webnovel

UNDEAD: Dawn of the Damned 1 (Tagalog)

Welcome sa panahon na kung saan makikipaglaban ka sa mga naglalakad na patay at mga kapwa mo buhay para lang makasurvive. UNDEAD: Dawn of the Damned 1 Your zombie apocalypse story with a twist. Horror, Romance, Comedy, Adventure, Action in one. Book 1 of Dawn of the Damned series.

hoarderelle · ホラー
レビュー数が足りません
115 Chs

Chapter 4

Crissa Harris' POV

Ilang dipa nalang ang layo nya mula sa amin. Habang ako, nakatulala pa rin at hindi halos makapaniwala na nangyari sa kanya to.. Na magiging totoo ang ganitong klaseng pangyayari..

Paano.. Paano nangyari to?..

Napalingon ako kay Christian nang bigla nyang itaas ang kanang kamay nyang may hawak na baril at itinutok kay Olga. Nagawa ko pang makapikit bago nya kalabitin ang gatilyo non. Unti-unti akong dumilat at nakita ko nalang ang katawan ni Olga na nakahandusay na sa damuhan habang tumutulo ang halos kulay itim nang dugo na nanggagaling sa noo nya.

Naitakip ko nalang ang kamay ko sa bibig ko habang umiiyak. Nang tignan ko si Christian, nakaiwas na sya ng tingin.

Nilapitan ako ni Elvis at inakbayan.

"We have to accept this. Its real and its happening now. The apocalypse has started. And we must be prepared. For there's so much more to come." pagkabulong nya nun ay sakto namang may naglabasan na undead. At base sa damit na suot nila, mga maid naman sila. "Shit. Kakasabi ko lang e.."

Mahigit sampu ang naglalakad papunta sa amin ngayon. Narinig kong nagkasa si Christian ng baril at umaktong magpapaputok na. Pero pinigilan naman agad sya ni Elvis.

"Wag. Mas lalo pa silang dadami. Pag nagpaputok ka, makukuha ang atensyon nung iba na nasa sa paligid. Sa ngayon, hanggang ganito nalang muna ang magagawa natin." binunot ni Elvis yung pocket knife sa bulsa nya at tumakbo dun sa isang undead na nauuna. Hinigit nya sa kwelyo yun at saka sinaksak sa ulo.

"Oh.. Depensahan mo sarili mo. Dito ka lang, tutulungan ko si Elvis. Hindi mo pa kayang lumaban." inabot sakin ni Christian yung isang malaking shovel na kinuha nya sa may gilid at tumakbo na sya papunta kay Elvis. Hinataw nya yung mga undead gamit yung isa pang shovel na hawak nya.

"S-shit. What's h-happening here?.." napatingin ako dun sa dalawang biglang sumulpot. Si Alexander at si Renzo. Halata sa expression nila ang gulat.

Mabilis namang nakabawi si Alex sa pagkagulat at tumakbo na sya para tumulong kay Christian at Elvis. Si Renzo naman ay sakin pumunta.

"Ayos ka lang?"

Tumayo nalang ako bilang pagsagot. At saka namin sinilip sila Christian. Apat nalang yung undead na natitira.

Si Alex, may hawak na baril pero hindi nagpapaputok. Nakita kong sinipa nya lang yung isang undead at nang mapahiga yun sa sahig, tinapakan nya ng malakas ang ulo nun at nadurog. Sunud-sunod na saksak at palo naman ang ginawa ni Christian at Elvis para dun sa tatlo pang natitira.

Nakahinga lang ako ng maluwag nung mapahiga na sa sahig yung tatlo pang undead.

"Nakarinig kami ng putok ng baril kaya pinuntahan na namin kayo dito. Hindi ko naman akalain na ganito yung madadatnan namin." sabi ni Alex. Naglalakad na sila pabalik samin ngayon.

"Kailangan na nating tanggapin yan, Alex. It has started now. Dapat mas maging alerto pa tayo dahil sa tingin ko, unti-unti na silang dumadami." sagot ni Elvis.

"Pero paano.. Paano ba nagsimula yan? Kagabi lang, normal pa ang lahat. Parang ang bilis namang mangyari.." napayuko ako. At tinapik naman ni Elvis ang balikat ko.

