webnovel

TJOCAM 3: Secluded Feelings

He likes her... She likes him... While Haley and Reed always on an arguing situation, they still can't able to see what they really feel towards each other-- Clumsy and Awkward. Everyone knows except them. At first, they couldn't admit they are inlove but as they've been always together. The sparks and rapid beat of the heart are growing deeply. How will they notice each other's love if there will be another trouble that is coming to their way? Will they have a chance to tell their secluded feelings?

Yulie_Shiori · 都市
レビュー数が足りません
85 Chs

Linkage

Chapter 24: Linkage

Haley's Point of View 

Narating na namin ang retreat house rito sa Baguio matapos ang isang araw at ilang oras na biyahe. Na-traffic kasi dahil nagkaro'n daw ng aksidente kaya lumipat kami sa ibang direksiyon na iyon nga'y mas lalong nagpatagal sa dating namin dito sa Baguio. 

Hawak-hawak ni Jasper ang kaliwa niyang tainga. "Para pa rin akong nabibingi. Magsalita ka nga." Pagkalabit ni Jasper sa kaklase naming babae subalit si John na ang gumawa't sinigawan ang tainga niya na mas lalo yatang nagpawala sa pandinig niya. 

Umupo ako sa pangalawang simento na pwedeng mauupuan dito kasabay ang paglapag nung bag ko sa aking tabi. Na sa tabi ko lang si Kei at nakatayo habang ngiting kinakausap si Rose.

Kumuha ako nang maraming hangin at ibinuga iyon. A-Akala ko talaga masusuka na ako. 

Tiningnan ko ang paligid, umaakyat 'yung makapal na hamog dahil na sa mataas kaming lugar

Mas lalo ring nagpalamig dito 'yung mga halaman at matataas na puno kaya karamihan sa amin ay mga naka doble ang damit. 

Ibinaling ko ang tingin sa chapel na nasa harapan ko 'tapos ay inangat ang dalawa kong palad para bugahan nang mainit kong hininga. Nanlalamig kasi iyon sa lamig. 

"O siya! Bumunot na 'yung tig sampu rito, kapag nabunot n'yo 'yung mga pangalan n'yo. Ibalik n'yo 'tapos bumunot ulit. Dito ang girls sa kanan at sa kaliwa naman ang mga boys" Turo ni Sir Santos sa dalawang box na nasa table. Tumayo na nga ako 'tapos napatingin sa kabilang section na hindi naman lalayo sa 'min, pagkatapos ay pumunta na rin ako sa kahon upang bumunot. 

Inilabas ko na 'yung kamay ko na may hawak-hawak na isang pirasong papel na nakatupi at binasa ang na sa loob. Kunot-noo kong inilapit ang papel para mabasang maigi 'yung pangalan. Seryoso ka ba? 

Napahawak ako sa noo. Mas lalong sumasama pakiramdam ko.

"Kei," Rinig kong tawag ni Mirriam kaya napalingon ako sa kanya, inangat niya 'yung papel na may nakaukit na pangalan ni Kei. "Tayo 'yung magkasama." Dagdag ni Mirriam at humagikhik. 

Lumapit na sa kanya si Kei at nagtatatalon sa tuwa. 

Ibinalik ko ang tingin sa papel na nabunot ko 'tapos bumuntong-hininga't ipinasok na lamang sa aking bulsa ng suot-suot kong Jacket ngayon. 

Lumapit na sina Mirriam sa akin.

"Sino nabunot mo?" Tanong ni Kei sa akin.

I pouted and looked away.

"Si Kath" Sagot ko. Oo, si Kath ang makakasama ko ng mahigit 4 days. 

Napatitig 'yung dalawa sa akin at sandaling hindi umimik hanggang sa ipatong nila 'yung mga kamay nila sa aking balikat. "I'll pray for you" Saad ni Mirriam na tinanguan naman ni Kei dahilan para pareho ko silang irapan saka lumakad palayo sa kanila. 

Dumiretsyo ako kung nasa'n si Kath na parang naghihintay na lapitan siya ng makaka-room mate niya. Pero hindi pa nga ako nakakalapit sa kanya nang huminto ang tingin niya sa akin 'tapos napaatras habang takip-takip ang bibig. "Please, don't tell me you'll be my room mate?" Huminto ako sa paglalakad saka inilabas ang papel para iangat iyon. 

