webnovel

UNDEAD: Dawn of the Damned 1 (Tagalog)

Welcome sa panahon na kung saan makikipaglaban ka sa mga naglalakad na patay at mga kapwa mo buhay para lang makasurvive. UNDEAD: Dawn of the Damned 1 Your zombie apocalypse story with a twist. Horror, Romance, Comedy, Adventure, Action in one. Book 1 of Dawn of the Damned series.

hoarderelle · ホラー
レビュー数が足りません
115 Chs

Chapter 54

Crissa Harris' POV

Those bastards tried to rape our baby M. What I did serves them right. -Z

Kinilabutan nanaman uli ko nang basahin ko yun. Tinignan ko yung reaksyon ni Tyron. At katulad ko kanina, nakangisi lang din sya habang nakatingin doon.

Sino ba naman kasing hindi mapapabilib sa ginawa na to ni Zinnia? Hindi to gawain ng normal na babae e.

"Got an idea who's this M she's talking about?.." tanong ni Tyron. Napaisip naman agad ako.

"Wala.." napangiti ako saglit pero nagsalita rin agad ako. "Pero base sa sinulat nyang uli na yan, mukhang may iba pa syang kasama. At siguradong hindi lang iisa yung kasama nya. Marami sila."

"Exactly. Binanggit nya yung OUR kaya pruweba yun na may iba pa syang kasama bukod dun sa baby M na sinabi nya."

Napangiti uli ako dahil sa idinagdag ni Tyron. Nakakatuwa lang na malamang hindi nag-iisa si Zinnia. May mga kasama sya kaya mas lalo pang lumaki yun tyansa na buhay pa sya.

Pero teka. Sino nga kaya yung baby M na sinasabi nya? Imposible namang literal na baby yun at nagkaanak na sya. Bukod kasi sa hindi naman namin sya nakitang lumaki ang tiyan for the past 9 mos., napakaimposible ring mabuntis sya. Bukod din kasi sa pagiging NBSB nya tulad ko, nakakapaso rin ang pagiging cold nya. Kaya halos lahat ng lalaking may motibong manligaw sa kanya, hanggang tanaw nalang.

Imposible talagang baby yan as in yung baby na anak. Baka bata lang si baby M at itinuring nila na bunso ng grupo nila.

Naks, grupo. Nakakakilig lang isipin na may bukod ding grupo si Zinnia. Sana 1 day, magkatagpo-tagpo na kami uli. At sana rin, pati si Scott at Marion makita na namin.

"Thinking of them again? Don't drop your hopes.." nakangiting sabi ni Tyron kaya automatic na rin akong napangiti.

Ang lakas makahikayat ng sinabi nya. Para tuloy nabuhay lahat ng natutulog at namamatay na pag-asa sa loob ko. At maihahalintulad ko yun sa isang halaman na malapit nang mamatay pero biglang diniligan at inilagay sa liwanag ng araw.

"Salamat, Ty.. Tara na?.." nakangiting tanong ko.

"Tara.." ngumiti rin sya sakin.

Ihahakbang ko na sana yung paa ko para mauna nang maglakad pero di ko na nagawa. Dahil mas nauna na syang buksan yung pinto. Napasunod naman agad ako sa kanya dahil bigla nalang din nyang hinawakan ang kanang kamay ko at hinaltak ako.

Nag somersault yung mga laman-loob ko dahil doon. Para rin akong kinidlatan dahil sa milyon-milyong boltahe nang di maipaliwanag na kuryenteng biglang dumaloy sa katawan ko.

Nakakagulantang.. Ano ba to?.. Bakit di ko maipaliwanag? Bakit di ko maintindihan?..

Pagkalabas namin sa pinto, nakita ko na agad si bestfriend Renzo na nakatingin sa kamay ni Tyron na nakahawak din sa kamay ko. Pero nalipat din agad ang tingin nya sakin. Kaya kinuha ko na rin agad ang pagkakataon na yon para maisegway ko yung alien feeling na nararamdaman ko nanaman.

"Rapist yan.." sabi ko kay bestfriend Renzo.