"Hindi rin natin alam kung paano o saan nagsimula.. Walang nakakaalam Crissa.." inakay nya ko at nagsimula na kaming maglakad papasok. Nauuna si Christian sa amin at nasa likod naman namin si Alexander at Renzo.

"Sa ngayon, bumalik muna tayo sa basement. Nandun pa yung lima. Hindi naman siguro mapapahamak yun dahil may baril sila." sabi ni Christian habang patuloy pa din sa paglalakad.

Napa-buntung hininga nalang kaming lima. Simula ngayon, unsure na kami sa mga buhay namin. Ganito na ang nangyayari sa paligid kaya anytime, nakakatakot mang isipin pero pwede kaming mamatay.

Pero syempre, hindi naman namin hahayaan yun. Kailangan lang naming maging mas alerto palagi. Kailangan lang naming maging mas matatag at mas matapang. At kailangan lang naming lumaban..

Para mabuhay..

Bumaba kami ng basement at tinungo yung kwarto ng mga lalaki. Naabutan naman namin doon na nakatayo sa may malapit sa pintuan si Sedrick at Tyron na may hawak na kutsilyo. May tumutulong dugo galing doon. Napatingin naman ako sa may paanan nila at doon nakadapa ang isang maid namin na wala nang buhay.

Pinagtulungang buhatin yun ni Alex at Renzo na ilabas ng kwarto. Nilock naman namin agad yung pinto nung makapasok na kaming lahat. Nadako naman ang tingin ko dun sa may kama at magkakayakap yung tatlo pang babae na umiiyak.

Nilapitan ko agad sila. Wala ni isa man sa kanila ang nagsasalita. Pare-parehas lang silang mahinang umiiyak. At katulad ko nung una, natatakot din sila at naguguluhan.

Ilang minuto kaming natahimik bago ko napagdesisyunang magsalita.

"I think, hindi talaga tayo pinasok nung mga gustong pumatay samin. Dahil base sa nakita ko, mukhang alam ko na kung sinong halimaw ang gumawa nun kay Yaya Nerry.."

"And mukhang isa yun sa napatay natin kanina." pagsang-ayon ni Alex habang nakatingin kay Christian at Elvis. Nakita ko namang napakagat ng madiin si Christian sa labi nya.

"And maybe not. There's a possibility na, baka gumagala pa sya ngayon at naghahanap ng alam nyo na, makakain." sabi nya at tumango-tango naman si Elvis na nasa tabi nya.

"I agree. And maybe, isang squad na sila ngayon. Pero depende rin. Ilan ba tayo sa loob ng mansyon nyo?" tanong nya habang nakatingin kay Christian.

"10 tayong nasa basement. May 11 na maid. Pang 12 si Yaya Nerry. And there's Olga, Bud and Jackson."

"At may 25 ding securities." dagdag ko sa sinabi ni Christian.

Natahimik naman kaming tatlo. Lumapit na rin sa amin si Alex, Renzo, Sedrick at Tyron na nakikinig lang kanina.

"We're all alive here in the basement." - Tyron

"At napatay namin yung isang maid kanina." - Sedrick

"And the squad of zombie maids, napatay na sa garden." - Renzo

"Sampu sila lahat." - Alexander

"So ibig sabihin, there are more or less, 28 pa bukod sa ating sampu?" - Elvis

Tumango kaming lahat bilang pag sang-ayon.

"Si Yaya Nerry, we're sure that she's undead now. But, we're still uncertain about Jackson. And lalong-lalo na si Bud at yung 25 pang securities. They're armed. So.." tumigil ako saglit at nagkatinginan kaming pito. Maya-maya pa, mukhang naintindihan na nila agad ang gusto kong sabihin.

"So there's a big possibility na, hindi lang tayong sampu na nasa basement ang buhay pa. Pwede ring sila.." si Christian na ang nagsabi ng gusto kong sabihin.

Tumingin ako kila Harriette, Alessa at Renzy. Hindi na sila umiiyak at tahimik lang sila na nakikinig sa amin.

"Don't worry. We will make each other safe. We will help each other survive. We will keep each other ALIVE." bulong ko sa kanila. Mukhang kumalma naman sila dahil pinilit nilang ngumiti sakin.

Ibinalik ko ang tingin ko dun sa anim na lalaki at binigyan ko rin sila ng isang matipid na ngiti.

Isang ngiti na nagpapakita ng pag-asa..

"So now, we will make a plan.."