webnovel

Chapter 27

Triton's Point of View

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko matapos kong sabihin iyon kay Lei. Naka-upo siya ngayon sa bench malapit sa akin habang ako ay nakatayo at nakatingin lamang ako sa kanya.

Nakayuko lang siya at nilalaro nito ang ilang bato malapit sa paanan niya gamit ang kanyang mga paa. Pinapanood ko lang siya sa kanyang ginagawa hanggang sa nilingon niya ako at nginitian.

Nagtataka naman ako kung bakit ngumiti siya pero bago ko pa siya tanungin ay ibinalik niya ang kanyang atensiyon sa mga batong nasa paanan niya at saka siya nagsalita.

"Alam kong matagal na kayong palihim na lumalabas ng kaibigan ko." pagkasabi niya iyon ay nilingon niya ako dahilan para malunok ko ang laway ko bago ako naupo sa tabi niya.

"Matagal mo ng alam? Kailan pa?" halos pabulong kong tanong sa kanya.

"Nalaman ko lang ang bagay na iyon nang sabihin sa akin ni Damon..."

Iyong hilaw na intsik na iyon ang nagsabi sa kanya?

"Ang katunayan nga ilang araw ko pa lang nalaman. Noong sinend kasi sa akin ni Damon ang litrato niyo ni Shania habang naghahalikan ay sinabi na rin niya sa message ang tungkol doon, ang palihim na paglabas niyong kayong dalawa lang." tipid niya akong nginitian at muli siyang yumuko.

Malalim na paghinga naman ang ginawa ko bago ako nagsalita para sabihin sa kanya ang buong katotohanan. Kung bakit naglihim kami sa kanya ng kaibigan niya.

"Believe me, I don't want to lie to you in the first place, lalo na ang ilihim sa'yo ang paglabas namin ng kaibigan mo na kaming dalawa lang..." Hindi siya lumingon sa akin kaya naman pinagpatuloy ko na lamang ang sinasabi ko sa kanya. "Iyong unang araw na lumabas kami ng kaibigan mo ay gusto ka naming kasama pero, you're too busy kaya naman kaming dalawa na lamang ang lumabas. Matapos ang araw na iyon, gusto kong sabihin sa'yo na lumabas ako na kasama ang kaibigan mo pero, pinigilan niya ako st sinabi niyang huwag ko na raw sabihin sa'yo dahil maiintindihan mo naman." tumigil naman ako sa pagkwe-kwento nang lingunin niya ako.

"Bakit ngayon mo lang naisip na sabihin sa akin ang tungkol dito?"

"Kasi ayaw ko nang madagdagan pa iyong kasalan ko sa'yo. At hindi ko na kayang magsinungaling pa at maglihim sa'yo."

"Do you like, Shania?"

Biglang tumigil ang paghinga ko nang tanungin niya sa akin ang bagay na iyon habang nakatingin siya sa mga mata ko. Hindi ko kasi inaasahan na iyon ang itatanong niya matapos kong sabihin sa kanya ang totoo.

"H-hindi. We're just f-friend."

Nakita ko naman siyang tumango at saka niya ako nginitian bago siya napatingin sa mga kamay niyang magkasalikop na nakapatong sa mga tuhod niya.

Galit pa rin kaya siya sa akin?

Nakatingin lamang ako sa kanya habang siya ay nakayuko pa rin kaya naman inabot ko ang kamay niya dahilan para lingunin niya ako.

"Lei, I'm really sorry. Alam kong mali ang ginawa kong pagsisinungaling at paglilihim namin sa'yo ni Shania." 

Nakita ko naman siyang umiling sa akin.

"Triton, stop saying sorry." tinanggal niya ang kamay kong nakahawak sa kanya at saka niya ako nginitian.

"Hindi ka na galit sa akin?"

"Kung alam mo lang Triton, gustong-gusto kong magalit sa'yo pero hindi ko magawa dahil wala naman ako sa posisyon para magalit."

"Magalit ka sa akin Lei. Saktan mo ako. Kamuhian mo ako. Kung iyan lang ang paraan para mabawasan iyang galit mo sa'kin, gawin mo." pagkasabi ko iyon sa kanya ay  tumayo ako sa harapan niya at hinihintay na saktan niya ako pero hindi niya ako sinaktan at nagulat na lamang ako nang hinila niya ako paupo sa tabi niya habang tumatawa siya.

"Maupo ka nga! Para kang timang diyan, Triton."

"Hindi ka na talaga galit sa akin?" tanong ko muli sa kanya.

Gusto ko kasing manigurado kung totoo ngang hindi na talaga siya galit sa akin.

"Hindi na nga. Kulit naman ng lahi mo."

Lahian kita gusto mo?

"Pero nagseselos ka?" may pilyong ngiti na sumilay sa mga labi ko nang tanungin ko muli siya.

