webnovel

Chapter Thirteen

Hindi ako nakapasok ng work sa pag iisip. Nasa sala lang ako at nakatitig sa mga bulaklak na nasa vase. Nilipat ko sa vase yun mga sunflower na dinala ni Jared. Hindi ako mapakali. Gusto ko syang tawagan, o puntahan para makahingi na din ako ng sorry sa nagawa ko. Napalakas kasi paghampas ko sa kanya. Kahit di sya nagpahalata, ramdam ko.

Naisipan kong idial ang number ni Jared pero kinancel ko. Naisipan kong idial ang telephone number nila sa bahay.

RRRIIIINNNGGG!!

Hinihintay kong may sumagot. Sana sagutin kahit ni Jenica. Malaman ko lang na nasa bahay sya.

Hello.

Nagulat ako at may sumagot ng telepono.

"Jared?"

Ate.

Nabosesan ko. Si Jenica.

"Nasaan ang Kuya mo?" agad kong tanong.

Nasa kwarto po. Di po lumalabas e.

Nagulat ako. Mas lalo ako nag alala. Ano nanaman nangyari sa kanya?

"Jen. Don't let Jared go somewhere. Pupuntahan ko sya." I said at nagpaalam na. Mabilis akong pumanik sa kwarto ko para maligo. Nagbihis ako then umalis na. Sa daan na ako nagsuklay ng buhok ko.

Sumakay lang ako ng taxi at diretsong nagpahatid kina Jared. Nawawala nanaman siguro sya sa sarili nya. Ganun na ganun sya nung bigla syang nawala at malaman laman ko nalang na nagkasakit na sya.

Nakarating ako sa bahay nila Jared. Agad akong pinagbuksan ni Jenica ng pinto.

"Where's your Kuya?" mabilis na tanong ko sa bata pagkahalik nya sa pisngi ko. Tinuro nya ang nakalock na kwarto ni Jared sa itaas. Pinuntahan namin yun.

TOK! TOK!

Kumatok lang ako ng dalawang beses. Hinintay ko syang magsalita.

"I dont want to eat ." he said. Nagulat ako.

Binulungan ko si Jenica na bumaba at kumuha ng makakain para sa Kuya nya. Binigay nya sa akin ang susi ng kwarto ni Jared. Dahan dahan kong binuksan ang pinto. I saw Jared nakabaluktot sa kama.

"Why did you locked yourself here?" Tanong ko sa kanya pagkapasok ko. Nagulat sya ng marinig ang boses ko.

"Why are you here! " agad nyang tanong sa akin. Bigla akong naspeechless ng tanungin nya yun. Napaisip kasi ako. Bakit nga ba ako nandun?

"I'm worried about you." Nasambit ko. Nahihiya pa din ako sa nangyari.

"Thanks." sagot lang nya at tumayo. Nilagpasan nya ako pagkadaan nya para kumuha ng maisusuot.

"Jared.." nakatitig lang ako sa kanya habang nagsusuot sya ng tshirt. I saw some bruises sa likod nya.

"Anong nangyari dyan!" tanong ko ng makita ang mga pasa.

"I got it from you. Masakit ka manakit." he said pinipilit wag tumawa. Napasimangot ako.

"Tumatawa ka pa kahit na nasaktan kita." Sabi ko at naupo ako sa kama nya.

"Well, its part of our daily basis. Pain everyday." nagulat ako sa sinabi nya. What does he mean by that?

"May cream ka ba dyan for bruises?" tanong ko pagkaupo nya sa tabi ko. Hindi nya maisuot ang shirt dahil masakit pa yun pasa nya sa likod.

"I have. Drawers." he said at agad akong lumapit sa drawers sa gilid ng kama nya. Pagbukas ko, nakita ko kaagad ang isang healing cream. Pagkakuha ko nun napansin ko ang isang picture na nakaipit sa mga susi. Balak ko sana kuhanin pero baka sabihin ni Jared, pinakekealaman ko ang gamit nya. Sinara ko ang drawer.

"Tumalikod ka." utos ko sa kanya at sumunod naman sya. Nilagyan ko ang mga pasa nya.

"I'm sorry for hitting you. Natakot lang kasi ako." sabi ko habang nakatalikod sya at nilalagyan ko ng cream ang mga pasa nya.

"Its fine. May pagkakamali din kasi ako." nagulat ako.

"I thought na baka hindi ka pumayag magpaligaw or tumanggap ng gifts kasi nga kakaannulled mo palang. And you're still enjoying your life as an individual. Kaya ayun naisip ko, gawin yun. Kinausap ko yun may ari ng apartment and he give me a duplicate key."

"Bakit hindi mo nalang ako tinanong?" I said. Napalingon sya sa akin. I saw his eyes.

"Why would I? Kung kasasabi mo lang na ayaw mo?"

"If ever na ibang tao, oo ayaw ko pa. But kung ikaw naman? Bakit hindi ako papayag?" nagbago ang reaction ng mukha nya. He smiled.

"You mean I can." he said. Tumango ako.

"I know you're a good man. At alam ko naman na hindi ka nagmamadali. I mean hindi mo mamadaliin ang panliligaw. Papayagan kita. Just promise me one thing." he stopped at nakinig sa akin.

"Don't make me worried. Nakakapraning." Ngumiti ako. He hold my hand.

"I won't again. I promise."

"You should be." Sabi ko at hinampas ko ang pasa nya. Napabaluktot sya sa sakit. Natawa ako.

"I promise. Basta wag mo na ako papaluin ng tambo." Natawa kaming dalawa. After that inaya nya akong kumain ng lunch. Kasama namin si Jenica na kumain.

