webnovel

UNDEAD: Dawn of the Damned 1 (Tagalog)

Welcome sa panahon na kung saan makikipaglaban ka sa mga naglalakad na patay at mga kapwa mo buhay para lang makasurvive. UNDEAD: Dawn of the Damned 1 Your zombie apocalypse story with a twist. Horror, Romance, Comedy, Adventure, Action in one. Book 1 of Dawn of the Damned series.

hoarderelle · ホラー
レビュー数が足りません
115 Chs

Chapter 53

Crissa Harris' POV

"Hey, let's go!"

Bumalik ako sa sarili ko dahil sa sigaw na yun ni Tyron kaya tumakbo na uli ako papalapit sa kanila.

"May nakita ka rin no?.." bulong nya sakin habang naglalakad kami kaya gulat akong napalingon sa kanya.

"So nakita mo nga rin.." dagdag pa nya.

Wait. Wait. So ibig sabihin, hindi lang pala ako ang nakakita dun sa lalaking naka brown leather jacket na yun? At pati rin to si Tyron?

"Yung lalaki, sya yung tinitignan mo kanina nung nasa student lounge tayo diba?.." tanong ko.

"Yun nga.. At base sa suot nya, hindi sya isa sa kagrupo natin.."

Tama rin ang conclusion ko. Hindi nga namin kasama ang isang yon.

May gusto pa akong itanong at siguruhin kaya lang, napatigil naman kami parehas sa pagbubulungan nung huminto sa paglakad sila Lennon at Harriette. Nasa tapat na pala kami ngayon nung university clinic.

May ilang undead sa paligid na nakakita samin. Kaya bago pa sila makalapit samin, kami na ang sumugod sa kanila. Pero hindi kami gumamit ng baril at melee weapon nalang ang pinang-atake namin.

Bigla ko namang naalala. Yung mga gamit namin sa sasakyan, baka mawala yun dun dahil walang naiwan miski na isa man samin para magbantay. Sa pagkakatanda ko, may mga baril at ibang armas pa kami sa may van e. Baka matangay yung mga yun. Lalo pa at may iba pa palang tao dito bukod samin..

Hindi naman sa pinagbibintangan ko sya o sila. Pero iba na talaga yung nag-iingat. Hindi rin naman kasi kami nakakasiguro kung ilan silang nandito at kung ano ba ang pakay nila.

"Crissa, look out!" hiyaw ni Lennon. Mabilis naman akong umilag dahil may isang undead na pumuslit at nakalapit sakin.

Bago ko pa sya maatake, inunahan na agad ako ni Tyron at Renzo. Sabay pa nilang sinaksak yun at tuluyan nang tumumba sa sahig.

"Anong iniisip mo, Crissa?.. Muntik ka na dun ah." alalang bulong sakin ni Renzo.

Umiling nalang ako at pinilit kong iwinaksi yung naiisip ko. Hindi naman siguro mawawala yung mga gamit namin doon. At saka isa pa, gamit lang yun. Mas mahalaga naman ang buhay namin at yun ang mas dapat kong isipin.

"T-tara, pasukin na natin yan." sabi ko at nauna nako sa kanila.

Tinulak ko nang mahina yung pinto at nung maramdaman kong hindi nakalock, sinenyasan ko sila. Nagsilapitan naman sila sakin habang lumilinga sa paligid.

"Mas mabuti kung may look-out dito sa labas.. You know why." bulong ni Tyron at nagets ko naman agad kung bakit.

"Lennon, Harriette, look-out nalang kayo dito sa labas. Kaming tatlo nila Tyron at Renzo nalang ang papasok sa loob." sabi ko sa kanila.

"Sige Crissa, kami na bahala dito." nagthumbs up si Harriette sakin at nagkamot lang ng batok si Lennon.

Woooohh.. If I know, magmo-moment lang silang dalawa dito habang wala kami nila Tyron at Renzo. Tsk. Iba na talaga kapag in love.

Nginitian ko muna ng nakakaloko si Harriette bago ko inayang pumasok sa loob yung dalawa pa. Nauuna ako sa paglalakad at nasa likuran ko sila.

Magulo yung kabuuan nung lounge ng clinic. Napakaraming mga basag na gamit. At ang dami ring nagkalat na kung anu-anong hospital at dental tools at apparatuses sa sahig. Parang dinaanan ng bagyo. At para ring nilooban ng magnanakaw dahil bawat cabinet at shelf na nakikita namin, nakitiwang-wang at parang hinalughog.

