webnovel

Chapter 12

"Alex, makinig ka." Muling pukaw ng isang boses sa kanya.

Napapakunot naman ang noo ni Alex habang pinapakiramdaman kung san ba nanggagaling ang boses na iyon.

"Alex, wala sa lugar na iyan si Eleazar, ngunit mag-iingat kayo dahil nasa lugar na iyan ang isa sa malakas na alagad ni Eleazar." Wika ng boses at doon lamg niya napagtanto kung sino ang nangungusap sa kanyang isipan.

Walang iba kundi si Zedeus.

"Zedeus." Bulalas niya at napahinto sa pagtakbo.

"Huwag mong hahayaang makalapit siya kay Celestia, dahil hawak niya ang isang sandatang makakasugat rito. Alex, tayo ang lalaban sa lalaking iyon, kaya maging alerto ka." Wika pa nito at napatango siya.

Muli siyang tumakbo patungo sa tabi ng dalaga at tinahak na nila ang daan patungo sa abandonadong bahay.

Agaran ang ginawa niyang pagmamasid sa paligid nang marating na nila ang bukana ng bahay. Napakatahimik ng lugar ngunit amoy na amoy nila ang naghahalong amoy ng nabubulok na laman at halimuyak ng rosas. Ilang sandali pa ay nakarinig sila ng mga sigawan sa loob ng bahay.

Nagkatinginan naman si Alex at Celestia dahil ang mga sigaw na iyon ay nanggagaling sa mga ordinaryong tao.

Napalatak naman si Celestia dahil hindi niya agad naamoy na may mga bihag ang mga ito. Mabilis nilang pinasok ang lugar at doon nila naabutan ang mga wala nang buhay na mga babae. Nagkangisi at nakatingin na sa kanila ang tatlong Balrog na nakaupo pa sa mga upuan na animo'y mga Hari ito.

"Leandro!" Gigil na wika ni Celestia habang masamang nakatingin sa lalaking nasa gitna.

"Kamusta, Celestia." Tila nangungutyang wika nito.

"Leandro, ikaw ang dahilan kung bakit namatay sila Andres. Ikaw ang dahilan, dahil niloko mo kami at pinagtaksilan." Galit niyang wika sa lalaki at natawa lamang ito.

"Hindi ako nagtaksil Celestia, sadyang mga uto-uto lamang kayo. Hindi ko na kasalanan na masyado kayong nagtitiwala. " Wika nito at bahagyang pinahid ang digo sa labi nito. Habang ang paa naman nito ay nakaapak sa bangkay ng isang babae na marahil ay biktima nito.

"Siyanga pala, balita ko nasa lalaking iyan ang kaluluwa ng kapatid naming si Zedeus?" Wika nito at tumingin kay Alex.

'Kapatid? Talaga ba Zedeus?' patanong na wika ni Alex sa kanyang isipan. Narinig naman niyang napabuntong-hininga si Zedeus.

"Hindi ko sila kapatid." Mariing wika nito sa isip niya at napairap lamang siya rito. Alam niyang totoong kapatid niya ang mga iti ngunti hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lamang kalayo ang mga ugali nila sa isa't-isa.

"Wala si Zedeus dito." Wika ni Alex at napangisi lamang si Leandro.

"Nararamdaman ko siya Totoy, kahit anong pagtago niya sa katawan mo, malalaman ko parin king nariyan ba siya o wala." Sambit nito at tumayo na sa kinauupuan nito.

Naging alerto naman si Alex at agarang hinatak si Celestia patungo sa kanyang likuran.

"Akin si Leandro ." Wika ni Alex at napatango lamang ang dalaga. "Alam ko ang binabalak mo, at hindi ako makakapayag na saktan mo si Celestia. " Wika ni Alex na animo'y kilalang -kilala nito ang kaharap. Napatulala lamang si Celestia sa binata at bahagya niyang naramdaman ang presensya ni Zedeus sa katauhan ni Alex.

"Tingan natin kung kaya mong ipagtanggol ang babaeng yan sa panahong ito, mahal kong kapatid. " Wika ni Leandro at mabilis na inatake si Alex. Nagbuno silang dalawa gamit ang kanilang mga pisikal na lakas. Nagsiuslian na rin ang kanilang mga kuko na siya namang ginamit nila upang masugatan ang isa't-isa. Magkaganun paman ay nanatiling tabla ang laban nila. Halos nasasabayan na rin ni Alex ang bilis ang isang mataas na uri ng balrog dahil sa tulong ni Zedeus.

Habang naglalaban sila at nakipagtunggali na rin si Celestia sa mga balrog na naroroon. Nasa gitnang antas lamang ang mga balrog na iyon kung kaya't walang kahirap hirap niyang napapatumba ang mga ito.

"Zedeus, walang hiya ka. Hanggang dito ba naman ay pipigilan mo pa rin kami. Bakit hindi ka nalang manahimik sa impy*rnong kinalalagyan mo?" Galit na sigaw ni Leandro. Galit na galit ito dahil sa sobrang inggit sa kapatid.

