webnovel

UNDEAD: Dawn of the Damned 1 (Tagalog)

Welcome sa panahon na kung saan makikipaglaban ka sa mga naglalakad na patay at mga kapwa mo buhay para lang makasurvive. UNDEAD: Dawn of the Damned 1 Your zombie apocalypse story with a twist. Horror, Romance, Comedy, Adventure, Action in one. Book 1 of Dawn of the Damned series.

hoarderelle · ホラー
レビュー数が足りません
115 Chs

Chapter 40

Crissa Harris' POV

Nagising nalang ako dahil sa amoy ng lugaw na tinadtad ng roasted garlic. Pagdilat ko, nakita ko na agad yung bowl na nakapatong sa may bedside table. Umuusok-usok pa yun. Nung magawi ang tingin ko dun sa may gilid ng kama, tumambad agad sakin ang nakangiting mukha ni Renzo. Mugto ang mata pero pogi pa rin.

"R-renzo, b-buhay pa ako?.."

Bigla naman syang napahagalpak ng tawa at pinaghahampas yung kama.

"U-uy, tigilan mo nga.." hirap na sabi ko. Ano ba to? Bakit parang paos yung boses ko tapos parang ang sakit pa ng lalamunan ko?

"E-eh ano naman kasing klaseng tanong yan, Crissa? Mamamatay agad?" sabi nya na tumatawa pa rin. I tried my very best para irapan sya.

Dahan-dahan kong ibinangon yung katawan ko pero agad ko ring naibagsak pabalik sa kama. Napahawak ako sa ulo ko dahil biglang umikot yung paningin ko. Para ring nabugbog yung mga laman ko sa sobrang sakit.

"R-renzo, a-ano bang n-nangyayari sakin?.. Bakit ganito?.." idinilat ko yung mata ko tapos lumapit sakin si Renzo. Napailag naman ako nang halpus-haplusin nya yung noo ko.

"E-eh, ano ba yan.. B-bakit ang lamig ng kamay mo R-renzo? P-patay ka na ba?.."

Ngumiti sya bigla sa akin.

"May trangkaso ka Crissa. Kaya kailangan mong magpahinga.." kinumutan nya ako tapos bumalik na sya sa pagkakaupo sa tabi ko.

Nabaling naman ang tingin ko doon sa bowl ng lugaw sa bedside table.

"P-para sakin ba yun?.."

"Ay oo nga pala. Nakalimutan ko. Kumain ka muna para makainom ka na din ng gamot." tumayo si Renzo tapos kinuha yung bowl ng lugaw. Napaso pa nga sya e. Kaya natawa ako sa isip-isip ko.

"S-salamat at pinagluto mo ko. Ang bait m-mo talaga." teary-eyed na sabi ko.

"Ako lang ang magpapakain sayo Crissa. Pero hindi ako ang nagluto nyan. Si Tyron.."

Si T-tyron? Ipinagluto ako? A-ang bait naman nya.. Bakit nya ginawa yun?.. K-kasi friends kami?.. O may iba pang dahilan?.. Chef ba sya?.. Ay, sports science major nga pala sila nila Christian.. Pero, ang bait naman talaga nya. Ipinagluto n-nya ako.. Huhuhuhu..

"Uy Crissa, bakit ka umiiyak? M-may masakit ba sayo?.." mabilis na ipinatong ni Renzo yung bowl ng lugaw sa bedside table tapos umupo sya sa kama. Mukhang alalang-alala sya habang tinitignan ako.

"W-walang masakit sakin. N-nasan si Tyron?.." sabi ko pa rin na naluluha.

"Sus. Akala ko naman kung ano nang nangyayari sayo e.. Si Tyron lang pala. Nasa tabi-tabi lang yun. Baka nagkukudkod ng toilet bowl namin. Hahahaha!" pinunasan ni Renzo yung luha sa mata ko tapos tumayo na sya.

Pinainom nya ako ng gamot matapos kong kumain. Gusto ko pa nga uling maiyak dahil sobrang sarap nung lugaw na niluto ni Tyron. Parang gourmet. Pero pinigil ko nalang. Nakaramdaman na rin kasi uli ako ng antok pagkatapos kong uminom ng gamot kaya humiga na ako.

Si Renzo, hindi naman umalis sa may gilid. Nakaupo pa rin sya doon habang maya't-mayang pinupunasan ng basang face towel yung noo ko. Damang-dama ko yun habang nakapikit ako kaya mabilis akong nakatulog.

Ewan ko kung nananaginip ako pero may narinig pa akong nag-uusap sa malapit sa akin.

