webnovel

WANTED PROTECTOR

When the protector of the law became the protector of the lawless. --- Gian Villareal, a PDEA agent, became a valiant protector of the law after completing his mission. But he became the bodyguard for Ellah Lopez, a stone-hearted heiress and unexpectedly fell inlove with her irreversibly. Circumstances forced him to learn a hideous truth, which led to him being chased down by the enemy and losing everything, including his name. But he returned with a new identity, rage in his heart and vengeance on his mind. He utilized deception extensively in the game of war he had to win.

Phinexxx · 都市
レビュー数が足りません
107 Chs

Chapter 67 - The Changes

Matamang nakatingin sa kanya ang mag-ama.

Umiling ang binata.

Mas lalong nagtaka ang mga ito dahil sa kanyang pag-iling.

"Kumain na lang ho muna tayo."

Hindi na umimik ang mga ito  at nagpatuloy sila sa pagkain.

Habang kumakain pinag-iisipan niya ang mga dapat sabihin sa mag-ama.

Nang matapos kumain ay nagsalin ng wine si Isabel sa mga baso nila.

"Pwede na ba nating pag-usapan ang tungkol doon Gian?" ani Isabel na sumimsim ng red wine mula sa hawak nitong baso.

Uminom siya ng wine ngunit bago pa man makapagsalita ay inunahan na siya ni mang Isko.

"Paano mo magagawa 'yon kung hindi ka naman bigating tao?"

Natahimik ang binata.

Unang-una sa patakaran ng club ay ang pagiging mayaman.

At ngayon ay masasabi niyang siya ay...

Mayaman.

Sa ginawa ni Delavega ay nangyari ito sa kanya, nakilala ang kamag-anak at nalaman ang kanyang tunay na katayuan sa buhay.

Gano'n pa man ay hindi siya magpapasalamat dito dahil kung hindi nito ginawa ang gano'n sa kanya ay hindi siya mahihiwalay sa pinakamamahal na kasintahan at hindi magtatago.

"Kung hindi ka mayaman ay sana malaman namin ang mga plano mo, nagtutulungan tayo dito Gian huwag mo namang akuin lahat, " pagpapatuloy ni mang Isko.

"Tay, kahit ako man ay naguguluhan pero magtiwala na lang po tayo kay Gian.

Hindi niya tayo ipapahamak."

"Naroon na ako pero nakakapagtaka lang."

Tinatantiya niya ang matandang kaharap.

"Hindi niyo ho ba ako pinagkakatiwalaan?"

Hindi nakasagot si mang Isko.

"Tay?" Nasa tono ni Isabel ang pagbabanta na tila ayaw nitong ma disappoint ang binata.

"Nagtitiwala ako Gian, kahit nga anak ko ipinagkakatiwala ko sa'yo  alam mo 'yon pero hindi mo ba pwedeng sabihin kung ano ang dahilan paano ka makakapasok doon?

Kailangan kasi roon ay isa kang bilyonaryo dahil kung hindi natatakot ako sa naiisip mo."

Nabanaag niya ang pangamba sa mukha ni mang Isko.

Sinulyapan niya si Isabel at kitang-kita niya ang tuwa nito.

" Sa ginagawa mo ikaw ang hindi nagtitiwala sa amin."

Napalunok si Gian at yumuko.

Dahil sa nangyari sa kanya at nakasanayang trabaho noon hanggang ngayon ay ang magtiwala ang pinakamahirap niyang gawin.

Tatlong tao lang ang pinagkakatiwalaan niya sa buhay.

"Marami kang lihim at hindi namin alam ang mga pinaplano mo."

Nararamdaman niya ang pagtatampo at lungkot sa boses ng matanda.

Ang mga ito ang nagligtas sa kanya sa panahong muntik na siyang mapahamak, hanggang ngayon ay kasama niyang lumalaban ang mag-ama sa pagbabagsak kay Delavega.

Siguro nga sapat ng dahilan 'yon para magtiwala ng lubos sa mga ito.

"Gano' n pa man kung hindi mo maipapaalam ang mga plano mo sana lang ay hindi mapapahamak ang anak ko. Ikaw lang ang tangi naming pag-asa Gian kaya sana maintindihan mo ang takot nararamdaman ko."

Huminga ng malalim ang binata.

Kailangan ng malaman ng mga ito ang totoong nangyari sa kanya.