Pinanganak na perpekto si Zedeus habang silang magkapatid ay hindi. Si Zedeus rin ang napiling maging hari nila dahil sa purong gintong mata nito na siyang katunayan ng pagiging puro ng kanyang dugo. Habang sila ay nahahaluan pa rin ng mababang uri ng balrog.

"Hangga't nabubuhay kayo para maghasik ng lagim sa mga tao, ay hindi ko lilisanin ang mundong ito. " Wika ni Alex na ngayon ay kasalukuyan ng kinokontrol ni Zedeus.

Kapansin-pansin rin ang pagliliwanag ng gintong mata nito at ang paghaba ng buhok nito na halos lumagpas na sa kanyang tuhod. Itim na itim din ang buhok nito habang ang kutis naman ni Alex ay lalong naging maputi.

"Hindi ba't isa ka rin sa amin? Bakit mo ginagawa ito? Maging kaming mga kapatid mo, ay papatayin mo alang-alang lamang sa isang babae?"

"Wala kang karapatang husgahan o kwestiyunin ang mga desisyon ko. Dahil higit kanino man, ako lamang may may kakayahang gawin iyon." Sambit ni Alex.

Galit na galit na sumugod sa kaniya si Leandro at muling nagbanggaan ang kanilang mga kamao. Habang naglalaban sila ay napansin ni Alex ang oagbunot nito sa isang punyal sa tagiliran nito. Kasinghaba iyon ng isang ruler kaya naman agad iyong napansin ng binata.

Kisap-mata lamang iyon hanggang sa mabunot na. Nga nito at agad na iniunday sa kanya. Mabilis na nakailag si Alex at patalong lumayo kay Leandro.

"Kahit kailan, Leandro napakatuso mo." Wika ni Alex at mabilis na kinuha kay Celestia ang taguban ng espad nito upang harangin naman ang atake ni Leandro gamit ang sundang nito.

Talim laban sa kahoy.

Dahil gawa sa isang espesyal na kahoy ang tagubang iyon ay hindi ito basta basta napipilas ng kahit anong klaseng patalim o king ano pa man.

Namumula na ang mata ni Leandro sa sobrang pagkagalit kay Alex. Alam niyang nawawala na sa kontrol si Leandro kung kaya ay agad niyang ginamit ang pagkakataong iyon upang maisahan ang kapatid. Malakas na iniunday niya ang taguban sa ulo ni Leandro na halos ikahilo nito.

Napaatras si Leandro habang hawak-hawak ang nasaktang ulo. Hindi naman pinalampas ni Alex ang pagkakataon iyon at patuloy na hinambalos si Leandro ng taguban ng espada hanggang sa mabitawan na nga nito ang sundang na kanyang hawak.

"Kahit kailan ay hindi kayo mananalo sa akin, noon pa man Leandro. Nagawa lamang ninyo akong paslangin dahil sa lasong iyon. Ngunit kung palakasan ay kakayahan ay hindi ninyo ako magagapi. Sadyang hindi lamang kayo patas kung lumaban." Wika ni Alex sa katauhan ni Zedeus.

"Ikaw ang taksil. Dahil sa isang babae ay nagawa mong ipagkait sa mga kauri mo ang isang bagay na normal na nating kinakabuhay. " Gigil na wika nito. Halos magkiskisan ang mga ngipin nito sa sobrang galit at inis nito kay Alex. Napangisi lamang si Alex at muling hinataw si Leandro ng taguban sa ulo.

"Hindi lamang tao ang may dugo. Ilang beses ko nang sinabi sa inyo na isang sumpa sa ating uri ang pag inom ng dugo ng tao. Tingnan niyo ang nangyayari sa inyo." Wika pa niya. Habang patuloy itong hinahambalos ng taguban.

Bawat paghambalos nito ay tila ba napakalaking bato ang dumadagan kay Leandro hanggang sa tuluyan na itong maparalisa habang nakatitig sa kanya.

Mabilis na kinuha ni Zedeus ang espada ni Celestia at agarang inihiwa ito sa kanyang palad. Nanlaki ang mata ni Leandro nang makita ang ginawa nito.

"Anong gagawin mo? Ilayo mo sa akin yan Zedeus." Sigaw nito ngunit tila jingi si Alex na lumalapit sa kanya. Gad niyang hinablot ang buhok nito at pinatingala si Leandro. Sapilitan itong napanganga dahil sa pagkabigla at ipinaagos doon ni Alex ang kanyang dugo patungo sa bunganga ni Leandro.

Paglapat pa lamang ng dugo niya sa dila nito ay kitang-kita na nila ang pag-usok nito na tila ba napatakan iyon ng asido.

Napasigaw naman si Leandro na parang isang hayop na iniihaw. Nanlalaki ang mga mata nito habang unti-unting nalulusaw ang mga kalamnan at balat nito hanggang sa tuluyang itong maging isang tumpok ng itim na abo.