webnovel

UNDEAD: Dawn of the Damned 1 (Tagalog)

Welcome sa panahon na kung saan makikipaglaban ka sa mga naglalakad na patay at mga kapwa mo buhay para lang makasurvive. UNDEAD: Dawn of the Damned 1 Your zombie apocalypse story with a twist. Horror, Romance, Comedy, Adventure, Action in one. Book 1 of Dawn of the Damned series.

hoarderelle · ホラー
レビュー数が足りません
115 Chs

Chapter 95

Crissa Harris' POV

Day 52 of Zombie Apocalypse

"Ate Crissaaaa!! Please, take us with you!!"

"We badly want to, ateee! Let us!!"

Awang-awa akong napatingin doon sa kambal na batang babae na ngayon ay todo ang paghabol at pagmamakaawa sa akin. Kapwa sila hawak ng mag ateng matanda na si nanay Sonya, at si nanay Marie. Paano, talagang nagwawala pa sila at naglulupasay doon.

Nag-eempake na kasi ako ngayon ng mga kailangan namin para sa gagawin naming pagtetrain kela Lily, Rose, and Rosette. At ito, hindi ko naman inaasahan na makikita at mahuhuli ako ni Aurora at Eudora sa gagawin namin.

Sa totoo lang, nagtatago talaga ako dito sa kwarto ng mga lalaki, pero ito nga, bigla silang nagising kahit kay aga aga. Nung maramdaman siguro nilang wala yung tatlo pa nilang ate sa tabi nila, hinanap at sinundan siguro nila. At ito namang tatlo nilang ate, chinismis siguro yung pagtetrain ko sa kanila.

Haaay.. Ang mga bata talaga, ang dadaldal.

Zinip ko na yung malaking backpack na inaayos ko nung masiguro kong all-set na lahat ng mga kailangan. Saka ko naman hinarap yung dalawang bata na ngayon ay umiiyak na.

"Tara nga dito." binitawan sila nung dalawang matanda at tumatakbo silang yumakap sakin habang nakaluhod ako.

Hinaplos ko parehas ang mga buhok nilang mahaba at kulot at saka ko inamoy. Grabe ang amoy ng mga bata talaga, ang sarap amoyin. Nakakagaan ng loob. Nakakagigil. At parang feeling ko, bumabalik ako sa pagkabata ko.

Malapit din talaga ako sa mga bata kaya minahal ko na agad talaga silang lahat. Kaya I cant afford to see them na nahihirapan at nasasaktan. Hanggat kaya ko, gagawin ko ang lahat para mapanatiling nabubuhay sila nang normal. Poprotektahan ko sila at aalagaan.

Pinunasan ko ang mga luha nila at iniharap sa akin.

"Aurora, Eudora? Gusto man ni ate Crissa na turuan na rin kayo ng paggamit nun, hindi pa talaga pwede. You're too young to handle a gun. It's too big and too heavy for your hand." saglit kong pinahawak sa kanila yung dalawang pistol na nakaready sa bulsa ko. Bakas naman sa mukha nila na medyo nabibigatan nga sila. "See? You're not yet ready for this." kinuha ko na sa kanila agad yun at itinago sa bulsa ko. "And this is too dangerous to use."

"But we need to learn how to protect ourselves and the others too, ate." niyakap ako ni Aurora at sumunod din agad na niyapos ako ni Eudora.

"Those monsters are bad. But those humans are much worse!" iyak na naman ni Aurora sa tenga ko.

Napa buntong hininga nalang ako. Sobrang hirap tumanggi sa dalawang bata na to dahil bukod sa hindi ko sila matiis, tama naman ang mga sinabi nila. Dapat hindi namin ipagkait sa kanila yung kagustuhan nilang maipagtanggol ang mga sarili nila laban sa mga undead.

And yeah, sa mga tulad din naming mga tao.

'But those humans are much worse!' sa sinabing yan ni Aurora, dama ko talaga yung takot na tumatak sa isip niya tungkol doon sa mga naranasan nila sa pinanggalingan nilang kampo. Sila nila ate Romina, nung ibang mga bata, at nung matatanda.