"Ang totoo, nanggaling ako sa pamilya ko. Ang pamilya Villareal ay..." tumingin siya sa mag-ama na naghihintay ng kanyang sasabihin.

"Bilyonaryo."

Sabay na nanlaki ang mga mata ng dalawa at napanganga.

"Pumunta ako para kunin ang mana ng ama ko."

"I-ibig mong sabihin bilyonaryo ka?" si mang Isko na nanlalaki pa rin ang mga mata.

"OH MY GOD!" Napapatayong sambit ni Isabel kasabay ng pag-iling.

"T-totoo ba 'yan? "

"Totoo ho mang Isko. Pumunta ako ng hapon at kinagabihan bumalik ako dala ang pamana."

"Ibig mong sabihin isang gabi mo lang nakuha ang mana mo?" si Isabel na napalapit sa kanyang kinauupuan.

Tumango ang binata.

"Unbilibabol!" sambit ni mang Isko sa matigas na ingles.

Natawa siya sa mag-ama.

"Believe it, kaya nating pumasok sa club na 'yon at itataob ko ang kalaban."

Napatango-tango nang wala sa sarili si mang Isko habang napapailing si Isabel.

Hindi nga naman kapani-paniwala ang kanyang sinabi kaya' t may dinukot siya mula sa pitaka sa loob ng pantalong suot.

" Ebidensiya sa sinasabi ko. "

Inilabas niya ang isang black card na nakapangalan kay don Manolo kasama ng ibinigay nito.

"T-totoo nga!" napansin niya ang panginginig ng kamay ni Isabel nang hawakan ang card na 'yon.

Maging siya ay hindi pa rin makapaniwala na nangyari ito sa kanya ngunit nasa harap niya ang ebidensiya.

Ang patunay na isa nga siyang mayaman at apo ng isang don Manolo Villareal!

"Anong plano mo ngayon Gian? Paano natin papasukin ang club?" si Isabel na hindi humihiwalay ng tingin sa kanya.

"Hindi pwedeng ako ang maging front sa mga gagawin ko dahil alam naman nating hindi ako malaya at wanted ako, kaya gagamit ako ng ibang tao upang mag representa sa akin."

"Ha? Sino naman 'yon?" naguguluhang tanong ni mang Isko.

Nahagip ng kanyang mga mata ang makahulugang tingin ni Isabel na para bang alam na nito ang pinupunto niya.

"Kayo 'yon mang Isko."

"Ha?" mas lalo naman itong

naguluhan.

Ngumiti ang binata upang makaramdam ng kapanatagan ang matanda.

"Sa lahat ng plano ko kayo ang gagawa dahil hindi pwedeng ako.

Una na roon ang pagbili ko ng mga properties na magiging pag-aari ko ay kayo ni Isabel ang dapat mamili."

Unti-unting napatango si mang Isko.

"Bibili ka ng ari-arian?" si Isabel 'yon.

"T-talaga? Anong bibilhin mo? Bahay ba lupa?" namimilog ang mga matang tanong ng matanda.

"Hindi ho' yon mang Isko mga kumpanya ho."

"Bakit ka bibili?" si mang Isko pa rin.

"Kailangan, dahil isa sa patakaran ng club ay mayroong pag-aaring negosyo ang isang miyembro at hindi sapat na mayaman ka lang.

Kailangang may negosyo o kumpanya ka sa loob ng Zamboanga Peninsula," paliwanag ng binata.

"Oo isa 'yon sa patakaran, pero bukod doon iimbestigahan din nila ang background mo kung talaga pang papasa ka bilang miyembro nila," dagdag ni Isabel.

"Problema yata ' yan?" si mang Isko na naiintindihan na ang takbo ng usapan.

"Hindi pwedeng malaman nilang ikaw 'yon Gian."

"Kaya magpapalit ako ng bagong pangalan at katauhan."

Napanganga ang dalawa.

"P-paano mo gagawin' yon?" si mang Isko.

"May kamag-anak akong makakatulong sa akin pagdating sa bagay na 'to."

"Ano ang magiging pangalan mo? May naisip ka na ba?" ani Isabel na parang excited na.

"Ang middle name ng ama ko ay Acuesta.

Gerardo Acuesta Villareal. Ang ina ko ay Anna Marasigan Villareal. Gusto kong gamitin ang Acuesta kaya lang wala pa akong naisip na pangalan."