Nakita ko naman na parang biglang nagbago yung itsura nya at kunot-noong nagpalipat-lipat ang tingin sa amin ni Tyron.

"R-rapist?.." halata ang pagkagulo sa boses nya.

"Oo. Rapist nga. Hindi ba kapani-paniwala?.. Tignan mo nga itsura oh.." sagot ko at ako naman ang medyo naguluhan din.

Ano bang problema nito ni bestfriend at parang ayaw pang maniwala na rapist nga tong anim na to? Samantalang binaril na nga ni Zinnia sa birdie nila? Tsk.

Lalapit na sana ako ay bestfriend Renzo pero nagulat nalang ako sa sumunod nyang ginawa. Dali-dali rin kasi syang lumapit kay Tyron at nagpakawala ng isang sapak. Buti nalang, maagap din to si Tyron at nakaiwas sya. Hindi sya nasapul talaga sa mukha.

"Pare, pano mo naman ipapaliwanag yung ginawa mo ha?.." kalmadong sabi nya kay Tyron.

Teka. Naguguluhan na talaga ako. Ano ba tong sinasabi ni bestfriend Renzo? Don't tell me, may ginawang kalokohan to si Tyron? Pero imposible naman dahil kadikit ko lang din sya at wala naman akong nakitang ginawa nyang hindi katanggap-tanggap.

Tinignan ko si Tyron sa kanan ko at binigyan ko sya ng umamin-ka-nga-look.

"Anong ginawa mo ah?.. May ginawa ka no?.." tanong ko at mas siningkitan ko pa sya ng mata.

Bigla namang namula ang mukha nya at nakita kong nagpigil sya ng tawa. Si bestfriend Renzo naman, ayun at mukhang nagulat. Dahil ata dun sa tinanong ko. Nagpalipat-lipat uli ang tingin nya sa amin ni Tyron.

"I-ibig sabihin, hindi ka ni-rape nito ni Tyron?.."

What the fuuuu...

Kahit pabulong lang yung sinabi ni bestfriend Renzo, hindi naman yun naging dahilan para hindi ko yun marinig. Halos mapaupo kaya ako sa sahig dahil don.

"Hindi. Ano naman kasing pumasok sa isip mo bestfriend at nasabi mong nirape ako nito ni pffftt.. Tyron?.." umiling-iling nalang ako para mapigilan ko yung tawa ko. Si Tyron naman sa kanan ko, nagpipigil din ng tawa.

"E-eh kasi sabi mo diba? Rapist sya?.." nagkamot ng ulo si bestfriend Renzo at yumuko.

Pigil pa rin ang pagtawa ko habang inaakbayan sya. Pinunasan ko rin yung mangilan-ngilang luha na kumawala na sa mata ko.

"Nako bestfriend. Pinapasaya mo ko e.. Hahaha.. Hindi sya yung sinabi kong rapist. Sila.." inginuso ko yung anim na undead na tinapos nila kani-kanina lang.

"Kaya rin sila binaril sa mga private parts nila?.."

"Mismo bestfriend." proud na sabi ko. Syempre naman diba, ate ko ata ang gumawa nun. Hehehe..

Lumapit si Tyron kay bestfriend Renzo. Akala ko gagantihan nya rin ng sapak e. Pero nagulat nalang ako nang inakbayan nya yon at mahinang sinakal-sakal. Tumatawa pa sya habang ginagawa nya yun.

"Sorry pare. Akala ko talaga, ikaw yung sinasabi ni Crissa na rapist e." inakbayan din ni Renzo si Tyron.

"Sira. Why would I even do that? Saka, mukha ba akong rapist?" -Ty

"Sort of. Hahaha!" -Renzo

"Tss. Wag mo kong idamay sa pagiging manyak mo ah." -Ty

"Wooohh.. Isa ka pang manyak e. Mapagbalat-kayo ka lang.." -Renzo

Nag-asaran pa silang dalawa dun. At ako naman, hindi ko maiwasang mapangiti habang pinapanood silang maggantihan ng sakal. Para silang mga bata.

Ang sarap nilang panoorin na ganito. Sana, wag namang dumating dun sa point na makikita ko silang mag-away ng malala dahil sa isang bagay. Sana palagi nalang ganito.