Oo, galing nga sila sa ibang grupo. Ibang kampo. At masalimuot ang naging karanasan nila doon. Dahil namamayani sa kampo na yun ang karahasan at kasakiman. Maswerte nga lang sila at buhay pa sila ngayon at nakaalis sila doon.

"Okay, fine. Ate Crissa will teach you. But, on how to handle and use combat knife muna ha? Okay ba yun?" nginitian ko sila at sabay inabot sa kanila yung dalawang kutsilyo na kinuha ko mula sa backpack na niready ko. "Yan, dont play with it, huh? Wait for me to come home later. And then, tuturuan ko na kayo."

"Really, ate? Thank you! This wont go in vain, I assure you!" this time, si Eudora naman ang nagsalita.

Haay.. Napaka cute na mga bata nito talaga. Nakakadugo ng ilong. Mga english speaking e. Hahaha.

"But for now, let nanay Sonya and nanay Marie hold the knives for you until I get back." sabi ko. At ayun, masigla silang tumango sakin at inabot nga sa dalawang matanda na nakangiti yung mga kutsilyo.

Ako naman ay tumayo na rin at isinukbit sa likod ko yung ubod ng bigat na backpack. Matapos nun ay hinarap ko ulit yung dalawang bata. Lumuhod ako para kapantay ko ulit sila.

"Wala ba akong goodbye kiss diyan?" pagkasabi ko nun ay nagunahan pa silang halikan ako.

"I love you, ate mommy Crissa." sabay nilang sabi. Ako naman ay gulat na gulat doon sa huli nilang sinabi.

A-ate mommy Crissa?

"I love you more, kambal." yun nalang ang nasabi ko dahil bukod sa gulat na gulat pa rin ako, sabay tumakbo na sila palabas. "Ohh! Mag ingat ha? Wag magpapawis! Magpalit kayo mamaya ng damit." habol ko pang sigaw.

Sila nanay Sonya at nanay Marie naman ang hinarap ko. Ngumiti din sila sa akin nang matipid.

"Narinig niyo po iyon? Nakapulot ng mommy yung dalawang bata?" natawa-tawang sabi ko. Gusto ko na naman sanang maluha kaso, pinigilan ko nalang at pinilit ko nalang maging masaya.

"Kasi naman, yung way mo ng pagtrato sa mga bata, parang anak mo sila."

Ngumit ako pabalik kay nanay Marie. "Mahal ko po e. At gusto kong alagaan sila kagaya ng pag-aalaga samin dati nung nagpalaki samin."

"Si yaya Nerry ba?"

Gulat akong napatingin kay nanay Sonya. Pero nagsalita na siya ulit bago pa ako makapagtanong.

"Bukambibig yun ng kakambal mo. At nung iba pa, lalo na yung dalawa pang lalaki. Si Elvis at si Alexander." sabi niya. Lumapit naman sa kanya si nanay Marie at inakbayan siya nito.

"Yun ang lagi nilang sinasabi sa tuwing nagpapasalamat sila sa amin, para raw kaming si Nerry sa sobrang sarap magluto at galing mag-alaga."

Imbes na sagutin sila, isang mainit na yakap nalang ang ibinigay ko sa kanila.

"Kasi po, totoo. Kasing sarap niyo po siyang mag-alaga." bumitaw ako sa kanila at nginitian sila parehas. "Kayo na pong dalawa ang bago naming yaya Nerry. And yes, two is better than one po!"

Nakangiti pa rin akong naglakad palabas pero bago yun, muli akong tinawag ni nanay Sonya. Nung pagharap ko, nakita ko nalang siya na nakangiting naglalakad papalapit sakin habang hawak ang isang black na bonnet o beanie. Isinuot niya sa akin yun at hinaplos-haplos pa yung ulo ko.

"Mainit sa labas. Wala ka man lang dalang pangtakip sa ulo mo." sabi niya. "Sige na, larga na kayo. Kami na bahala sa mga bata."

Isa pang mainit na ngiti ang binigay ko sa kanila. Pero imbes na magpasalamat, ito nalang talagang mga salitang ito ang nasabi ko.

"Mahal ko po kayo.."

