Sabay-sabay silang naglakad papasok sa school maliban kay Tammi na nauna na sa school dahil may training ito. Masaya silang nag-uusap at bitbit ni Stan ang Laptop bag ni Lyka. Ng pumasok sa isip ni Stan ang vitamins na ipinangako niya kay Lyka. Kinuha niya iyon sa bulsa niya at iniabot kay Lyka.
"Ano yan?" tanong ni Blake.
"Vitamins." sagot ni Stan, nakangiting tumingin si Lyka kay Blake
"Vitamins." anito "Para gumanda din ako tulad mo." dagdag pa, natawa sila ni Blake
"Talaga ba? May vitamins pala para don?" tanong ni Blake
"Oo naman. Tingnan mo si Stan ang gwapo." ani Lyka sabay turo sa mukha niya, tumawa siya
"Puro ka kalokohan." aniya
"Inumin mo yan sa gabi bago ka matulog saka sa umaga pagkatapos mo mag agahan." dagdag pa niya.
"Okay po. " sagot ni Lyka at tumingin ulit kay Blake
"Beauty." anito
"Hmmm" sagot nito
"Pwede ba tayo mag-usap mamaya?" ani Lyka, nagtatakang tumingin si Blake
"Tungkol saan?" tanong nito
"Uhhhm" anito sabay tingin kay Stan na nakatingin din sa kanila at tumingin ulit sa kay Blake
"Mamaya na lang." anito sabay smile.
"Okay" sang-ayon ni Blake.
Sumenyas ito sa kaniya kung ano nangyayari kay Lyka. Nagkibit balikat naman siya. At nagpatuloy sila sa paglalakad.
Pagdating sa classroom ay agad na nag umpisa maglinis sila Stan kasama ang mga cleaners. Bawat araw kasi ay may naka-assign na cleaners sa classroom, sa labas sa harap at sa likod. Sila ang naka-assign sa loob ng classroom. Nilinis naman iyon kahapon ng cleaners bago umuwi kaya hindi na gaano marumi. Si Lyka ang nagwawalis habang si Stan ang nag babalik ng mga upuan. Yung ibang kaklase nila ay nagpupunas ng bintana. Maya-maya ay tumunog na ang bell na naghuhudyat na oras na ng klase. Naupo na sila sa kani-kaniyang upuan. Kasabay naman pumasok ni Tammi sa classroom ang Teacher nila sa first subject.
Pagpasok niya ay hinanap na agad ng mata niya si Stan as usual nasa dulo ito sa usual na spot nila. Nagtama ang tingin nila. Nag-jogging nanaman ang puso niya pagkakita dito. Ngumiti siya para mawala ang kaba. Ngumiti din naman ito. Inilapag niya ang gamit ng Teacher nila sa table sa harap at saka tumungo sa upuan nila ni Stan. Bumati naman sila ng Magandang umaga sa Guro at ganun din ito.
Hindi naman inalis ni Stan ang tingin niya kay Tammi hanggang makaupo ito. Kinuha nito ang notebook at libro at inilagay sa desk.
"Kumusta?" tanong niya, bumuntong-hininga ito
"Nag-meeting lang kami para sa gameplan." sagot nito
"Baka bukas. Hapon na lang ang training and magiging MWF na siya next week." dugtong pa, tumango siya
"Uhmmm" aniya saka muling tumingin sa Teacher nila na nag umpisa na mag-turo.
Sumandal si Tammi sa upuan para marelax ang likod niya at manahimik ang dibdib niyang malakas ang kabog kanina pa habang nakatingin kay Stan. Pinagmasdan niya ang kaibigan.
BAKIT BA NAKAKARAMDAM AKO NG GANITO SAYO? tanong niya sa isip saka binaling ang tingin sa Teacher nila.
