webnovel

Until We Meet Again Book I: 1903

Ang kwento ng pagibig at trahedya mula 1903 hanggang 2018. Si Esperanza ay isang mabuti, mahinhin at maalagang babae mula sa taong 1903 at si Elyca isang masungit, spoiled at mayamang babae mula sa taong 2018, ating alamin kung ano ang koneksyon ng dalawa sa isa't isa at ano ang mangyayari sa pagibig na meron sakanila.

Hephaestus4 · 歴史
レビュー数が足りません
32 Chs

KABANATA III

Kinabukasan isang masamang balita ang dumating sa tahanan ng mga Gonzales

"H-hindi, hindi iyan totoo"

"Lo siento Doña Teodora pero tu esposo está muerto, lo siento (Sorry Doña Teodora but your husband is dead) él murió mientras luchaba contra los rebeldes (he died while fighting against the rebel)"

"Hindi totoo yan simoun, nagsisinungaling ka, hindi!" hindi na napigilan ni Doña Teodora na lumuha ng lumuha habang hindi siya makapaniwala sa ibinalita ni Simoun, si Simoun ay ang kanang kamay ni Don Rafael Del Olmo, siya ay negosyanteng Filipino-español na dahil sa pagkakautang kay Don Rafael ay naging kanang kamay siya nito, mapagkakatiwalaan ni Don Rafael ng lubos si Simoun lahat ng lihim ni Don Rafael ay si Simoun lamang ang tanging nakakaalam dahil si Simoun ay isang matapat na kanang kamay ni Don Rafael. Dinala ng mga guardia ang ataud ni Don Miguel sakanilang bahay. Nahimatay sa sobrang pagiiyak si Doña Teodora, nasalo naman siya nila Samuel. Inihanda na ng mga ayudante (helper) ang ataud o kabaong ni Don Miguel sa loob ng Casa Gonzales, iniayos nila ang lahat, naghanda sila ng mga pagkain at kape para mga dadalo sa lamay ni Don Miguel. Kagaya ng lamay ni Carlos, dumalo din ang mga mayayamang at kilalang tao sa Casa Gonzales, dumating din si Don Rafael kasama ang kanyang pamilya.

"Condolencia señora, condolencia" ang sabi ni Don Rafael, bakas ang lungkot at pagkadismaya sa mukha ni Don Rafael, nanamlay din ito

"Anong nangyari, bakit namatay ang aking asawa Don Rafael? Ilang dia din kaming naghihintay ng balita tungkol sa inyo at sa nangyari"

"Lo siento señora pero natalo ang hukbo naming ng mga rebelde at nakontrol nila ang casa del olmo, kinontrol nila ang mga balitang lalabas at papasok sa aming casa, isinara nila ang daan patungo sa loob at labas ng casa upang makasiguradong walang makakaalam sa nangyari, nagbihis guardia civil sila upang di paghalataan ng mga tao, sa loob ng casa ay pinahirapan kami, kung makikita mo lamang ang aking likuran señora teodora ay makikita mo ang bakas ng paghahagupit nila saamin, kasama si Simoun sa loob kaming tatlo lang ang nahuli ngunit kaming dalawa lang ni Don Miguel ang pinahirapan ng mga rebelde, kabayaran daw iyon laban sa pagpapahirap ko sakanila, sa pagpapataw ko daw ng malaking buwis sakanila ng mga nakaraang taon, ngayon lang daw sila nagkaroon ng pagkakataon makaganti dahil nagkakagulo ang karamihan dahil sa laban ng Pilipino kontra amerikano, nakawala si Simoun at nakahingi ng tulong nang dumating ang reforzamiento ay nataranta ang mga rebelde at ang karamihan sakanila ay tumakas nagpaiwan ang supremo ng mga rebelde hawak ang rebolber, para daw tumahimik na kami at makamit nila ang inaasam nila papatayin niya kami, itinutok niya ang baril sa ulo ko pero biglang tumayo si Don Miguel at itinulak ang Supremo ng mga rebelde na nakatakip ang mukha, hindi napigilan ng Supremo na lumaban kaya binaril niya si Don Miguel sa paa sunod naman ay sa Ulo na ikinamatay niya, isusunod na sana ako pero saktong dumating ang mga reforzamiento binaril nila ang supremo tinamaan sa braso ang supremo pero nakatakbo ito at hindi na nila nahabol pa"