"Gian Acuesta. Bagay," nakangiting turan ni Isabel.

Umiling siya.

"Kapag nagkaroon ka na ng bagong pangalan 'yon na ba ang magiging batayan mo sa lahat?"

"Hindi, magpapagawa ako ng isa lang na identification card bilang pagpapakita lang ng katibayan."

"Kailangan ba talagang magpalit ng pangalan at katauhan?" nag-aalalang tanong ni mang Isko. 

Huminga ng malalim ang binata.

Kung hindi bigatin ang kalaban ay madali lang itong pabagsakin ngunit matigas ito dahil mambabatas bukod pa sa makapangyarihan na, maimpluwensiya pa.

Nagawa nitong patahimikin ang mga kasong kinasasangkutan nito at binaligtad ang kaso, siya na ngayon ang nagtatago.

Napailing ang binata at pingilan ang naramdamang poot.

"Kailangan ho. Ito lang muna ang magagawa ko upang mapantayan ang kalaban."

Huminga ng malalim ang mag-ama.

"Palagi kaming nandito Gian,   asahan mong lagi mo kaming maaasahan sa lahat ng kailangan mo."

"Salamat ho mang Isko. Kailangan ko talaga ang tulong ninyo."

"Sabihin mo lang."

"Ano bang plano mo ngayon Gian?" si Isabel.

"Magpapalit ako ng pangalan at bibili ng ari-arian sa Pagadian City."

"Bakit sa Pagadian?"

"Doon maraming establisyemento na pwedeng bilhin ng mabilisan."

"Gian, isang linggo ang natitira bago mag anibersaryo at dapat isang araw bago ang anibersaryo ay magiging miyembro ka na ng organisasyon. Paano mo magagawa sa loob ng anim na araw ang pagbili ng ari-arian?" si Isabel na nag-aalala at nagtataka.

Pinagmasdan niya ang mag-ama na naghihintay ng kanyang sagot.

Kagabi naiisip na niya ang bawat hakbang na gagawin kung paano makapasok sa naturang organisasyon hanggang sa paglapit kay Delavega.

Mataman niyang pinagmasdan ang mag-ama.

Hindi siya nakakatiyak sa naiisip ngunit ito ang pinakamabisang paraan.

"Ang bibilhin natin ay ang mga palugi ng kumpanya.

Mga nahihirapan ng makakabangon o hindi kaya ay ang mga wala ng mag-aasikaso sa negosyo.

Mabilisan ang pagbebenta niyan."

"Palugi? Eh hindi kaya tayo malulugi niyan?"

"Hindi muna 'yan ang pagtutuunan ko ng pansin, ang mahalaga magkaroon ako ng pag-aari at makapasok sa organisasyon."

"Pero para ka lang nagtatapon ng pera sa gagawin mo!" naiiritang singhal ni Isabel.

Napatingin siya rito.

"Bakit may naiisip ka bang pinakamabilis na paraan bukod sa naiisip ko? Sa palagay mo ba may magbebenta ng matinong kumpanya sa loob lang ng anim na araw?"

Natahimik ang babae.

"Isa pa hindi sapat na isang kumpanya lang ang hawak ko ordinardyo lang 'yon.

Kailangang lima hanggang sampung kumpanya."

"Ang dami nga kung palugi naman anong silbi no' n?" tutol pa ring wika ni Isabel.

"Anak, hayaan mo na si Gian. Alam niya ang ginagawa niya."

Nabuhayan ng loob ang binata.

"Kapag nagawa na nating tapusin ang paghahari ng mga Delavega ay madali na lang bawiin ang mga paluging kumpanya basta may pera ka lang.

Walang hindi nagiging madali kapag pera na ang kumilos."

Natahimik ang mag-ama.

Isa lang ito sa mga plano niya ngunit hindi ito matutupad kung hindi niya mababago ang pangalan at katauhan.

"Pero bago ang lahat, kailangang makalipat muna tayo ng ibang tirahan."

"Iyon ang tama!" masiglang wika ni mang Isko.

"Hep! Hindi 'yan ang pinakaunang dapat gawin guys," ani Isabel na nangingiti.

Napatingin si Gian sa babae.

Masaya na ito na parang walang ginawa.

