webnovel

UNDEAD: Dawn of the Damned 1 (Tagalog)

Welcome sa panahon na kung saan makikipaglaban ka sa mga naglalakad na patay at mga kapwa mo buhay para lang makasurvive. UNDEAD: Dawn of the Damned 1 Your zombie apocalypse story with a twist. Horror, Romance, Comedy, Adventure, Action in one. Book 1 of Dawn of the Damned series.

hoarderelle · ホラー
レビュー数が足りません
115 Chs

Chapter 75

Crissa Harris' POV

Day 28 of Zombie Apocalypse

I tried my very best para maitago yung sarili ko sa kakarampot na katawan ng puno na to na una kong nakita. Pinagmasdan ko ang paligid ko at nang makita kong meron pang isang puno na medyo malaki sa may di kalayuan, at malapit-lapit dun sa pinagtataguan nung target ko, hinanda ko na ang sarili ko para lumipat doon.

Hindi ako pwedeng magkamali sa kalkulasyon sa galaw ko at galaw ng target ko. May baril kami parehas kaya assured na ang mangyayari sakin kapag nahuli nya ako.

Okay eto na.

One..

Two..

Three..

Mabilis akong tumakbo papunta sa kabilang puno. Nakaamba pa rin ang baril ko pero, nangyari pa rin ang ayaw kong mangyari.

Nakita ako ng target ko at mabilis nya akong napaputukan sa paa. Swerte ko lang at ilang inches pa ang layo nung bala nya mula sa mismong paa ko. Kaya nagpapasalamat ako at habang nagloload pa sya ng panibago nyang bala, nagamit ko naman ang pagkakataon para agad na inasinta ang mukha nya para paputukan.

Pulang likido ang umagos mula sa mukha nya kasabay ng pagbagsak nya sa damuhan.

Nice shot, Crissa. Nice shot.

Nakangisi ako habang nilalapitan sya. Itinutok ko agad sa kanya ang baril ko.

"You don't mess up with me, Alexander Valdez. Alam mong yan talaga ang kalalagyan mo."

Pinagmasdan ko sya habang nakatihaya sa damuhan. Ilang saglit pa ang lumipas bago sya uli gumalaw. Pumiling-piling ang ulo nya at maya-maya pa, mahinang tawa nya na ang narinig ko.

"Iba ka talaga, Crissa. Sa mukha pa talaga ah? Sakit non. Haayysss. Okay okay, I surrender! You won. Wag mo na uli akong babarilin kasi hassle magtanggal ng mantsa ng paint ball." mabilis syang tumayo at itinaas ang dalawang kamay nya.

Nagsilapitan naman agad yung iba pa naming kasama na may tama ng paint ball sa kung saan-saang parte ng katawan nila. Meron sa legs at braso, merong iba na daplis lang. Pero ito talagang si Alex ang malala. Nasapul ko sya sa mukha.

I mean, sinadya kong sapulin sya sa mukha.

"Kaya alam mo na ang gagawin mo sa susunod Alex. Dahil kung totoong baril yan, hindi ka bubuhayin nyan." sabi ni Elvis na nakangisi.

"Lalo pa at sa mukha ang tama mo. Hahaha. Isipin mo nalang itsura mo non pare. Tocino express." tatawa-tawang banat ni Renzo sabay umiwas sa hampas ni Alex ng pekeng baril.

"Yabang mo gago. Porke nagagamit mo yung kagalingan mo sa pamboboso. Magaling kang umasinta. Linaw ng mata mo." inis na sabi ni Alex pero nakangisi rin.

Tinulungan syang makatayo ni Lennon at Sedrick. Sinuntok naman sya ni Christian sa balikat.

"Too much aggresiveness can kill you too. Pag-isipan mo yung gagawin mong moves." tumawa si Christian at kinuha ang atensyon naming lahat. "Yung may mga tama, magsiligo na kayo. Sapat na yan para ngayong umaga. Pagtapos nating maglunch, resume tayo sa training. Aight?"

"Aight." sagot namin.

Nagsibalikan na nga kaming lahat sa bahay nila Renzo para makaligo at makakain. Di pa tapos ang araw na to para samin dahil sinabi na rin ni Christian na may training pa kami mamayang hapon.

Okay. Nagtataka siguro kaya sa eksena namin kanina no? One on one na barilan gamit ang pekeng baril at paint ball ang gamit?

