JV just smiled at her.

"Wallen didn't tell you that there's initiation to be part of Warrior Five Elite?" dugtong pa ni Red.

Napatingin din siya kay Elai tila ito naman ang tinatanong. But Elai was just grinning widely tila nakikisakay sa apat. She had to admit medyo kinabahan siya.

JV stood up, lumapit sa kaniya and cupped her face. "Don't worry. I believe you can get through. I am your shield, walang magagawa yang mga yan if I choose you," he planted a soft kiss on Alli's lips.

"Ewww, Julio Vicencio! Ang cringey!" sita ni Elai.

But JV hugged her tighter na tila iniinis pa ang mga kaibigan. Nahihiyang napasubsob na lang siya sa dibdib ng nobyo.

"Can we go now? Bago pa ko magtiklupan ang daliri ko sa kabaduyan nitong kaibigan ko," ani Matt na naunang lumabas ng opisina nila ni Elai.

Iiling-iling na napasunod na lang si Red. JV held her hand saka sumunod kay Red.