webnovel

Chapter 10

SHE looked at her and smiled.

"Really", she asked her. Again.

Tumango ito.

"Yes. It's real. Sinasagot na kita Alex".

"Wow!"

Tumawa ito.

Niyakap niya ito.

"Thank you Nikki", aniya.

Her voice sincere.

"I hope you won't hurt me Alex".

Kumalas siya rito, at hinawakan ang mga kamay nito at tumingin mismo sa mga mata nito.

"I won't hurt you Nikki. I won't promise it but i will do everything to make this work. Thank you for giving me this chance."

She is sincere with her words.

Almost two years din siyang nanligaw dito.

At ngayon,sinagot na rin siya nito sa wakas.

They hugged again.

Three years ago nang makilala niya sa pinagtatrabahuan ang dalaga. Isang taon silang naging magkaibigan bago niya ito niligawan.

Hindi naging madali para dito ang tanggapin ang panliligaw niya dahil sa kaniyang kasarian.

Ngunit sa matiyaga niyang paghihintay rito, nakita rin nito na mabuti ang kaniyang hangarin. Na kahit na babae din siya, kaya niya ring mahalin ito at alagaan.

At ngayon,girlfriend na niya ito.

Nakakaproud.

Nikki is one of the prettiest girl na nakilala niya. Bukod sa maganda, mabait pa at napaka humble kahit na may kaya ang pamilya.

Isa sa nagustuhan niya rito ang pagiging open nito sa katulad niya. Hindi siya nito ikakahiya kahit hindi pa sila magkasintahan.

She is the kind of a woman na maipagmamalaki niya kahit kanino.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

AT the age of 28, Alex can say she is already successful in her career.

She got the job as a creative manager in one of the top highest music company, and she loved her job so much. She love everything about music.

She already have her own condo unit, her sports car, and a beautiful girlfriend. Ano pa nga ba ang mahihiling niya?

Nasa kaniya na ang lahat.

Kumatok siya sa isang opisina na may nakasaad sa labas ng pinto.

C.E.O.

"Come in",sigaw ng nasa loob.

She opened the door at agad napangiti nang makita ang nobyang abala sa likod ng mesa nito.

Nag angat ito ng ulo at agad ring napangiti ng makita siya.

"Hi honey",aniya rito.

Lumapit siya at naupo sa kaharap na upuan ng office desk nito.

"Hi hon", ganting bati nito na halatang pagod.

"I'm done for today. Would you like to eat outside or mag oorder nalang ako sa condo?".

Ibinaba nito ang hawak na pen at dinampot ang cellphone. Tiningnan nito ang oras.

"We can eat outside nalang hon. I will be ready in ten minutes."

"Okey thats good. Aantayin nalang kita sa kotse?"

Tumango ito.

Tumayo na si Alex at nagpaalam na sa nobya.

Kinuha niya lang ang back pack sa office niya at bumaba na ng building na pinagtatrabahuan niya this past few years.

Sa sasakyan sa parking lot na niya hinintay si Nikki.

Exactly ten minutes later,nakita na niya itong lumabas ng entrance ng building.

Alam na nito saan lagi nakapark ang sasakyan niya kaya dumiretso na ito sa kung saan siya naghihintay rito.

Pagkasakay nito.sa tabi niya agad niya itong hinalikan sa labi.

"Let's go", aniya pagkatapos ng halik.

"Yes please. I'm starving."

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Habang nasa gitna sila ng traffic, binuksan ni Nikki ang fm radio ng sasakyan.

"Lets listen to some music hon",anang nobya.

Hinayaan lamang ito ni Alex.

Tamang tama namang lumabas sa radyo ang boses ng isang sikat na dj ngaun.

"Hello everybody,magandang magandang hapon po sa inyong lahat. Malapit na naman ang gabi at oras na para makasalo natin sa hapunan ang buong pamilya.

Ako si DJ Trish ang inyo munang makakasama habang magbibigay sa inyo ng magandang awitin habang kayo ay nagluluto palang ng inyong hapunan, o pauwi palang mula sa trabaho".

"Hon,you know Dj Trish right?"

Nagulat pa si Alex sa biglang pagtanong ng katabi.

Umuusad na ang mga sasakyan sa unahan.

"Yes. High school friend",sagot niya.

"I really like her. She seems cool and funny".

Tumutunog na ang music ni Moira sa radyo.

"Yeah,she is cool",matipid niyang sagot.

Focus na sa pinapakinggang kanta ang katabi. Nang tapos na ang kanta, nasa highway parin sila.

Medyo malayo pa ang restaurant na pinili nila.

Sana nag order nalang siya.

Rush hour kaya matraffic ang kalsada.

Nagsalita uli ang dj.

" Mga kabuddy ko ngayong hapon na to, bigla akong nagulat at hindi lang nagulat kundi shocked na shocked.

Bigla pong may dumating dito sa studio. Hindi ako makapaniwala.

Ang tagal kong hindi nakita ang taong ito".

Alex's heart suddenly start beating so fast.

Anong ibig sabihin ni Trisha?

Napahigpit ang hawak niya sa manibela ng sasakyan.

"Mga kabuddy ko, twelve years kong hindi nakita ang taong ito. Sobrang tagal."

Sa pagkakataong ito,halos mabingi na si Alex sa lakas ng pintig ng puso niya.

Hindi na niya maalalang may katabi siya.

Ni hindi niya namalayang napapabilis din ang pagpapatakbo niya ng sasakyan.

Hindi niya alintana ang nagtatanong na mga tingin ng nobya sa kaniya.

"Mga kabuddy ko,dahil sa sobrang saya ko ngayon. Gusto kong ipakilala sa inyo ang aking bisita. My long lost friend,

Antoinette ,Toni in short".

Napatili si Nikki nang biglang apakan ni Alex ang preno.

"Alex what are you doing?!"

She can't speak.

Walang lumalabas sa bibig niya na kahit na anong salita.

Natauhan lamang siya nang marinig ang malalakas na busina ng mga kasunod na sasakyan.

Muli niyang pinaandar ang sasakyan para itabi sa harap ng drug store na nadaanan.

Hindi siya makatingin kay Nikki.

"Whats wrong Alex? Are you okay?".

She is not ok.

Lalo na nang magsalita uli si Trisha.

"Toni, say hello sa mga kabuddy natin ngayon. Paparinig natin sa kanila ang boses ng napakaganda kong kaibigan".

"Hello everyone. I'm Toni".

"Narinig niyo yun mga kabuddy, ang lamig ng boses diba..

Nakakabighani lalo na ang ganda mapapa wow ka talaga.".

Biglang nawala.

Napatingin siya sa katabi.

Pinatay nito ang radyo.

"Sa bahay nalang ako maghahapunan", anito.

"N-Nik- Hon,i'm sorry".

"Ihatid mo nalang muna ako sa bahay. Lets talk about this tomorrow pag okay kana".

She can't say no.

She still in shock.

She still can't believe na bumalik na siya.

Eight years since they last talked.

Twelve years since huli silang nagkita.

And now she is back.

Toni is home.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.