Kanina pa sila nag-uusap ngunit wala ba itong balak humingi ng tawad sa ginawa?

Bakit parang kinalimutan na nito ang atraso nito sa kanya?

Oo nga at napatawad na niya ngunit iba pa rin kung hihingi ito ng dispensa at mangakong hindi na uulitin pa.

Walang ganoong sinabi ang babae mula kagabi hanggang ngayong tanghali na lang.

"Anong unang dapat gawin?" seryoso niyang tanong dito.

Hindi ito sumagot at tinitigan  ang kanyang mukha.

Nakaramdam ng pagkailang ang binata kaya't bahagya siyang yumuko.

Tumawa si Isabel sa kanyang inakto.

"Pinakauna mong gawin ay baguhin ang anyo mo, ang mukha mo."

Umangat ang tingin niya sa babae.

"Marami ng nakakakilala sa'yo dahil tanyag ang kalaban mo Gian.

Kaya dapat magbago ka ng imahe.

Change image, palitan natin 'yan nang halos kabaligtaran sa buong ikaw."

"Paano?"

Ngumisi ang babae.

"Trust the expert!"

Hindi na siya tumutol pa.

Dinala siya nito sa isang men and women salon.

Ngunit sinigurado niyang walang makakakilala sa kanya sa suot na shades at itim na sumbrero na may kasamang black mask sa bibig.

Naka blue sweat shirt siya, maong pants at black rubber shoes. Si Isabel naman ay naka blue sleeveless at maong mini skirt at black flat shoes, pero lahat ng naroon ay napalingon pagkapasok nila.

Buti na lang kakaunti ang mga tao dahil papagabi na.

Sinalubong sila ng isang bakla na nagningning ang mga mata pagkakakita sa binata.

"Madam! Sir! Unsa'y ato? Magpakulot ka madam?"

Umiling si Isabel.

"Dili ra, kining akong kauban ang mag pa new look," nakangiting hinawakan ni Isabel ang kanyang braso.

Lumipat ang tingin ng bakla sa kamay ni Isabel na nakakapit sa braso ni Gian.

"Oh!" lumipat ang tingin ng bakla sa kanya. "Sure! Unsa ma'y inyong gusto?"

Kahit paano ay naiintindihan naman ni Gian ang pinagsasabi ng kausap.

Si Isabel ang sumagot.

"Tagalog siya.

Make his hair blue, brush up style. Everything that can change his looks!"

Muling tumingin ang bakla sa kanya.

"Bagay! Ako ng bahala sa kanya madam! Upo muna kayo sir!"

Bahagyang lumapit si Isabel at mahinang nagsalita.

"Medyo mahiyain 'to kaya pwede ba sa, dulo lang siya?"

"Sure! Sandali lang ha? Upo muna kayo."

Itinuro nito ang sofa at iniwan sila.

"Thank you!" nakangiting wika ng babae.

Umupo silang magkatabi ni Isabel sa isang mahabang sofa ngunit hindi na nito tinanggal ang kamay sa kanyang braso at naiilang siya.

Hindi naman niya maderekta ang babae dahil bastos ang dating no'n.

Hinintay na lang niyang alisin ng babae ang kamay sa braso niya ngunit sa halip ay mas dumikit pa ito sa kanya.

Inilibot na lang niya ang tingin sa kabuuan ng salon.

Maaliwalas at malawak naman ito.

Hindi na rin nakatitig ang mga tao sa kanya roon may paminsan-minsang sumusulyap sa kanya kaya inayos niya ang mask sa bibig na natatakpan din ang kalahati ng kanyang ilong.

"Okay ka lang?"

Tumango siya at sumulyap sa kamay ng babae na nakakapit pa rin at sa halip na alisin ay mas dumikit pa ito sa kanya at bumulong malapit sa kanyang tainga.

"Pagkatapos nito magbabago na ang anyo mo. May naiisip na rin akong babagay na pangalan sa bagong ikaw."

Napatingin siya rito. May naiisip na rin siya ngunit gusto niyang malaman kung ano ang naiisip ng babae.

"Ano 'yon?"

Ngumiti ito at umiling.

"Mamaya na kapag nabago na ang looks mo."

Tumango lang siya at naghintay na bumalik ang bakla.

Ilang sandali pa ay bumalik na nga ito at hinarap sila.