Nakaipit ang papel sa hintuturo't hinlalatok kong daliri. "I feel you, but sad to say. Pangalan mo ang nakalagay rito." 

Napatirik ang mata niya sa inis. "Gosh! Hindi pa nga ako nakakatulog, pero bangungot na 'tong nangyayari sa akin. Nai-stress ako." Pagpitik niya sa hibla ng buhok niya. 

Umismid si Trixie 'tapos hinila ang dulo ng buhok ni Kath bago umalis. "Good luck." Paraan ng pagpapaalam ni Trixie saka lumakad papunta sa kaklase naming tinatawag siya. Si Aiz naman, nandoon na rin sa ka-room mate niya. 

Nginisihan ko si Kath at mas inayos ang pagkakasabit ng strap nung bag ko sa aking balikat. "Magiging pabor sa akin kung magpapabago ka ng room mate, sabihin mo lang kay Sir Santos." 

Humalukipkip siya at tinaasan ako ng kilay. "Bakit kailangang ako pa?" Pataray niyang tanong.

Ipinasok ko ang aking kamay kasama ang papel sa bulsa ng jacket ko.

"Ang dami mong reklamo, nagiging considerate lang naman ako." Sambit ko sa kanya kaya napasimangot siya. 

Humawak siya sa trolley handle ng maleta niya 'tapos nilagpasan ako. "Whatever, 4 days lang naman akong magtitiis. Ayokong mag-aksaya ng laway sa pangit nating adviser." Sabi niya kaya lumingon ako sa kanya habang papalayo sa akin. 

Pumalakpak ng tatlong beses si Sir Santos kaya itinuon na namin ang atensiyon sa kanya. "Kunin n'yo na 'yung mga susi niyo rito nang makapag-ayos kayo ng gamit at makapagpahinga nang kaunti, 'tapos kakain na tayo mamayang 12 o'clock kapag nakarinig kayo ng tunog ng bell." Saad niya kaya kinuha na namin ang mga susi namin sa kanya. Ako na 'yung kumuha nung susi namin ni Kath dahil baka mamaya mawala pa niya. 

Pumasok na ang section namin sa old building para hanapin ang aming room number. Karamihan sa mga ka-batch namin, nandoon sa new building at kami lang 'yung napunta rito sa makalumang rest house. 

Maririnig sa lugar ang mga yabag ng aming mga paa. Nangunguna na ako sa paglalakad habang na sa likuran ko lang si Kath. Pero mayamaya pa noong sabayan niya ako.

"Akin na yung susi" Hingi ni Kath sa susi.

Lumingon ako sa kanya habang blanko ang ekspresiyon ng aking mukha. "Wala akong tiwala sayo, kaya HINDI" diin ko. 

"B*tch!" Sigaw niya dahilan para pagalitan siya ni Sir Santos mula sa baba. 

"Na sa retreat house kayo, ah? Baka marinig kayo ni sister." Suway ng adviser namin sa ibaba kaya mas nanggalaiti sa inis si Kath. 

Ibinaling ko na nga lang din ang tingin 'tapos lumakad na ulit para hanapin 'yung kwarto namin. 

Ang mga rooms ng mga lalaki ay nandoon sa ibaba samantalang nandito naman sa taas 'yung mga babae. 

Huminto ako sa room number namin-- room number 036

Kinuha ko na ang susi ko sa bulsa at binuksan na ang pinto, peronag taka noong hindi ito mabuksan-buksan. Tumaas ang kaliwa kong kilay. "Bakit ayaw?" Takang wika ko habang pilit na binubuksan ang pinto.

Huminto na sa likuran ko si Kath kasama ang maleta niya.

"Hoy, ang tagal. Gusto ko ng matulog." Maarteng daing nung isa. "Ano ba'ng problema?" 

Gusto ko talagang mainis, pero nagpipigil lang ako. 

Pinihit-pihit ko ang door knob pero wala talaga at ayaw mabuksan. 

"Tanga! Akin na nga!" Sabay bunggo sa akin nang mahina para umalis ako sa pintong iyon. Hinablot niya sa akin 'yung susi para buksan ang pinto. Pinipilit din niyang gawin ang ginagawa ko kanina pero hindi talaga mabuksan, tumayo na siya nang maayos at napayamot na napakamot sa ulo. "T-Teka, bakit ba ayaw? Ano ba'ng problema ng pintong 'to?"

Bumuntong-hininga ako at napakamot sa kamay, parang may lamok na kumagat, eh.

