webnovel

Undying Souls

Maaari nating sabihin na ang pagkakaroon ng sinasabing 'third eye' ay biyaya mula sa nasa itaas. Pero iba ang depinisyon ukol rito ng isang estudyanteng babae na si Carolina Alcober. Para sa kanya ay isa itong sumpa. Isang sumpa na habang buhay niyang dadalhin at hindi na niya matatakasan pa. Saan siya dadalhin ng kanyang kapalaran? Kung patuloy niyang nakikita ang mga kaluluwa ng mga taong may malalim at mas kahindik-hindik na dahilan ang pagkamatay, mahigit isan-daang taon na ang nakararaan?

GalaxyIsLove · ホラー
レビュー数が足りません
4 Chs

Chapter 3

Carol's PoV

Mabilis na lumipas ang oras at ngayon ay alas kwatro na nang hapon. Katatapos lang ng klase kaya inayos ko na ang magulo kong gamit at inilagay ng lahat sa pulang paper bag ang mga libro ko. Bilang na lamang sa daliri ang tao rito sa aming silid kabilang ako at si Dice. Maya-maya lang ay nagpaalam na din sya.

"Bye, Carol. See you tommorow!" Ngiting-ngiting saad niya habang patalikod na naglalakad patungong pintuan.

"Paalam." tipid kong sabi at nagpatuloy sa pag-ayos ng gamit ko. Ilalagay ko na sana ang librong 'The Possession of Cassandra Abellar' sa aking bag ng biglang...

"BOO!" biglang sigaw ng isang babae sa likod ko at may kasama pang kaunting tulak sa aking upuan.

"Ay mamang guard sa gate!!" sigaw ko din dahil sa sobrang gulat. Nalaglag pa ang bag ko sa sahig dahil bigla akong napatayo.

"Ahahahahaha. You should see your face, Carolina! Ahahaha. Epic!" Nilingon ko ang taong nanggulat at tumatawa. Pulang-pula na ang tenga nya at halos umupo na siya sa semento kakatawa. Tss. Ambabaw talaga ng kaligayahan nya.

"You should see your face too, Lavander. Mukha kang na-rape." Pasaring ko na lamang at kinuha ang backpack ko at paper bag sabay labas ng room. Hindi ko na matatagalan ang babaeng yon. Ang pagtripan yata ako ang kasiyahan sa buhay. Tsk

Binilisan ko ang paglalakad dahil umuunti na ang tao rito sa Grade 9 and 10 building. Mahirap na, baka may makasalubong pa akong mga elemento at bigla na naman akong tumakbo sa quadrangle at mapagkamalang baliw.

"Ms. Alcober!"

Natigil ako sa paglalakad ng marinig kong may tumawag sa akin mula sa likuran. Paglingon ko ay nakita ko ang subject teacher namin sa History...Mr. Arsen Dela Fuente.

"Mr. Dela Fuente... bakit po?" tanong ko

"I'll be out for almost two weeks. Pakisabi na lang sa mga kaklase mo. Hindi ko makita si Lavander kaya sayo ko na lang sinabi. Okay bye! Thank you." tumango na lamang ako kahit na wala talaga akong pake sa sinabi nya. Don't judge me. Alam kong ayaw sa akin ng mga guro dito. At ayaw ko din naman sa kanila. Kung pwede lang sa Gascon na din ako mag-aral. Kaso walang kasama sina Lola at Lolo.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at ng malapit na ako sa exit ng building ay narinig ko ang mabibigat na hakbang.

'Oh no... Not again!'

"Tulungan mo ko!!!" Dumadagundong ang malaki at malalim niyang boses. Nakakatakot. Palapit siya ng palapit kaya naman lakas loob ko itong nilingon.

-

At hindi nga ako nagkamali. Tumatakbo palapit sa akin ang dating security guard dito na lagi kong nakikita. Dala ang kanyang batuta at lubid na karaniwang gamit noon. And yes... he's also an undying soul pero di tulad ng iba, malakas ang instinct nya na nakikita ko talaga sya. Kapag nagmamaang-maangan ako katulad ng ginawa ko kanina sa cr, mas lalo niya akong tinatakot.

Wala na akong magawa kundi ang tumakbo. Ayokong napagkakamalang baliw pero ayoko rin namang tuluyang makalapit sa akin ang matandang iyon. Tanginis

Huminto ako sa tapat ng computer lab ng grade 10 at sakto, hindi pa nala-lock. Walang pag-aalinlangan akong pumasok at dinama ang lamig na nagmumula sa airconditioner.

Inilibot ko ang aking paningin at ng masigurong walang ibang kaluluwa at nanghihina akong napaupo sa sahig, dalawang metro ang layo sa pinto. Sana normal na lang ako. Sana nandito si Everest para sabay kaming tatakbo kahit wala naman talaga syang nakikitang multo. Sana kagaya na lang ako ng iba para di ako napagkakamalang baliw. Kung bakit kasi ako pa ang napili nyo. Kung bakit kasi bigla kayong nawala at ako pa ang ginawa nyong paraan para malaman at masabi sa lahat ang tunay na nangyari sa taong 1826 kahit hindi ko naman talaga alam ang totoong kwento.

-

halos limang minuto na ang lumipas ng makarinig na naman ako ng mga yabag sa labas.

'Natatakot'

Yan talaga ang tunay na nararamdaman ko ngayon. Mas lalo pa iyon nadagdagan ng marinig kong may kumakatok!

"Ayoko naaaaaa!!!!" Halos paiyak kong sigaw dahil malamang sa malamang, sobrang putla ko na ngayon.

Napapikit na lamang ako ng makita kong unti-unti ng bumubukas ang pinto sa harap ko.

'Lord help me please...'

-

"Huy! Ginagawa mo dyan!?" napamulagat ako sa sigaw na narinig ko. Boses babae. Hindi ito yung sekyu na humahabol sa akin.

"LAVANDER!?"

"Err. Oo ako nga. Ang weird mo talaga e no. Tumakbo ka na lang bigla kanina. Yung totoo? Baliw ka ba talaga?" Tumayo na lamang ako at pinagpag ang palda kong puro alikabok na. Naglakad ako papunta sa pinto at alam kong nakitingin sya sakin. "Hindi ako baliw."

-

Nakauwi na ako sa villa dahil sinundo ako ni Lolo Carlos. Napansin niyang wala ako sa mood kaya habang gumagawa ako ng assignment dito sa kwarto ko ay bigla syang pumunta at umupo sa pulang couch. At dahil mataas ang kama ko, nakatingala sya ng magtanong.

"Ano na naman bang nangyari, Carolina?" panimula niya kahit alam kong alam naman na niya kung ano ang problema. Halos araw-araw na to, hindi pa sya nasanay.

"Lolo hindi ako baliw."

"Alam ko." Sagot niya

"Pero para sa iba, baliw ako. Hindi sila kagaya nyo, Lolo. Ayaw nilang maniwala. Kanina hinabol na naman ako nung dating security guard. Lolo takot na takot ako." hindi ko na mapigilan ang pagbagsak ng luha ko. Masakit sa pakiramdam ang hindi paniwalaan pero mas masakit ang husgahan lalo na kung wala naman talaga silang alam.

"Hayaan mo, Carolina... Darating ang araw paniniwalaan ka din nila. Wag ka sanang magsawang hintayin ang araw na yon." Huling saad ni Lolo bago tuluyang umalis at isarado ang pintuan ng kwarto ko.

Nagkaroon ako ng pangalawang kaibigan pero hindi non mababago na para sa iba, ang abilidad ko'y isa lamang kabaliwan.