"Dito tayo sir?" anang bakla at itinuro ang pinakadulong pwesto.

Agad siyang tumayo kaya napa bitiw ang kamay ni Isabel sa kanyang braso.

"Just wait here," aniya sa babae at sumunod sa bakla.

"Sure! Alis muna ako sandali may bibilhin lang ako," nakangising wika ng babae at humakbang palabas.

"Sige."

Pinaupo siya ng bakla sa upuang inihanda nito at nilagyan ng takip ng mahabang itim na tela ang katawan niya bilang proteksyon sa buhok na malalaglag.

"I'm gonna make you hot and so handsome guy!" nanliliit ang mga matang wika ng bakla na nakatingin sa kanyang reflection sa salamin.

Napangiti si Gian at umiling.

Sinimulan nito ang gagawin sa kanyang buhok.

At siya nagsimulang pumikit at nag-isip sa kasintahan.

Kahit pa mag-iba ang kanyang anyo at katauhan ay mananatili ang kanyang puso para lamang sa kasintahan.

Sabik na sabik na siyang makita ito at mayakap.

Masamyo ang mabango nitong amoy na nakasanayan na niya.

Na mi-miss na niya ang pagtataray nito at paglalambing.

Mga ngiti nitong minsan lang niya nasisilayan.

Ilang linggo na silang hindi nagkikita at tinitiis na lang niya ang lahat.

Mariing naipikit ng binata ang mga mata.

Kahit matagal na silang hindi nagkikita ni Ellah ay hindi niya ito ipagpapalit sa kahit kanino.

Alam niyang madali siyang makakakita ng iba lalo pa at nandiyan palagi si Isabel.

Mabait ang babae at halata niyang may gusto na ito sa kanya unang pagkikita pa lang nila subalit hindi niya 'yon binigyang pansin.

Humahanga siya rito dahil iisa ang hangarin nilang mapabagsak ang kalaban.

Si Ellah ang naging dahilan kaya naging kalaban niya ang mga Delavega.

Si Isabel ang tumutulong upang mapabagsak niya ang mga Delavega.

Ang hangarin niyang mapagbagsak ang kalaban kasama ang kasintahan ay napalitan ng iba.

Ngunit gano' n pa man hindi nito kayang pantayan ang pagmamahal niya kay Ellah.

Ang tunay na pag-ibig ay hindi natitibag sa kahit anong klaseng tentasyon.

Hindi ito magigiba ng kahit anong sitwasyon.

'Mananatili itong tapat sa minamahal at ganyan ang pag-ibig ko.'

---

Habang papalapit ang anibersaryo ay aligaga na si don Jaime sa mga pinaplano nito, minsan samantalang si Ellah ay walang pakialam.

Minsan pang nahuhuli niya itong may kausap sa cellphone na parang isa sa tauhan yata nito.

Hindi siya interesado sa naturang pagdiriwang dahil wala namang magandang mangyayari.

Wala.

Kaya ang abuelo ang nag-aasikaso sa lahat siya naman ay sa kumpanya nila nakatutok.

Kasalukuyan siyang nasa meeting at nagrereport ang mga tauhan nila.

Pansamantalang siya ang acting President habang wala pa ang President na si Gian.

Ginagabayan naman siya ni don Jaime kaya kahit paano ay nagagawa niya ng maayos ang trabaho.

Subalit may ibang opisyal na dumederekta sa kanyang abuelo at hindi na dumadaan sa kanya.

Hinahayaan niya na lang kahit na napapahiya na siya.

Minsan naririnig pa niya ang usap-usapan ng ibang tauhan.

"Bakit kaya nilalagpasan ng ibang opisyal si Ms. Ellah? Ang tapang ng loob nilang dumerekta kay Chairman ano?"

"Eh kasi raw mahina ang apo at babae pa baka raw pumalpak ang mga desisyon."

"Sus! Anong magagawa nila eh sa babae ang tapagmana?"

Hanggang ngayon ay kwestyon pa rin ang kasarian at kakayahan niya.

Madalas niya ring naririnig ang mga masasakit na salitang nagmumula sa bibig ng mga taong pinagkakatiwalaan nila.

"Kung wala kaya si don Jaime ano na kayang mangyayari sa kumpanya?"

"Sssh marinig ka!"

"Totoo naman ah? Umaasa lang siya lahat sa desisyon ng chairman ni wala siyang sariling desisyon para sa kumpanyang ito!"

