webnovel

To Get Her

Terror. One word to describe CEO Sanjun Alcantara who happens to be Ethina Montoya's new boss. Sanjun has been in love with his childhood friend, Siren Sandoval, for so long that instead of just courting her, he planned a wedding proposal. And he put Ethina in charge to finalize his plan. But Siren didn't show up due to an important matter. So to save his face, the proposal meant for the love of his life was made to Ethina. How will they solve the unexpected turn of events? Can he still get her? TO GET HER is now a published book and available in all leading bookstores nationwide! Grab your copy now!

BadReminisce · 一般的
レビュー数が足りません
53 Chs

"The Endearment"

Chapter 15. "The Endearment"

Ethina's POV

Umuwi kami agad ni Sanjun sa bahay, pagdating namin nandun nga ang Mama at Papa niya. Pagpasok ko nakaupo sila sa sofa at naghihintay sa amin. Binati ko agad sila at nag-mano.

"Bakit po kayo napasugod?" Masayang tanong ko.

"Gusto lang namin kasi kayong bisitahin pagkatapos ng kasal at honeymoon niyo hija." Nakangiting sabi ng Mama niya, mabait naman ang Mama niya, pero ang Papa niya, katulad ng una kami magkita, ganun pa rin siya, pero naalala ko noong kasal namin ni Sanjun ang sinabi niya.

"Take care of my son, sa buong buhay niya, he's suffering in pain. I want you to make him happy and feel to be in love."

'Yan ang sinabi niya, ramdam na ramdam kong mahal na mahal niya si Sanjun.

"Kumain na po kayo? Ipaghahanda ko po kayo."

"May dala na kaming pagkain hija, nagluto ako para sa inyo, 'yon na lang ang pagsaluhan natin."

"Ah sige po."

Nauna akong pumunta sa kusina para i-prepare ang dinala nilang food para sa amin. Nadon na sila sa dining table at hinihintay ako. Habang hinahanda ko naman ang makakain namin, bigla naman dumating si Sanjun.

"Oh? Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kanya habang hawak ang bowl ng pagakain.

"Let me help you." Sabi niya tsaka kinuha ang buhat kong kanin at dinala palabas ng kusina.

"Aba, akalain mo 'yun? Naging anghel?" Ani ko habang pinagmamasdan siya papuntang dining.

Lumabas na rin ako pagtapos kong ihanda ang lahat. Magkatabi kami ni Sanjun, at nasa harap namin ang Mama at Papa niya. Kumain na rin kami.

"Nagtatrabaho ka pa pala hija?" Tanong ni Mama sa akin habang kumakain kami.

"Opo, as assistant director po." Sagot ko.

"Hindi mo naman ba napapabayaan ang asawa mo?" Napatingin ako sa nagsalita, ang Papa niya. Natahimik ako dahil sa pagkabigla.

"Hindi naman po Dad." Nilingon ko naman si Sanjun na siyang sumagot sa tanong ng Papa niya.

Tumawa naman ako dahil masyado silang seryoso. "Opo, pinagluluto ko naman po siya, at pinagsisilbihan." Nakangti kong sabi, pero deep in my thoughts 'Bakit ko naman siya pagsisilbihan? Eh halimaw yan, kahit pabayaan ko yan, walang mangyayari diyan.' Sabi ko sa isip ko.

"Ano namang endearment niyo Ethina hija?" Napalingon ako sa Mama niya habang nakanganga sa tanong nito. Endearment? Ano nga ba?

"Honeypie!"

"Sweetheart."

Sabay naming sagot ni Sanjun. Nagkatinginan kami dahil magkaiba kami ng sinabi niya. Sinipa ko pa ang paa niya sa ilalim ng lamesa at inambahan ng tingin. Pinalisikan naman niya ako ng mata. Pagtingin ko sa Mama niya, bakas naman ang pagtataka at pagkalito nito.

Tumawa ako para maging patay malisya sa kapalpakan namin ni Sanju, ay mali siya lang pala. Sasabat sabat kasi hindi naman siya tinatanong, tsaka anong sweetheart? Nek nek niyang sweetheart niya.

"Ah, kasi po Honeypie ang tawag ko sa kanya, samantalang siya naman Sweetheart, gusto po kasi namin ang magkaiba para mas feel ang love." Palusot ko sa Mama niya habang natatawa. Sana maniwala, sana maniwala.

"Ah ganun ba? Maganda nga iyon at mukhang sweet." Sabi ng Mama niya at masayang tumawa. Buti na lang naniwala.

Umuwi na rin ang Mama at Papa niya. Nililigpit ko na lang ang mga pinagkainan namin para hugasan. Anong oras na ba? Alas-otso pa lang pala. Habang naghuhugas ako, pumasok naman si Sanjun ng kusina at kumuha ng tubig sa fridge.

"Hoy, ano namang sweetheart ang pinagsasabi mo kanina?" Mataray kong tanong sa kanya habang nagsasalin siya ng tubig sa high ball glass. Tinignan niya naman ako ng masama bago uminom.

"And what's with honeypie? San mo naman nakuha 'yon?" Balik niyang tanong sa akin.

"Syempre, para di nila mahalata na naglolokohan lang tayo, gumawa ako ng endearment, eh kasi ako naman ang tinatanong at hindi ikaw, nakikisabat ka." Nginusuan ko siya at pinagpatuloy na lang ang ginagawa ko. Umalis naman na siya. "Nakakainis talaga siya! Grr!"

Pagtapos kong maghugas, pumasok na ako sa kwarto ko. Pero napansin kong parang may kulang sa dala ko kanina.

