webnovel

Chapter Two

BLAG!

Nagulat si Jules ng ibagsak ko ang pintuan.

"What happened!" he said. Padabog akong naupo sa upuan ko. Nagpapakalma.

"Ayoko na pumunta dun!!" sigaw ko.

"Saan?

"Sa Avila. May lalake dun nakasagutan ko. Ang sama ng ugali!!" tinawanan ako ni Jules.

"Stop laughing!" napasimangot ako.

"Ngayon lang kita nakitang ganyan.. Mukhang napagalit ka talaga ng lalakeng yun." Nag iinit pa ang dugo ko kapag naalala ko ang ginawa ng lalakeng yun kanina. Kahit gwapo pa sya wala akong pakealam sa mukha nya.

"Calm down. " said Jules.

Napahinga ako ng malalim. Sinubukan kong kumalma. Wag lang talaga na makita ko ulit ang lalakeng yun. Makakatikim sya sa akin.

---

"JARED!" bati ng isang lalake ng makita si Jared na pumasok sa office nito.

"Ikaw pala yan, Riggo." bati nya sa kaibigan.

"May problema ba? Ang aga mong badmood?" he asked.

"There's a woman outside. Medyo nabadtrip ako sa kanya." said Jared pagkaupo nya. Sabay binuklat ang ilang documents sa table nya.

"Babae? Binadtrip ka.. That's impossible. Ang bait bait mo sa mga babae." said Riggo na natatawa.

"I know. I don't know why but that woman really pissed me off." said Jared.

Natawa lang si Riggo habang pinapakinggan si Jared.

---

Jela's POV

8PM na ko nakauwi ng bahay. May takot pa din akong nararamdaman. Takot na baka ulitin ni Ralph yun at hindi ko na magawang lumaban.

"Ralph!!" sigaw ko sa may sala pero walang nagrespond. It means wala sya. So ako lang mag isa sa bahay.

Binaba ko ang gamit ko sa couch. T naghanap ng makakain sa kusina. Naalala ko, pinauwi ko na si Yaya sa probinsya nila. Matagal pa sya makakabalik.

"Walang ulam." I said na nanlalata na. Hindi ko na kayang magluto. Pagod din ako galing trabaho.

"Awww.." ramdam ko pa din ang hapdi ng pisngi ko. Medyo masakit pa din ang sampal ni Ralph. Sinubukan ko magluto nalang ng noodles para may makain. Muntik ko pa makatulugan ang niluluto ko.

"Haysss.." Matapos maluto ang noodles. Isinalin ko sya sa isang mangkok. Sana kumain na si Ralph bago sya umuwi. Gigisingin pa ako nun kapag wala syang makitang pagkain.

Hinigop ko ang mainit init na sabaw. Napaso pa ang labi ko.

"Ang init." I said habang kumakain. Ang tahimik ng bahay. Ganito kalungkot sa bahay nito kapag ako lang mag isa. Masaya pa noon nung buhay pa si Mama at Papa. Kahit kaming tatlo lang sa bahay, masaya kami. Hindi ko alam na ganito kalungkot ang married life ko. Akala ko beyond my imagination ang buhay may asawa ko. Masaya kami, maayos ang buhay at may mga anak. Hindi ganito..

Hindi ko namalayan nakatulog ako. Naubos ko ang noodles pero hindi na ako nakapagpigil at nakatulog ako.

---

Ralph's POV

Lasing akong umuwi ng bahay. Naamoy ko sa katawan ko ang halo halong alak na inubos ko sa bar at pabango ng mga babaeng nakatable ko.

Paakyat na sana ako ng kwarto ng mapansin kong may nakaupo sa may kusina.

"Jela?" nakita ko si Jela. Nakatulog na. Ni hindi na nakapagpalit ng damit. Nakita ko din ang mangkok.

"Tsk. Kung hindi lang nakakaawa ang itsura mo hindi kita bubuhatin paakyat." I said to myself.

Noon palang hindi ko na gusto si Jela. Jela is a childhood friend. Hanggang dun lang yun. Hindi ko naisip o maimagine na magiging asawa ko sya someday. She's not even my type. She's a sexy nerd. Pero hindi pa din yun sapat para magustuhan ko sya. Kaya lang ang magulang ko botong boto sa kanya. That's why they arranged a marriage na hindi namin alam bago sila mamatay. We have no choice kundi sundin ang nasa papel kaya ganun nalang ang galit ko sa magulang ko at kay Jela. Mas gusto ko pang gumamit ng ibang babae kaysa sa kanya. She don't deserve it. Kaya wag nalang sya umasa na matutunan ko syang mahalin. She's just my wife..