Walang alam ang mga ito na siya ang nagdedesisyon dahil hindi naman niya ipinapaalam ang mga desisyon niya ng derekta, dahil ikinukunsulta niya ang lahat ng plano sa abuelo.

Palagi naman itong sinasang-ayunan lang ng chairman.

Kaya ang akala ng iba ay umaasa lang siya.

"The income for this month..."

Nabalik siya sa kasalukuyan

nang marinig ang nagrereport.

"... is Five million three hundred thousand and fifty pesos less expenses of One million two hundred thousand and two hundred thirty pesos the net income is Four million ninety nine thousand and eight hundred twenty pesos."

Nagpalakpakan silang lahat sa sinabi ng tauhan.

Sumandal siya sa kinauupuan at nakinig sa iba pang nagrereport.

Maayos naman ang takbo ng trabaho ayon sa mga report ng mga tauhan.

Nagbalik ang kanilang operation sa ilalim ng kanyang pamamahala.

Wala namang malaking issue roon dahil acting president lang naman siya walang kwestyon doon.

Iniisip ng lahat na pansamantala lang ang kanyang pamamahala at sa pagbabalik ng tunay na may-ari ng posisyong hinahawakan niya ngayon ay saka lang magbabalik ang tunay na operasyon ng kumpanya.

Saka pa lang magkakaroon ng tunay na hamon laban sa mga opisyal na naghihintay lang ng pagkakamali ng pinili ng chairman.

Ngunit habang wala pa ang tunay na may-ari ng posisyong ito ay siya muna.

Siya lang at walang iba!

Pagkatapos ng iba pang positibong report ay tumayo siya at nagpasyang tapusin ang meeting.

"Alright, thank you for the report ladies and gentlemen.

I am happy.

Keep it up para sa atin din naman ang lahat ng ito.

So," huminga siya ng malalim bago nagsalitang muli.

"This meeting is-"

"Wait Ms."

Napatingin siya sa isa mga opisyal.

"Yes?" pormal niyang tanong.

"Malapit ng mag-isang buwan na wala ang Presidente hindi kaya nararapat nang pumili tayo ng iba bilang kapalit niya?"

Agad uminit ang dugo ng dalaga sa dalawang dahilan.

Una hindi nito dapat sinabi ang gano'n dahil kabastusan 'yon sa parte niya bilang tagapagmana.

Siya ang dapat kapalit.

Pangalawa hindi siya papayag sa suhestyon nito.

" If the President cannot do his responsibility I, as the successor will do. We don't need anyone but me, " deretsong tugon niya.

Nagkatinginan ang lahat.

"But Ms. There are things that only men can do-"

"If that's what you think try to get my position and replace me now."

Hindi lang siya nanghahamon  gusto niyang makita kung kaya ba nitong patunayan ang sinasabi.

Ito ang bagong Marketing Manager ng kumpanya ngayon.

"Anong kaya mo na hindi ko kayang gawin? Magbuhat ng sako? Oo hindi ko kaya 'yon.

Ikaw ba Mr. Cerna nagbubuhat ka ba?"

"Siyempre, ginagawa ko 'yon."

"Ano pang panlalaking trabaho ang hindi ko kaya?

Pumasok ng tunnel? Kaya ko 'yon ginawa ko na 'yon noon."

"Ms. Hindi ang mga' yon ang tinuutukoy ko-"

"Kung gano'n ipaliwanag mo. Ano ang kayang gawin ng lalaki na hindi kaya ng babaeng gaya ko?"

"Ang magdesisyon."

Tumayo siya ng tuwid sa narinig.

"Anong desisyon ang hindi ko kaya na kaya mo? Sige nga Mr. Cerna ipaalam mo sa lahat," muwestra niya sa mga naroon na tahimik lang.

"Iyong tungkol sa pagkuha ng investor Ms. Iyon ang hindi mo kaya."

Saglit siyang natahimik.

Hindi siya kumukuha ng investor dahil ang abuelo ang gumagawa noon ngayong ipinasa na kay Gian ang posisyong ito na siya ang kapalit ay na kwestyon na ito.

"Hindi natin kailangan ng investor sa ngayon pero sige...iyon ba ang pinoproblema mo? Kukuha ako. Ako mismo ang kukuha ng investor at hintayin niyo 'yon!"

