webnovel

Under The Moonlight Completed

THE MAN WHO CAN’T BE MOVED 2 Under the Moonlight WARNING;SPG/R18 True love.. Will I be able to get one for myself? In a home where she was raised with so much love, she dreamed about having someone she could call hers. She met boys.. chased them..and failed. Then came Coles Trevor Wright. Her saving grace.. Grey eyed beast, sexy, perfect and an alpha male in a true sense of word. But a playboy.. and casanova. She should've avoided him.. but when he aimed his attention on her, she couldn't say no. She fell.. and fell hard. But everything was really a lie.. The love she thought he has for her wasn't really there.. It was a game.. For Him to win.. And For Her to lose.. (Revenge & Family issues) 29/7/2020 Revision 3/2/2021 16/8/2020 Finished 19/3/2021

greighxx · 都市
レビュー数が足りません
37 Chs

Chapter 19

VULNERABLE

Ni minsan ay wala pa akong itinago sa mga kaibigan ko. Wala akong ikinakahiya. Mapa-katangahan pa iyon or kaclumsy-han lang.

Pero ang nangyari kahapon, parang hindi ko kayang ikwento.

Bigla akong nahiya. Nag alangan.. kasi alam nilang nagustuhan ko si Travis.. tapos ngayon, yong kuya naman na ang nilalandi ko. At nagpakain pa ako sa kanya. Literal.

Bigla akong nahiya sa sasabihin nila. Sa kung anong isipin nila..

Nakakahiyang masabihan akong tirador ng magkapatid..

Kaya mabigat man sa loob ko ay kailangan kong itago ito.

Hay buhay.. ang hirap pala talaga kapag masyado kang maganda..

Napangalumbaba ako matapos kong kainin ang mga nasa plato ko. Isang chicken at isang rice lang ngayon. Nagdadiet na ako dahil naalala ko yong pesteng pageant sa December.

"Weekend get away na ang usapan diba? Saan ba yan Gia?"Arana asked.

Sina Kuya Ashmere at Gia ang nagpaplano ng weekend dates namin.

She just shrugged her shoulders.

"Di ko alam. May pa surprise surprise pa kasi yon. Ewan ko ba."naiiling na sabi niya. Then her phone rang.

Nang makita niya ito ay kinikilig na nagpaalam siyang sasagutin. Si Jowalog niya yon for sure.

Jowa plus itlog equals jowalog.

Taba ng utak ko talaga.

Tinignan ko rin itong isa. Shanelle was busy tapping on her phone while smiling.

Muntanga lang. kilig na kilig sa katext.

Kapag talagang si Luther itong jowa nito, mababatukan ko siya.

Dugyot yon. Marami ng naging babae. Pati best friend kinatalo..

Napatingin ako sa kawalan.

So dugyot din ako? Kasi kinatalo ko si Coles?

Napabuntong hininga ako.

"Hoy! Senti ka? Walang text si Coles?"Gia nudged me by the arm when she came back.

Ambilis naman non? Quickie..

"She's senti because she couldn't lamon as much as before. She's like having a withdrawal symptoms."our conyo friend said.

Natawa silang tatlo. Ako naman ay inirapan lang sila.

"Kapag ako pumayat talaga Shanelle!"tinuro turo ko siya.

"Oh di pumayat ka. No one's stopping you."she said while smiling.

Umirap lang ako ulit. Ang hirap talaga magpasexy..

Pero ang makipagsex madali lang.

Napailing ako nang maalala si Coles na nakasubsob sa pagitan ng mga hita ko.

Bwisit! Erase! Erase!

Nakakainis yon.. hindi na nagparamdam kagabi. Tapos ngayong umaga, wala ding text.

After naming maglinis kahapon ay umalis na lang siya bigla. Walang paalam.

Ewan ko ba sa taong yon bakit nagalit. Wala naman akong ginawa sa kanya.

Ako pa nga dapat ang magalit dahil ginawan niya ako nang masama!

I was violated you know!

"Tara na nga. Nagsisimula na yong laro!"excited na aya sa amin ni Gia.

Gusto kong pagtaasan siya ng kilay.

Bakit parang kinikilig siya na ewan?