"Huwag ka na bumili ng pagkain mamaya." mahina niyang sabi kay Stan sa gitna ng klase, lumingon naman ito sa kanya
"Uhm? bakit?" tanong nito
"Sinama na kita sa baon ko." aniya at tumingin dito
"Pati si Lyka at Blake. Maraming niluto si Mama kasi nag-ahon kahapon sila Kuya." dagdag pa niya, tumango naman ito
"Okay." anito at muling ibinaling ang atensiyon sa Teacher nila.
I AM TRYING TO FOCUS BUT THE IMAGES OF THAT SCENE KEEP FLASHING IN MY HEAD! sigaw ng isip ni Stan.
Tuwing napapapikit siya ang pangyayari kaninang madaling araw ang paulit-ulit na bumabalik. Kung paanong muntikan na sila mawala sa sarili ni Tammi at makagawa ng isang bagay na hindi nila alam kung kaya na nilang gawin. Tumingin siya kay Tammi na seryosong nakikinig sa Teacher nila.
PAREHO BA TAYO NG NARARAMDAMAN SA ISA'T ISA? tanong niya sa isip.
GUSTO MO DIN BA AKO? MAHAL MO DIN BA AKO? LIBOG LANG BA YUNG KANINANG UMAGA? aniya sa isip habang nakatingin sa kaibigan.
MAGKAIBIGAN LANG BA TAYO O WE ARE MORE THAN THAT? tanong niya sa isip.
Tumingin naman sa kanya si Tammi. Nagkatitigan sila saglit at siya ang naunang nagbaba ng tingin at muling ibinalik ang tingin sa Teacher nila. Si Tammi naman napa-buntong hininga at ibinalik din ang focus sa Teacher nila.
11:30 AM
Lunch break nila at kanya-kanya silang labas ng baon. Pero dahil sinagot ni niya ang ulam, Kanin lang ang dinala ni Lyka at Blake. Nagdala din si Lyka ng isang piling na saging. Si Blake naman ay nagdala ng Coffee Jelly. Si Stan naman ay bumili na lang ng kanin at Softdrinks. Ginataang Paksiw na Hito at pritong tilapya ang dala niyang ulam. Nagdala din ito ng sawsawan na toyo na may kalamansi at kamatis.
"Wow ang dami niyong pagkain." ani Sasha at Jenny.
Napangiti siya habang naghahanda ng pagkain.
"Kuha kayo marami naman yan." alok niya.
Nakita niyang tumingin si Stan sa kanila.
"Talaga Tammi?" ani Jenny na nakangiti.
Tumingin naman siya dito at ngumiti.
"Oo naman." sagot niya
"Akin na yung takip ng baunan mo." utos niya at inabot naman ni Jenny ang takip ng baonan niya.
"Alin gusto mo dito?" tanong niya itinuro naman ni Jenny ang gusto niya bandang buntot ng hito.
Tahimik na kinikilig naman sina Sasha, Lyka at Blake na pinapanood ang dalawa. Alam naman kasi ng lahat na dating nangligaw si Tammi dito. Ngunit dahil nga kasabay niyang nangligaw dito ay ang Captain nila, nagpaubaya ito. Si Stan naman ay nakatiim-bagang lang na pinapanood ang dalawa habang binubuksan ang softdrinks.
"Thank you Tammi." anito tumango lang ito at tumingin sa kaniya
"Tara kain na tayo." aya nito saka tumingin kina Lyka
"Tara na." anito.
Nagsi-upo na sila. Si Sasha at Jenny naman ay pumunta sa katabing table. Panay ngiti nila Lyka at Blake habang nakatingin kay Tammi, nakahalata naman ito.
"Bakit?" tanong nito.
Nagkatinginan si Lyka at Blake, si Stan na katabi ni Tammi ay nakatingin din sa dalawa.
"Bagay talaga kayo ni Jenny." pangtutukso ni Blake.
Napatingin ito sa kaniya
"Issue ka." sagot nito
"Tamang-tama kayo ang magkapartner sa Nutrition Month." nakangiting sabi ni Lyka
"Ha?" gulat na turan nito.
Tumango naman si Blake sa pagsang-ayon.
