webnovel

To Get Her

Terror. One word to describe CEO Sanjun Alcantara who happens to be Ethina Montoya's new boss. Sanjun has been in love with his childhood friend, Siren Sandoval, for so long that instead of just courting her, he planned a wedding proposal. And he put Ethina in charge to finalize his plan. But Siren didn't show up due to an important matter. So to save his face, the proposal meant for the love of his life was made to Ethina. How will they solve the unexpected turn of events? Can he still get her? TO GET HER is now a published book and available in all leading bookstores nationwide! Grab your copy now!

BadReminisce · 一般的
レビュー数が足りません
53 Chs

"House of Love"

Chapter 11. "House of Love"

Ethina's POV

Narito ako sa shooting ng gagawin naming film. Kahit ban a medyo hindi maganda ang mood ko dahil sa pagkamatay ng alaga ko. Kailangan kong maging maayos para sa trabaho ko. Sinundo ako ni Direk Shawn sa train station para isabay niya na ako papunta sa shooting place namin today. Katabi niya ako sa sasakyan habang papunta na kami sa shooting place namin.

"Mukhang di maganda ang umaga natin ah? May away ba agad ang newly wed?" Nakangiting sabi ni Direk Shawn. Napalingon naman ako at tinignan siya, jusme ang gwapo naman ng isang 'to kahit naka-side view lang sa akin dahil nagmamaneho siya. Pinaling ko ang tingin ko sa bintana at sinandal ang gilid ng ulo ko sa bintana. Napabuntong hininga ako dahil iniisip ko pa rin si Spongebob.

"Ayos ka lang ba Ethina? Baka pagod ka pa sa honeymoon, pwede ka munang mag-break ngayong day." Suhestisyon ni Direk Shawn.

"Direk, anong mararamdaman mo kapag namayapa ang isa sa pinakamamahal mo?" Kusang nasabi ng bibig ko habang hindi siya tinitignan.

"Ah? Ako? Syempre malulungkot ako. Pero kailangan kong mag-move on kasi I know na hindi siya matutuwa na magiging malungkot ako sa pagkawala niya." Narinig kong sinabi ni Direk. Tinignan ko naman siya, isang tingin na nagsasabing na-realize ko na dapat nga maging masaya na lang ako kay Spongebob, I know for sure, nasa heaven na siya ng mga fish.

"Salamat Direk." Sabi ko rito habang tinitignan siya, nilingon naman niya ako at nginitian.

Pagdating namin sa shooting place, na-shock ako dahil hindi ko expected ang mga makikita kong artista. Talagang nalalaglag ang panga ko nang malaman kong sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo pala ang mga artista na makakatrabaho ko. Tapos 'yung movie na gagawin ay galing sa wattpad na 'Sadako's First Love" I am a big fan of that story.

(PS: Walang personalan, halimbawa lang. >O<)

Nag-umpisa na ang Day 1 ng shoot. Naging okay na rin ang mood ko simula nung sinabi ni Direk Shawn sa akin 'yun. Itong lalaking 'to, ang bait bait, ang ganda pa ng ngiti at ang gwapo pa.

Since wala akong idea about filming, lagi akong nasa tabi ni Direk Shawn at tinuturo niya pa sa akin ang mga dapat kong gawin. Assisstant niya nga ako at hindi naman mabibigat ang trabaho na ginagawa ko. Buong shooting nasa tabi niya lang ako at sinasabi niya dapat ganto Ethina, dapat ganyan Ethina. Nakakatuwa dahil ang bait niya magturo, tapos nakatutok pa ang tingin ko sa mukha niya. Minsan nga nahuli niya ako kaya iniwas ko ang tingin ko tapos ngumiti lang siya. Grabe, kinikilig ako ng mga oras na 'yon.

Natapos na ang Day 1 ng shooting namin. Pasado alas-syete na rin ng gabi ng makapag-pack up kami.

"Ah Ethina, uuwi ka na ba agad?" Tanong ni Direk Shawn sa akin habang inaayos ko ang gamit ko.

"Ah, hindi naman po Direk. Bakit po?" Nakangiti kong sabi.