Nagtinginan ang mga ito.

Tumiim ang tingin niya sa lahat.

'I won't back down what ever it takes!'

Matagal na siyang nakikipaglaban para mapatunayan ang kanyang kakayahan mula noon hanggang ngayon.

Itinaas niya ang noo at hinarap ang lahat.

"I'll accept that.

But I will do some changes in this company number one!"

Tumalim ang tingin niya sa sa mga ito kaya't napaupo ng tuwid ang lahat.

"All of you directly report on me and not on the chairman.

Do not tresspass me!" Diniinan niya ng tingin ang mga lumalagpas sa kanya lalo na nag Marketing Manager.

"Respect the acting president while the president is not here understood ladies and gentlemen?"

Walang sumagot.

Lumapit siya sa harapan ng mahabang mesa kung saan nakapalibot ang mga tauhan ng kumpanya.

"Anyone fail in this rule will be fired automatically!" matapang niyang desisyon sa harap ng mga ito.

Natahimik ang lahat.

Tila natatakot na maiintindihan ng mga itong may kakayahan siyang magpatalsik kahit pa acting president lang siya!

"This meeting is adjourned!" Binirahan niya ng talikod at naunang lumabas ng silid.

Sumasakit ang ulo niya kakaisip sa nangyaring paghamon sa kanyang kakayahan.

'Saan ako maghahagilap ng investor?'

"Ms. Ellah, kumusta ang meeting?"

Sinalubong siya ni Jen pagkapasok ng opisina.

"Not good Jen." Padarag siyang umupo sa swivel chair sa harap ng mesa.

"Bakit?"

"Pinahahanap ako ng investor ng walang hiyang Cerna na 'yon." Nahilot niya ang sintido ng kumirot ito kakaisip.

"Investor? Kaya mo 'yon Ms."

Bahagyang umangat ang kanyang mukha at sinulyapan ang kaibigan.

"Kaya ko kaya Jen?"

"Oo naman!"

"Pero iba pa rin kung si Gian ang kaharap nila. Sigurado akong hindi nila gaganituhin ang isang 'yon."

"Ay talaga naman kung ayaw nilang makulong!" humalakhak si Jen.

Naiinis man ay napagaan nito ang kanyang kalooban.

Sigurado ' yon. At kung hindi man makukulong ay siguradong mapapahiya ito nang hindi namamalayan.

Ang kaso iba siya kay Gian.

Gano' n pa man kakayanin niya ang hamon.

Napapikit ang dalaga.

" Ms." Marahang hinaplos ni Jen ang kanyang kamay kaya napatingin siya rito.

"Kung nasaan man si sir Gian ngayon siguradong proud siya sa nagagawa mo ngayon. Kaya mong patakbuhin ang kumpanya nang mag-isa. Minsan ka na lang ginagabayan ni don Jaime kaya sa totoo lang ikaw naman na talaga ang nagpapatakbo nito.

Hayaan mo na ang mga nag-iisip na hindi mo kaya, eventually makikita rin nila ang kakayahan mo. Huwag kang ma depress dahil lang sa hamon.

Kaya mo 'yan. Siguradong hindi ka pababayaan ng Chairman. "

" Not this time Jen. Ayaw kong tutulungan ako ni lolo dahil iisipin na naman nilang nagpatulong lang ako kaya ko nagawa.

I hate it!

Palagi nilang sinasabi na kung wala lang ang chairman ay ano na kaya ang nangyayari sa kumpanya?

Ako ang nagdedesisyon kung paano patakbuhin ang kumpanyang ito ikinukunsulta ko lang sa chairman!

Shit! Bakit ba hindi nila nakikita ang mga paghihirap ko?"

Tumahimik si Jen at niyakap siya.

Tumalim ang kanyang tingin sa kawalan.

Ayaw na niyang lumuha pa.

Sanay na siya na palaging nasasaktan.

Sanay na siya!

Mariin niyang ipinikit ang mga mata.

'Gian bumalik ka na parang awa mo na!'

---

"How was it?"

Napakurap ang binata nang magsalita ang baklang umaayos sa kanya.

Tumingin siya sa salamin at napakurap-kurap sa nakita.

Kulay blue ang buhok niya at pinaiksi mula sa gilid maging   sa batok.

Naka brush up ang limang pulgada niyang buhok.