Gusto kong matawa sa itsura niya dahil inirapan niya ako na halos mawala na iyong bilog na itim na nasa mga mata nito at iyong puti na lamang ang nakikita.

"Gusto kong magselos pero hindi ko magawa dahil hindi mo naman ako girlfriend, Mr. Ventura. Kahit pa nga mag-sex kayo ngayon sa harapan ko ay hinding-hindi ako magseselos dahil wala naman akong paki-alam sa inyong dalawa." matapos niyang sabihin iyon ay inirapan niya ako.

Isang mahinang tawa naman ang kumawala sa bibig ko dahilan para irapan na naman niya ako.

Hindi pala nagseselos, a?

"Kumusta na pala iyong sugat mo?" pag-iiba ko ng usapan namin at saka ako lumapit sa kanya at hinawi ang kanyang buhok na nakatakip sa tainga niyang may sugat.

Napangiwi naman ako nang makita ko ang itsura ng tainga niya. Muntikan nang mapunit ang tainga niya kung saan doon nakalagay dati ang hikaw niya.

Malakas siguro ang ginawang paghila ni Shania sa headphone na suot niya kaya naman Pati ang hikaw niya ay naisama sa headphone niya kanina at dumugo.

"Masakit pa rin ba..." nilingon ko siya para sana tanungin siya nang makita ko siyang nakatingin lang sa akin.

Napalunok naman ako nang makita kong titig na titig pa rin siya sa akin hanggang sa malakas niya akong tinulak dahilan para mahulog ako sa kinauupuan ko.

"Tangina!" malakas na mura ko nang mahulog ako sa napakatigas na lupa at may mga iilang bato pa.

"S-sorry, okay ka lang ba?"

Tinanguan ko lang naman siya at saka ako naupo muli sa tabi niya.

"Ibig sabihin ba niyan Lei ay hindi ka na talaga galit sa akin? Napatawad mo na ako?" tanong ko na namang muli sa kanya.

Alam kong naiirita na siya dahil sa paulit-ulit na tanong ko sa kanya pero, anong magagawa ko? Gusto ko lang manigurado kung okay na talaga kami, kung napatawad na ba niya ako.

Isang tango at isang matamis na ngiti naman ang isinagot niya sa tanong ko. Gusto ko pa sana siyang maka-usap pero nagpaalam na ito sa akin dahil naghihintay daw sa labas ng school gate ang Lola niya.

"Ingat ka sa pag-uwi. Sabihin mo kay Lola Corazon na magpagaling siya." abot tainga ang ngiti ko nang sabihin ko iyon at kinawayan siya na parang batang nagpapaalam sa nanay niya pero isang irap lang ang ibinigay nito sa akin at nagsimula na itong naglakad palabas ng eskwelahan.

"Bye, Eileithyia!" sigaw ko muli sa kanya pero kumaway lang ito at hindi na lumingon pa.

Nang makita kong nakalabas na siya ng tuluyan ay naglakad na rin ako papunta parking lot kung nasaan ang motor ko.

Habang naglalakad ako papunta sa parking lot ay hindi mawala-wala ang mga ngiti ko sa labi.

"Ang saya natin, a?"

Nawala naman ang ngiti ko nang marinig ko ang boses niya.

"Okay na kayo?" tanong na naman niya at naramdaman kong naglakad ito palapit sa akin kaya nilingon ko siya.

"Ikaw, huwag ka ngang tsismoso. Hindi ka naman kikiam kundi hilaw na chinese ka lang naman pero, ang galing mong makisawsaw." pagkasabi ko iyon sa kanya ay naglakad na ako palayo sa hilaw na chinese na iyon.

Papasok na ako sa gate ng bahay nang makita kong nakabukas na ang mga ilaw sa loob.

"Ang aga namang umuwi ni papa." sambit ko habang hawak ko ang manibela ng motor ko at itinutulak ko ito papunta sa garahe.

Nang matapos kong iayos ang motor ko ay naglakad na rin ako papunta sa main door ng bahay para pumasok.

Hawak ko na ang doorknob ng pinto at handa ko na sanang buksan ito nang marinig kong may mga nag-uusap sa loob.

"Magpapakita ka na talaga sa anak mo, Lilia?" tanong ni mama sa kausap niya.

Ang aga naman yata niyang umuwi ngayon galing sa trabaho?

"Sigurado ka na talaga diyan?" rinig ko namang tanong ni papa.

"Siguradong-sigurado na ako. Magpapakita na ako sa anak ko sa kaarawan niya. At sa susunod na linggo na iyon. Matutulungan niyo ba akong makausap ko siya sa kaarawan niya?" tanong ni tita Lilia sa mga magulang ko.

Hindi ko na hinintay pa na sumagot ang mga magulang ko kay tita Lilia dahil alam ko namang tutulungan siya ng mga ito, kaya naman pumasok na ako sa loob ng bahay na hindi man lang kumatok kaya gulat na napalingon silang tatlo sa akin.

"I also want to help."