"Gusto ko kasi muna kumain eh, would you mind if you accompany me?"

"Sure Direk!" Mabilis kong sabi, pero sa isip-isip ko baka niyayaya niya ako ng date. Hay nako Ethina, magpakita ka naman ng konting Maria Clara style.

After naming mag-pack up, pumunta kami ni Direk sa isang noodle house dito sa Marikina.

Naglalakad na kami sa tabi ng kalsada ng makita ko ang isang pet shop at may mga aquarium sa labas. Ang daming gold fish, ang daming isda. Nang makita ko ito, muling sumagi sa isip ko si Spongebob. Kahit pala na kalimutan ko siya, panandalian lang. Dahil may mga bagay talaga sa atin na nagpapaalala sa isang bagay.

Hindi ko namalayan na huminto pala ako sa paglalakad at nakatulala sa isang aquarium sa labas ng pet shop. Bumalik lang ang isip ko ng biglang magtanong ang lalaki sa pet shop.

"Ano miss? Bibili ka ba?" Tanong nito sa akin. Napatingin naman ako sa lalaki.

"Ah, hindi Kuya." Sagot ko tsaka naglakad, pero nakasalubong ko si Direk Shawn na naghihintay sa akin.

"Anong tinignan mo 'dun?" Nagtatakang tanong niya.

"Ah, 'yung mga gold fish lang Direk. Namimiss ko kasi si Spongebob eh." Malungkot kong sabi.

"Spongebob? Hindi ba cartoon character 'yon?" Natatawa niyang sabi. Nagpatuloy naman kami sa paglalakad.

"Opo, pero pinangalan ko rin 'yon sa isda ko. Kaso kahapon, pinatay siya ng isang criminal." May panggigil kong sabi tsaka nag-appear sa isip ko ang pagmumukha ni Sanjun habang tumatawa ng masama. Ang sarap niya talaga ibitin ng patiwarik tsaka ipakain sa pating.

"Criminal? Sandali? Nahuli na ba?" Natatawang sabi ni Direk. Napatingin naman ako sa mukha niya habang may kunot sa noo dahil parang pinagtatawanan na niya ako.

"Pinagtatawanan mo ba ako Direk?" Maangas kong tanong sa kanya. Tumawa lang naman siya ng malakas. Mas lalo tuloy akong nainis dahil sa ginawa niya.

"Hindi Ethina, nakakatuwa ka lang kasi, sa buong buhay ko ngayon lang ako naka-encounter na taong nagluluksa sa isang isda." Nanglaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Pati ba naman ikaw? Isda lang ang tingin kay Spongebob? Alam mo pareho kayo ni Sanjun! Nakakainis!" Sigaw ko sa kanya tsaka naunang maglakad.

Habang naglalakad ako, akala ko naman sumusunod siya sa akin. Pero paglingon ko sa likod ko, nanatili lang siyang nakatayo 'ron. Kaya naman bumalik ako, pagtingin ko kay Direk Shawn, seryoso ang mukha niya.

"Direk may problema ba? Pasensya kung nasigawan kita, hindi ako galit Direk." Marahan kong sabi rito, tinitigan naman niya ako sa mukha. Nang mga oras na 'yon kakaiba ang aura ni Direk, para 'yung pagiging masayahin niya biglang naglaho at napalitan ng aura ni Sanjun na mala-lucifer.

"Ethina, anong pangalan ulit 'yung sinabi mo kanina?" Seryoso niyang tanong sa akin. Nagtaka naman ako sa naging reaksyon niya.

"Ano nga bang sinabi ko? Si Sanjun ba?"

"Oo, sinong Sanjun? Sanjun Alcantara?" Paglilinaw niya.

"Opo, si Sanjun Alcantara nga po, siya po 'yung pinakasalan ko." Sabi ko sa kanya, nakita ko naman ang paglungkot ng mukha niya.

"How's my brother Ethina?" Tanong ni Direk. Umikot naman ang mata ko dahil sa pinaguusapan namin.

