webnovel

To Get Her

Terror. One word to describe CEO Sanjun Alcantara who happens to be Ethina Montoya's new boss. Sanjun has been in love with his childhood friend, Siren Sandoval, for so long that instead of just courting her, he planned a wedding proposal. And he put Ethina in charge to finalize his plan. But Siren didn't show up due to an important matter. So to save his face, the proposal meant for the love of his life was made to Ethina. How will they solve the unexpected turn of events? Can he still get her? TO GET HER is now a published book and available in all leading bookstores nationwide! Grab your copy now!

BadReminisce · 一般的
レビュー数が足りません
53 Chs

"Meet the Alcantara"

Chapter 5. "Meet the Alcantara"

Ethina's POV

This is it! Wala ng urungan pa ito, sa loob ng anim na buwan magiging asawa ko si Sanjun, then after six months, tapos ang kontrata. Nitong mga nakaraang araw naging busy kaming dalawa sa pag-aayos ng kunwaring kasalan namin. Pero kahit na kunwari lang ang mangyayaring kasalan, aba ang garbo nito. Ang papakasalan ko lang naman ay isang CEO ng sikat at successful na kumpanya sa bansa. May live telecast pa sa TV ang kasal namin mamaya sa simbahan. Ganun ba talaga sila kayaman at kakilala?

Maayos na ang lahat, hindi naman kami napagod gaano ni Sanjun sa preperasyon dahil may kinuha siyang organizer ng kasal na 'to. Minadali man ang lahat, pero di pa rin matatangging sosyal pa rin. Kalat na rin sa office ang nangyaring proposal ni Sanjun sa akin, or better to say ang kapalpakan niya. Maging sa Youtube, umabot na ng 12 million views ang video ng proposal ni Sanjun, ang sabi niya pa sa akin. Maraming magazine ang gusting i-feature kami at gawing front cover ng buwang ito. May sinabi rin siya sa aking may nag-aalok na mag-guest kami sa mga sikat na palabas sa TV. But since isang bato si Sanjun at ayaw niya man lang ng exposure sa TV. Hindi siya pumayag, sayang naman, baka yun na yung chance para madiscover ako. Pinangarap ko rin yatang maging model at artista dati ah.

Pero ang pinakakinatatakutan ko sa lahat, ay ang ma-meet ang family ni Sanjun. Wala akong idea kung anong klaseng pamilya meron siya. And tonight, meron kaming dinner together with his family. Nakalabas na raw kasi sa ospital ang Daddy niya noong nakaraang Linggo, at nagulat din daw ang mga ito sa biglaang pagpapakasal niya, ayaw sabihin ni Sanjun ang kashongahan niya dahil baka ipatapon lang siya ng Daddy niya. Nininerbyos ako, baka ma-disappoint sila sa akin, ano kayang ugali nila? Parang si Sanjun dib a? Sandali? Eh ano naman? Fake lang naman 'to ah.

"Hindi yata 'to bagay." Ani ko't binato sa higaan ko ang hawak ko kaninang dress. Kumuha ako ulit ng bago sa cabinet. "Ito kaya? Parang nasuot ko na 'to noong Lunes." Nakasimangot kong sabi sabay hagis ng damit na hawak ko kanina. Naghanap ako ulit sa cabinet ko, pero wala na. Puros jeans, blouse at shirt na lang 'to. Actually, konti lang talaga ang mga dresses ko. Bilang lang yata sa isang kamay ko ang dress ko. At isa pa, mga galing lang 'to sa tiangge. Eh ang sabi pa naman ni Sanjun sakin kagabi.

"Hoy engot, umayos ka bukas sa dinner, magsuot ka ng pangtao at wag hospital gown ng baliw sa mental?! Maliwanag?" 'Yang ang exact sentence na sinabi niya sa akin kagabi.

"Hay nako, paano na 'to? Ay! Alam ko na!" Kinuha ko agad ang phone ko at tinawagan si Jenina. "Hello Jen?!"

"Oh, napatawag ka? Nasa office pa ako." Sabi nito.

"Umuwi ka na, urgent 'to, ako ng bahala ka Sanjun." Sabi ko rito.

