webnovel

Until We Meet Again Book I: 1903

Ang kwento ng pagibig at trahedya mula 1903 hanggang 2018. Si Esperanza ay isang mabuti, mahinhin at maalagang babae mula sa taong 1903 at si Elyca isang masungit, spoiled at mayamang babae mula sa taong 2018, ating alamin kung ano ang koneksyon ng dalawa sa isa't isa at ano ang mangyayari sa pagibig na meron sakanila.

Hephaestus4 · 歴史
レビュー数が足りません
32 Chs

KABANATA XX

Agosto 1903

Siyam na buwan na, ito na ang pinakahihintay kong buwan makikita ko na ang anak namin ni Carlos, nagagalak ako kaya't dumaan ako sa simbahan ng San Francisco upang ipagdasal ang kaligtasan ng panganganak ko, nagtitirik ako ng kandila ngayon, nasasabik na talaga akong makita ang anak naming ngunit kahit na nasasabik ako ay naiisip ko pa din si Ethan, kumusta na kaya siya? Pagkatapos ng pagdaan ko dito gusto ko siyang makausap at makita kahit papaano ay makahingi ako ng paumanhin sakaniya at masabi ko ang mga gusto kong sabihin na nahihirapan akong isulat. Kung makita ko lamang siya ngayon ay hindi ko na papalagpasin pa ang oras na iyon, taimtim akong nanalangin, habang nakapikit ako ay nadama kong mayroong tumabi saakin, bukod kay Rosalinda ay may iba pang tao na nasa tabi ko, hindi ko iyon pinansin dahil baka nagdadasal lamang din siya kagaya ko kaya pinatuloy ko ang pagdadasal hindi ko idinalat ang aking mga mata.

"O Lord please grant the prayer ng nasa tabi ko, pinapanalangin ko din pong sana ay magkausap kami" Narinig ko ang panalangin ng katabi ko kaboses siya ni Ethan pero hindi ko pa din iyon pinansin baka nananabik lang akong makausap siya kaya pati ang imahinasyon ko gumagana at dahil baka mayroon pa siyang ibang katabi at iyon ang pinaparinggan niya o kaya naman baka kaboses lang talaga.

"Lord I know na hindi niya ako mahal pero kahit na hindi niya po akong magawang mahalin ay ibibigay ko pa din po ang puso ko sakaniya" Nang marinig ko ang mga sinabi niya sakaniyang dalangin ay napadilat ako bigla at dahan dahang tinignan kung sino ang lalaking katabi ko, laking gulat ko dahil tama ang imahinasyon ko, si Ethan ang katabi ko ngayon, ka'y bilis ng pintig ng puso ko, nagagalak ako dahil nakita kong muli siya

"Lord sana po kausapin niya talaga ako" napangiti ako dahil gusto niya din pala akong makausap. Akala ko ay galit siya saakin, akala ko ayaw niya na akong makita pang muli pero ito siya ngayon sa tabi ko, hinintay kong idilat niya ang kaniyang mga mata pero wala pa din kaya pumikit ako at nagsalita na din ako

"Dios aming panginoon, nawa'y idilat na ni Señor Ethan ang kaniyang mata upang makausap ko po siya" idinalat kong muli ang aking mata at tinignan siya, nakatingin na siya saakin ngayon, nginitian ko siya at niyakap, nagulat siya saaking ginawa pero wala na akong pakialam. Hindi ko mapigilan ang malakas na tibok ng aking puso na para bang gustong kumawala saaking dibdib, gustong gusto ko talaga siyang makausap at mayakap kaya hindi ko na papalampasin ang oras na ito. Niyakap niya din ako pabalik, lumabas kami sa simbahan at pumunta sa lugar kung saan kami unang magkasamang lumabas, dito sa ilalim ng matandang puno ng acacia, pagdating sa ilalim ng matandang puno ng acacia ay nabalot naman ang paligid ng katahimikan pero dahil ayaw ko na palampasin ang oras na ito inumpisahan ko na

