Crissa Harris' POV
Isa-isa ko silang nilapitan at tinignan.
"Ano!? Nasan si Christian!?"
"Wag kang mag-alala, Crissa. Wala namang nangyaring masama kay Christian. Nandun sya sa may garahe. Yun nga lang, sigurado akong hindi mo rin magugustuhan ang makikita mo." bulong ni Harriette habang nakayuko.
Hindi ko na sila inantay pa na magsalita uli at tumakbo nako agad papuntang garahe. Nadatnan ko dun si Christian na nakatayo at nakaiwas ng tingin. Hawak-hawak nya rin sa kaliwang kamay nya yung baril nya.
"Huy, anong nangyari? Akala ko naman kung napano ka na." alalang sabi ko habang pinapasadahan ng tingin yung buong katawan nya. Wala naman syang kahit na anong galos o kagat ng undead.
"Kabang-kaba ko sayo, Christian."
"Okay lang ako. Wag ka nang mag-aalala." sabi nya na hinahaplos ang buhok ko.
"E bakit naman kasi nandito ka pa? Bakit hindi ka pa pumunta doon?"
Imbes na sagutin ang tanong ko, naglakad lang sya papunta dun sa van na lagi naming ginagamit kapag hinahatid kami ni Jackson. Ito rin yung van na gamit namin ni Harriette nung nag-mall kami nung isang araw bago yung nangyari..
Huminto sya sa may harapang part nun kaya sinundan ko sya. Nakatungo lang sya sa sahig habang itinuturo sakin yung loob ng van. Nakalock yung pinto ng driver's seat. Heavily tinted din yung mga bintana nun kaya hindi ko masilip kung ano ba yung tinuturo ni Christian sa loob nun.
Halos mapatalon naman ako sa gulat nang bigla nyang hampasin yung bintana sa may driver's seat gamit yung axe nya. Tuluyan na ring tumambad sakin yung nasa loob nun.
Sya na nga lang yung inaasahan kong natitirang buhay dun sa mga hinahanap namin e.. Bakit naman pati sya, ganyan na rin.
Dahan-dahan akong lumapit sa may driver's seat at pinagmasdan kong mabuti yung undead na pilit akong inaabot. May malaki syang sugat sa leeg na mukhang hindi na sariwa dahil wala nang tumutulong dugo. Nakakalungkot lang isipin na sa huling segundo ng buhay nya, nandito pa rin sya sa loob ng van na to na palagi nyang minamaneho para samin.
Napakaloyal talagang driver nito ni Jackson Buen kahit kailan..
Pinunasan ko ang luha ko na tumulo na at humarap ako kay Christian.
"Ako na gagawa, Christian." sabi ko. Napansin ko kasi na parang binubunot na nya rin yung kutsilyo sa may sheath na nasa hita nya.
"Go. Alam kong kaya mo."
Tinignan ko sya with a puzzled look. Ngumiti naman sya ng pilit sakin at tinapik ang balikat ko.
"Alam kong si Bud yung napatay mo kagabi. So kung ang makapagbibigay sayo ng katahimikan at kapayapaan ay yung kapag ikaw ang tumapos sa kanila, then do it."
Alam nya pala talaga na si Bud yun. Pero paano?
Isininantabi ko muna yung iniisip ko at tumango ako kay Chrisitian. Kinuha ko yung pistol na nasa bewang ko. Ayoko nang makita pa si Jackson na nasa ganitong kalagayan. Nakakalungkot. Sobrang bigat sa dibdib.
Ikinasa ko yung baril at itinutok ko sa sentido nya. Ilang patak ng luha ang kumawala sa mga mata ko bago ko tuluyang kalabitin ang gatilyo. Tumalikod ako pagkatapos nun at nag-umpisa nang maglakad. Pero napatigil uli ako nang magsalita si Christian.
"Ikaw na rin ang bahala kay Yaya Nerry kung gusto mo.."
Kasabay ng pagharap ko sa kanya ay kasabay din ng pagtambad sakin nung nasa loob ng van matapos nyang buksan yung pinto sa may likod.
Si Yaya Nerry.. Hati na ang katawan nya. Umuungol din sya habang parang pilit kaming inaabot ng mga kamay nya.
"I supposed, si Jackson ang nagdala sa kanya dito nung isang araw para hindi na tayo mabiktima in case na maging undead si Yaya Nerry. At yung kagat naman na nasa leeg nya, I think nakuha nya yun nung buhatin nya si Yaya Nerry papunta dito."
Malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ko dahil sa sobrang panlulumo sa mga nakikita ko. Sobrang hirap tanggapin. Pero kailangan. Kasi eto na yung nangyayari. Eto yung totoo.
Hinawakan ko ng mahigpit yung baril ko saka ko itinutok sa katawan ni Yaya Nerry. At katulad nalang din nung kay Jackson kanina, ilang pares din ng luha ang kumawala sa mga mata ko bago kalabitin yung gatilyo.