And with that, mas lalo pang lumawak ang ngiti ko hanggang pagkalabas sa may playground. At doon, all-set na rin sina Lily, Rose, and Rosette na nasa swing. Excited at masayang masaya sila doon na nagtatawanan. Kapansin-pansin naman ang mga suot nilang damit; na parang mga mini Crissa ang datingan nila.

Naka fitted jeans, longsleeeves, and oh. Naka boots din sila. At pare-parehas na kulay pink pa. With glittery effect! Huhuhu. How cute.

"Sinong isasama mo?"

Napatingin ako sa biglaang nagsalita sa tabi ko. Yung kakambal ko pala. Napaisip ako saglit doon. At bigla namang nadako ang tingin ko kay Renzy na may hawak na mug at naglalakad pabalik sa loob ng daycare center.

Hinablot ko siya nang mabilis at ihinarap kay Christian. "Si Renzy yung isa." humarap ako kay Renzy. "Sama ka samin ha? Itetrain natin yung mga batang babae sa paggamit ng baril."

Biglang nagliwanag ang mata niya. "Oh wow! Tatanggi ba ako diyan? Ibabalik ko muna tong pinagkapehan ko." nakangiti siyang tumakbo papasok. At doon naman, nadako ang paningin ko sa kabilang bahagi ng bakuran at nakita ko si Fionna at Owen.

Pulang-pula yung mukha ni Fionna dahil sa inis.

"Ano nangyayari dito? Hehehe." sabi ko pagkalapit ko sa kanila.

"Yan kasi, Crissa. Itinago ba naman yung sinturon ko! Nahuhubo tuloy yung pantalon ko. Ayaw pang umamin na siya ang kumuha!" inis na sabi ni Fionna. Si Owen naman ay ngumisi doon at inilawit sa harap ni Fionna yung sinturon na kinuha niya mula sa loob ng pantalon niya.

Oo. Sa loob talaga. Yung pagkakadukot niya pa noon ay may halong malaswang galaw.

"Oh, ayan na." sabi niya. Agad namang kinuha ni Fionna yun at pinaghahagupit ang umaaray na si Owenn.

Kaya bago pa magkagula-gulanit si Owen dun, hinaltak ko na siya paalis. "Ako na bahalang gumulpi dito Fionna. Hahaha." humarap ako sa nakangising si Owen. "Wag kang ngumisi diyan. Hindi kita crush. Isasama lang kita sa pagtetrain sa mga batang babae."

"Si Renzy at Owen? Okay. Magdala ka pa ng isa." sabi ng naka pokerface na si Christian.

Hindi naman na ako nag-abala pang maghanap dahil namataan ko na agad si bff Renzo sa may gilid na tahimik lang na nakamasid. Nang magkatinginan kami, sabay umiwas siya. Kaya ako naman, mabilis siyang pinuntahan at hinaltak papunta kela Christian. Andun na rin si Renzy na all-set na rin ang armas.

"Eto nalang si bff Renzo isasama namin. Heheh." humarap ako kay bff at kinapitan siya sa braso. "Okay lang naman diba, bestfriend?"

Tango lang ang isinagot niya kaya kinuha ko na yung atensyon nung mga bata. Excited na excited talaga sila at walang mapaglagyan ng tuwa. Pati rin si Renzy at Owen sa tabi ko ay panay na ang pag-aayos sa mga armas nila.

"Oh, hija. Dalhin mo to." nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni tatay Roger sa tabi ko. Pero mas lalo pa akong nagulat nung makita ko yung inilagay niya sa gilid ng backpack ko.

Dalawang granada.

"Baka kailanganin ninyo e." pahabol pa niya bago nakangiting tumalikod sa amin. Yung kakambal ko naman ay nasa may gate na pala at binubuksan na yun kasama si Sedrick.

Sinenyasan niya kami na lumabas na, pero naisipan ko munang puntahan yung isa ko pang bff na si Harriette kasama si Lennon malapit sa may swing.

"Bes, alis muna ako, ha? Diyan ka muna." hinarap ko si Lennon at sinamaan ko siya ng tingin. "Alagaan mo yang bestfriend ko ha? Ikaw ang lulumpuhin ko kapag pinabayaan mo yan."

