webnovel

Until We Meet Again Book I: 1903

Ang kwento ng pagibig at trahedya mula 1903 hanggang 2018. Si Esperanza ay isang mabuti, mahinhin at maalagang babae mula sa taong 1903 at si Elyca isang masungit, spoiled at mayamang babae mula sa taong 2018, ating alamin kung ano ang koneksyon ng dalawa sa isa't isa at ano ang mangyayari sa pagibig na meron sakanila.

Hephaestus4 · 歴史
レビュー数が足りません
32 Chs

KABANATA XXIX

Bukas na ang araw ng kasal namin ni Ethan, ito ako ngayon nakatingin sa kawalan, naghahanda ang lahat, inihahanda na din ang simbahan na pagdadasuan ng aming kasa, hindi ko maisip na bukas na kami ikakasal, may halong kaba at pananabik ang nararamdaman ko ngayon. Hindi kami maaaring magkita ngayon alinsunod sa pamahiin ng nakatatanda, kaya ito inaalala ko siya at mas lalo akong nanabik na makita siya. Tinawag ako ni Leonor upang tulungan siya sa pagaayos.

"Sigurado akong nanabik ka na ate sa kasal mo bukas, wag kang masyadong manabik ang sabi nila hindi daw natutuloy haha" Pagsingit niya habang inaayos namin ang mga kubyertos para bukas

"Naku Leonor, hindi na uso iyan, kasabihan pa iyan ng mga matatanda noong araw pero nasubukan ko nay an at hindi iyan totoo" Bawi ko sakaniya, nagtawanan kaming dalawa ni Leonor habang nagaayos. Maya maya ay lumapit saamin si Samuel at nagulat kami dahil kasama niya si Rosalinda

"R-rosalinda?" Dios mio, Rosalinda" Niyakap ko siya ng mahigpit at ganoon din siya

"Kumusta ka na? Ang tagal na nating hindi nagkita, maayos na ba ang lagay ng pamilya mo? Buti na lamang at narito ka at makakadalo ka saaking kasal bukas" Ngiti kong pagsabi sakaniya, nginitian niya din ako ng sobra

"Salamat sa pag-aalala saakin Señora, kay tagal nating hindi nagkita, maayos na po ang aming pamilya, namatay na ang aking itay, hindi na niya kinaya ang lumaban sa sakit na TB, kaya mas lalo akong natagalan sa pagbalik dito sainyo, pasensya na po sainyo mga Señora" Nakayuko na siya habang nagkukwento saamin. Niyakap ko siya at tinapik.

"Ayos lang Rosalinda, ang mahalaga ay narito ka, condolencia para sa iyong yuamong itay, perdon" Dahan dahang bumalik ang ngiti sa mga labi ni Rosalinda, napangiti din ako niyakap siya ng mahigpit

"O Bueno!, tara na't mag ayos na tayo bukas na ang kasal, mahirap na kung bukas ay maghabol pa tayo ng mga gawain" pagsingit ni Leonor, napatawa nalang kami ni Rosalinda at tumulong na kay Leonor.

"Maayos na ang Iglesia de San Francisco" Pagsingit saamin ni Samuel

"Gracias mi hermano"Ngintian ako ni Samuel pabalik pero hinabol ko siya para halikan pero dahil ayaw niya tumakbo din siya palayo

"Hindi na ako bata ate! Tigilan mo na ako" Sabi niya habang patuloy sa pagtakbo

"Hindi, wala, bat aka pa rin sa paningin ko haha" Tugon ko naman sakaniya habang hinahabol siya

"Tumigil na nga kayong dalawa" Pagsingit ni Leonor saamin, napahinto kaming dalawa at napatingin kay Leonor, nagtinginan kami ni Samuel at napangiti ng malaki, pinuntahan namin si Leonor, hinawakan siya ni Samuel at kniliti ko naman si Leonor

"Tigilan niyo ako hahaha, ano ba" Pilit na pinipigilan kami ni Leonor, habang kinikiliti namin siya, napatigil kami ng biglang dumating si Fai Lu

"Naku po, Señola buntis po aking asawa bakit niyo po siya ginaganyan?" Pagsingit ni Fai Lu saamin, napatahimik kami saglit dahil naalala naming nagdadalang tao nga pala si Leonor pero hindi naman siya napaano kaya nanghingi kami ng dispensa kay Fai Lu, binuhat ni Fai Lu si Leonor at dinala paakyat ng cuarto upang makapagpahinga pero habang dinadala siya ni Fai Lu ay dumila muna siya saamin at inasar kami ni Samuel. Napatawa naman kami ni Samuel binantaan siya na mamaya ulit pag alis ni Fai Lu. Nagpatuloy ulit ang lahat sa pag aayos ng mga kakailanganin para bukas, pinaakyat ako ni Samuel sa taas at sinabihang magpahinga muna.