Well, that's my idea regarding sa training namin na mas pinaseryoso pa.

Day 24, 25 and 26, yung usual na training ang ginawa namin. Yung katulad nung ginawa namin dati sa mansyon, combats using melee weapons, hand guns and high caliber guns. Pati rin driving.

Yun nga lang, may kaunting twist. And if I say twist, it's not the usual twist na maeexcite ka lang sa mga susunod na mangyayari. Dahil ang twist na tinutukoy ko, RISKY and DANGEROUS.

And yes, ang proof ay makikita nyo sa katawan naming lahat.

Bruises, scratches and wounds. And some of us even got their bones broken.

Dahil sa patayang MOTORCYCLE RIDE TRAINING namin nung day 24, nabalian ng buto sa balikat si Renzy. She's escaping from a huge horde of zombie. She did it, she escaped. But still, she ended up colliding on a tree.

Nothing serious and fatal happened to her. At walang sisihan na naganap dahil tanggap naman namin sa mga sarili namin na hindi lang ganon ang aabutin namin sa mga grupong naghahabol sa amin. Life is tougher now. So are we. Dapat mas mahigitan pa namin yung mga bagay na humaharang sa daan namin.

Because we have no other choice.

Day 27 until now, eto ngang idea ko ang puspusan naming minamaster.

A battle. A group battle yesterday and one on one nga ngayon. Bunutan ang naganap sa one on one battle regarding sa kung sino ang makakaharap namin and too bad fo Alex, ako ang nakabunot sa kanya.

Siguro iniisip nyo kung bakit paint ball pa pinili kong gamitin as weapons namin.

Well, syempre, hindi naman ibig sabihin na patayang training ang gagawin namin, ay talaga nga namang magpapatayan kaming lahat sa grupo at tunay na baril ang gagamitin namin. Mahirap mag take ng risk sa ganun. Baka hindi sinasadyang masaktan talaga namin ang isa't-isa at mapatay talaga.

Pero siguro, iniisip nyo rin na dahil pekeng baril at paint ball lang ang gamit namin, there's nothing serious and tough pagdating dito sa idea ko. It's not painful na matamaan ng pinturang bala.

Hell. No.

I turn my gaze sa braso ko. Bahagya kong itinaas yung sleeve ng sweater ko at pinagmasdan ko yung bilugang marka na may kulay na pinaghalong violet, green, yellow at gray. Bahagya ko ring pinundot yon pero napakagat ako ng labi dahil talaga namang makirot.

Ang laking pasa nito. Halos kasing laki na ng dalandan. Customized kasi tong mga paint ball na gamit namin. Ewan ko lang kung saan nakuha nila Alex at Elvis dahil nung pagkasabi ko na we will be needing paint balls and guns, nagpresinta na sila agad na sila na ang bahala sa lahat.

But back to the topic, yes. I got this huge bruise yesterday sa group battle. Nahati ang grupo namin sa dalawa and si Renzy ang nagsilbing referee, scorer or what. Exempted sya sa battle dahil nga sa bali nya.

The group of mine including Elvis, Lennon, Renzo, Owen and Alessandra won 3 rounds. All in all, kami ang mas maraming panalo against Christian's group. But hindi pa rin kami nakaligtas sa sakit ng katawan dahil nanalo man kami, ang dami pa rin naming nakuhang sugat at pasa.

Ewan ko ba talaga dito sa mga gamit namin. Feeling ko may kakaiba dito sa paint ball at baril na to. Masyadong malakas tumama e. Iba yung impact.

But well, never mind. Kailangang masaktan para mas lumakas. You will never experience strength without pain.

I rolled my sleeves down and umupo ako sa pavement dito sa harap ng bahay nila Renzo. Wala na halos akong mamataan na undead na naglalakad dito sa paligid. Mapangtrip rin kasi minsan tong mga kasama namin dahil kapag nakakita ng undead, nagpapayabangan sila kung ano yung pinakamagandang paraan at istilo para pumatay ng undead. And kapag sinabing MAGANDANG PARAAN AT STYLE, iba rin ang kahulugan nung mga baliw kong kasama dyan.

Beautiful but in the most brutal and gross way and style.

I won't elaborate more kung ano ba talaga yung mga way at style nila na yon cause I don't want to spoil you guys. Hayaan nalang natin na sila na ang magpakita sa inyo mismo.