"Se-señor"

"Esperanza"

Natahimik kaming muli dahil nagsabay kami sa paguumpisa ng usapan

"Pasensya na, sige mauna ka na Esperanza"

"Uhm kumusta ka na po Señor? Lubos akong nananabik na makausap ka pong muli marami po akong gustong sabihin saiyo"

"I'm okay but I miss you so much"

"Hindi ko talaga alam paano ko uumpisahan ito pero gusto ko lang sabihin na pasensya po talaga, hindi ko naman gustong saktan ka"

"Ayos lang naman Esperanza, tanggap ko naman na hindi mo ako kayang mahalin at tanggap ko na Patrick is the one you love"

"Si-si Ginoong Patrick po? Hahaha hindi po Señor, wala po akong gusto kay Ginoong Patrick"

"Wa-wala? Papaanong wala? I saw you and Patrick having a date on the restaurant"

"Wala po talaga, at saka yung nakita niyo po, nag aya po kasi siyang kumain sa labas pagkatapos namin puntahan yung bahay na nabili niya"

"O really?" Bakas sa mukha ni Ethan ang tuwa na marinig niyang wala akong gusto kay Patrick, halos lumundag siya sa sobrang tuwa

"Opo Señor wala po talaga, kaibigan lamang po ang turing ko kay Patrick"

"So I was wrong that I jumped too fast into the conclusion that you and Patrick are seeing each other hahaha Pasensya na" muling natahimik ang paligid dahil nawalan kami ng paguusapan pero maya maya ay biglang nagsalita si Ethan

"Uhm by the way Esperanza about the thing that I said, seryoso ako doon Esperanza, I really love you, yes I really do"

"Se-señor yung patungkol po doon pasensya na po din talaga kung hindi ko nasuklian ang pagibig na ibinibigay mo noong nakaraan saakin dahil natatakot ako na baka pag umamin ako ay bigla kang mawala, na baka hindi totoo talaga itong nararamdaman ko pero matagal tagal ko din itong pinagisipan, matagal tagal ko ding dinama ang nararamdaman ko. Mahal na din kita Señor, hindi ko na kayang pigilan pa, mahal na talaga kita Señor" nagulat si Ethan sa sinabi ko, mas lalo siyang natuwa, napalundag siya sa tuwa at sumigaw sa buong paligid, nakakahiya pero natutuwa din ako sa reaksyon niya maraming taong nagtitinginan dahil parang baliw si ethan dito kakasigaw at talon dahil sa tuwa halos gusto niyang yakapin yung mga taong dumadaan, natutuwa talaga ako sakaniya.

"Thank you Esperanza, I really love you, mahal na mahal kita" niyakap niya ako mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko, niyakap ko din siya at dinama ko ang tibok ng puso niya, ayaw ko nang umalis sa pagkakayakap niya saakin, ayaw kong bitawan niya ako dahil natatakot ako na baka iwan niya ako kagaya nang nangyari kay Carlos, kaya dinadama ko ang bawat sandali ang yakap niya at ang tibok ng puso niya