"Okay lang naman po 'yung kapatid niyo, demonyo pa—" Hindi ko natapos ang sasabihin ko at tinignan siyang muli. "Ano? Kapatid mo si Sanjun?"

Sanjun's POV

Pagbalik ko sa office, maraming regalo ang nasa office ko para sa kasal namin ni Ethina galing sa mga empleyado ko. Pero ni isa sa kanila walang nagbabalak na bumati sa akin. Naayos ko na 'rin ang mga dapat kong gawin. Pauwi na ako ng traffic sa daan. Alas-otso na ng gabi at nandito pa rin ako sa kalsada. Sobrang haba ng traffic.

Since wala naman akong magagawa kundi antayin ang pag-ayos ng ng daloy ng trapiko, naghintay na lang ako dito. Nakauwi na kaya ang babaeng 'yon? Gabi na baka nasa galaan pa ang isang 'yon. Dahil nga bagong kasal kami, sa akin na siya titira.

Sa pagkainip ko, hindi ko sinasadyang mapalingon sa tabi, nakita ko ang isang pet shop at ang mga aquarium sa labas nito. Biglang sumagi sa isip ko ang mukha ni Ethina kanina bago bumaba ng sasakyan ko. Talaga bang ganun kahalaga sa kanya ang isdang 'yon?

Hinawakan ko ang bukasan ng pinto ng sasakyan ko, pero napahinto ako. Bakit naman ako lalabas ng sasakyan ko? Sandali saan naman ako pupunta? Muli kong sinara ang pinto at hindi na pinansin ang pet shop. Pero ilang sandali lang din ay lumabas ako ng kotse ko at pumunta sa pet shop.

"Hello Sir?! Ano pong hanap nila?"

"Magkano si Spongebob?" Tanong ko sa babae, nakita ko namang naguluhan siya sa tinanong ko. "I mean, magkano ang gold fish?"

"Ah, 200 lang sir."

"With a bowl."

"Bali po 500."

"Give me one." Sabi ko rito't naglabas ng 1000 sa wallet ko. "Pakilagyan na rin ng mga accessories 'yung fishbowl. Thanks."

Bumalik ako sa kotse ko dala ang isang fishbowl. Pagpasok ko, nilagay ko siya sa tabi ko.

"Sandali, bakit ko ba binili ang isang 'to?" Nagtataka kong tanong sa sarili ko habang tinitignan ang fishbowl sa kabiilang upuan. "Hays bahala na nga."

Pagdating ko sa bahay, nakita kong nakabukas na ang ilaw sa baba. Aba, mukhang nakauwi na si Spongebob ah.

Pagpasok ko, nakita ko agad siya na nakaupo sa sofa habang nanunuod ng TV. Napansin niya ang pagpasok ko kaya naman tinignan niya ako pero inirapan din. Mukhang galit pa rin siya sa akin dahil kay Spongebob.

"Ethina, nagluto ka ban g pagkain?" Tanong ko rito pagpasok ko.

"Hindi, bumili na lang ako sa labas." Mataray niyang sagot.

"Ano? Dapat nagluluto ka! Alam mo ba kung saan galing 'yan? Alam mo ba kung paano hinanda 'yang pagkain na 'yan?" Singhal ko sa kanya, nilingon naman niya ako habang nakataas ang kilay, pero agad ring bumaba ang kilay niya at lumapit sa akin ng mapansin niya ang dala ko.

"Wow! Isda?!" Manghang sabi niya habang tinitignan ang dala kong fishbowl. "Saan mo nakuha 'yan Sanjun?" Nakangiti niyang tanong sa akin.

"Ah? Binili ko." Mabilis kong sagot.

"Talaga? Para sa akin?" Para naman akong binatukan sa tinanong niya.

"Anong para sayo? Hindi 'no! Akin 'to!" Singhal ko, sinamaan naman ako ng tingin nito.

"Para sayo? Okay fine, wag kang kakain ka, sa akin lang din 'tong noodles!" Sigaw niya tsaka naglakad papuntang dining area. Pinuntahan ko naman siya at nakita ko ang noodle na sinasabi niya, naalala ko ang noodles na 'to.