Nagpatuloy kami sa paglalakad at pumasok kami dun sa unang pinto na nasa kaliwa. Ito yung dental clinic. At nanlumo naman kami sa susunod na nakita namin. Paghawi ko dun sa isang kurtina na nagtatakip sa isang cubicle, merong isang lalaking undead na nakaupo sa dental chair. At hindi lang sya basta nakaupo. Parang sinadya talaga syang ilagay at ipitin doon. Ipit na ipit talaga to the extent na pigang-piga na yung katawan nya at halos pumutok na.

At isa rin syang estudyante dito. Although hindi sya naka uniform at naaagnas na rin yung itsura nya, bakas pa rin sa kanya na hindi pa sya ganun katanda. Base na rin siguro sa damit na suot nya ngayon. Parang typical na cool guy ang pormahan nya. Pati na rin sa buhok. Naka man bun pa nga e.

Ay teka! Bakit ko ba sya dinedescribe pa? Tsk.

"Ako na tatapos sa kanya." pagpapresinta ko. Nakita ko na kasing bubunot na dapat ng kutsilyo si Tyron e.

Naghanap naman ako ng ibang gamit na pwedeng gamitin na pangtapos sa kanya. At doon sa may kabilang cubicle, nakapatong sa isang table ang iba't-ibang gamit na pang-dentista. Kaso, puro malilit at hindi naman nakamamatay. Kaya kinuha ko nalang yung toothbrush na nasa may gilid. Sipilyuhan ko nalang to.

Oh, joke lang! Wag kayong magreact dyan na corny ako at baka kayo pa ang sipilyuhan ko. Tsk.

Binunot ko nalang yung kutsilyo ko.

"Sorry brad.." sabi ko bago ko sya sinaksak sa noo.

Nakakalungkot isipin na naging normal na talaga ang pumatay ngayon. Although undead na sila, hindi pa rin maitatanggi na tao pa rin sila at may buhay pa rin sila. But well, maituturing na rin silang halimaw ngayon dahil yeah, kumakain na sila ng kapwa tao nila unknowingly. Kaya hindi na rin siguro kami dapat manghinayang o malungkot na patayin sila. Kesa naman kami pa ang mapatay nila diba? Kaya mabuti pang unahan na namin sila.

"Konti nalang talaga iisipin ko nang na love at first sight ka dyan sa undead na yan. Titig na titig ka e.." bulong ni Renzo sa kaliwang tenga ko kaya marahas naman akong napabalikwas sa kanya.

"Baliw ka, bestfriend! May naalala lang ako no." siniko ko sya ng mahina. Tapos ginantihan nya ako at tinulak-tulak pa ako dun sa undead.

"Woooh. Dali lapitan mo na.."

"Eh, ano ba bestfriend! Wag ka nga!" sabi ko na umaatras. Pano we, mahahalikan ko na yung undead kakatulak nya sakin. Baliw talaga to.

"Secret lang naman natin to e.. Di ko sasabihin kay Christian na pumatol ka sa undead."

"Bestfriend naman e!" sabi ko at sya yung itinulak ko sa undead. Nadaganan nya tuloy. Hahahaha.

"Tama na yan. Marami pa tayong kailangang gawin."

Parehas kaming napatingin dun sa may pinto. Nandun na si Tyron at nakapokerface saming dalawa. Halata ring naiinip na sya dahil naka crossed arms din sya at pumapadyak-padyak pa.

Nako. Naiinis nanaman to sakin dahil nagmoment nanaman kami ng bestfriend ko na bestfriend din nya. Huhuhu.

Hinaltak ko nalang si Renzo paalis doon at kinapitan ko sya sa braso nya. Sumunod nalang kami kay Tyron dahil tinalikuran na nya kami at dumeretso sya dun sa katapat na kwarto nito. Dahan-dahan naman kaming pumasok doon at tumambad agad samin ang anim na lalaking undead na nakahiga at nakatali sa anim na magkakatabing hospital bed. Sabay-sabay pa silang umungol nung makita nila kami. Pilit din silang kumakawala pero hindi nila magawa dahil sa higpit nang pagkakatali nila sa kama.

Bumitaw ako kay Renzo at bahagya akong lumapit dun sa mga undead. Pinagmasdan ko silang mabuti dahil parang may napansin akong common sa kanilang lahat.

"Hindi sila namatay dahil sa kagat ng kapwa nila undead.." bulong ko. Malinis na malinis sa kagat yung katawan nila.

Lumapit naman sakin si Tyron at nakitingin din dun sa mga undead.

