webnovel

TJOCAM 2: The Authentic Love

The tragic incident had finally ended but now that Haley Miles Rouge lost all of her memories and became a different person. Magagawa bang maibalik ng mga kaibigan niya ang kanyang alaala? How about her feelings? Nagbago ba o nanatili? Magagawa nga ba ni Reed sabihin ang kanyang nararamdaman lalo na't ngayong ibang-iba si Haley sa kanyang nakilala?

Yulie_Shiori · 若者
レビュー数が足りません
65 Chs

Widrawal

Chapter 49:  Widrawal 

Kei's Point of View

"Mag a-out of town tayo starting tomorrow." Iyan kaagad ang lumabas sa bibig ko noong magtipon tipon kaming pito sa sala ng Smith Mansion. Medyo nagulat sila Haley sa sinabi ko at marka sa kanila ang pagkalito.

Lumingon ako kay Jin na tinanguan naman niya.

"Ako na ang bahala kina mama. Pero sasama ako sa pag i-stay-an n'yo para alam ko kung sa'n kayo pwedeng mapuntahan kapag kinakailangan." Sambit niya.  

Ipinaliwanag ko kina Reed 'yung tungkol sa panandalian naming pag-alis lalo na't bumalik na sa station ang mga police na nagbabantay sa amin kahapon.

Kaya nagpasya nga kami nila Jasper na hindi manatili rito dahil sa nangyayari. Kapag pumunta at natagpuan kami rito ni Ray, siguradong aatakihin nanaman kami.

Hindi rin malabo na baka may mga tinatago pa siyang kasamahan na pwede pa naming mas ikapahamak.

Gaya ng sabi ko kahapon kina Mirriam, hindi si Ray ang hahanap sa amin kundi kami.

Maganda 'yung hindi aakalain ni Ray na matatagpuan namin siya sa isang lugar para control namin 'yung sitwasyon.

Medyo risky pero wala ng pwedeng tumulong sa amin. Kung iba-base ko kasi ang mga reaksiyon ng mga police kahapon, it's like they're saying that we're just having fun at hindi kami kapani-paniwala na mapapahamak kami.

"Thank you, kuya." Pagpapa-salamat ni Mirriam kay Jin. Nagpa-escort silang magkapatid sa guard ni Jasper papunta rito.

Pasimple akong nagbuga ng hininga.

Kapag nalaman ng magulang namin na mayro'n nanamang hindi magandang nangyayari at involved na kaming lahat, siguradong maghihiwalay kaming anim at hindi na muling magkita.

They're our parents. Mas uunahin nila ang safety namin kaysa ang happiness. Dahil iyon ang tingin nilang mas makakabuti sa amin.

"Pero mabuti na lang din at pumayag na sila manang." Labas sa ilong na sabi ni Mirriam na tinanguan ni Jasper kasabay ang pag thumbs up.

Binigyan namin ng day off ang mga kasama namin sa bahay at kinumbinsi sila na makakakuha pa rin sila ng sweldo kahit hindi na sila pumasok. Basta huwag lang nilang sasabihin kina Mommy na mawawala kami sa bahay ng ilang araw.

Nung una, hindi rin sila pumayag dahil wala silang ideya sa gagawin namin at baka mapahamak pa raw kami kung pupunta kami sa kung saan-saan.

Mabuti na lang at napaniwala sila ni Jasper sa kasinungalingang kailangan nga lang naming maranasan ang pagpa-part time sa ibang lugar.

"Siyempre gusto lang din naming maranasan 'yung maging empleyado para sa society, kasi 'di ba? Kami rin 'yung susunod na magpapatakbo sa business namin? Kaya gusto lang namin maranasan 'yung mga gano'ng bagay bago pa man kami maka-graduate." Naalala kong sabi ni Jasper kanina na may pagtawa kaya tumangu-tango naman ang mga kasambahay at sumang-ayon sa sinabi ni Jasper.

Inilipat ko naman ang tingin kay Reed. "Kahit naman sabihin mo 'yan, paano naman 'yung school? Magtataka sila kung pare-pareho tayong mawawala." Tumango naman si Haley bilang pagsang-ayon.