"Sa-sandali Ethan, Ahh aray Ahh ang sakit ng tiyan ko E-Ethan, manganganak na ako!" napabitaw si Ethan sa pagkakayakap niya saakin at nataranta, binuhat niya ako at pinasok sa kalesa, nagulat si Rosalinda at nataranta din ng malamang manganganak na ako. Pinaandar na ang kalesa, nagmamadali ang kutsero, sa bahay ni Don Gustavo kami dumiretso dahil mas malapit kaysa sa ospital sakto namang naroon siya kaya inasikaso na niya kami, pinahiga ako sa isang kama, inihanda ang mga kailangan. Ilang oras ding tinagal ang panganganak ko, nakakapagod umiri kaya nakatulog na ako pagkatapos hindi ko na alam ang mga susunod pang nangyari. Paggising ko ay madilim na ang paligid, nakita ko si Ethan na naghihintay sa paggising ko, nang mapansin niyang gising na ako ay nakangiti siya saakin at nginitian ko din siya pabalik, hawak hawak niya ang anak ko kaya mas lalo akong natuwa, inilapit niya iyon saakin at itinabi niyakap ko ang anak ko. Lalaki ang anak namin ni Carlos kaya isusunod ko ito sa ngalan niya dahil iyon ang bilin niya saakin bago siya mamatay, naiiyak ako sa tuwa dahil sa wakas nasa tabi ko na ang biyaya at alaalang iniwan saakin ni Carlos, masaya ako at nahahagkan ko na ang munti naming anghel. Narito na siya Carlos ang ating anak, sayang nga lang at hindi mo siya nakita pero sigurado akong masaya ka din na narito na ang ating anak. Dumating sila ina at Leonor sa bahay ni Doktor Gustavo, bakas sa mukha nila ang tuwa na naipanganak ko ng malusog si Carlos, kahit malabo na ang mga mata ni mama ay bakas sa mukha niya ang tuwa at galak. Iniuwi nila ako sa casa at doon na ako tuluyang nagpahinga para makabawi ng lakas, nasa casa rin si Ethan dito daw muna siya mananatili at bukas ng umaga na siya uuwi.

"Kumusta na aking mahal na Esperanza?" nakangiting sabi saakin ni Ethan

"Maayos na ang aking lagay, masaya ako na narito ka"

"Hindi ko kayang iwan ang pinakamamahal ko, gusto muna kitang makasama at ang anak natin"

"A-anak natin?"

"Yes my love, anak natin, hindi man ako ang ama ng anak niyo ni Carlos but I promise that magiging mabuti akong ama para sakanya" natuwa ako sa sinabi ni Ethan, naalala kong muli si Carlos kung narito lamang siya ngayon tiyak sobra sobra ang tuwa niya pero masaya pa din ako dahil kahit papaano narito si Ethan para saakin. Nakatulog ako ng di ko namamalayan kinabukasan ay nagulat ako na nakaupo pa din si Ethan sa inuupuan niya, natutulog siya habang nakaupo, napangiti ako dahil hindi ko inakalang nagpuyat siya para bantayan ako, pinagmasdan ko siya habang natutulog siya, mas lalo akong napapamahal kay Ethan dahil sa mga pinapakita at pinaparamdam niya saakin. Nagulat ako dahil bigla siyang dumilat kaya nagkunwari akong tulog pa ako.

"Aww! My love is still sleeping, how about a kiss to wake her up" Hinalikan niya ako sa noo kaya napadilat ako, nahuli niya ako nagkukunwaring tulog lang ako, nakakahiya pala dahil alam niya na gising ako at nagtutulogtulugan lang

"How are you? Kumusta ang tulog?"

"Maayos naman Señor, may tanong ako, natulog ka po ba?"

"Nope, I just take a nap pero naramdaman kong gising ka na kaya dinilat ko na din ang mata ko, naabutan kitang gising at biglang pumikit. Pinagmamasdan mo ako no?" bigla akong namula dahil sa hiya

"A-ano po, hindi ah, hindi kita pinagmamasdan Señor"

"Don't lie to me, I saw you and also huwag mo na akong tawaging Señor" nakangiti niyang tugon, mas lalo akong namula dahil sa mga ngiti niya saakin na talagang nakakahawa at nakakatunaw

"Ah sige po at hindi po talaga kita pinagmamasdan"

"Okay sabi mo yan ha, I love you" nakangiti niyang sabi saakin, mas lalo akong namula ng binigkas niya ang salitang mahal niya ako

"Mahal din kita Ethan" hinawakan niya ang aking kamay at hinalikan

"I need to go now my love may kailangan akong asikasuhin sa munisipyo, see you later, I love you and also you, our baby boy"

"Sige magiingat ka ha, bumalik ka mamaya, mahal na mahal kita" hinalikan niya sa noo si Carlos pati na din ako, nagpaalam siya saakin na may ngiti sa mga labi. Pumasok sa cuarto si Leonor at kinumusta ako

"Ate may tanong lang ako, kayo na po ba ni Heneral Ethan?"