Teka. Bakit ko ba iniisip na mag-aaway sila? Samantalang bestfriends nga tong dalawa. Tsk. Ang paranoid ko talaga.

Binuwag ko yung pag-aakbayan nila at pumagitna ako sa kanilang dalawa. Parehas ko rin silang kinapitan ng mahigpit sa braso nila. Nagulat pa silang dalawa nang gawin ko yon, pero nakita kong ngumiti rin sila.

"3 spots down. 6 more to go.. Mas naeexcite pa ako.." nakangiting sabi ko at hinaltak ko na sila palabas.

***

Nagpatuloy pa kami sa pagpunta dun sa ibang spots together with LenEtte. The bagong-sibol na love team. Halos atakihin kami nila Ty at Renzo ng isang bilyong langgam dahil sa pangiti-ngiti at kasweetan nung dalawa sa isa't-isa. Nandun na ilang beses nang kamuntikang mapahamak si Harriette pero andyan si Lennon para ipagtanggol at sagipin sya.

Kilig na kilig ako sa kanila promise. At actually, halos mabutas na rin yung braso ni Renzo kakakurot ko. Si Tyron kasi, hindi ko magawang pagbuhusan ng kilig dahil baka mabwisit sakin at gantihan ako ng sapak.

But seriously, sobrang happy ko para kay Harriette. Mukhang ito na yung time talaga na magkakaroon sa buhay nya ng tao na mamahalin nya at mamahalin din sya pabalik. Hindi yung katulad nung dati na, unrequited love ang peg nya. Give lang nang give. Hindi naman nasusuklian.

After all the heartbreaks she experienced, she really deserves to be happy now..

"Kung makangiti ka, parang akala mo ikaw yung in love.."

Nakangiti pa rin akong tumingin dun sa nakaupo sa kanan ko. Buti nalang nasa isang safe na lugar kami ngayon kaya prente kaming nakakatambay at nakakapagpahinga saglit. Nadaanan na kasi namin yung Arts and Letter Library, Theater Hall at Fine Arts Exhibit Hall. Wala naman kaming nakuhang iba pang note mula kay Zinnia sa tatlong lugar na yon. At mga simpleng undead lang na nagpapagala-gala ang nilabanan namin.

At ngayon nga, katatapos lang namin i-clear itong El Musica Performance and Concert Hall. Nakaupo kami ni Tyron sa stage. Si Harriette at Lennon, nasa may upuan sa bandang itaas at nagmo-moment. Si bestfriend Renzo naman, ayun at umidlip sa isang upuan na nasa harap lang din namin nito ni Tyron. Sobrang pagod din siguro.

"Ganun talaga Tyron.. Masaya ako para sa kanila e.." sagot ko.

"Naiinggit ka?.." taas-kilay na tanong nya sakin. At ang cute nya nang gawin nya yon.

Pero bigla naman akong natahimik at napaisip. Napayuko bigla tuloy ako at matipid na ngumiti habang pinaglalaruan yung shotgun ko.

"Naiinggit? Why would I?.. Ang right term para sa nararamdaman ko kapag nakikita kong ganyan sila, HAPPY.. Masaya ako para sa kanila.." paliwanag ko.

"I know right. Kahit ako, masaya rin para sa kanila. Pero yung sinabi kong naiinggit ka, hindi naman literal ang ibig sabihin nun.."

Tinignan ko sya ng deretso. At habang pinagmamasdan kong mabuti yung features ng mukha nyang naka side view at kalmadong nakatingin ng deretso, unti-unti ko ring nakuha yung sinasabi nya. Napangiti tuloy uli ako nang biglaan.

At sa isang parte ng loob ko, parang may bumulong na ayos lang na mag-open ako ng ganitong klaseng usapan dito sa lalaking katabi ko. Kahitpa parang nag-uimpisa nanamang mag-invade yung alien feeling sa loob ko.