Inilabas ko naman 'yung phone ko at ipinakita ang oras na tumawag ako sa school. Pumunta rin ako sa E.U kanina kasama si Jasper para asikasuhin nga 'yung widrawal namin ng ilang araw. "I asked the school to make an extracurricular class. Pumayag sila ng walang pag-aalinlangan." Tugon ko.

Binigyan naman ako ng walang ganang tingin ni Jasper. "Pumayag lang sila dahil sinabi mong dadagdagan mo 'yung sweldo nila."  

Namula naman ako't napalingon kay Jasper. "I-I have no choice, kung hindi ko 'yun gagawin. 'Di sila papayag." Nahihiya kong sabi.

Humalukipkip si Haley. "Rich people sure are amazing."

"Pero sa'n tayo?" Ngayon lang nagsalita si Harvey simula kanina na tinawag ko sila kaya talagang mabilis kung tumibok ang puso ko. "Pa'no natin masisigurong ligtas nga tayo kung balak nating mag out of town? Pwede silang sumunod sa 'tin ng hindi natin namamalayan." Dagdag niyang tanong.

Lumingon naman ako sa kanya at tumungo kaunti. "That's…"

"Pwede tayong umalis bukas ng hating gabi." Saad ni Jin kaya pareho kaming mga napatingin sa kanya. "I don't think sasayangin ni Ray 'yung oras niya para lang hintayin kayo na atakihin niya, lalo pa't marami ng mga tanod na nagbabantay bawat eskenita. Magiging kahina-hinala si Ray kapag nangyari 'yun at madali na lang siyang mahuli tutal, hinahanap din naman siya ng mga police. Sigurado akong ia-assign silang mag inspect lalo na sa area n'yo."   

Namilog ang mata ko 'tapos ngumiti. "May point ka."  

Nakita ko lang sa peripheral eye view ko ang pagpikit ni Harvey kaya sandali akong napasulyap sa kanya.

Lumingon si Jin kay Mirriam. "Buti pala kumuha na tayo ng damit mo." Ngiting sabi niya na ngiti ring tinanguan ni Mirriam.

Napatingin tuloy si Haley sa maletang na sa gilid. "Kaya pala kako may maleta."

Tumalikod na ako sa kanila. "Mag-aayos na 'ko ng gamit." Paalam ko at naunang naglakad.

Nakaakyat na ako ng hagdan at nakatuntong na sa itaas nang tawagin ni Harvey ang pangalan ko. Huminto ako habang naririnig ko ang mga yapak ng paa niya na papaakyat. Naramdaman ko na siya sa likuran ko pero hindi ko pa rin nagagawang lumingon o humarap sa kanya.

"Narinig ko kay Haley 'yung rason kaya ka nakipag break sa akin." Panimula ni Harvey dahilan para manliit ang tingin ko. So, alam talaga ni Haley? Pero paano?

Hindi, isa lang ang sagot diyan. Imposible na nakita ako ni Haley nung gabing iyon kaya baka nakita niya ako sa E.U kausap si Ray tutal doon lang din kami nag-uusap.

Hinawakan bigla ni Harvey ang kamay ko. "Wala ka ng dapat na ipag-alala, gagawin ko ang lahat para mawala tayo sa kapahamakan. Kaya pwede ka ng bumalik sa akin."  

 

Yumuko ako 'tapos tinanggal ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Naramdaman ko ang kaunting gulat mula sa kanya kaya dahan-dahan akong humarap para makita siya. Nanlalaki nga ang mata niya. "Harvey, I can't do that."

Mas nanlaki ang mata niya kaysa kanina 'tapos umabante ng isang hakbang. "B-Bakit? Hindi ka pa rin ba tinatantanan ni Ray?"

"Wala na 'yung number na ginagamit ni Ray at mukhang nagpalit na rin siya para hindi siya ma-track ng mga police. Kaya hindi na niya ako ginugulo." Sabi ko ng hindi inaalis ang tingin sa kanya.

Ipinatong naman niya 'yung dalawa niyang kamay sa magkabilaan kong balikat.

"Edi bakit? Bakit hindi ka pwedeng bumalik sa akin?" Naguguluhan niyang tanong.