"Ganun pala yun no? Kapag may trangkaso talaga, ang lakas maka-emosyonal."

"Bakit, anung ginawa ni Crissa?.."

"Umiyak sya. Hinahanap ka."

"H-hinanap ako? Bakit daw?"

"Walang sinabi.. Pero alam mo, habang pinapakain ko sa kanya yung luto mo, teary eyed sya. Nagustuhan nya ata talaga."

"Mabuti naman. Sya palang ang unang babae na pinagluto ko. Pati nga yung mama ko, hindi pa e. Asdfghjkl-----"

Wala na akong narinig na boses kaya idinilat ko nang bahagya ang mata ko. Pero hindi ko masyadong malabanan yung antok at pagod na nararamdaman ko kaya pumikit uli ako.

Hindi ko maipaliwanag yung pakiramdam na biglang nangibabaw sa loob ko nung may marinig akong strum ng gitara sa tabi ko. Lalong-lalo pa nung may mala-anghel na boses na sumabay doon. Para akong hinehele sa duyan. Ang sarap sa tenga. Lalo na sa pakiramdam.

Tulog na mahal ko

Hayaan na muna natin ang mundong ito

Lika na, tulog na tayo.

Tulog na mahal ko

Wag kang lumuha, malambot ang iyong kama

Saka na mamroblema

Tulog na hayaan na muna natin sila

Mamaya, hindi ka na nila kaya pang saktan

Kung matulog, matulog ka na...

Ang sarap pakinggan at damhin ng boses nya. Parang lullaby. Yung hagod ng boses nya, malambing pa sa isang mainam na harana. Nakakataba ng puso.

Tulog ako diba? E bakit malinaw pa rin sakin ang nakakahumaling na tunog na yun?..

Nararamdaman ko nanaman tuloy yung pamumuo ng luha sa mata ko.

Tulog na mahal ko

Nandito lang akong bahala sa iyo

Sige na, tulog na muna

Tulog na mahal ko

At baka bukas ngingiti ka sa wakas

At sabay natin harapin ang mundo

Tulog na hayaan na muna natin sila

Mamaya, hindi ka na nila kaya pang saktan

Kung matulog, matulog ka na...

Biglang tumigil yung kanta. Tapos na ba? Pero ayoko pa.. Naramdaman ko na yung tuluyang pagtulo ng luha ko. Bakit naman kasi biglang natapos?

"Hanggang sa pagtulog mo ba naman, umiiyak ka pa din? Ayaw mo ba nung kanta ko?.."

Teka. Sino na to? Pakisabi nga sa kanya, gustung-gusto ko yung boses nya. Sabihin nyo na wag syang tumigil. Kumanta pa rin sya at wag syang aalis sa tabi ko.

Naramdaman ko na may kamay na humawak sa pisngi ko para punasan ang luha ko. At ang sunod nalang na naramdaman ko ay ang marahan na pagdampi ng kung anong malambot na bagay sa noo ko.

"Matulog ka lang, Crissa.. Next time na uli kita kakantahan. Yung gising ka na para maappreciate mo.."

***

Mabilis kong dinilat yung mata ko. At nang inilibot ko yung tingin ko sa buong kwarto, wala akong nakita na kahit na isang tao. Panaginip lang ba lahat yun? Pero bakit parang totoong-totoo?

May gitarang nakasandig sa bintana. So totoo nga talaga lahat? Lalo na yung kumanta na lalaki?

Siguro dahil na rin sa kinain kong lugaw at ininom kong gamot, nagkaroon ako ng sapat na lakas para bumangon sa kama at makalakad. Nagawa ko ring bumaba ng hagdan papuntang first floor nang hindi ako gumugulong.

Asan ba kasi yung iba? Bakit wala sila dito? Baka naman panaginip lang talaga lahat. Tapos pati yung pagpapakain sakin ni Renzo ng lugaw, hallucinations lang din ng trangkaso ko?

Pero hindi. Yung mala-anghel na boses talaga, totoo yun alam ko. Pati na rin yung kung ano na dumampi sa noo ko. Biglang gumaan ang pakiramdam ko dahil doon. Halik ba yun o simpleng daliri lang na humaplos? Saka sino namang gagawa nun?

"Anung oras kaya sila makakabalik, Tyron?"

"I don't know. Pero hindi naman siguro hahayaan ni Christian na gabihin sila dahil masyadong delikado."

"Anung oras na, Harriette?"

"Sana nga. 11am palang, Lennon. Gusto mo luto na tayo ng lunch?"

"Sure. Ano pa bang ibang pwedeng lutuin para kay Crissa?"