Natawa naman si Lennon at nagkamot ng batok. Si Harriette naman ay ngumiti lang sakin. "Ingat kayo ha?"

Tumango lang ako sa kanya at ngumiti. Naglakad na ako palabas ng gate kasama yung tatlong batang babae at sila Renzy, Renzo, at Owen.

Nilapitan naman ako ng kakambal ko, at tinapik ako sa ulo. Pinasadahan niya rin ako ng tingin na animo chinecheck ako.

"Mag ingat kayo. Galingan mo pagtuturo sa kanila, ha? Dapat paguwi niyo mamaya, mas magaling pa saking bumaril."

Ngumisi lang ako sa kanya at binigyan siya ng i-got-this look.

"Get yourself ready. Magsisimula na tayo." seryosong sabi ko sa kanila. Pero nagtawanan din kami agad nang sumigaw yung tatlong bata.

"YEHEEEEY!! MAGLALARO TAYO NG BARILLLL!!!"

~~~~~~~~~~

"Whoa whoa! Nice one, Rosette!" di ko na talaga napigilang mapahiyaw sa mga nasasaksihan ng mata ko. At talagang napapa palakpak pa ako sa sobrang pagkamangha.

Si Rosette, tumutulay sa umaapoy na alambre!!

K. Joke lang.

Si Rosette, nagawa nang makapag patumba ng isang undead. Naka ilang try pa kasi muna siya bago maka hit ng vital part ng undead kaya yung kanina, hindi niya agad napapatumba.

Binigyan ko siya nang mainam na thumbs up bago ko sinenyasan si Rose na siya na ang sunod. Tumango sakin si Rose na medyo halata ang kaba. Pero as soon as magpakawala ulit si Owen at bbf Renzo ng isang undead na hinuli namin kanina, nakita ko agad ang biglaan pagseryoso sa mukha nung batang babae.

Isang putok ang pinakawalan niya mula sa baril niyang may silencer at natumba agad yung undead sa lupa. May butas sa noo. Umaagos ang itim na dugo.

Napa smirk ako. Sa kanilang tatlo na tinuturuan namin, itong si Rose ang nakikita ko na may pinaka matapang na aura. Kahit na di pa rin naaalis sa kanya yung kaba, makikita pa rin naman na kapag andyan na yung threat sa harap niya, biglang nagsswitch yung aura niya, at bigla nalang parang magiging agresibo na takaw na takaw makapatay.

Haaay. Mana ata sakin ang batang to ha?

Yung ate naman niya, ayun. Hindi macontrol yung force ng putok ng baril kaya pag kinalabit na niya yung gatilyo, automatic din siyang napapaatras, at kung minsan pa nga ay napapaupo pa sa sahig.

Si Renzy na ang nagpresinta na turuan pa siya nang mas maigi sa tamang firing stance kaya nandun sila sa may di kalayuan samin. Pero tingin ko naman, kaya na niyang bumaril nang hindi siya napapaupo sa sahig or napapaatras. Tinutukan talaga siya ni Renzy e.

"Renzy!" pagkuha ko sa atensyon nila, at nagets naman agad niya yun. Pinalapit na niya sakin si Lily.

"Relax ka lang, Lily. Ha? Kaya mo yan." nginitian ko siya at tinapik sa balikat.

Naglabas ulit si Owen at bff Renzo ng isa pang undead. Si Lily naman, nakita kong lumunok ng laway niya bago pilit na itinutok sa undead yung baril niya. Medyo nahihirapan pa siya dahil nakainom ata tong undead na to at ang likot likot niyang gumalaw.

Palipat-lipat ang tingin ko sa undead at kay Lily. Paano si Lily, parang nakatayo nalang doon na lutang at malayo ang iniisip kahit na ba tutok pa rin ang baril niya at nakataas.

"Lily!" pagkuha ko sa atensyon niya dahil isang dipa nalang ang layo nung undead sa kanya.

Lahat naman kami ay napalipat ang tingin kay Rose nang biglang lumapit siya nang bahagya doon sa undead at mabilisang pinaputukan yun sa ulo. Nung tumumba yun ay agad naman niyang nilapitan yung ate niya. Pero si Lily naman ay tumakbo sa may tabing daan at umupo doon.