Lumayo na nga lang si Kath sa pintong iyon 'tapos inis akong hinarap. "Ano ng gagawin natin? Dito matutulog sa labas? Puntahan mo si Sir Santos sa baba." Bossy nitong udyok na nagpapitik sa sintido ko. Kalma, self. Kahit hayop 'tong kausap mo, maging mabait ka pa rin. 

Pumikit ako para kumalma. "I'm asking you to shut up, if you want to ask for a new room. Ikaw kaya 'yung bumaba? Ako magbabantay ng mga gamit natin--" Napatigil ako sa sinasabi ko nang mapatingin kami ni Kath sa pinto. Dahan-dahan itong nagbukas, you can also hear a squeak.

Dumikit na sa pader 'yung pinto kaya nakikita na namin ang dilim nung loob ng kwarto. 

"H-Hindi mo ba binuksan?" Nauutal na tanong ni Kath. 

Wala akong ipinakita na kahit na anong reaksiyon at nakatingin lang sa loob ng kwarto. "W-Why are you asking me? Ang layo natin sa pint--" Napayakap siya sa akin noong may marinig kami sa loob.

Kumagat siya sa mga daliri niya. "H-Hu-Huwag mong s-sabihin totoo 'yung sinasabi nila Aiz?" Nanginginig na sambit ni Kath dahilan para kunutan ko siya ng noo.

Kinabahan din ako bigla. "T-Totoo? Ang ano? Huwag mo nga akong tinatakot ng ganyan!" 

Humawak siya sa mga braso ko upang lumayo sa akin at tingnan ako. "Hindi kita tinatakot! Pero ang sabi nila may multo sa retreat house na ito. Nandito tayo sa old building at wala sa new... Kadalasan daw ay may mga nagpapakita rito." Saad niya habang kagat-kagat ang mga daliri.

Lumunok ako sa sariling laway, at kahit na ramdam ko ang lamig sa lugar na ito ay pinagpapawisan pa rin ako. 

"You've got to be kidding me, right?" Kinakabahan kong sabi, kinuha niya ang kwelyo ko habang nanginginig ang mga kamay nito.

"Sa tingin mo magloloko ako ngayon!?" Natataranta niyang bulyaw.

Inilayo ko siya sa akin. "Guni-guni lang natin ito, pumasok na lang tayo sa loob para makapag-pahinga na" at walang alinlangan akong pumasok sa loob kasama ang mga gamit ko.

Gusto akong pahintuin ni Kath pero hindi ko siya pinagtuunan ng pansin, binuksan ko 'yung ilaw at laking gulat nang may makita ako. Sa harapan ko ay may malaking marka ng kamay. Hindi siya 'yung ordinaryong kamay ng lalaki o kamay ng basketball players, sobrang laki talaga nito na hindi mo papaniwalaang galing 'to sa tao. Para rin itong natuyong dugo dahil sa kulay niyon. B-Bakit may ganyan dito?

Nanginginig ang mga mata kong nakatingin doon habang naninigas, para akong pinako sa paa na hindi makaalis kahit na gusto kong makawala. "A-Ano yan?" Nanginginig na tanong ni Kath habang nakahinto ang tingin sa malaking kamay na iyon. Hindi ako sumagot pero may kumalabog sa labas kaya mabilis na pumasok si Kath para yakapin ako. 

Pagkatapos ay napatingin kami sa kanan at kaliwa nang marinig namin ang isa-isang pag bagsak ng pinto sa kabilang kwarto, kaya dahil sa takot na nararamdaman ay malakas kaming napasigaw. 

Reed's Point of View 

Nag-uusap kami ng mga kaklase ko nang marinig namin ang malakas na tili galing sa taas, at sa boses na iyon, alam kong si Haley 'yon.

"Sila Kath 'yung naunang pumanik, 'di ba?" si Rose. 

Napatingin kaming lahat sa isa't isa at mabilis na umakyat para puntahan 'yung nangyayari. 

Noong makatuntong kami sa floor ng mga babae't mapuntahan kung nasa'n 'yung dalawa, naabutan namin sila Haley sa labas ng isang kwarto at nangingini na nakaupo sa sahig habang may tinititigan sa loob ng kwarto-- iyon yata ang kwartong gagamitin nila. 

Lahat kaming mga magkakakalase, nandito lahat. 

"What happened?!" Kinakabahang tanong ni Rose na medyo hiningal pa.