"Hindi, Sin Verguenza (Walang hiya)!! Pero bakit?! Bakit nila pinatay si Miguel?! Naging mabuti si Miguel sa mga tao dito sa San Francisco kahit sa mga magsasaka naming na trinato naming ng tama at para na naming kapamilya, pati na din sa mga nakakanegosasyon niya kaya imposibleng pati si Miguel, hindi ko pa din maintindihan Señor" tuluyan nang tumulo ang luha ni Doña Teodora

"Lo siento señora, lo siento, may mga tao talagang hindi marunong tumanaw ng utang na loob, may mga tao talagang kahit anong buti ang ibigay mo ay kasamaan pa rin ang igaganti o isusukli sayo" sagot ni Don Rafael na may lungkot sa mga labi

"Doña Teodora, saiyong tono kanina ay parang hindi ka naniniwala saaking asawa" biglang singit ni Doña Victoria sa usapan ng dalawa

"Hindi naman sa gayon Doña Victoria, hindi sa hindi ko pinaniniwalaan ang kwento ng iyong marido"

"Anong nais mo iparating Doña Teodora? Pinaghihinalaan mo ba ang aking asawa?"

"Hindi ganoon, Doña Victoria, naghahanap lamang ako ng kasagutan sa mga katanungan sa aking puso't isip dahil isang mabuting asawa, ama, haciendero at amo ang asawa ko kaya hindi ako makapaniwalang papatayin siya ng mga rebelde"

"Doña Teodora, wala na tayong magagawa, kung patay na, patay na, wala na tayong magagawa, kung ayaw mo paniwalaan lahat ng tinuran ng aking asawa mas magandang wag mo nalang siya pakinggan Teodora"

"Doña Victoria, b-bakit teodora lang ang tawag mo saakin? Tandaan mo Doña Victoria magkaparehas tayo ng katayuan, parehas tayong makapangyarihan at wala na kayo sa trono bilang general ng bayan na ito kaya parehas na tayo dito Doña Victoria"

"Tumigil na kayong dalawa, walang patutunguhan ang away ninyong dalawa at ikaw Teodora, wag na wag mong tataasan ng boses ang aking asawa"

"A-ano? Don R-rafael? B-bakit? Ako pa ang tumaas ang boses, siya ang nauna Don Rafael, maging patas ka saamin Don Rafael, at Don Rafael, mali na Teodora lang ang tawag niyo saakin"

"Biyuda ka na Teodora at malapit ka na din mawalan ng yaman dahil nararamdaman kong hindi ka tutulungan ng mga taong akala mo kaibigan mo, teodora lahat nang yaman niyo ay unti unti ding mawawala pero ang saamin kahit bumagyo pa ay hindi mawawala"

"D-don rafael hindi ko na nagugustuhan ang mga sinasabi niyo"

"Tandaan mo Teodora kung wala kami, wala din kayo, Malaki ang utang na loob niyo saamin teodora"

"Don Rafael wala kaming utang na loob sainyo lahat ng yaman naming ay pinagtulungan naming magasawa, at isa pa Don Rafael anak ako ng isa sa pinakamayamang español sa banda kaya ni kailanman ay di mo ako puedeng tawagin sa ngalan ko lang at hindi mo puedeng sabihin na mawawalan na ako o kami ng yaman"

"Tignan nalang natin teodora, vamos, umalis na tayo sa lamay na ito dahil wala din naming patutunguhan ito" sabi ni Don Rafael na may galit sa kanyang mukha, nagpaiwan si Doña Victoria at hinarap muli si Doña Teodora.

"Malapit ka nang bumagsak Teodora, malapit na, tandaan mo ang araw na ito, damhin mo na lahat ng gusto mong damhin dahil pag dumating na ang araw ng pagbagsak mo, sisiguraduhin kong hinding hindi mo at ng mga anak mo makakalimutan ang dia na iyon" nakangiti si Doña Victoria at tumalikod at naglakad palabas ng Casa Gonzales.

Hinawakan ni Leonor ang braso ni Doña Teodora dahil narinig niya lahat ng mga sinabi sakanya ng magasawang Del Olmo kaya pinatahan niya ang ina habang ito ay umiiyak.

"Hindi ko maintindihan anak, paano nila nagagawang sabihin iyon saakin"

"Pabayaan na natin sila ina, ang isang tigre kahit ilagay mo sa loob ng casa ay tigre pa din, taglay pa din nito ang bangis na handang lumapa kahit pilit mo itong paamuhin"