webnovel

Chapter 23 Sign

LAST YEAR of my senior high, ninth of September at nagse-celebrate kami ng birthday at second anniversary namin ni Ken.

Napagpasyahan namin na pumunta sa resort na pagmamay-ari ng ate niya.

Hindi ko pa nasasabi sa mga kapatid ko ang tungkol sa amin ni Ken kaya takot akong magpaalam. Nagpalusot na lang ako na mag-o-overnight ako sa bahay ng friend ko.

Ito namang si Ken, papansin. Ang plano ay one night lang, pero naging three days and two nights. Ang palagi niyang sinasabi to keep me go with his plan, "sabihin mo na lang na naisipan niyong magbabarkada na mag-out of town at nakalimutan mong magpaalam dahil excited ka."

Hanggang sa dumating ang kinakatakot ko. On the third day, tumawag sa akin si Kuya Liam. Galit siya, at pinagtataasan na rin ako ng boses. I have no choice but to tell him the truth kahit pa saulo ko na ang palusot na sasabihin ko.

Sa sobrang inis ko, binaling ko ang lahat ng iyon kay Ken.

Pumunta ako sa kitchen ng resort at naghingi ng maraming sili. Nilagay ko iyon sa hinanda ko na pampaligo niya.

Sumakay kami ng eroplano pauwi. Habang nasa byahe, ang himbing ng tulog niya. Half an hour din kaya pinag-trip-an ko muna ang mukha niya.

Pagbaba namin sa airport, naging instant celebrity si Ken. Pinagtitinginan siya ng maraming tao sa paligid. Akma akong tatakas, pero maagap siya. Hinila niya ako and kiss me in the middle of the crowd!

What is he thinking?! We are in a public place. Tapos ang mukha niya, puno ng markings. If I had known, hindi ko na lang ito ginawa. Sapat na ang sili sa bath niya.

The humiliation is doubled on my part. Kasi hindi lang nagtagal, nagsalita si Kuya Nico sa likod niya. Napako ako sa kinatatayuan ko, and Ken is not even worried of what may come!

"Naalala ko, isang gabi lang ang paalam sa atin ng magaling mong kapatid, Kuya Liam," seryosong sabi ni Kuya Nico.

"I should hire her a private tutor. I can't believe that at her age, she finds it difficult to count. Or should I fire her Math Teacher? Maybe they cannot teach well. It's a shame, don't you think?"

Napayuko na lang ako sa dibdib ni Ken nang magsalita sa likod ko si Kuya Liam. Hinawakan niya rin ako sa braso as if he's saying he's here.

Like duh? His voice enough is intimidating!

"Ang harsh naman. Bigyan mo na lang ng private tutor. Kawawa naman ng Math Teacher niya, mawawalan ng trabaho dahil sa katangahan ng kapatid mo," sagot naman ni Kuya Nico.

Ginulo niya rin ang buhok ko. Lalo ko lang tinago ang mukha ko sa dibdib ni Ken. Nagsimula na rin akong umiyak. Nahihiya na talaga ako sa kanila.

Naramdaman ko ang banayad na paghaplos ni Ken sa mga kamay ko. I know what he means by that.

Huminga ako nang malalim bago humarap sa mga kuya ko. "I'm sorry…"

"Well, you should be," mabilis na sagot ni Kuya Liam.

"Heh! Kung hindi ka lang pinaalam nang maayos sa min ng boyfriend mo, malamang, nagpakalat na talaga ng search and rescue team si Kuya," natatawang sabi ni Kuya Nico.

"So hindi niyo ako hinanap?" Bigla akong nanlumo sa hindi ko malaman na dahilan.

"Bakit naman ako mag-aaksaya ng oras sa katangahan mo? Pasalamat ka at ok kay Kuya Nico mo iyang boyfriend mo. Kung hindi, grounded ka."

Inakbayan naman ako ni Kuya Nico. "At kapag grounded, meaning? No shopping for you and no gimmicks for me. Kaya magpakabait ka sa akin. I'm your hero."

Meaning, no allowance hanggang sa makalimutan ni Kuya Liam ang ginawa naming kalokohan. And Kuya Liam is so cruel to us that Kuya Nico is so afraid to piss him again.

"I'm sorry to interrupt your little reunion. But can we go now?"

Napatingin kaming tatlo kay Ken. He is smiling innocently at us.

Mayamaya ay umalingawngaw ang malakas na tawa ni Kuya Nico. Pinagtitinginan na kami ng mga tao. I want to go die now!

"Kenneth, hindi ko alam na sa mukha ka magpapa-tattoo."

"Tsk, Lei's childish pranks. It's really annoying," sabi ni Kuya Liam at nagsimula nang maglakad palabas ng airport.

Sumunod naman kami.

"Well, you can't blame her. This is her way of telling the whole world I'm hers. Ayaw niyang ipakita sa ibang tao rito kung gaano kagwapo ang boyfriend niya."

Napangiwi naman ako sa sinabi ni Ken. Kahit gusto ko siyang hambalusin, hindi ko ginawa. Naglakad na lang ako sa tabi ni Kuya Liam. Bahala sila ni Kuya Nico mag-suffer sa kahihiyan.

At isa pa, ang yabang-yabang niya! Mga kapatid ko kaya ang kausap niya, hindi barkada.

"Dream on, Kenneth. Wala ka pa sa kalingkingan ng maruming paa ni Nico."

Natatawa na lang ako sa kanila. Nakita ko sa gilid ng mata ko na sinusuntok ni Kuya Nico ang braso ni Kuya Liam. Habang si Kuya Liam, diretso lang ang tingin.

"Bago ko makalimutan. Lei, you have a long list of things to explain when we get back. Explain it as clean as possible. Convince me to not cut your allowance. This time, no help from Nico and Kenneth."

NAPABALIKWAS ako nang bangon. Not my kind of waking up in the morning.

Isang nakakatakot na bangungot!

Pakiramdam ko, I lost thousands of dollars sa bagay na hindi ko naman ginawa. Ano nga ulit iyong panaginip ko? Bakit parang kasama doon ang walang hiyang ex ko?

Is this a sign na magku-cross ulit ang landas namin? No, ayaw ko!

Destiny, Kami-sama, or whoever you are, let him stay where he is. As far away as possible, kung pwede sa ibang universe, much better.

Huminga ako nang malalim. Tumingin ako sa orasan and it's just six-thirty!

Ang aga pa. Sabado at wala naman kaming pasok. Naka-leave ang professor namin sa subject naming PE.

Wala talagang naidudulot na maganda ang lalaking iyon. Panaginip man o hindi!

Anyway, why did I dream about the past? I'm not planning to get back together with him!

Tsk!

Bumangon na lang ako at ginawa ang morning routine ko.