"No need, Lennon kami na bahala ni Tyron sa pagkain ni Crissa."

"Hay nako, Renzo. Ipaubaya mo na kay Tyron lahat. Baka bumula pa ang bibig ni Crissa kapag nakiepal ka pa sa pagluluto."

"Selos ka nanaman, Harriette. Sabihin mo lang na gusto mo ring ipagluto kita. Hindi yung nagkakaganyan ka. Nakakahiya kay Lennon oh. Ipinapakita mo yung beast side mo."

"Tse! Layuan mo ko at baka masibat kita."

Umalis na ko sa tapat ng kwarto na yun. Nandun lang pala sila. Akala ko mag-isa lang talaga ako dito e. Nakasara yung pinto kaya hindi nila alam na napadaan ako dun. Mabilis akong lumabas ng bahay dahil gusto kong magpahangin kahit konti. Okay naman na siguro to. Nakapagpahinga na ako e.

Yung dilaw na sasakyan pala nila Renzo yung ginamit nila Christian na umalis. Pero bakit nandito pa rin yung van namin sa labas? Pang dalawang kotse naman pala yung garahe tapos di pa nila pinasok to? Lakas makapang-inis.

Tatalikod na sana ako para puntahan sila doon at para ipapasok yung van. Pero may kung anong nakakuha sa atensyon ko. Dali-dali akong lumabas at hinablot ko agad yung kulay puting papel na nakaipit sa may side mirror ng van. May mga nakasulat doon na kulay pula ang ginamit na ink.

Samantalahin nyo na yung mga oras na kumpleto pa kayo. Dahil unti-unti namin kayong uubusin.

Nanlambot bigla ang tuhod ko pagkabasa ko non. Bigla akong kinabahan. Yung sakit ng ulo at katawan na nararamdaman ko kanina, parang biglang bumalik. Sa sobrang takot ko, nilukot ko agad yung papel at hinagis ko sa kung saan.

S-sinong gumawa nito?..

Naramdaman kong parang may nakatingin sakin. Mabilis akong tumalikod at naglakad papasok sa gate. Pero sakto namang sumulpot si Renzo na may hawak na kaldero. Sa sobrang pagkagulat namin sa isa't-isa, natalisod ako bigla at naumpog ako ng malakas dun sa hawak nya. Unti-unting umikot ang paningin ko at naramdaman ko nalang na nasalo nya ako.

"Tss.. Nalintikan na. Sorry, Crissa. Ang kulit mo rin kasi e. May sakit ka pero para kang kiti-kiti." narinig kong binulong nya bago ako tuluyang mamatay.

Eto na talaga.. Goodbye world..

Someone's POV

"Nagawa nyo ba yung inuutos ko?.." tinapon ko sa sahig yung sigarilyong hinihithit ko at matapos ay inapakan ko.

"Oo naman boss. Malinis na malinis po."

"Good. Sinong nakakita?.."

"Yung babaeng may blonde pong buhok na pinapabantayan nyo."

"Anong reaksyon nya? Natakot ba?.."

"Mukha po. Dahil pagkabasa nya, natulala sya saglit tapos nilukot na yung papel at hinagis sa sahig."

Tumango ako sa kanya bilang pagsagot. Sinenyasan ko sya na umalis na pero nanatili lang sya doon na nakatayo.

"Bakit?.. May problema ba?.."

"Wala po boss. Gusto ko lang po sanang itanong kung bakit parang iniiba nyo po yung pinag-uutos ng daddy nyo. Hindi ba po, ang sinabi nya, patayin na natin agad-agad yung grupo na yun?.. E base po sa mga pinagagawa nyo samin, tinatakot lang natin sila."

Tinapik ko sya sa balikat.

"Magtiwala ka lang sakin. Alam ko ang ginagawa ko."

"E, natatakot lang po akong mamatay pag nalaman ng daddy nyo na iba na yung ginagawa ko."

"Wag kang mag-alala. Ako bahala sayo. Ako ang boss mo kaya ako lang ang susundin mo. Basta siguruhin mo lang palagi na walang mangyayaring masama kay Crissa."

"Crissa? Yun po ba yung may blonde na buhok?"

"Sya nga. Sige. Makakaalis ka na."

"Sige po, boss. Maaasahan nyo ko."

Lahat ng iuutos ng magaling kong ama, susunduin ko. Pero yung isama pati yung babaeng mahal ko sa papatayin nya? Hindi ako makapapayag. Dahil pag pinilit nyang gawin yun, hindi ako magdadalawang-isip na kalimutang ama ko sya.

I'll definitely kill him..