Sa totoo lang, masakit 'to para sa akin. I love him, pero kung mananatili siya sa tabi ko. Hindi niya iisipin ang sarili niya, mas pipiliin niyang masaktan kaysa sa akin tulad ng nangyari nung nakaraan. Kung kailan kami na-kidnapped.  

Kung ang pagpili kong manatili sa piling niya ang makapagbibigay sa kanya ng pang habangbuhay na sakit. Mas pipiliin ko na lang na siya'y iwan para hindi magtagal ang kirot.

Huminga ako nang malalim bago muling inalis ang mga kamay niya sa balikat ko. "Huwag na muna natin 'tong pag-usapan." Huling sinabi ko bago umalis sa kanyang harapan.   

Haley's Point of View

Natapos na ako sa pag-aayos ng gamit ko at sa ngayon ay nakatitig na lang ako sa iilang karayom sa isang lalagyan dito sa drawer ko. Kinuha ko ang ilan sa mga lalagyan na may lamang needle bago ipasok sa isa pang bag maliban sa lamesa.

May nagbukas ng pinto ko kaya lumingon ako roon at napabuntong-hininga nang makita ko na si Reed pala ito. "Hindi ka talaga marunong kumatok, ano?" Tumayo ako at humarap sa kanya. "Okay na ba 'yang kamay mo?" Tanong ko sa mga kamay niyang nakabalot pa rin ng gauze.

"Medyo masakit pa pero wala na lang 'to." Balewala niyang sabi at inabot sa akin ang iilang tracking device na ipinapakuha ko. "Iyan pala 'yung pinapakuha mo sa akin." Kinuha ko naman iyon at itinaas ang dalawa kong kilay.

I hummed. "Mukhang mas lumiit pa yata 'to kaysa noon?" Kumento ko nang hindi inaalis ang tingin sa maliit na chip na Tracking Device. "Updated na ba 'to?" Dagdag tanong ko at naghanap ng maliit na plastic na may zipper para ilagay ro'n ang mga tracking device.  

"Oo, updated 'yan." Patango niyang sagot at tinuro 'yung hawak kong tracking device. "Malalaman mo kung kanino mo inilagay 'yung device basta may skin contact galing sa chip." Paliwanag ni Reed kasabay ng paglabas ko ng isang maliit na plastic na nakatago pala sa maliit na drawer.

I'm still amazed na nakakagawa si Reed ng ganitong klaseng devices. Average lang siya sa academics pero matalino siya kapag ito ang usapan.

Balak ba niyang kunin ang Science or Math as major?

Ibinaba ko ang tingin sa hawak kong tracking device. "I see. Pero paanong malalaman kung kanino? Makikita ba 'yung mukha o pangalan mula sa system mo?" Tanong ko.

Umiling siya. "Hindi. Sa pamamagitan ng boses."  

Boses…

"Nasa'n 'yung old model mo na tracking device?" Hanap ko ro'n sa madalas niyang gamitin pang track sa amin dati. Pinatanggal niya kasi 'yun sa cellphone namin ng hindi niya ipinapaliwanag kung bakit.

Hindi na rin ako nagtanong, in fact okay pa nga iyon dahil may privacy rin ako kahit papaano.

"Pinag merge ko kasi 'yung code sa bagong update nung tracking device kaya hindi na rin pwedeng magamit 'yung old version dahil may changes." Sagot niya. "Nasaktuhan nga nung oras na umalis si Kei ng walang paalam kaya hindi ko alam kung paano ko siya mata-track no'n. Kaya minadali ko rin 'yung tracking device na ginagawa ko. Para sana 'yun sa thesis, eh." He said and scratched his head. "Pero 'di bale, nag work naman 'yung new model ko kahit rushed at sinabi naman kaagad ni Jasper kung nasaan si Kei kaya okay na rin. Ngayon pa mang mukhang gagamitin mo, right timing." Ngiti niyang sabi na medyo nagpaawang sa akin pero itinikum ko rin para hindi niya mahalata 'yung reaksiyon ko.

Ang cute niya kapag ngumingiti ng gano'n.

Tumagilid ako ng tayo. "Sino nag free trial sa device mo kaya nasabi mong nag work?" Tanong ko.