---

Gabi na ako nakauwi galing kina Jared. Ang awkward pa din dahil alam ko na simula bukas. Hindi na sya basta kaibigan ko, liligawan nya na ako. It means may feelings sya sa akin. Paano naman ako? Kelan ko kaya marerealize yun feelings ko sa kanya?

Hanggang sa pag uwi ko. Iniisip ko ang bagay na yun. Hanggang sa pagtulog. Gusto ko din ba si Jared?

---

Umaga.

Nagising ako sa ingay sa kapitbahay. Weekends na. Kaya wala akong pasok. Napasilip ako sa bintana at nakita ko ang dalawang kapitbahay ko na nagbabangayan. Napahinga ako ng malalim habang pinagmamasdan ko sila.

Bumaba na ako para maghilamos. Huminto ako at pagtingin ko sa sala. Nakita ko ang isang vase ng nammumulaklak na sunflowers. Napangiti ako. Unang pumasok sa isipan ko si Jared. How is he kaya?

Bago ako naghilamos. Binuksan ko ang phone ko. May messge from Jared.

"Goodmorning! About the camp I'm telling you? Sa Batangas ang camp natin. I'll tell you the details tomorrow. Have a nice day."

Napangiti ako sa message nya. He's looking forward talaga sa camp na yun. Nagreply ako sa kanya.

"May pasok ka?"

Reply ko. Hindi ko alam kung bukas ba ang law office pag weekends. Gusto ko sana makabawi sa kanya sa nagawa ko kahapon.

"I have. May hearing ako. Do you want to come?"

Nagulat ako sa reply nya. Naisipan kong sumama. Makita ko man lang sya in act sa pag aabogado nya. Mabilis ako nagreply.

"Yes. Saan ba tayo magkita?"

After ng text ko. Nagreply sya. Inalok nya akong sunduin pero tumanggi ako. Baka malate pa sya sa hearing nya. Tinanong ko nalang kung saan RTC kami magkikita.

Naligo ako at nagbihis. I dress up neatly. Hindi ko alam paano ako poporma sa harapan nya. What his dislikes and likes sa babae?

Bigla akong napahawak sa labi ko while thinking of it.

"Bakit ko inaalam ang mga bagay na yun?" I said to myself. Nagblushed ako out of nowhere. Para akong tanga.

Inalis ko sa isipan ko yun at nagsuot ako ng plain dress. Saka hindi gaanu kataas na heels. Nagsuklay lang ako at naglagay ng lipstick. After that umalis na ako.

---

Nakarating ako sa Manila RTC . Nakita ko ang sasakyan nya sa parking lot. Kasabay nun natanggap ko ang message nya.

Pumasok ako sa loob. Pagkaakyat ko sa 2nd floor. Nakita ko si Jared na naka corporate attire at may kausap na parang client nya. Pagkakita nya sa akin, ngumiti sya. Naupo ako sa may waiting area hanggang sa matapos ang kausap nya. Nakatingin lang ako sa kanya. He acts so professional. I like the way his hair brushed. Magulo but napaka neat tignan. He wears eyeglasses na nakapagdagdag ng pagkalalake nya. His jaws and that little hairs sa clef chin nya. Hindi ko napapansin yun noon but now, every little detail of his face.. I noticed it all. How could that happened?

"Thanks for coming." he said smiling. Nasa harapan ko na pala sya at nakatayo. May dala syang bote ng tubig at inalok ako.

"Client mo yun?" Tanong ko pagkatabi nya sa akin. Nakatingin ako sa mag asawa na nag uusap.

"Oo. Pero yun kasama nya hindi nya asawa yun. His real wife ang nagsampa ng kaso sa kanya. Adultery. Nalaman ng totoong asawa na may iba ang ang asawa nya. At ang masama pa, nagkaanak yun dalawa at mas binibigyan nya ng karapatan yun illegitimate child."

"Bakit pa kailangan idamay ang bata?" tanong ko.

"Well, we have different opinions. Sa ating perception. Hindi na kailangan idamay ang bata sa kasalanan ng magulang. But she's a parent too. I understand her side eventhough hindi sya ang kliyente ko. Kung ang anak ko, ang tunay na anak ko ay hindi binibigyan ng karapatan ng ama nya, masakit yun para sa kanyang ina. Napakasakit." Nalungkot ako sa narinig ko. What if nag kaanak kami ni Ralph. Kawawa ang magiging anak ko.

"Hey. You dont have to worry about it. Walang may gusto sa nangyari. Its their decision na magkasala. Not ours." tumango ako sa sinabi ni Jared. I stared at him for a moment. Nakatingin sya sa babaeng nagsampa ng kaso.

Does he know the feeling? Wala pa naman syang naikukwento about sa family nya. Kaya wala akong idea. Kailangan ko pa talaga syang kilalanin.

After half hour. Nagsimula na ang hearing. Nasa side ako ni Jared at naupo ako sa bandang hulihan. Nakinig lang ako sa kanila.

---

Matapos ang kalahating part ng hearing. Nagdecide akong lumabas para mag cr. Nagpaalam ako sandali kay Jared at pinayagan nya ako. Balak nya pa ako samahan pero tumanggi ako. Kailangan sya sa loob.

Pagkalabas ko, agad kong hinanap ang cr. Bumaba pa ako ng 1st floor. Nakita ko sa dulo ang cr.

"Is Jared Dela Vega here?" Nagulat ako sa narinig ko. I stepped back. Nakita ko ang isang babae. She's beautiful. Mahaba ang buhok nya. Blonde. Mukhang mayaman. She keeps asking about Jared.

Nagtanong ang lalakeng pinagtatanungan nya sa info desk. I heard her name.

"I'm Catherine Malvar."

I started to sense something strange. Bigla akong kinabahan.

---

iamnyldechan ❤️