"Tara na sa kanila, Crissa. Magiging okay din tayo." nilapitan at inakbayan ako ni Christian matapos nyang isarado yung pinto sa likod ng van.
Nagpadala na nga lang ako sa kanya habang naglalakad kami papasok ng mansyon. Wala na yung iba sa may entrance kaya nasa living room na sila siguro.
"Saan galing yang shotgun mo?" nakatingin sya dun sa nakasukbit sa balikat ko.
"Dun sa isang security natin na nasa may main gate. Bakit? Bawal ba kong gumamit nito?"
"Hindi naman. Kaya lang, sigurado namang bibitawan mo rin yan kapag nasubukan mong gamitin yung isang klase ng shotgun na nandun sa basement." sabi nya sakin sabay wink. Hindi ko nalang sya pinansin at pumasok nalang kami sa may living room.
Pagkapasok namin don, kanya-kanya na sila nang ginagawa nilang paglilinis sa mga weapons nila. Umupo ako dun sa may sofa at tumabi si Christian sakin.
"Okay. Quarter to 11 palang. Ang aga pa." bulong nya habang inaalis sa bewang at binti nya yung holster at sheath.
Nagulat naman ako nang nakangiting lumapit sakin si Sedrick at inilahad ang kamay nya.
"Oh Sed? Mangungutang ka ba? Hehe."
"Ah, hindi. Ako na maglilinis ng weapon mo, Crissa. Ikaw na sumunod na magshower pagtapos ni Alessandra. Ang dami mong talsik ng dugo oh.."
Napangiti naman ako bigla. Ang bait talaga nito ni Sedrick. Lakas makahawa ng good vibes.
Ngumiti naman ako pabalik sa kanya at inabot ko yung club at kutsilyo ko. Pero sakto namang dumaan si Tyron sa harapan namin kaya nabangga nya yung kamay ko. Nalaglag tuloy yung mga weapon ko. Pero buti nalang, hindi sa paa ni Sedrick. Kundi nagkabasag-basag na paa nya.
"Oops. Lalampa-lampang kamay. Sorry.." bulong ni Tyron habang naglalakad paalis.
Tinignan ko sya ng masama at inabot ko nalang kay Sed yung mga weapon ko.
"Thank you ah? Hehe." sabi ko.
Nung makaalis na si Sed sa harapan ko, kinalabit ko naman agad si Christian at gigil na gigil kong itinuro si Tyron na panay ang sulyap sakin at panay din ang pagngiti ng nakakaloko.
"Abnormal yang kaibigan mo na yan ha!? Napakaepal."
"Pffftt.."
"Ano ba, Christian!? Nakita mo na ngang inis na inis na ko dito, tatawa ka nalang dyan!?" pinagkukurot ko sya sa braso.
"Aw aw! Masanay ka na kay Ty. Masama talaga ugali nyan. Pumapatol yan sa mga taong mas abnormal pa sa kanya! Aw!"
Parehas naman kaming napatayo at napailag nang biglang may makita kaming lumilipad na sapatos papunta samin.
Sapatos ni Renzo yun. Pero hindi sya nagbato kundi si Tyron. Narinig nya siguro yung sinasabi nito ni Christian.
Hmp. Abnormal talaga.
Umupo na uli kami ng makita naming busy na uli si Tyron sa pagpunas ng katana nya.
"Kita mo? Lakas din ng pandinig nyan."
"Manahimik ka na nga. Mamaya, baka batuhin tayo uli e." inirapan ko si Christian. Pero nung may naalala ko, kinapitan ko agad sya sa may braso nya.
"Pano mo nga pala nalaman na si Bud yung napatay ko kagabi?"
"Yun lang ba? Namumula kasi mata at ilong mo so I supposed na umiyak ka nanaman. At saka, alam mo na. Twin instinct."
"Twin instinct daw ba. Sus. Edi mamaya, pwede na tayong magrun for supplies dahil tapos na yung clearing na gagawin natin?"
"Wag naman agad-agad. After all, we all deserve a break. Di naman siguro mauubos agad yung pagkain natin. Bukas na tayo magrun."
Binatukan ko si Elvis dahil bigla nanaman syang sumingit sa usapan at talagang literal din syang sumingit dito sa inuupuan namin ni Christian. Siniko ko sya palayo.
"Nagsalita naman ang isa pang matakaw. E ano ng gagawin natin dito mamaya, tatambay nanaman?"
"Nope. We'll relax for a little bit. But sa ngayon, maligo ka muna dahil nangangamoy undead ka na rin."
"Oo nga, Crissa. Ang baho mo." sulsol pa ni Elvis sa sinabi ng kakambal ko.
Inirapan ko nalang silang dalawa at lumayas nako sa tabi nila. Siguraduhin lang talaga nila na malilibang kaming lahat mamaya sa mga pakulo nila kundi, parehas ko silang pauulanan ng sapak.