"Sandali, saan mo binili 'yan?" Tanong ko sa kanya.

"Paki mo? Alis na nga, sayo na 'yang isda mo!" Mataray niyang sabi tsaka binuksan ang noodles. Hindi ko naman maitatangging nagugutom na rin ako, at ang noodles na 'to ang kagaya ng noodles na kinakainan namin dati ni Shawn. And that is my favorite, pero simula noong umalis si Shawn, hindi na ako nakakain 'nun.

"Oh!" Inabot ko sa harap niya ang fishbowl na hawak ko. "Sayo na 'tong si Spongebob."

Nilingon naman niya akong may pagtataka sa mukha.

"Hindi 'yan si Spongebob." Matamlay niyang sabi.

"Edi bigyan na lang natin ng bagong pangalan. Oh sayo na, akin na 'tong noodles." Binitawan ko sa harap niya ang fishbowl at kinuha ang isa pang noodles. Naupo sa harap niya at inumpisahang lantakan ang noodles. Mabilis kong kinain ang noodles kaya naman nakatingin siya sa akin ng may pagkadismaya.

"Ngayon ka lang ba nakakain ng noodles? May CEO pa lang PG?"

Natapos na kaming kumain. Pareho kaming nanonood ng TV.

"Doon ka sa isang room, maayos na 'yon." Sabi ko rito. "Umpisa na ng 6 months mo as my wife, kaya umayos ka." Sabi ko rito.

"Opo Sir, Sanjun. Ay siya nga pala, kapatid mo pala si Direk Shawn?" Napatingin ako sa kanya sa sinabi niya. "Nasabi niya kasi sa akin kanina, at pikapakamusta ka." Hindi ko na siya pinansin at tumayo na.

"Matulog ka na, wala kang shooting bukas kaya maglinis ka ng buong bahay." Sabi ko rito bago pumasok sa kwarto ko.

Pero sa isip-isip ko, muli bumabalik sa akin ang masakit na nakaraan. Nakaraang hindi ko alam kung paano ko haharapin kapag tuluyan ng sakupin ang buhay ko ngayon sa kasalukuyan.

Kinabukasan. Nagising ako dahil sa ingay, may kumakanta.

"Romeo, take me somewhere we can be alone. I'll be waiting; all that's left to do is run. You'll be the prince and I'll be the princess—"

"Hey! Will you please—" Nanglaki ang mata ko sa nakita ko paglabas ko ng kwarto. Agad akong tumalikod sa kanya. "Ano ba 'yang suot mo?" Tanong ko.

"Bakit? Naka-shirt at naka-short."

"Are really trying to seduce me idiot?" Sigaw ko.

"Ano? Hoy abnoy, naglilinis na ako rito, anong idiot ka diyan? Tsaka bakit naman kita aakitin? Gago ka ba?" Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa isang 'to. She's waeringa shirt pero sobrang nipis the fact na kita na ang bra niya, and her shorts, sobrang short! Hindi ko na lang siya pinansin at nagpunta na ng shower para maligo.

After ko maligo, nagbihis na ako ng pang-office ko, palabas na sana ako ng pinto ng mapansin ko ang nakasabit dito. Huminto ako at tinignan ang nakasabit sa pinto.

"House of Love?" Nagtataka kong sabi habang may pagkakunot sa noon. "Ethina!" Tawag ko sa kanya. Mabilis naman siyang pumunta sa akin.

"Bakit sungit?" Inis niyang sabi.

"Ano 'to?" Tanong ko sabay pakita ng hawak kong nakasabit sa pinto.

"Uy, wag 'yan, dati kasi 'yang nakasabit doon sa apartment ko. House of love, bahay na puno ng pagibig at magmamahal, para ang mga taong nakatira sa isang bahay ay magmahalan." Nakangiti niyang sabi.

"And do you think, mamahalin kita at iibigin?" Napasinghap ako sa sinabi niya. "In your dreams idiot." Sabi ko rito't lumabas na ng bahay.

"Kainin mo sana 'yang sinabi mo!" Narinig ko pang sigaw niya bago ako makapasok ng sasakayan.

No freaking way. Idiot.