I guess na-adapt nalang talaga namin ang environment namin ngayon. Madugo ang nangyayari sa paligid kaya ganon na rin kami. Brutal yung mga naglalakad na halimaw na yon kaya hindi na rin kami nagpahuli.

And I can say habang tumatagal, nagbabago na rin kami ng unti-unti. We get tougher and tougher. Wala na talaga yung kaduwagan na minsan nang nakita samin. Those girls, Harriette, Renzy and Alessa, and including Fionna, hindi na rin sila basta-basta ngayon. At nakikita ko na tong ginagawa naming patayan na training na to, isa to sa malaking factor na nag trigger para mas mag improve pa kami.

"Wala ka bang balak maligo Crissa?"

Hindi na ako lumingon pa sa likod ko dahil kilala ko naman na kung sino yung bagong dating na yon.

"Wala kang pake bestfriend. Naligo naman na ako kaninang umaga. Saka wala naman akong tama."

Naramdaman kong naglakad sya uli at maya-maya pa nga, nakatayo na sya sa harap ko. Amoy na amoy ko rin yung mabangong samyo na pumapalibot sa kanya.

Gagong ligo, I mean bagong ligo na nga tong isang to. Gagong palit na rin ng damit e. Plain black shirt, pants and combat boots.

Natamaan rin kasi to kanina e. At dahil si Owen ang ka-match nya, gumana ang pagka abnormal nung isang yon at sa ibang parte nya pinatamaan si Renzo. Hindi ko nalang babanggitin kung anung parte yon pero hindi ko lang maimagine kung sakaling magkapasa sya don. Yun nga daw simpleng mabangga lang e, masakit na yon, ano pa kaya kung magkapasa dahil sa lakas ng impact ng tama?

Hahahaha. Di ko maiwasang matawa.

"So sungit mo naman po. Huhuhu. Tas pinagtatawanan pa ako." nagtakip sya ng mukha at pakunwaring umiyak.

Napailing nalang ako habang hinahaltak paupo tong lalaking nasa harapan ko.

I admit, sa halos 5 days na lumipas simula nung training namin, si Renzo ang palagi kong kausap at kasama. Mas madalas ko pa nga syang makasama kesa sa magaling kong kakambal e.. Palagi kasing busy yun kasama si Elvis. Kaya kay Renzo na lang ako sumasama. Minsan, kasa-kasama rin namin si Owen. Si Fionna kasi e, mas naging close kila Harriette at natutuwa naman ako na ganon.

Saka ewan ko rin, mas natitripan ko talagang kasama si Renzo ngayon. Pakiramdam ko bagay na bagay talaga kaming mag bestfriends. Kahit kasi sa kalokohan, nagkakasundo kami e. At minsan kami pa ang pasimuno. Kaya ayun, tuwang-tuwa akong kasama sya at nasasanay na ako.

Minsan nga, medyo naninibago ako kapag di ko sya nakakasama o nakakausap e. Kahit saglit lang. Minsan kasi, lumalakad rin sila ni Owen pati nung ibang lalaki. Kaya naiiwan akong mag-isa.

Sinasamahan naman ako nung mga babae. Pero iba pa rin kasi kung si Renzo kasama ko. Mas lumalabas yung mga kalokohan ko. Yung tunay na ako.

"Natahimik na naman sya. Wow. Pansin ko lang ha, Crissa. Simula nung dumating kayo galing sa pagkakaligaw, madalas ka nang tahimik at palaging malalim ang iniisip. Yung totoo..

.. may Santa Claus ba talaga?"

Seryosong tanong ni bestfriend Renzo. At ako, ayoko mang tumawa, hindi ko na rin napigilan talaga. Mahina ko syang sinapak sa balikat nya habang tumatawa ng mahina.

"Ano namang kinalaman ng biglaang pagiging tahimik ko kay Santa Claus bestfriend?"

Ngumiti si bestfriend Renzo at inakbayan ako.

"Ayan tumawa ka na rin. Mabuti yan hindi ko na kinailangan pang maghubo sa harapan mo at sumayaw ng ethnic dance para mapatawa ka lang. Isipin mo yun may eggs, may hotdog, may----"

Binunggo ko sya gamit ang katawan ko.

"Ang bibig mo bestfriend."

"Bakit? Mabaho ba ha?" inamoy ni bestfriend ang hininga nya. "Mabango naman ha? Amoy Hansel Crackers."