Binaba ko sa may sofa si Jela. Pagod na ako at ayoko din syang makatabi sa kwarto. Bahala sya matulog sa sofa. Kasalanan nya yan.

Bago ko isarado ang pintuan, binato ko sya ng kumot. Baka sakaling ginawin sya at maisipan nyang magkumot.

---

Umaga.

Bumangon ako. Medyo masakit ang likod ko. Palingon lingon ako sa paligid.

"Paano ako napunta dito?" I said to myself ng malaman kong nakahiga ako sa sofa.

Naka uniform pa din ako. Hindi ko na pala naisipan magpalit. Tumayo ako at dumiretso sa kwarto namin ni Ralph.

Dahan dahan kong binuksan ang pintuan. Nakita ko syang tulog at naked. Napahawak ako sa mata ko.

"Kahit kailan talaga." bulong ko sa sarili ko. Kalat kalat nanaman kasi yun mga pinaghubaran nya sa buong kwarto.

Pinulot ko ang mga yun at dumiretso ako sa cr. Kumuha na din ako ng mga pamalit ko at sa kabilang kwarto nalang ako maliligo.

Nakita kong may mga bakat ng lipstick ang damit ni Ralph. May mga kasama nanaman syang babae, as usual. Kailan kaya ito matatapos.

Lumabas ako ng kwarto na yun.

---

"Jela!!" nagulat ako pagbaba ng taxi. Nakita ko si Amy, sa harap ng banko kung saan ako nagtatrabaho. Bestfriend ko sya since highschool. Nabalitaan ko na sya sa Manila na din sya magtatrabaho.

"Kamusta kana?" tanong ko ng yakapin nya ako.

"I'm fine. Ikaw ba? Balita ko nag asawa kana?" she said. Medyo nawala ako sa mood magkwento. Pinaka walang kwenta sa buhay ko ang buhay asawa ko.

"May problema ba?" she asked ng mapansin nyang nagbago mood ko.

"Lets talk about it later. Nagbreakfast kana?" pag iiba ko ng topic. Ayoko na mabalitaan nya kung gaano kapangit ang dinadanas ko ngayon.

Niyaya ko sya sa isang cafe. Namiss ko yun mga chikka namin dalawa.

"Balita ko, super gwapo ng napangasawa mo?" she said excitingly. Halos mapabuga ako sa iniinom kong kape.

"Oo. Pero masama ugali." sagot ko pagkababa ko ng tasa ko.

"Ha!

"Babaero sya Amy. Nananakit. Tsaka sugalero." I said. Gumuhit ang pagkadismaya sa mukha ni Amy. Kilala nya kasi ako. Nagawa ko palang pag tiisan yun ganun uri ng lalake.

"Bakit di mo hiwalayan!" she said. Medyo mataas ang tono nya, naiinis sya sa narinig.

"Hindi ko kaya eh. Sumumpa kami ng habambuhay na pagsasama."

"Tanga ka! Baliw lang ang gagawa nun. Alam mo na sa sarili mo sinasaktan ka physically and emotionally, ayaw mo pa din pakawalan." natawa ako. Halatang nagagalit si Amy.

"Alam ko, tanga ako. I'm sorry. Alam mo naman kung gaanu kahalaga sa akin yun pag aasawa. Kung siguro biro para kay Ralph yun. Sa akin hindi.." sagot ko.

"Pero Jela.. Ikaw lang ang lumalaban eh. Tapos yun asawa mo masaya tapos ikaw hindi. Its unfair." katwiran nya. Napahinga ako ng malalim.

"I know..

"Jela, pag isipan mo mabuti. Hihintayin mo pa ba na sya ang magsabi sayo na maghiwalay na kayo.. Bago mo maisip na iwanan sya. Mas masakit yun..

"I know..

"Please Jela.. Gawin mo yun dapat..

Matapos namin magkape. Naisipan namin ni Amy na magshopping. Yun kasi ang bonding namin.

"Dumaan muna tayo ng supermarket." sabi ko kay Amy. Naalala ko naubos na yun mga stocks ko sa bahay.

"Sige. Bibilhan ko din sa Aki ng mga biscuit." she said. Pumasok kami ng supermarket.