"Oo ikaw ang napili ni Ma'am na magrepresent sa klase. Kayong dalawa ni Jenny." anito
"Pero Vice-President ako hindi ako escort." protesta nito
Hindi naman siya kumikibo na napa-inom na lang ng softdrinks.
"Eh yun na nga hindi pwede si Josh kasi kailangan fit and healthy ang Mr. Nutrition. Medyo kulang sa weight si Josh." paliwanag ni Lyka.
Tumingin muli si Tammi sa kaniya nag-react naman agad si Blake.
"Hindi na pwede si Stan this year kasi siya ang Mr. Nutrition last year." anito
"Kapag nanalo ka ililipat yun sayo ni Stan." paliwanag nito.
Tumabi si Tammi ng husto sa kaniya at umakbay ito.
"Tingnan mo nga kami." anito at hinawakan siya sa baba at inilapit ang mukha nito sa kaniya.
"Anong laban ko sa mukhang 'to?" tanong nito sa kanila,
Napairap naman siya habang natatawa.
"Kung mga ganyan ka-gwapo makakalaban ko sa contest sa tingin nyo mananalo ako?" tanong nito
"Tammi." ani Lyka sabay hawak ng dalawang kamay sa pisngi ni Tammi
"Para sa akin ikaw ang pinaka-gwapo kong kaibigan." seryosong sabi nito
"Hindi na ako makakahanap pa ng gwapong unggoy. Ikaw lang sapat na." dagdag pa nito
"Hmmmmm" anito at gigil na kinurot ang pisngi ni Lyka pero hindi naman niya pinisil ng husto
"Eh kung kutusan kita ngayon?" anito saka binitawan ang pisngi ni Lyka.
Umamba pa ito na kunyari aabutin ito pero umiilag si Lyka. Tawa naman sila ng tawa ni Blake bandang huli ay hinawakan niya sa baywang si Tammi at pinaupo ito. Umupo naman ito.
"Ako bahala sayo." aniya at tiningnan siya mula ulo hanggang paa at pabalik
"Bibihisan kita para sure na mananalo ka." aniya saka humawak sa ulo niya.
Nakapikit naman itong tumango.
"Yes!" sigaw na sabi ni Blake. Sa wakas napapayag nila si Tammi.
Napairap naman ito nagpatuloy na sa pagkain. Masaya silang nag uusap habang kumakain. Laging ganito sila kapag nag aahon ng isda ang Kuya at Tatay ni Tammi. Nagtatabi ang Nanay nito palagi ng maiiwan sa bahay para pangtinda ng lutong ulam kaya naman nakakapagdala ng ulam si Tammi para sa kanila. Paborito pati nila ang Ginataang Paksiw na Hito ng Nanay nito kahit maanghang. Maya-maya ay dumating ang mga ka-teammate ni Tammi. Kinumusta nila si Tammi at namangha sa dami ng pagkain nila. Inalok naman sila ni Tammi pero tapos na daw sila kumain kaya tumanggi na muna ang mga ito at umalis.
"Maiba ako Stan." ani Blake habang kumakain "Saan ka natulog kagabi?" tanong nito, nagkatinginan sila ni Tammi.
"Kina Tammi." sagot niya "Bakit?" tanong pa
"Mukhang galit na galit yung lamok sayo kagabi." anito habang nakatingin sa may dibdib niya na nakikita sa nakabukas niyang polo
"Pati sa dibdib may kagat ka." dagdag pa.
Napatingin naman siya sa dibdib niya at nakita nga niya ang kiss-mark na gawa ni Tammi. Nakabukas kasi ang pangalawang butones ng polo niya. Napatingin siya kay Tammi.
"Medyo malamok sa sala nila kagabi eh." aniya. Tumango ito
"Bakit sa sala ka natulog pwede naman sa kwarto ni Tammi." usisa ni Lyka saka tumingin kay Tammi, napatingin si Tammi sa kanya
"Hindi na kasi ako nakaligo kagabi. Alangan patabihin ko siya sa akin na maasim ako." palusot ni Tammi,
"Eeew I can imagine." ani Blake saka nagpatuloy sa pagkain.