"Yeah. Gunshots. Sa dibdib at pfftt.. Sa private part.." inangat nya bigla yung kumot na nagtatakip sa kalahating katawan nung isang undead at naisubsob ko nalang sa dibdib nya yung ulo ko dahil sa gulat sa nakita ko.

Oh God. Hindi ko maipaliwanag yung itsura ng certain part na yun. Binaril siguro nang malapitan kaya sabog-sabog. Parang yung itsura ng mga nalalasog at nadudurog na kamay kapag naputukan sa New Year celebration.

Sinapak ko ng mahina yung braso ni Tyron.

"A-ano ka ba naman! B-bakit mo biglang inangat? Sarado mo nga uli!.." sabi ko pa rin na nakasubsob sa dibdib nya at nakapikit. Naramdaman ko nanaman yung alien feeling pero di ko nalang pinansin.

Narinig ko naman na nagpigil sya ng tawa nya.

"Sorry na. Ikaw kasi e. Sobra kang makalapit. Lumayo ka kasi ng konti. Hahaha.. O ayan na. Nakatakip na uli."

Unti-unti naman akong dumilat. Nakatikip na nga uli kaya nakahinga na ako nang maluwag. Ibinalik ko naman uli ang tingin ko kay Tyron.

"T-tignan nyo nga kung lahat sila, ganyan.." bulong ko.

"Pffftt.. Lahat sila ganyan. Tignan mo kasi yung mga kumot oh. May bahid ng natuyong dugo." sabi nya uli. Kapansin-pansin din yung pagkulay strawberry ng mukha nya sa pagpipigil ng tawa. Pinagtitripan ako. Tsk.

Sinilip ko naman yung mga kumot. Hindi gaanong pansin yung mga bahid ng dugo dahil maliliit yung iba.

Napaisip naman ako bigla. Sino naman kayang gumawa nito?

"Tapusin nyo na yang mga yan. May sisipilin lang ako." sabi ko sa kanila at dumeretso na ako dun sa isa pang pinto na nasa loob din ng kwarto na to.

Inalerto ko yung sarili ko habang unti-unting binubuksan yun. Wala naman akong narinig na ingay sa loob kaya mabilisan ko nang binuksan ng todo yung pinto. Mabilisan ko rin itinutok yung pistol ko pero wala namang sumalubong sakin na undead. Kaya dere-deretso nalang akong pumasok doon.

Storage room pala to. Dito nakatago yung ilang mga gamit pang hospital tulad ng hospital gowns, mga towel, bandages, gauzes at etc.

"Oh, ano? May nakita ka ba?.."

Gulat na gulat akong napatingin sa lugar na pinanggalingan ko.

"Ano ba yan bestfriend Renzo! Ginulat mo ako!" sapo-sapo ko pa yung dibdib ko na kumakabog ng malakas. "Dun ka nga muna sa labas! May ginagawa ako e!" pagtataboy ko sa kanya.

Balak ko pa nga kasing mag-imbestiga dito. Baka sakaling may makalap akong impormasyon kung ano ang nangyari dun sa anim na yon at kung sino ang gumawa sa kanila nung karumaldumal na bagay na yon.

Ngumisi naman si bestfriend Renzo sakin saka hinaltak pasara yung pinto. Pipigilan ko na dapat sya pero hindi ko na itinuloy nung makita at mabasa ko kung ano yung nakasulat sa likod ng pinto na yun. Bigla nalang din akong napangisi.

Sya pala may gawa nun? Kahit kelan talaga. Napaka unpredictable nya..

Binuksan ko uli yung pinto na yun saka ako dumungaw.

"Psst Tyron! T-tara dito. May papakita ako.." tawag ko sa kanya.

Takha syang tumingin sakin pero mukhang nagets din naman nya kung bakit dahil lumapit nga sya sakin.

"Sige. Magsolo kayo. Wag nyo kong isama. Tsk." pagpaparinig ni bestfriend Renzo.

"Dyan ka lang muna, bestfriend. Look-out. Hehehe." sabi ko at saka ko mabilis na hinaltak papasok si Tyron sa kwartong kinaroroonan ko.

"Tsk. Ayaw pa akong isama. Ano naman kayang gagawin nila doon? Tapos isasara pa yung pinto."

Narinig ko pang bumulong si Renzo pero di ko na narinig ng buo dahil tuluyan ko nang isinarado yung pinto. Tinignan ko naman ng nakakaloko si Tyron saka ko inginuso yung nakita ko kanina.