"Wait kukuha lang ako ng push cart." paalam ko kay Amy. Pumasok na si Amy sa loob at dinaanan ko muna ang push cart.

"Nag iisa kana lang." I said nang makita ang nag iisang push cart sa gilid. Hawak ko na sya ng biglang may humatak.

"What the!" gulat ko. Hinawakan kong mabuti ang handle bar. At nilingon ko ang taong humahatak ng push cart ko.

"IKAW NANAMAN!

"IKAW NANAMAN!

I saw the guy from the other day. Yun gwapo pero antipatikong lalake.

"You again!!" he said. At lalo nyang hinigpitan ang pagkakahawak nya sa push cart.

"Pati ba naman dito! Susundan mo ako!" sigaw ko. At hinatak ang push cart.

"Hey. Thats mine!" sigaw nya sa akin. Nagulat ako. Nakakunot na kasi ang kilay nya.

"Anong sayo! Sa akin to! Ako ang unang nakakuha nito!" sabi ko sabay kuha ng kamay nya at tinanggal sa push cart.

"Hey!! Wala naman sinasabi dito na ikaw ang nag mamay ari nyan so.. Anyone could say na sayo yan but no proof!!" ayan nanaman sya sa mga batas batas nya. Ano ba sya prosecutor o abogado?

"Hoy! Lalakeng walang respeto sa mga babae!!" sabay turo sa kanya."Wala ka man lang galang sa amin mga babae kung makapagsalita ka bakit, kilala mo ba ako!"

"Hey. Wala kang karapatan duruin ako. Pwede kitang kasuhan." sagot nya saka binaba ang kamay ko. Nagulat ako.

"Aba! Talagang! Sinusubukan mo ako!

"GELA!

"JARED!

Nagulat ako. Nakita ko si Amy.

"Ano bang nangyayari dito." she said na nag aalala.

"Eh kasi itong lalakeng to, push cart nalang ayaw pa ibigay sa akin.!" Sigaw ko.

Narinig ko nagsalita ang lalakeng lumapit sa tinatawag nyang Jared.

"Bro, yan ba yun sinasabi mo mang magandang babae pero nakapag painit ng dugo mo.." narinig ko sinabi nya.

"Stop it Riggo!" he said. Tinitigan nya ako ng masama.

"You win this time." he said at umalis na. Binitawan nya ang push cart. Medyo kumalma ako nun.

"Dyoskopo! Akala ko kakasuhan nya talaga ako." I said with a relief.

"Nakipag away ka sa ganun kgawapong lalake." Amy said. Natawa ako. Kanina pa kasi sya nakatingin dun sa lalakeng kaaway ko. Alam ko naman mahilig sa gwapo ito eh, sobrang obvious na nga eh.

"Gwapo nga antipatiko naman. Akala mo kung sino." I said. Tinawanan nya ako.

"Alam mo, nakakatawa ka magalit at sa taong hindi mo pa kilala." Its true. Thats the first time na magalit ako sa isang tao na di ko ganun kilala. Kay Ralph nga hindi ko magawang magalit.

"Alam mo, umalis na tayo. Umiinit talaga dugo ko sa lalakeng yun eh." hinatak ko na si Amy papasok ng super market hatak hatak ang pushcart.

---

Jared's POV

Padabog akong naglalakad. Nasa likuran ko lang si Riggo na kanina pa tawa ng tawa.

"Ano ba nakakatawa dun!" sigaw ko. Naiinis talaga ako pag nakikita ko ang babaeng yun.

"Bro, kasi naman nakipag away ka dahil sa pushcart. Childish lang?" he said at tumawa.

"I'm grabbed it first. Tapos kung makapagsalita sya. Sa kanya daw yun."

"Bro, baka nasilaw ka masyado sa ganda ng babaeng yun kaya nag aalboroto ka dyan. Noon lang kita nakitang mainis eh. At talagang in publicity pa."

Inaamin ko, that woman is gorgeous. The first time I saw her sa tapat ng Avila. She caught my attention. Kaya lang nakakaasar ang ugali. Wag nya ipagmayabang sa akin ang ganda nya.

"Calm down Jared.. Nakahanap ka lang ng katapat mo." he said laughing.

"Sya! Katapat ko.. Pasalamat sya, babae sya." I said. Nagpipigil na ako. Iba talaga ang epekto ng babaeng yun sa akin.

---

iamnyldechan ❤️