"Aba Ethina, mukhang pinangatawanan mo na ang soon to be fake wife mo kay Sir Sanjun ah?" Alam ni Jenina ang lahat.

"Eh kasi nga may malaking problema ako, may dinner kami together with his family tonight."

"Ano? Eh di ba nasa hospital si President?"

"Nakalabas na siya Jenina, noong nakaraang Linggo pa, so bilis na, umuwi ka na at pahiram ng dress." Maktol ko sa kabilang linya.

"Dress ba kamo? Naku patay ka Ethina, nagpalaundry ako at pinalinis ko lahat ng dress ko."

"Ano?" May panghihinayang kong sabi. "Paano na 'to?"

"Ewan, osya busy kami ngayon eh. Balitaan mo na lang ako ah? Bye!"

"Sandali Jen—" Hindi ko pa man natapos ang sasabihin ko binabaan na ako ng loka. "Hay, paano na 'to? Ilang oras na lang bago ang dinner." Napaupo ako sa sahig dahil sa panghihinayang. Ano ng gagawin ko, panigurado, makakatikim na naman ako ng sigaw nit okay Sanjun.

Bigla namang nag-ring ang phone ko, kinuha ko agad dahil baka si Jenina, pero mali ako and speaking of the devil.

"Akalain mo 'yun? Mukhang narinig niyang sinabi ko ang pangalan niya?" Ani ko bago sagutin ang tawag ni Sanjun. "Hello?"

"Ano? Maayos ka na? Make sure na mukha kang tao na haharap sa family ko. I don't want to—"

"Wala akong susuutin." Hindi ko na siya pinatapos at nagsalita na.

"What?" Rinig kong inis niyang tanong.

"Wala akong susuutin, wala akong dress."

"Ano? Ganyan ka na ba talaga kahirap at dress lang di ka makabili?" Pangiinsulto niya. Napasinghap ako sa sinabi niya at pinanggigilan ang cell phone ko sa inis.

"Aba aba, makasabi ka diyan ah? Bahala ka, di na ako pupunta!"

"Sandali, ipapadala ko diyan ang dress. Maghintay ka." Seryosong sabi niya.

"Bibigay din naman pala eh." Bulong ko.

"May sinasabi ka?"

"Wala po Sir Sanjun." Pang-aasar ko sa kanya. Bigla naman akong pinatayan ng cell phone ng loko. "Hay nako, Lord bahala na kayo sa kaluluwa ng lalaking 'yon."

Naligo na ako at nagayos ng sarili. Naglagay ako ng konting make-up at nag-iron ng buhok. Habang nakatingin ako sa salamin. Napansin ko ang sarili ko, malayong malayo sa hitsura ko noong college pa ako. Mukhang di ko na nga talaga naalagaan ang sarili ko dahil sa pagsisilbi kay Jazzsher noon. Napabuntong hininga ako ng maalala ko 'yon. Ang lalaking 'yon, niloko niya lang ako.

Binuksan ko naman ang drawer sa salaminan ko para maghanap ng accessories na masusuot, pagbukas ko, nakita ko ulit yung box na hindi ko natapon, 'yun box na naglalaman ng mga love letters ni Jazzsher sa akin noong college pa kami.

"Hay Ethina, kalimutan mo na siya." Sinara ko ang drawer at sinuot ang bracelet at wrist watch na nakuha ko sa drawer, bigla namang may narinig akong tumatawag sa labas.

Paglabas ko, isang babae na nakasuot ng skirt at polo blouse ang nasa labas ng bahay ko. May napansin akong dala niyang paperbag. Mukha namang mabait kaya pinagbuksan ko ng pinto.

"Sino sila?" Tanong ko agad. Ngumiti naman siya sa akin.

"Hello Maam Ethina, pinabibigay po si Sir Sanjun sa inyo." Sabi niya sabay abot sa akin ng paperbag na hawak niya. Kinuha ko naman 'to ng may pagtataka sa mukha, pero nawala rin ng maalala ko ang sinabi niya kanina, baka ito na 'yung dress.