"Si Harvey." Tugon niya 'tapos humalukipkip. "Medyo nagsisi pa nga ako kasi kung wala siya sa E.U. Madalas, na sa kwarto lang siya. Ingay lang ng mga estudyante 'yung madalas kong marinig ta's iyong tipid niyang pagtugon. Kung minsan naman ay ang pag-iyak niya." Pagkibit-balikat niya.

Sinimangutan ko siya. "Okay lang ba talaga na sabihin mo 'yan sa akin?" Hindi ko siguradong tanong.

"Sus, hindi naman niya alam." Nakasimangot niyang sabi 'tapos ngumiti ulit. "Siya nga pala, gusto mo bang I-try 'yung device ko? Para malaman mo kung gaano ako kagaling?" Pagyayabang niya habang tumataas-baba ang kilay.  

Humarap ako sa kanya at tinaasan siya ng kaliwa kong kilay. "Siguraduhin mo lang na hindi ka papapalpak."

Umismid siya. "Naman. Tara sa kwarto ko."  

***

NA SA KWARTO na nga niya ako. Kakapunta ko lang din dito kahapon pero parang may bago. O baka dahil sa naaamoy ng ilong ko 'yung pabango ni Reed kaysa kahapon?

Huminto ako sa gitna at iginala ang tignin sa paligid, pumukaw sa atensiyon ko 'yung plushed toy chick sa tabi ng unan ni Reed. Naka plastic naman iyon para hindi maalikabukan.

Ang cute. Iyan 'yung nakita ko last time sa isang Japanese Shop. Bumili pala si Reed?

"Hindi ko alam na mahilig ka rin pala sa mga ganyang klaseng bagay." Tukoy ko sa plushed toy.

Lumingon naman siya sa akin. Nandoon kasi siya sa harapan nung laptop niya at may ino-open na system. "Na ano?" Taka niyang sabi. Tinuro ko naman 'yung plushed toy na sinundan naman niya ng tingin.

Ta's nagulat na lang ako dahil bigla siyang sumigaw 'tapos dali-daling kinuha 'yung plushed toy para patapon na ibato 'yun sa loob ng cabinet.

E-Eh?

Inis akong tiningnan ni Reed. "A-Ang dami mo masyadong napapansin. Manahimik ka muna riyan."

May pumitik sa sintido ko. Gusto kong maasar pero wala ako sa mood ma-badtrip kaya huminga ako nang malalim para mapakalma ang sarili ko saka pumunta kung nasa'n 'yung PC ni Reed. Sinilip ko 'yung system, nakita ko 'yung profile namin sa screen niya.

Pinindot ko ang naka highlight na pangalan ko saka nag pop ang iilan sa mga whereabouts ko gayun din ang iilan sa mga information ko.

"W-Wow." Mangha kong kumento. "Wala bang makakaalam sa information ko maliban sa 'yo?" Tanong ko para makasigurado.

Tumabi sa akin si Reed. "No worries, walang pwedeng maka-access niyan maliban sa akin. Kailangan ng mahigpit na security password itong system para incase na may magnakaw ng files ko na 'to. Kahit na ano ang gawin niya, hindi niya mabubuksan. Pero kung tatanugin mo naman kung pa'no ko nabubuksan 'to ng walang kahirap-hirap. May finger scanner ako." Mahabang litanya niya habang nakaturo sa scanner. "Kaya wala ka ring dapat na ipag-alala." Dagdag pa ni Reed na hindi ko kaagad inimikan.

Ewan ko, gusto kong sumigaw sa saya dahil kahit papaano. Inalam din pala niya ang informations ko.

"Oh, kunin mo." Pag-abot niya sa akin ng tracking device. Ibinaba ko ang tingin para tingnan 'yung inaabot niya sa akin. "Idinikit mo siya sa batok ko. Para mas marinig mo 'yung boses ko at 'yung sound sa paligid pagkasuot mo ng headphone." Nguso niya ro'n sa headphone na nakasabit.  

Kinuha ko naman ang tracking device. "Talikod." Udyok ko na ginawa naman niya. idinikit ko na nga sa batok niya ang device. Medyo napanganga pa nga ako dahil nakita ko kung paano kumapit 'yung parang mga paa nito sa balat niya kahit ang liit liit lang nung chip na iyon.