Don't tell me may gusto na siya sa mga kabarkada ni Kuya B? Paano na si Kuya A?

Nagdududa akong pinanood ang mukha ni Gia. Nagniningning talaga ang mga mata.

"Hoy! May jowalog ka na! Anong kalandian to?"hinila ko ang buhok ng bansot naming kaibigan.

"Aray! Bakit masama bang kiligin?"angil niya at hinila rin ang buhok ko.

Mabilis kong inayos ang pagkakapusod ng buhok ko.

"Sino sa kanila?"naggalit galitan ako.

"Wala sa kanila! Loyal ako sa itlog ko!"balik sagot ni Gia.

I looked at her critically. Then turned to my two other friends when their phone rang.

I pouted then looked at my phone.

Bakit yong phone ko hindi man lang tumutunog?

May sira ata eh!

Nang makarating kami sa tapat ng auditorium ay hiyawan ng mga tao ang naririnig ko. Nakakapagtakang mas maraming tao din na nakikinood. Siksikan.

Baka magagaling at gwapo ang mga kalaban nina Kuya B.

Wala pa man ay excited na akong mapanood ito.

Sumiksik kami sa mga tao. Yong iba ay nagalit pa pero wala akong pakialam.

Nang makarating kami sa harapan ay patapos na ang first quarter.

At anong gulat ko nang makita ang wet look na Coles na nagdribble ng bola. nasa depensa si Kuya B.

Kuya B said something to him that made him look my way.

Coles looked at me darkly then shoot the ball without glancing at the ring.

Nanatili ang tinginan naming dalawa. Ako sa pagkamangha sa kagwapuhan niya, habang siya ay kita ang inis.

Inis na makita ako?

Matapos niya akong papakin kahapon!

Binawi ko ang tingin ko sa kanya ng maghiyawan.

Lamang ang team ng kalaban.

Nanlaki ang mga mata ko nang masayang sumalubong ang malanding si Gia kay Kuya A na pawisan.

Humawak agad sa baywang nito ang lalaki. Ang sweet talaga.

Si Shanelle ay sinalubong sina Coles at kay Kuya Lindsey. Si Travis naman ay umiwas kay Shanelle at naupo. May kasama pa sila na hindi ko kilala. Wala pa rin si Kuya Peter.

"Meg, kanino ka?"tanong ni Arana.

"H-ha?"Baling ko sa kanya. Nasa gitna pala kami kaya hinila ko siya sa gilid.

"Kaninong team ka. Kina Kuya Bryce or sa jowalog mo."

Nanlaki ang mga mata ko sabay iling.

"Jowalog ka dyan! Walang ganoon."tanggi ko at hinila na siya papunta kina Kuya B.

"Thank God, you're here." Kuya Lycan came up to us.May maliit na ngiti.

"Kailangan namin ng konting suporta. Tinatambakan na kami ng mga kalaban eh."si Kuya Marcus naman ay nakaupo at pinupunasan ni Clare.

Kuya B looked at me with his raised eyebrow. Mang aasar lang.

Napasimangot ako.

Hinila ko ang hawak niyang towel at kiniskis sa makinis niyang mukha.

I heard him grunt but didn't say anything.

"Where've you been?"kuryosong tanong ni Trio na lumapit na rin sa amin. Hawak ang towel niya at tinutuyo din ang mukhang pawisan.

Nang lingunin ko si Arana ay nakikipagkwentuhan na kay Clare.

Close din siya kay Clare. Kasi parehong teacher ang mga mama nila sa public school.

"Kumain. Nagugutom nga ulit ako."nakapout kong tanong.

"Takaw talaga. Kawawa magiging boyfriend mo. Mamamatay kapag dinaganan mo."pang aasar ni Kuya B.

Nilamutak ko ang mukha niya sa inis.

"Fucking hell M!"angal na niya.

Napatawa ako nang mas mamula ng mukha niya.

"Megan's body is just fine bro."

Binelatan ko si Kuya B at lumapit para kunin ang hawak ni Trio ng tuwalya.

"Buti kapa Trio."nakalabi kong sabi at pinunasan ang mukha niya nang marahan.

"Maybe after this game we can eat somewhere."napapapikit na sabi niya habang pinupunasan ko ang mukha niya.