"I get it.. You're right. Hindi ako literally naiinggit.. But I've got to admit this. Naiinggit ako in the way na, gusto ko ring maranasan yun.. Syempre, sino namang hindi diba? Sino bang ayaw makaranas na mahalin at magmahal?.. Lahat naman tayo siguro gusto nun.." saad ko. Wala syang naging reaksyon doon kaya ako na uli ang nagpasyang magsalita at magtanong.

"Eh ikaw ba, Tyron? Gusto mo ring maranasan yun?.."

Mula sa pagkakatingin ng deretso, unti-unti syang lumingon sakin at ngumisi sya ng malapad.

"Syempre, sino namang hindi diba? Sino bang ayaw makaranas na mahalin at magmahal?.. Lahat naman tayo siguro gusto nun.."

Toinks.

"Inulit mo lang yung sinabi ko e.." nagkandahaba tuloy yung nguso ko.

Inantay ko pa syang sumagot ng matino pero nag-intay lang ako sa wala. Kaya iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanya. Nakakainis e. Seryoso naman akong sumagot nung tinanong nya ko. Tapos nung ako na nagtanong, lakas makapangbwisit.

Tsk. Eager pa man din akong malaman..

"Maaaring ngayon, hindi mo pa nararanasan. But eventually, you will.. Pero alam mo yun, chances are, nararanasan mo na pala yan ngayon. And it's either hindi mo lang napapansin, or napapansin mo na, pinipilit mo lang itanggi.."

Takha kong tumingin sa kanya dahil sa sinabi nyang iyon. Pero mukhang delayed ang reaction ko na yun dahil nakita ko na agad syang bumaba sa pagkakaupo sa stage at mabagal na naglakad palayo.

"O-oy, teka.. Ano yung sinasabi mo?.." hinabol ko sya agad at hinawakan ko kung braso nya para pigilan syang makahakbang.

Ang gulat ko naman nang humarap sya sakin nang seryosong-seryoso ang itsura nya.

"There's a million ways to say I love you. But pay attention. Other ways don't use words.."

Nabato ako bigla sa kinatatayuan ko. At para ring may malakas na bombang biglang sumabog sa kaloob-looban ng katawang-lupa ko.

Bakit ganito? Bakit pakiramdam ko, napakamakahulugan nung sinabi nya?.. Parang napakalalim ng pinaghugutan?.. At bakit din ako naapektuhan nang ganito? Bakit pakiramdam ko, sya mismo galing yon at para sa akin talaga ang mga salita na yon?..

"Tss.. Nevermind. Tara na.." sabi nya at tumalikod. Kinuha nya rin yung atensyon ng LenEtte at ginising yung nahihimbing na si bestfriend Renzo.

"T-teka. Saan tayo pupunta?" hinabol ko sya. Humarap naman sya sakin at tinaasan nanaman ako ng kilay.

"Malamang ipagpapatuloy yung mission natin. Tsk. Tara na."

Aalma pa sana ako na hindi sapat yung halos kinse minutos na pahinga namin. Pero hindi ko na nagawa dahil natahimik nanaman ako at nabato sa kinatatayuan ko dahil dun sa biglaang ginawa nya. Inakbayan nya ako at hinaltak ng malapit na malapit sa kanya. Malapit as in dikit na dikit yung mukha ko sa katawan nya. Partikular na sa tapat ng puso nya.

Alam kong hindi ito yung first time na inakbayan nya ako. Pero kahit ganon, hindi iyon naging dahilan para hindi ko maramdaman yung kakaibang feeling na tanging sa kanya ko lang naramdaman at naranasan. Yung feeling na kahit ata google hindi kayang ibigay sakin ang kahulugan at dahilan.. Kakaiba at hindi maipaliwanag..

At bigla nalang ding parang nag-flashback sa pandinig at pag-iisip ko yung mga sinabi nya kanina.

There's a million way to say I love you. But pay attention. Other ways don't use words..

Mula sa pagkakayuko, dahan-dahan akong tumingala. Hinanap agad ng mata ko yung mata nya. Hindi naman ako nahirapang gawin yun dahil, nakatingin na rin pala sya sakin. Ngumiti sya ng malapad sakin. Ngiti na mahinahon, kalmado at sinsero.

Inaamin ko, nung oras na yon..

.. parang natunaw bigla yung puso ko..