"Sir pwede mo bang alisin ang mask mo?" malambing na wika ng bakla.

Wala sa loob na sinunod niya ang utos nito.

Marahan niyang inalis ang naturang takip at lumantad ang kabuuan ng kanyang mukha.

"Holy dear father! Ang hot!" tili ng bakla at napatingin ang iba pang natitirang kustomer sa kanya.

Tumalikod siya sa kahihiyan at napakagat na lang ng labi bago ngumiti.

Hindi maipagkakailang nag-iba ang kanyang anyo maging ang kanyang edad ay halos nabawasan ng sampung taon nagmukha siyang byente anyos!

Ito na ang simula ng mga pagbabago.

Simula pa lang ito!

Bagay ba?" mahinang tanong niya sa kaharap.

Napag-alaman niyang ito ang may-ari ng salon.

"Yes fafa! Bagay na bagay!" muling tili nito.

Sa halip na mairita ay humalakhak siya sa inaakto ng baklang 'to.

"Waaahhhh I'm in love!" muling tili ng bakla na ikinatawa ng mga kustomer at mga kasamahan nito.

"Paghilom dzai oi! Kaulaw!" anang isa sa mga kasamahan nito.

"Pero infairness sir, fafa na fafa nga!" tili rin ng sumaway.

Napangiti na lang siya at naisip ang kasintahan.

Ano kaya ang masasabi ni Ellah kung makita siyang ganito?

Bumukas ang pinto at lahat sila ay napatingin sa dumating.

Nagtagpo ang kanilang tingin at umawang ang bibig nito.

"OH MY G! GIAN IKAW NA BA 'YAN!" tili ni Isabel at tumakbo palapit sa kanya.

Kinabahan siya nang banggitin nito ang totoong pangalan niya.

"So you are Gian? Sir?" tanong ng baklang may-ari.

"I am Georgia, George actually," inilahad nito ang kamay sa kanya.

"No actually his name is Rage," singit ni Isabel.

Bumaling ang tingin niya sa babae.

Ang plano niyang pangalan ay Gerard saan nito napulot ang pangalang 'yon?

" Rage Acuesta! " patuloy ni Isabel na ikinanganga niya.

"Oh Rage? How delicious!" namumungay ang mga matang wika ni George.

Nakangiting binalingan siya ni Isabel at inilabas ang bagay na hawak nitong nasa supot.

"Here, try this babe."

Tumuon ang kanyang tingin sa bagay na hawak nito ngunit hindi nakalagpas sa kanyang pandinig ang katagang binanggit nito.

'Babe? Damn it!'

"Charan!" Inilabas ni Isabel ang isang tila reading glass.

Maliit ang salamin nito at manipis ang frame.

Walang imik na kinuha niya 'yon at isinukat.

Nagmukha siyang CEO nang hindi oras.

"Gosh! Bagay na bagay! Girl may taste ka!" ani George sabay hampas sa braso ni Isabel.

"Ako pa ba? What can you say Rage?"

Kinilabutan siya sa muling pagbanggit nito sa pangalang 'yon.

"It' s okay," tipid niyang sagot.

Naglabas siya ng dalawang libo mula sa pitaka sa loob ng bulsa ng suot na pantalon.

Nagpatuloy sa pag-uusap ang dalawa.

"Swerte mo madam sa boyfriend mo. Gwapo na gentlemen pa! Super hot at fafable!"

"Ofcourse dear!" halakhak ni Isabel.

Hindi na siya ngumingiti.

Ayaw niyang isipin ng mga naririto na may relasyon sila ng babae kaya binalingan niya ang may-ari.

"Salamat sa ginawa mo."

Inilahad niya ang pera dito.

"Oh thank you!"

"Keep the change," aniya at binalingan si Isabel na nakangiti pa rin.

"Let's go," hinila niya ito sa pulso at halos kaladkarin palabas.

Nagsitili ang mga bakla na tila kinilig.

Muling humalakhak si Isabel.

"So what can you say with your new identity Rage Acuesta?"

Hello po sa lahat ng mga naghihintay ng update.

Heto na po.

Sorry ulit kung hindi araw araw.

Hope it's worth waiting for.

Maraming salamat po sa inyong review, comment at vote.

Thank you po.

Pero binibilisan ko na po.

Phinexxxcreators' thoughts