"Next time na lang Trio. Diet ako ngayon."malungkot kong sagot.

"Woah!"malakas na hiyawan ng tatlong ugok.

"Wow! Si Megan tumanggi." Tawa ni Kuya L.

Gago to!

"Bakit?"Kanda samid samid pa si Kuya B.

"Pageant."maikling sagot ni Ara para sa akin.

Napatayo na si Clare at napayakap sa akin.

"Magto two piece ka?"excited na tanong niya.

"Oo ata. Hindi ko na tinignan. Napilitan lang naman ako eh." Tinatamad kong sagot.

Si Trio naman ang nasamid sa tabi ko.

"Hoy! Nood tayo!"pang aalaska ni Kuya M.

"Mas sesexy si Megan kapag nabawasan ng timbang. Kakaexcite!"kinikilig na sabi ni Clare.

"Wala naman akong pakialam doon. Kahit nude pa-"

Napaubo na si Trio.

Tinapik tapik na siya nina Kuya M. May ngisi na sa mga labi.

Binalingan ko na ulit si Clare. Hinila na niya ko palapit kay Arana na prenteng nakaupo at pinapanood kami.

"Yong question and answer ang problema ko! Mahina ako sa inglesan!"kinakabahan na ako wala pa man ang pageant.

"Idaan nalang sa ngiti Meg! Tsaka for sure, ico-coach ka nina Gia at Arana."Clare said.

Napalingon siya sa kabilang side. Pati ako ay napasunod.

Umiinom si Travis ng tubig sa may kanan, habang sina Shanelle at Gia ay nakikipagkwentuhan sa dalawa.

Si Coles naman ay nasa gilid sa kaliwa at nakatungkod ang siko sa mga tuhod habang nakayuko. Parang may malalim na iniisip.

Parang gusto ko tuloy siyang lapitan..

Hindi ko alam na nakatunganga na pala ako kay Coles. Napakislot lang ako nang iangat nito ang ulo at diretsong tumitig sa akin.

"Yong mga kalaban nina Kuya Bryce biglang umatras bago ang laban kaya sila Kuya Ashmere ang pumalit."dinig kong sabi ni Clare kaya binawi ko na ang tingin kay Coles

"Really?"nakataas ang kilay ni Arana at tumingin sa akin. Maging si Clare ay napatingin na rin sa akin. May pagtataka.

"Anong mayron?"confused niyang tanong.

"Wala. Napapaisip lang ako. Ang galing lang kasi ng pagkakataon. Saktong sakto na umatras yong mga kalaban nila ngayong araw. Tapos nandito din yong jowalog ni Gia at ready nang makipaglaro."

Napaisip na rin ako. Oo nga no. Ang gandang timing..

Pag ibig nga naman.

"Baka nabanggit ni Gia!"si Clare.

Umiling si Arana.

Nacurious na rin ako.

"Paano mo nasabi?"

"Pierce called me awhile ago before the game started. Coles asked them to play with him." Nalaglag ang panga ko.

"Oo. Dahil sayo kaya naglalaro yong mga yon. Tapos nandito ka sa kalaban nila. Ang galing no?"

"W-wala akong sinabing makipaglaro siya! A-ang sabi ko lang manonood ako ng basketball game kahapon!"

Napatango tango si Arana. Pero halatang hindi kumbinsido.

"Jowa mo yong isa doon Meg?" Bulong ni Clare.

Napalingon ako sa kanya at umiling.

"Hindi.. hindi! Bale.. best friend ko."alanganin kong tanggi.

"Hmm."pagpaparinig ni Arana.

Hinila ko na ang manggas ni Ara.

"Magkaibigan lang kami Ara!"giit ko.

"Wala naman akong sinasabi ah."

"Parang hindi ka naniniwala eh!"

"Okay."

"Anong okay?"

"So kahapon kasama mo siya?"

"Oo-"Natigilan ako.

"Sa pwesto nyo?"nakataas ang kilay nito.

Si Clare ay halatang interesado kaya nanahimik na lang.

"Oo."mahina kong sabi.

"Bakit wala kang binabanggit?

"Kasi wala namang nangyari!."defensive kong sagot.