"Magpahinga ka muna ate sa taas" Sambit niya saakin, na nagpangiti saakin.

"Salamat" ngiti kong tugon sakaniya

"Dahil baka pumangit ka lalo" Paghabol niyang sinabi saakin, sinungitan ko siya at balak sanang batukan kaso bigla siyang tumakbo, napangiti nalang ako ng bigla kong maalala ang mga masasayang ala ala noon, noong buhay pa sila ina at papa, nalungkot din ako bigla dahil ganoon nalang pala kabilis mawala ang lahat saamin, sila mama at papa ay bigla nalang nawala ng ganoon. Naisip ko na ganoon kami kasaya noon napalitan naman ng ganito ngayon, masaya pa din naman kami pero iba pa rin kapag kumpleto kami, iba pa din pag kasama mo ang mga magulang mo. Sana noon palang ay ninamnam ko na ang bawat sandaling kasama ko sila. Te extraño tento mi papa y mama, mahal na mahal ko kayo, patawarin niyo ako ina at papa kung hindi ako naging mabuting anak sainyo noon, salamat sa lahat ng mga ala-ala at pagmamahal na ibinigay niyo saakin at saaking mga kapatid, Te extraño tanto mi papa y mama, gustong gusto ko kayo mayakap ngayon, gusto kong makita na at makasama kayong dalawa, gusto kong makumpleto ulit tayong lahat mama at papa. Dahan dahang tumulo ang mga luha sa aking mga mata ng hindi ko namamalayan, nananabik ako sa yakap at halik nila ina at ama. Kinagabihan ay nagluto si Rosalinda ng mga paborito naming putahe, masayang salo salo ang naganap sa hapunan, puno ng tawanan at kwentuhan ang buong paligid, nagbalik tanaw kami sa mga ganap noong kumpleto pa kami, nagbalik tanaw kami sa mga masasayang ala-ala namin kasama ang aming mga magulang, noong hindi pa magulo ang San Francisco, bago pa magkaroon ng sigalot sa aming pamilya, bigla kaming natahimik sandali dahil naalala namin ang mga masasamang nangyari sa aming pamilya, hindi namin nahanap ang totoong hustisya sa pagkamatay ni papa, hindi namin naipaglaban si Ina, nawala lahat saamin hindi lang aming mga magulang pati na din ang yaman at kapangyarihan ng pamilya namin, nabalewala lahat ng paghihirap ng aming mga magulang saamin ng isang iglap, parang bula lang na lumipad sa hangin at pumutok at naglaho nalang. Hindi namin lubos maisip na ganun na lamang kabilis mawawala ang lahat saamin, ayaw man namin ang nangyari pero sinubukan nalang naming tumayo sa mga paa namin, nagtulong tulong kami para dahan dahang muling makabangon mula sa pagkakalugmok. Binasag naman ni Samuel ang katahimikan ng bigla siyang kumanta, ang kantang paboritong awitin ng aming ina saamin, natuwa kami kay Samuel dahil hanggang ngayon ay ganoon pa rin kaganda ang boses niya, wala man si papa nariyan naman siya para magprotekta at tumayong ama saamin, kaya siya ang kakatawan kay papa bukas sa paghatid saakin sa altar. Tumayo naman si Leonor mula sakaniyang kinauupuan at lumapit sa may piano at nagumpisang magpatugtog, napuno ulit ng saya ang buong bahay, nagkantahan ang lahat sabay sa magandang tugtog ni Leonor. Kaya lubos akong nagpapasalamat dahil narito ang aking mga kapatid kung wala sila ay siguradong hindi ko alam kung saan pa ako sasandal at tutungo. Mahal na mahal ko kayo Samuel at Leonor, pati na din kayo Rosalinda at Fai Lu dahil kung wala kayo hindi mabubuo ang pagkatao ko, maraming salamat sainyo. Napaluha ulit ako ng hindi ko namamalayan, ang luha ng saya at galak, punong puno ng pasasalamat ang buong puso't isip ko dahil sa mga taong narito para saakin.

Kinagabihan, pagkatapos magligpit ng mga gamit at hapagkainan ay dumiretso na ako saaking kwarto, pagkapasok ko ay napansin ko ang susuotin kong damit bukas sa kasal, napakaganda ng mga burda ng damit at detalyadong detalyado, paano kaya kung subukan kong sukatin ito ngayong gabi? Dahan dahang kinuha ni Esperanza ang damit na susuotin niya bukas sa kasal, susukatin niya na sana kaso nga lang ay biglang kumatok si Rosalinda at nakita ang tangkang pagsukat ni Esperanza sa damit pangkasal nito, kaya dali daling pumasok si Rosalinda at kinuha ang damit mula sa pagkakakapit ni Esperanza, pinagbilinan niya itong huwag susukatin dahil mayroon daw kasabihang pagsinukat ang damit na susuotin bago ang araw ng kasal ay hindi daw ito matutuloy, kaya't kinuha na lamang ito ni Rosalinda at idinala sa cuarto nila Leonor upang hindi maisukat ni Esperanza. Napasimangot na lamang siya at nahiga sa kaniyang higaan.