"Ah, salamat ah! Naabala pa yata kita." Nakangiti kong sabi. "Anong department mo?"

"Ah ako 'yung bagong secretary ni Sir Sanjun." Para naman akong nabilaukan kahit na wala akong kinakain sa narinig ko. Aba, ang bilis naman makahanap ng bago ni Sanjun. "Siya nga pala Maam, best wishes po sa inyo ni Sir Sanjun, alam niyo Maam, ang swerte niyo sa kanya." Napansin ko ang pagiging maligalig ng babae. Aba, anong maswerte ang sinasabi nito? Di ba niya alam na demonyo ang pinagsisilbihan niya, di lang pala siya, ako rin pala.

Natawa na lang ako sa sinabi niya, isang dismiyadong tawa. "Hindi rin, mali ka sa sinasabi mo." Mahina kong sabi.

"Ano po Maam?"

"Ah wala. Osya, pasok na ako, baka mahuli pa ko mamaya. Salamat na ah." Nakangiti kong sabi. Ngumiti rin naman yung babae.

Pumasok na ako sa loob at tinignan ang nasa loob ng paperbag. Namangha naman ako sa nakita ko, ang ganda ng dress. Kulay white na may shade ng pink bandang dulo. Ang ganda, parang ang mahal.

Sinuot ko na agad yung dress at humarap sa salamin. Aba, sakto sa akin ah. Paano naman kaya nalaman ng ugok na 'yun ang size ko? Well, wala na akong pake basta solve na ang problem ko.

Ilang sandali lang, may dumating naman na kotse sa harap ng bahay ko tsaka bumusina. Pagbukas ko ng pinto, nasa labas na ng bahay si Sanjun, naka-shades pa ang loko kahit na pagabi na. Nakasuot rin siya ng white toxido at white pants at black polo na panloob. Hinubad niya ang shades niya at matalim akong tinignan.

"Wala sa contract ang titigan mo ako ng ganyan. Ay isa pa pala, may idadagdag tayo sa contract." Sabi nito, tinaasan ko naman siya ng kilay at naglakad papunta sa kanya.

"Ano naman 'yon?" Inis kong tanong sa kanya. Tinignan naman niya ako sa mata.

"Bawal ang mainlove." Seryosong sabi niya. Napasinghap ako dahil sa narinig ko sa kanya, aba, ang lakas rin ng apog ng isang 'to.

"Hoy kung inaakala mong magugustuhan kita pwes nagkakamali ka. Wag kang feeling." Sabi ko't inirapan siya.

"Stop rolling your eyes, baka ka mahanginan di na bumalik yan sa dati." Pang-aasar niya habang poker face pa rin tsaka pumasok sa loob ng kotse.

"Aba, hindi man lang ako pagbuksan ng pinto? How ungentleman?" Pumasok na rin ako sa loob ng kotse. Magkatabi kami sa backseat.

Umandar na ang kotse. Habang nasa byahe kami, tahimik lang si Sanjun habang nakamasid sa labas. Ako naman nagpe-facebook sa phone ko.

Status:

Off to somewhere, oh God, please help with Lucifer's long lost twin. I'm dead.

Napatingin naman ako kay Sanjun, pagtingin ko tulog na siya. Aba, mukhang pagod ang alagad ng lupa ah? Ma-testing nga.

Umusog ako palapit sa kanya. Tinapat ko ang phone ko sa mukha niya. I bit my lower lips para hindi ako mapatawa. Natatawa kasi ako sa hitsura niya. Para siyang batang napagod sa kakalaro. Pero infairness, ang gwapo niya kapag tulog. Mukha siyang mabait.

I clicked my phone at napicturan ko siya. Ang kaso lang, di ko naman alam na may flash pala. Kaya naman nagising si Sanjun. Dali-dali kong inayos ang upo ko.

"What was that?" Tanong niya.

"Anong meron?" Tanong ko rin sa kanya.

"I don't know, parang mag nag-flash sa mukha ko." Seryoso niyang sabi.

"Flash? Bakit toilet bowl ka ba?" Natatawa kong tanong.