"Oo Leonor, kami na" nagulat si Leonor dahil mabilis ang aking pagsagot

"Talaga po ba? Kailan pa? ako'y lubos na nagagalak dahil kayo ni Heneral Ethan ang nagkatuluyan"

"Oo Leonor, mahal namin ang isa't isa kahapon lang naging kami, napakabilis ng mga pangyayari pero masaya ako at hindi ko pinagsisihan na naging kami ni Ethan"

"Masaya ako para sainyo ate at saiyong naging desisyon, narito lamang ako para sainyo susuportahan ko kayo ate kagaya ng pagsuporta mo saamin ni Fai Lu, kailan mo ipapaalam kay mama na kayo na ni Ginoong Ethan?"

"Mamaya din pagbalik ni Ethan galing sa munisipyo ay ipapaalam ko na kay mama ang patungkol sa aming dalawa"

"Sige ate, siya nga po pala paano si Ginoong Patrick? Alam niya na po ba na kayo na ni Ginoong Ethan? Sigurado akong lubos na masasaktan si Ginoong Patrick"

"Hindi pa niya alam Leonor, hindi ko alam paano ko sasabihin sakaniya pero sigurado naman akong maiintindihan niya din"

"Kung gayon susuportahan pa din kita ate, ipaalam mo na kaagad bago pa mahuli ang lahat, sige ate bababa lang ako at pupuntahan si mama, papaakyatin ko nalang si Rosalinda para samahan ka niya dito" Pumasok si Rosalinda sa cuarto ng may dalang pagkain para saakin

"Rosalinda maaari ba tayong magusap?"

"Ano po iyon Señora?"

"Kami na ni Ethan at ipapaalam ko na din iyon kay mama mamaya pero paano ko naman kaya sasabihin kay Patrick na kami na ni Ethan ng hindi siya masasaktan?"

"Uhm Señora sa totoo lang isa lang ang magiging sagot ko diyan, iyon po ay maging totoo ka po kay Señor Patrick, masasaktan po siya pero dahil iyon ang katotohanan kailangan niya po iyong tanggapin"

"Ganoon ba, sige susundin ko ang payo mo, Muchas gracias Rosalinda" Pagkauwi ni Ethan ng casa ay sinamahan niya kami sa salo salo at doon kami umamin kay mama

"Mama mayroon po akong sasabihin saiyo"

"A-ano i-yon anak?"

"Kami na po ni Ethan, mahal ko po siya mama"

"Ka-kayo na ni Heneral Ethan? Ka-kailan pa?"

"Kahapon lamang po mama"

"Ganoon ba? Ethan, Hijo, totoo ka ba sa iyong nararamdaman para sa aking anak?"

"Yes madam, totoo po ako saaking nararamdaman at malinis po ang intensyon ko sainyong anak, mahal ko po ang inyong anak at handa akong ibigay lahat para sakaniya"

"Kung gayon, w-wala na akong magagawa, matanda na kayo, may sarili na kayong p-pananaw sa buhay, kaya niyo na ang sarili niyo, kung si Ethan ang magpapaligaya saiyo anak, pumapayag ako basta ipapangako mo Ethan magiging matapat at totoo ka sa aking anak"

"Pangako po Madam" naging masaya ang salo salo namin dahil tinanggap na ni ina ang pagmamahalan naming dalawa ni Ethan, ito ang gabing hindi hindi ko malilimutan, ang gabing kaming dalawa ni Ethan laban sa mundong ito, ang gabing puno ng pagmamahal, sana ay hindi na ito maglaho pa, alam kong tama ang naging desisyon ko, mahal ko na talaga si Ethan at hindi ko na ito pipigilan pa.