"Nailagay mo na?" Tanong niya sa akin.

Umangat ang tingin ko sa kanya. "Hindi mo naramdaman?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya saka siya humarap sa akin at nginisihan ako.  

"Ang galing, 'di ba? Ang maganda kasi rito, sa sobrang liit nung tracking device at nung root sa side nito para maka-connect sa katawan mo, hindi mo talaga mararamdaman 'yung pagkapit nito sa balat mo." Paliwanag niya kaya mas namangha ako. "Ngayon, suotin mo 'yang headphone." Turo niya sa headphone. "I-click mo lang 'yung activate at may maririnig ka na kasabay nung paglabas ng track map. Lalabas ako." Lumabas na nga siya ng kwarto niya samantalang napatingin naman ako sa screen at naghintay ng ilang minuto.

Sinuot ko na nga 'yung headphone 'tapos hinawakan ang mouse. "Pwede naman na siguro, 'di ba?" Tanong sa sarili saka ko pinindot ang activate.

Naririnig ko ang ilang yapak mula sa simento, gano'n din iyong makina ng sasakyan. Na sa labas siya?

"Haley." Tawag niya sa pangalan ko na nagpatibok ng malakas sa puso ko. Ano ka ba, Haley?! Binanggit lang niya pangalan mo, huwag kang O.A!  

Nagpameywang ako't pinitik ang aking buhok. "Y-Yeah." Tugon ko kahit hindi naman niya ako naririnig. Tanga, hindi 'to call.

"Siguro, naririnig mo naman ako, ano? Mayro'n lang akong importanteng bagay na sasabihin sa 'yo, pero hindi ko 'to uulitin kaya pakinggan mong mabuti." Bumuka ang bibig ko. Importanteng sasabihin?

"Haley, listen. I actually li-- !@#$%^" Tinanggal ko kaagad ang headphone dahil sa nakabibinging sound signal. Potek! Sakit sa eardrums niyon, ah?!

Pinindot ko na nga lang ang deactivate sa system ni Reed. Kaya siguro naman nag turn off na 'yung device.  

Lumabas na ako sa kwarto ni Reed para salubungin siya. And speaking of, nakikita ko na siya at nagmamadaling pumasok dito.

Hingal na hingal siyang nakahawak sa tuhod niya pagkarating niya sa harapan ko. "Bakit tumakbo ka pa?" Nakasimangot kong tanong sa kanya.

Kumuha na muna siya nang maraming hangin. "E-Eh, siyempre. Nakakahiya."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Anong nakakahiya? Saka," Hinampas ko ang braso niya. "…may problema yata 'yung device, biglang nagkaro'n ng sound signal."

Tumayo siya nang maayos. "Huh?" Takang reaksiyon niya.

Nagpameywang ako. "Kailangan mo sigurong i-double check 'yung code or something." Sambit ko 'tapos itinabingi nang kaunti ang ulo ko. "Siya nga pala, hindi ko na kasi narinig, pero ano nga 'yung importante mong sasabihin? 'Di ko na kasi narinig dahil nga may signal."

Nakatitig lang siya sa akin noong mag-iba ang ekspresiyon niya. Bigla yata siyang na-badmood?

Nagpamulsa siya. "Tss, wala. Bingi ka, bingi." Naiinis niyang sabi at nilagpasan ako para pumasok sa kwarto't padabog na isinara ang pinto.  

"Luh? Anong bingi ka riyan?" Inis kong sabi at pumunta sa harapan ng pinto niya. "Hoy! Lumabas ka riyan!" Utos ko.

"Ang ingay mo, bumalik ka na lang sa kwarto mo. Shoo!" Taboy niya sa akin. Buwisit, nagiging bata nanaman 'tong ugak na 'to.

Napabuntong-hininga na nga lang ako 'tapos sumandal doon sa pinto niya na may ngiti sa labi ko.

Hindi ko man alam kung ano 'yung pwedeng mangyari sa hinaharap, but you know, Reed? You're such an amazing person. I'm glad that I met you.