Nagkatinginan naman silang dalawa ni Tammi. Grabe ang kaba niya. Muntik na silang ma-exposed.
Pagkatapos kumain ay nagtulong-tulong sila sa pagliligpit. 11:30 hanggang 1:00 ang Meal Break nila sa school. Ang iba nilang kaklase ay umuuwi. Ang iba naman, tulad nila, ay nagbabaon at doon na lang sila nagpapahinga at natutulog sa classroom kapag breaktime. Pumunta sa CR si Tammi dala-dala ang mga pinagkainan nila at naghugas doon. Nagdala kasi siya ng sabon sa plato para malinis na niya iuuwi ang mga baonan niya. Habang naghuhugas ng baonan ay lumabas sa isang cubicle si Stan. Seryoso ang mukha nito at nakasimangot. Naghugas ito ng kamay sa isang sink ng hindi tumitingin kay Tammi.
"Sure ka na bang sasali ka sa Mr. Nutrition?" tanong nito.
Lumingon siya saglit at binalik ang atensyon sa hinuhugasan.
"Oo sabi mo tutulungan mo ako eh." sagot niya,
"So kung hindi kita tutulungan hindi ka sasali?" tanong ulit nito.
"Oo, kasi hindi ko naman alam kung ano ang gagawin ko dun." sagot niya
"Alam mo naman kahit minsan hindi ako sumali sa mga ganyan." dagdag pa niya.
Napabuntong-hininga si Stan at tumitig kay Tammi.
"Ang alam ko lang basta andyan ka. Cool ako." dagdag pa nito saka nakangiting tumingin sa kanya saglit at ibinalik ang atensyon sa hinuhugasan.
Lumambot ang tingin niya kay Tammi.
HINDI KO TALAGA SIYA KAYANG TIISIN. Bulong niya sa sarili at tumingin sa salamin.
Pinagmasdan niya ang kiss-mark ni Tammi sa dibdib niya, hinaplos ito at isinara niya ang pangalawang butones ng polo niya.
"Sige sa weekend maghanap tayo ng mga isusuot mo." aniya
"May mga damit ako dun na possible mong magamit." dagdag pa niya.
Tumango ito at nakangiting tumingin sa kanya.
"Salamat." anito at ibinalik ang atensiyon sa mga sinasabunan na baonan.
"Tulungan na kita." aniya at kinuha ang mga nasabunan na ni Tammi at binanlawan sa isa pang sink.
TAMA NA ANG SELOS STAN! saway niya sa sarili at tumingin kay Tammi na focus sa ginagawa.
MAHALAGA IKAW ANG LAGING KASAMA AT HINAHANAP! dugtong pa niya.
Nagsikip kasi ang dibdib niya sa selos kanina habang nilalagyan ni Tammi ng ulam si Jenny. Dagdag mo pa ang reaksiyon ng mga kaibigan nila at kaklase. Alam kasi ng lahat na nangligaw si Tammi kay Jenny last year. Naudlot nga lang ito dahil nangligaw din dito ang Captain ng Basketball Team. At bilang respeto dito ay nag-giveway si Tammi. Pero mula noon wala na itong niligawan na iba kaya naman hindi niya maiwasang mag-selos at maisip na baka may entangled feelings pa si Tammi dito. Lalo na at single na si Jenny matapos makipaghiwalay nito sa karelasyon ng nagtapos ito ng Junior High. Lumapit si Tammi at kinuha ang mga binanlawan niya at inilagay na sa ecobag. Tinulungan niya ito. Hindi siya kumikibo. Tiningnan siya ni Tammi na parang nakakahalata na. Dinampian siya nito ng halik sa noo na ikinagulat niya.
"Tara." aya nito at nauna na lumabas.
Naiwan siyang nakatulala. Hindi niya inasahan ang ginawa nito.
WHAT THE FUCK! sigaw niya sa isip.
Pagkuway naghilamos ng mukha saka sumunod kay Tammi.