"Oo nga. Ikaw lang naman ang nag-isip na mabaho e. Hahaha. Ang ibig ko kasing sabihin, ang bastos ng bibig mo."

Ngumisi sya at tumayo uli sa harapan ko. Nagpamewang sya at naglakad to and fro.

"Crissa, Crissa, Crissa. Di ka na nasanay sakin. Pinaplano palang nila mommy at daddy na buuin ako, itinadhana na talaga akong maging bastos." yumuko sya sa harapan ko at lumapit ng malapit na malapit sa mukha ko. "At may mas ibabastos pa ako. Gusto mong makita?"

Nginitian nya ako ng nakakaloko. Bibigyan ko na sana syang ng isang malakas na sapak pero napahinto agad ako nung may magsalita sa likuran.

"Bastos mo kuya! Pati si Crissa, minamanyak mo! Isusumbong kita kay Christian tignan mo. Nang barilin ka non sa mukha."

"Sumbong mo. Manyak din kaya yan si Christian. Hahaha." pang-aasar ni Renzo sa kapatid nya.

"Mukha mo. Etong sayo!"

Natawa nalang ako nang maghagis si Renzy ng dalawang lata ng corned tuna. Buti naka yuko ako at hindi ako ang nasapul. At buti rin, nagawang sapuhin ni bestfriend Renzo yun dahil kung hindi, dun na naman sya sa parteng iyon masasapul.

"Malditang babae. Tsk." bulong nya.

"Hmp. Naririnig kita kuya! Tara na nga Crissa. Wag ka dyang sumabay kumain." hinaltak ako ni Renzy sa kaliwang braso.

"At bakit? Sakin sya sasabay." hinaltak naman ako ni bestfriend sa kanang braso habang inaambaan ng hampas yung isang braso ni Renzy na may bali.

Pinaghaltakan pa nila ako doon hanggang sa tuluyan nang maputol at mahati ang katawan ko sa dalawa. Naglabasan na rin ang mga laman loob ko at kinain nitong magkapatid na to.

Okay. Corny, I know.

"Teka. Bakit hindi si Crissa ang pagawain nyo ng desisyon kesa nag-aagawan kayo dyan." sabat ng boses ni Fionna mula sa likuran.

"Fine." - Renzo

"Alam ko namang ako ang pipiliin ni Crissa e. Diba, Crissa?" nagpacute si Renzy sa harapan ko.

Napakamot nalang ako ng batok.

"Uhm, ano kasi.. Dito nalang ako kakain." sagot ko kay Renzy.

"Pero Crissa, delikado dito sa labas!"

"Eh, sasamahan naman ako nito ni bestfriend Renzo oh."

"Yun nga. Si kuya ang dahilan kung bakit delikado dito sa labas. Tas sya pa isasama mo? Nako Crissa. Baka rapein ka nyan dito."

Napakamot nalang kami ng batok ni Fionna.

"Oy, oy! Sobra sobrang paninira na sakin yan lil sis. Mawalang galang na Rionna, pero haltakin mo na paalis ang brat na ito." itinulak ni Renzo si Renzy kay Fionna.

"Fionna ang pangalan ko. Pero sige, tara na Renzy. Ang desisyon ay desisyon. At ang desisyon ni Crissa ay maiwan sila ni Renzo dito. Hahaha!" kinaladkad na nya paalis si Renzy na hanggang sahig na ata ang nguso.

"Salamat, Jionna! Hahahaha! Bleh!" nagpahabol pa ng belat si Renzo sa kapatid nya kaya siniko ko naman sya.

"Nang-asar ka pa. Tsk. Saka, it's Fionna. Not Jionna or Rionna."

"Whatever. Hahaha." inabot nya sakin yung isang lata ng corned tuna matapos nyang buksan. "Tara, let's eat. Eat eat. Eat eat. Eat eat."

"Wala tayong kutsara o tinidor." pagpuputol ko sa kaka-eat eat nya doon.

"Okay lang yan. Paahin mo kung ayaw mong kamayin. Hahahaha."

Siniko ko na nga lang sya at nag-umpisa nang itaktak sa bibig ko yun laman ng lata.

And there, we ate in silence. Di na kami nagsalita uli hanggang sa matapos kaming kumain. May dumaang undead sa harapan namin kaya dun ko nalang naisipang ipatama yung lata na itatapon ko. At sa dinami-rami naman talaga ng tatamaan, dun pa talaga sa maselang parte ng mga lalaki.