Napabuntong hininga na lamang ako ng kinuha saakin ni Rosalinda ang susuotin ko para bukas, hindi naman ako naniniwala talaga sa mga pamahiin pero siguro para na din makasiguradong matutuloy ay sinusunod pa din ito. Nagpaikot ikot lang sa higaan si Esperanza, hindi siya mapakali. Nananabik, kinakabahan, nagagalak at iba pang halo halong emosyon ang nararamdaman niya ngayon, maya maya pa ay biglang nagulat siya ng may batong pumasok sa loob ng cuarto niya.

"S-sino yan? May tao ba?" Pagtatanong ko, bigla akong napaupo sa kama dahil may batong pumasok sa cuarto ko at napunta ito sa may sahig, kaya dahan dahan akong tumayo at sinubukang tignan ang bato, mayroong papel na nakabalot dito, kaya kinuha ko iyon at tinanggal sa pagkakabalot.

"I'm here, I'm waiting for you" Napakunot ako ng noo sa nabasa ko, kung hindi ako nagkakamali ay kay Ethan galing ito, kaya dali dali akong sumilip sa may bintana. Tama ang hinala ko, si Ethan nga. Kumaway siya saakin pero sinungitan ko siya, napasimangot siya sa ginawa ko kaya nagbago ako ng expresiones, nginitian ko na lamang siya ng bahagya. Dahan dahan akong lumabas saaking cuarto upang hindi magising sila Leonor, naging matagumpay naman ako dahil umabot ako hanggang sa may pintuan namin ng walang nagigising na kahit na sino, pagkatapos ko makarating sa may pintuan ay dahan dahan kong binuksan ang pinto at saka tuluyang lumabas at sinara ng dahan dahan, may dala naman akong liyabe o llave (susi) kaya ayos lamang kung maikandado ko ang pintuan. Dali dali akong nagmadali pumunta sakaniya naghihintay dito sa labas

"Bakit ka narito? Hindi dapat tayo magkita bago ang ating nakatakdang kasal bukas" Niyakap niya ako at hinalikan sa noo

"But I really miss you, hindi ko mapigilan ang puso kong pumunta dito upang makita at mayakap ka" Nginitian niya ako habang nakayakap pa din saakin

"Ako rin naman Ethan, nananabik na din akong makita at mayakap ka pero Ethan, kailangan nating sumunod sakanila at saka dis oras na ng gabi peligroso na ang magpalakad lakad ng ganitong oras lalo na ngayon sunod sunod ang mga nagaganap na patayan, mamaya ay mapaano ka pa, paano na ako kung iiwan mo nalang ako" Niyakap ko din siya ng mahigpit at idinikit ang tainga ko sakaniyang dibdib

"Don't worry, I'm okay, walang mangyayaring kahit ano saakin, I just want to see if my wife is fine" Iniangat niya ang ulo ko at dahan dahan niyang inilapit ang mukha niya saakin, hinalikan niya ako saaking labi. Wala na akong nasabi pa na kahit ano. Nagpaalam din kaagad si Ethan at nangakong mag-iingat siya pauwi ng kubo. Dali dali naman akong bumalik ng bahay, laking pasasalamat ko na lamang at wala pa ding nagising sakanilang lahat kaya nagmadali akong umakyat ng kwarto at ikinandado yun. Humiga ako sa kama at nabalot ng tuwa ang aking pakiramdam, napangiti ako ng pagkalaki laki dahil sa pagsulyap at pagbisita saakin ni Ethan dito ngayong gabi, mas lalo tuloy akong nanabik para sa gaganaping kasal namin bukas, ang hirap makatulog pag ganito ang nararamdaman parang gusto ko na lamang magumaga na para magumpisa na ang kasal at makita ko na kaagad si Ethan. Sana ay maging maganda ang takbo ng araw namin bukas upang sa gayon ay matuloy na ang kasal na pinakahihintay at pinaghandaan ko at nila Leonor.

Kundiman

Ni: Dr. Jose Rizal

Tunay ngayong umid yaring dila't puso

Sinta'y umiilag, tuwa'y lumalayo,

Bayan palibhasa'y lupig at sumuko

Sa kapabayaan ng nagturong puno.

Datapuwa't muling sisikat ang araw,

Pilit maliligtas ang inaping bayan,

Magbabalik mandin at muling iiral

Ang ngalang Tagalog sa sandaigdigan.

Ibubuhos namin ang dugo't babaha

Matubos nga lamang ang sa amang lupa

Habang di ninilang panahong tadhana,

Sinta'y tatahimik, iidlip ang nasa.