"Moron, iba ang flash sa flush!" Singhal niya. Napaurong naman ako sa pagsigaw niya at ngumisi na lang. Kala niya ah, may alas na ako sa kanya.

Around 8pm, nakarating na kami sa restaurant kung saan ang dinner namin. Ang ganda ng resto, ang lamig pa ng lugar. Napansin ko rin ang fog sa labas.

"Nasaan ba tayo Sanjun?" Tanong ko.

"Were in Tagaytay." Suplado niyang sabi tsaka humarap sa akin. Tinignan ko naman siya na may halong pagtataka. Nakatingin lang din naman siya sa akin. Walang emosyon ang mukha.

"Anong tingin 'yan? Huh, sabi ko na nga ba eh, mahuhulog ka sa alindog ko." Natatawa kong sabi sa kanya.

"Idiot, we need to act like were really a engaged couple, so akin na yang kamay mo!" Mabilis niyang kinuha ang kamay ko at inikot sa braso niya tsaka ako hinila sa paglalakad.

"Dahan-dahan naman." Ani ko pero di na niya ako pinansin.

Pagdating namin sa loob, panay ang tingin ko sa loob. Panay ang ikot ng mata ko, ang ganda kasi ng lugar, ang class at para kang nasa ibang bansa sa ganda.

Natigil lang ako sa pagiikot ng tingin ng huminto si Sanjun, kaya naman napatingin ako sa harap ko. Pagtingin ko, nakita ko ang isang matandang lalaki at babae na sa tingin ko ang Daddy at Mommy niya.

"Good evening Mom and Dad, she's Ethina Montoya, my fiancée." Pagpapakilala niya sa akin. Nginitian ko naman ang Mama at Papa niya.

"Magandang gabi po Maam and Sir." Bati ko sa mga ito. Pero napansin kong seryoso ang mukha ng Daddy niya pero ang Mommy niya, nakangiti sa akin.

"Maupo na kayo anak." Ani ng Mama niya sa akin.

Naupo naman na kami. Mas lalo akong kinakabahan, pakiramdam ko kasi tutok na tutok ang Daddy niya sa bawat galaw at kilos ko. Nagumpisa na kaming mag-dinner habang kumakain. Tinatanong ako ng Mama niya. Pero ang Daddy niya seryoso lang, parang Sanjun the Sr. ang dating. No wonder, kung ano ang puno siya rin ang bunga.

"Ethina hija, nasaan na ang mga parents mo?" Tanong ng Mama niya.

"Ah, nasa abroad po ang Mama ko, while my Dad abandoned us when I was still a kid." Masaya kong sagot. Napansin ko naman ang pagkabigla sa mukha ng mga magulang niya.

"Really? So yung Mama mo lang ang bumuhay sayo?"

"Opo, noong pumunta si Mama sa ibang bansa, natuto na po akong mamuhay ng sarili."

As the night goes by, marami ng tinanong sa akin ang Mama ni Sanjun, pero ang Daddy niya tahimik lang. Panay rin ang kwento ng Mama niya tungkol sa kanya kaya naman naaasar si Sanjun minsan.

"Ang buong akala ko talaga si Siren ang makakatuluyan ng anak ko, kaso lang si Shawn kasi ang gusto ni Siren kaya naman—"

"Mom enough." Supladong pagpigil niya sa Mama niya.

"I'm sorry anak."

"I think, okay na ang meeting na ito." Tinaggal na ni Sanjun ang table napkin sa lap niya at tumayo. "Mom, Dad, we have to go. We have a lots of preparation for our wedding. Good night."

Bigla naman akong hinila ni Sanjun patayo sabay kaladkad palabas, nginitian ko na lang ang Mama niya bago tuluyang makalayo.

Pagdating sa labas. Binitawan na niya ako.

"Uy Sanjun, ang bastos mo naman—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng lingunin niya ako ng may matatalim na tingin. Para akong tumiklop na makahiya sa takot sa nanlilisik niyang mata.

"Ano? May sasabihin ka ba?" Inis niyang tanong. Umiling-iling naman ako. "Tara, iuuwi na kita." Sabi niya't pumasok na sa loob ng sasakyan.

Ano namang nangyari dun?