webnovel

University Series: Athena Louise Sarxel

Athena Louise Sarxel, ang babaeng hinahangaan ng SU o Sarxel University. Sya ang cheerleader captain. Sya rin ang tinuturing na Campus Bitch Queen. Don't mess with her or you'll end up living in hell. Xyzrille Cameron Garcel, isang scholar pero hindi nerd. In fact ay marami ang nagkakagusto sa kanya at sya'y kilala rin sa SU. Pero focus si Xyzrille sa pag-aaral nya. Halos hindi nga sya updated sa mga bagong ganap sa paligid nya. What would happen if their world collide? Well, it can be a total chaos.

KillerInDuty · LGBT+
レビュー数が足りません
54 Chs

Chapter 2

Athena's PoV:

Damn it. Ang ingay ng alarm clock. Geez. Umagang-umaga ha tapos ito bubungad sayo. Bakit ba kasi naimbento 'to? Inaantok pa ako oh.

Nang okay na ang sarili ko ay tumayo na ako at ginawa ang dapat kong gawin kahit sobrang tamad na tamad ako. Like last day na pala 'to ng vacation. I'm super excited na for school. I miss my besties and the crowd who's cheering and admiring me.

Well, who wouldn't? I'm Athena Louise Sarxel. I'm currently studying at our university which is the Sarxel University. Kilala ang school na 'to cause it's prestigious and rich ones like heir/heiress attend SU. Kasama na rin pala ang mga scholar trash. I freaking hate them.

I'm the cheerleader captain. Tinaguriang Campus Bitch Queen. And I know why. Probably, because of my mean attitude. Isama na rin ang pambubully ko. Well, I don't care about them.

No one dares to fight against me because in just one snap, I can turn their life into a living hell. Spoiled din ako nina Mommy at Daddy dahil only child lang ako. Oh, and NBSB pa pala ako. Kahit ganto ako, kahit kelan ay wala pa akong nagiging jowa. Well, I'm kinda choosy kasi you know.

I know my worth. Duh.

Matapos mag-ayos ay bumaba na ako. Nakita ko sa dining table sina Mommy at Daddy. Agad akong humalik sa kanilang dalawa.

"Morning, Mom and Dad." Matapos kong sabihin iyon ay umupo na ako sa upuan at sinimulang kainin ang aking breakfast.

Binati rin nila ako at tinuloy ang kanilang ginagawa. I know, trabaho na naman ito. Matapos ang ilang sandali ay tumayo si Dad.

"Honey, I need to go. May kailangan akong asikasuhin sa company" Sabi ni Dad at humalik kay Mom.

"Bye, sweetheart. Take care and enjoy." Saad nito sa akin at tuluyan nang umalis.

Itinuloy ko na lang ang aking pagkain. Matapos ang ilang sandali ay tumayo naman si Mom.

"Honey, I need to go. May patient pa akong kailangang operahan." Hinalikan nya ako at katulad ni Dad ay umalis na rin.

My mom is a doctor while my dad is a businessman. I know that they're workaholic but it's for our better future. Iniiwasan kong hindi magtampo at intindihin na lamang ang ginagawa nila. Pero mahirap pa rin talaga.

Napagdesisyunan kong magpunta ng mall para magshopping. I have my credit cards na hindi ko alam kung mauubusan ba ng laman. Mom and Dad provided me that cards. Para mabili ko raw ang mga gusto kong bilhin kahit wala sila.

Ayaw ko naman tawagan ang mga frenny ko dahil ayokong magambala ang last day of vacation nila. So, I'll go for myself. I'mma date myself today. Yay! Self Love and support spotted. Magjojowa na nga ako. Just kidding.

After masatisfy sa aking outfit at itsura ay hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at dumiretso na sa mall.

Pagpasok ko palang sa mall ay pinagtitinginan na ako ng maraming tao. I cannot blame them because I'm too gorgeous. And that's a fact.

Napagdesisyunan kong magshopping na lang. Para na rin bukas dahil back to school na. 'Yung kaya ko lang bitbitin. I don't care for its price. As long as nagustuhan ko ay kukunin ko.

Suddenly, I felt hungry and tired at the same time. Sakto namang napatingin ako sa isang cafe. Hmm. Let me give it a try. Kakapasok ko pa lamang ng store nang biglang...

*splash*

Nakaramdaman ako ng malamig sa aking katawan. At napagtanto ko na isang itong kape. Mabuti at hindi nabasa 'yung napamili ko.

Pero, what the fuck?! 'Yung damit kong suot... Ang mahal-mahal nito. And this is one of my fav.

"Shit." We both said in unison. I started to get angry because of what happened. Agad na nag-init ang ulo ko. Damn. I want to slap this dumb person.

"Hey!! Look what you've done with my dress?! Are you blind? Bakit hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo? For fuck sake, my outfit now is ruined because of you?! " Mabilis na sabi ko at dinuro pa ang babaeng nakatapon ng kape sa akin.

I gritted my teeth in so much annoyance. Bakit parang hindi man lang sya apektado sa sinasabi ko? Argh! How dare her!

"Hey, lower your voice and calm down." The girl said as if she's trying to calm me down. Like hello?! Pinagtitinginan na kami ng mga tao rito. And I don't give a freaking care about them. Fuck.

"The fuck?! How can I calm myself if you ruined my outfit? Do you know how much it cost huh? Damn you! It's your fault! " Galit ko pa ring saad. I bet, she really can't afford it. Tsk.

She seem unbothered on what happened and I hate her for being like that. Argh.

"First of all, I don't know how much it cost and hindi ko na gustong alamin pa. Second, it's not my fault because it's OUR fault. Hindi naman 'to mangyayari kung nakatingin ka rin diba?" She said and leaved me dumbfounded. Napahiyaw na lang ako sa sobrang inis. Kaasar!

Well, basically sya pa lang ang naglakas ng loob na sagot-sagutin at ipahiya ako sa maraming tao. Mas lalong nadagdagan ang inis ko sa babaeng iyon. No one dare to do that to me.

Hindi ko na natuloy ang aking plano sa shop at dumiretso na lang sa aking condo. Yes, may sarili akong condo. Damn it! Amoy coffee na ako. I need to take a quick shower. Argh! Paano na yung damit ko?! Hindi ko na ata magagamit 'yon.

Huwag na huwag lang magpapakita sa akin ang babaeng 'yon dahil kung hindi, lagot sya sa akin. I need to take a beauty rest. Hindi ko dapat iniintindi ang mga ganong bagay. But...

I freaking hate her! I swear, magkikita pa rin kami!