"Oh.. kalma lang. masyado kang hot."tumatawang sabi ni Arana.

Napanguso na lang ako. Kainis.

Pumito na ang referee at nagpatuloy ang laro.

Tahimik akong nanood. Kita ko ang pagiging distracted ni Coles.

Para siyang tinatamad na ewan.

Ang balak nyang pagshoot ay nablock ni Trio at mabilis na tumakbo ito para habulin ang bola.

Nakatayo lang siya at umiling iling.

Tinapik naman ito ni Kuya Lindsey at sabay na silang tumakbo papunta sa kabilang ring.

Nang matapos ang second at third quarter ay malaki na ang lamang nina Kuya Bryce.

Kahit magaling sina Travis at Kuya Ashmere ay nahihila ito ni Coles na parang walang kabuhay buhay.

Tinignan ko ang kabilang team nang may pag aalala.

Same pa rin ang pwesto ni Coles. Nakayuko at nakatungkod ang siko sa mga hita. Bahagyang humihingal at basa nang pawis.

Napatingin ako sa tuwalyang nakalagay sa paanan niya. Ni minsan ay hindi siya nagpunas ng pawis..

Matapos kong abutan ng tuwalya at tubig sina Kuya B ay lumakad na ako papunta kina Gia.

Bahala na.

"San yon pupunta?"dinig kong tanong ni Kuya L.

"Sa jowalog niya."Arana answered.

Nanginginig ang mga tuhod na lumakad ako sa gitna nang court para tumawid sa kabilang side. Ramdam ko ang tinginan ng mga tao pero nakatingin lang ako kay Coles na tahimik na nakayuko.

Baka dehydrated na kasi ni minsan ay hindi ko nakitang uminom!

Antanga. Baka matapos ang game ay itakbo na ito sa hospital!

Tumigil ako sa may gilid niya at pinulot ang tuwalya. Amoy ko ang bango niya mula sa malambot na towel.

Napalingon ako nang may nag abot sa akin ng tubig at gatorade.

Si Gia, na may makakaunawang ngiti. Walang ibang nakalarawan sa mga mata niya kundi pag aalala.

"Buti na lang.. Ikaw ata ang hinihintay eh. Panay tanggi sa alok naming inumin."

Napalingon ako kay Coles. Napakagat labi.

Nang tignan ko rin si Shanelle ay tumango na siya.

Tinanggap ko ang mga bote mula kay Gia kaya naupo na siya sa tabi ni Ashmere at nakipaglandian- este nakipaglambingan na.

"Coles.. tubig oh.."alok ko nang makatapat ako sa harapan niya

Kinakabahan ako na baka hindi niya ito tanggapin.

Dahan dahan niyang inangat ang mukha sa akin. Walang emosyon ang abong mga mata.

Kasalanan ko ba?

"Why are you here? You're having fun there. Why are you here?"Inulit niya ang tanong.

"Kanina kapa hindi umiinom.."mahina kong sabi.

"So what is it to you?"he said while clenching his jaw.

Napanguso na ako. Mukhang galit nga sa akin.

"Syempre nag aalala ako sayo.."Sagot ko. Nakita ko siyang natigilan. Some emotion flickered in his eyes.

"You're worried because?"he asked slowly. Pinakatitigan akong mabuti.

"Syempre importante ka sakin."

His eyes became intense.

"Important? Nandoon ka sa mga lalaking yon!"He exclaimed.

Napayuko ako nang tumayo siya.

Nakakahiya na iiwan niya ako sa harapan ng maraming tao.

Nang hindi siya lumakad palayo ay tumingala na ako sa kanya.

"Are they more important than me baby?"tanong niya na may namumulang mga mata. Parang naiiyak na.

Parang pinilipit ang puso ko sa itsura niya.

Para siyang vulnerable.. parang nakakaawa.

Napalunok ako at dahan dahang umiling.

"Say it."he demanded.

"I-ikaw.. ikaw yong mas importante."sagot ko. Kinakabahan sa magiging reaksyon niya. Baka kasi tuluyan niya na akong iwan kapag mali ang nasagot ko.

Tinitigan muna nya ang mukha ko bago naupo ulit. He then patted the space beside him.