"Huh? Gsh! 'Yung bag ko naiwan ko sa set kanina. Haish! Lintek na Sanjun naman kasing 'yun, bigla na lang ako hinila palabas!" Bigla namang may nag-door bell kaya lumabas ako, pero paglabas ko ng room ko, bukas na ang pinto. Si Sanjun ang nagbukas.

"Sino yan Sanjun?" Tanong ko habang papunta ako sa kanya. Tinignan naman niya ako at may hinagis sa akin. Loko talaga, buti na lang nasalo ko, pagtingin ko, yung shoulder bag ko na. "Oh? San 'to galing?" Nagmadali akong pumunta sa pinto at doon ko nakita si Direk Shawn. "Ay, good evening Direk, kayo po ba ang naghatid nito?" Tanong ko sa kanya.

"Ah, oo naiwan mo kasi kanina, osya alis na ako." Paalam ni Direk.

"Sandali Direk." Pagpigil ko sa kanya, huminto naman siya, "Salamat po." Marahan kong sabi.

"Walang anuman, see you bukas sa set." Sabi ni Direk.

"Wait Direk, akin na 'yang kamay mo." Yaya ko sa kanya, nakita ko namang nagtaka siya sa sinabi ko. "Akin na." Binigay naman niya ang kamay niya.

"Apir!" Inapiran ko siya at ngumiti. Natawa naman si Direk sa ginawa ko.

"Ang kulit mo talaga Ethina." Akmang lalapit sana si Direk sa akin ng biglang humarang ang braso ni Sanjun sa pinto.

"Distansya pre, asawa ko 'yan." Seryosong sabi niya. Ano daw? Ano naman ang effect ng isang 'to. "Sweetheart, pumasok ka na at matulog maaga ka pang magluluto ng breakfast bukas." Utos niya sa akin. Kumunot naman ang noo ko sa pagiinasa niya.

"Anong—" Akmang aangal pa sana ako ng magsalita si Direk.

"Oo nga Ethina, sige na matulog ka. Kita na lang tayo bukas." Saad ni Direk.

"Sige po."

Umalis na si Direk at sinara na ni Sanjun ang pinto. Pagsara niya ng pinto naglakad na ulit siya papasok sa kwarto niya pero pinigilan ko siya.

"What?" Inis niyang tanong niya. Nag-cross arms ako at tinignan niya habang nakataas ang kilay at mukhang imbistigador.

"Nag-away ba kayo ng Kuya mo?" Tanong ko sa kanya. "Para kasi di kayo magkasundo, pansin ko na rin 'yun kanina. Tsaka oo nga pala, narinig ko kahapon, pumunta si Siren sa bahay ni Direk, tapos sinabi niyang mahal niya si Direk, pero ni-refuse siya ni Direk. Ano bang meron? Ang gulo kasi eh."

Tinignan ko lang siya at nakita kong seryoso lang siyang nakatingin sa baba.

"Wala ka ng pake 'ron. Matulog ka na." Supladong sabi niya tsaka ako tinalikuran.

"Gsh! Ang arte!"

Sanjun's POV

Pumasok ako sa kwarto kong nakakuyom ang kamao. Bakit ba bumabalik ang lahat ng alaalang 'yon? Naupo ako sa kama ko. Biglang sumagi ulit ang nakaraan kung saan sabay naming inaabot ni Shawn ang mga pangarap namin.

"Ang galing mo talaga Sanjun! Alam mo balang araw papagawan kita ng gallery!"

"Talaga Kuya? Eh ikaw nga, balang araw papanuorin ko sa sinehan ang mga pelikula mo!"

"Naman! Sabay nating aabutin ang mga pangarap natin!"

"Oo Kuya!"

Masayang-masaya kami noong bata pa kami, at alam namin sa sarili namin ang gusto naming dalawa paglaki, pero...

"Arts? Ano namang mapapala niyo sa kursong arts?" Sigaw ni Dad noon sa amin.

"No Dad, ito ang gusto namin ni Sanjun!"

"Gusto? O baka gusto mo lang? I want to you take a business management course!"

"No Dad! Kukunin ko ang gusto ko!"

And since that day, naging magulo na lagi sa bahay namin hanggang sa magtapos si Shawn sa college at ako, kumuha ng business management na gusto ni Dad para sa aming dalawa. Ako ang nag-suffer sa lahat na dapat si Shawn ang gagawa, ako ang tumanggap ng mga responsibilidad na dapat siya ang gumagawa. Ako ang hindi nakaabot sa pangarap ko.

Akala ko sa pangarap ko lang magiging hadlang si Shawn, pero pati pala sa babaeng mamahalin ko. Lahat na lang, lahat na lang inagaw niya sa akin.

Hindi ko napansin ang luhang tumulo sa mula sa mata ko. Pinunasan ko ito at natulog na lang.

Nagising ako dahil sa sigaw ng isang babae sa labas ng pinto ko. Ang ingay pati kalabog ng kalabog sa pinto ko. Tumayo ako sa binuksan ang pinto. Pagbukas ko si Ethina.

"Sanjun, may problema tayo!" Tarantang sabi nito.

"Anong problema?"

"Sa labas!"

Pumunta kami sa labas, pagdating sa labas. Wala naman akong nakitang kakaiba.

"Oh? Anong problema dito?" Inis kong tanong sa kanya.

"Tingin sa baba." Naniningkit ang mata niyang sabi.

Tumingin naman ako sa baba at nagulat ako sa nakita ko. "What the fuck is the meaning of this!"