Patakbo akong pumunta kung nasa'n si Haley. Niluhod ko ang isa kong tuhod at hinawakan ang magkabilaang balikat niya, she's shaking in fear.

"Haley, come down... What's going on?" Hindi niya ako sinagot at nakatulala lang, wala siya sa sarili. Inalog ko siya nang kaunti. "Haley!" Tawag ko sa kanya at sa wakas ay nagawa na niya akong tingnan sa mata, pero naluluha siya.

"R-Reed... May... May..." panimula niya pero hindi iyon natuloy nang may mabasag sa kung saan, napatingin kaming lahat sa pinakadulo ng lugar na ito, sa kaliwa't kanan gayun din ang paglingon namin sa harap at likod dahil sa pagsunod-sunod ng kalabog.

May nakita pa akong tao sa peripheral eye vision ko ngunit nawala ito nang makalingon ako.

"Mamamatay na ba tayo?"

"O.A! Wag ka nga diyan!"

"P-Pero..." si Kei. 

Isa-isang bumukas ang pinto na nakasara kanina kaya nagkumpol-kumpol kaming lahat sa isa't isa.

Pagkatapos ay may lumabas na babae sa pinakadulong pinto, nakasuot siya ng puting bestida at may hawak-hawak na kutsilyo. Huminto siya ro'n sa gitna at unti-unting humarap sa amin. 

Pigil hininga kaming nakatingin sa kanya. 

"H-Hoy, wala naman t-tayo sa horror movie, bak-bakit may White lady rito?" Natatakot na tanong ni John. 

"W-Wh-Why are you asking us, moron?" Paputol-putol namang tugon ni Aiz. 

Humakbang na siya kaya umaatras kami, 'tapos nanlaki na lang din ang mga mata namin nang sumulpot siya sa mismo naming harapan. 

"Hihihihi." Paraan ng pagtawa niya na may malapad na ngiti sa kanyang mga labi at inangat ang hawak niyang patalim na animo'y handa na kaming saksakin. 

"Ahhhhhhhhhhh!" 

Third Person's Point of View 

3:00 AM 

Malapit ng makarating ang buong batch nila Rose sa retreat house. Tulog ang lahat habang nanatili lang ang TV na nakabukas, nanonood sila ng The Exorcist at White lady kanina dahil iyon ang request ng isa sa mga klase nila Haley. 

Binuksan ng Bus Driver ang radyo at nakinig. 

"Naranasan n'yo na ba ang mutual dreaming? Alam ninyo ba na may teorya ito na kapag nakaranas kayo ng mga ganitong phenomenon ay mayro'n kayong malalim na koneksiyon sa taong pinagmulan nito o ito ay isang babala na kailangan ninyong mapansin?" Napatingin ang bus driver sa radyo na iyon.

"May gano'n ba?" Sambit ng Bus Driver habang patuloy sa pakikinig sa isang station tungkol sa superstition. 

Sa dulong upuan. Kumukunot-noo si Haley habang natutulog sa pwesto niya. Nakahiga si Mirriam at Rose sa balikat niya habang nakaunan naman si Kei sa kandungan ni Mirriam. "Ngh... Leave me alone..." Ungol ni Haley at napayukom ang kamao. "Tulong..." 

"...ang bawat panaginip ay ayon din sa nararamdaman, hiling o kagustuhan, o kaya'y mga bagay na nangyayari sa waking life ng isang tao. Kadalasan ay nanaginip tayo dahil hindi natin magawang mailabas kung ano man ang iniisip o nararamdaman natin. Halimbawa na lamang nito ay ang pananaginip natin tungkol sa multo o espiritu. Ang interpretasyon 1nito ay ang pagsisisi ng isang dreamer sa nagawa niya sa kanyang nakaraan o ito ay may kinalaman sa lumang memorya na kailangang pagtuunan ng pansin." Mahabang litanya ng speaker sa radyo na tinatangu-tanguan ng bus driver 'tapos ay napatingin sa rear mirror para silipin ang mga estudyante ng E.U. 

"Sleep tight." 

***** 

 

Wala pa namang Halloween pero advance Happy Halloween!

Inspired pala itong chapter na ito sa isang anime na pinanood ko long time ago. Tuwang-tuwa kasi ako sa scenario na 'yon at gusto ko ring mangyari sa mga characters ko. Haha!

Yulie_Shioricreators' thoughts