"Sit down and stay with me."masungit niyang utos.

Agad akong naupo sa tabi niya ay inialok na ang tubig.

I heard him tsked before taking the bottle.

"Ayos! Tubig lang pala ni Megan ang inaabangan." Kuya Lindsey said.

Naniningkit ang mga matang binalingan ni Coles ito.

"Shut up."galit pa niyang sigaw.

"Fine. PMS king."pang aasar pa nito.

Siniko na siya ni Shanelle. Tila pinapatigil.

Nang makita ko ang papatulong pawis papunta sa iniinom niya ay inihabol ko ang tuwalya para punasan ito.

Natigil siya sa pag inom at tinitigan ako.

"I want you to dry my sweat too. Ako lang dapat from now on."Masungit niyang utos.

Napatango na ako at confident na pinunasan ang mukha niya. Akala ko ay aayawan niya ang pag aasikaso ko pero wala naman akong narinig mula sa kanya.

Nang pumito na ang referee ay maayos na ang itsura ni Coles.

Medyo masungit pa rin pero hindi naman ako pinapaalis.

Tumayo na siya kaya napatayo na rin ako.

Binalingan niya ako agad.

Nakita ko ang pagkataranta niya sa pagtayo ko.

"Where are you going?"he asked seriously.

"Ha? Ahmm.. kina Gia?"natitigilan kong sagot at itinuro pa ang space sa tabi ni Gia at Shanelle.

"Ah okay. We'll eat after this."he said then pulled my nape to kiss me on my lips.

Napasinghap ang mga kaibigan ko. Hiyawan naman ang mga audience.

I stood there shocked. He pressed my chin and winked at me before running towards his friends who were laughing.

"Great. Now his pumped up with energy." Shanelle said when I sat beside her.

"Mananalo na si itlog ko.."kinikilig na sabi ni Gia.

Napatingin ako sa kanila. Nakita ko na rin si Arana na naupo sa tabi ni Gia.

"AhHmm-."

"Alam namin." Pagpuputol ni Arana sa sasabihin ko.

Namula ang mukha ko ang maalala ang ginawa namin ni Coles kahapon.

Gusto ko sanang sabihin na hindi pa nila alam yon pero inalis ko na lang sa isip ko yon.

"Nakakahiya.. kasi dati gusto ko si Travis.. tapos ngayon-"

"May nangyari na ba sa inyo ni Travis?"tanong ni Gia.

Umiling ako.

"Kiss? Momol?" Asked Shanelle.

Umiling din ako.

"Si Coles yong first kiss ko.."

"Kay Coles ka na. Tignan mo, patay na patay sayo."Arana said.

Natahimik ako.

"Hindi ba nakakahiya.."

"Na?"

"Sasabihin nyo malandi ako! Na tirador ako ng magkapatid!"Kandahaba ang nguso ko.

"Malanding biik kana dati pa. Sanay na kami."tawa ni Gia.

Hinila ko ang buhok niya.

"Seryoso kasi."naiinis kong sabi. 

"Syempre importante yong iniisip nyo sa akin."nanghihina kong sabi at tumingin kay Coles.

Nakashoot siya ng three points at tumingin sa akin.

He smirked at me. My heart skipped a beat.

"Sino bang mas gusto mo?"tanong ni Arana.

I looked at Travis who looked grave while dribbling. There was nothing..

Then when I averted my gaze from him, my eyes found Coles again who has serious expression. My heart beat so fast when our eyes met.

"Si Coles.."

"Yon naman pala."Gia said.

"I liked Tran before! But when Ashmere came, siya na. So normal lang yan."Gia added.

Napatango tango ako. Kaibigan ko talaga sila. Hindi nila ako hinuhusgahan.

"At kapag naging kayo, sa kanya kana."

"Yes! It should be exclusive."sabat ni Shanelle.

Napatango ulit ako.

"Bawal nang lumandi sa iba." Arana stated.

"Siyempre." Sagot ko.

"Then we're good. We'll support you."

"Thanks besties."naiiyak kong sabi.

"Walang anuman malanding biik."they all said.

Napaiyak na ako at niyakap sila. Gumaan bigla ang dibdib ko.

I really love them. My friends..