webnovel

Till We Meet Again

It happened on Christmas Eve, six days after Miles and Sarah said good-bye on the porch. By then Sarah had finally, reluctantly, come to grips with the fact that it was over. She hadn't heard from Miles, nor did she expect to.

But that night, after getting home from visiting her parents, Sarah got out of her car, glanced up toward her apartment-and froze. She couldn't believe what she saw. She closed her eyes, then opened them slowly, hoping and praying it was true.

It was.

Sarah couldn't help but smile.

Like tiny stars, two candles were flickering in her windows.

And Miles and Jonah were waiting for her inside.

Tahimik kong isinara ang hawak na libro. Hindi pa kasi ako makatulog kaya naisipan kong basahin ulit ang A Bend in the Road.

Natapos ko na ang buong libro pero hindi pa rin ako dalawin ng antok. Hindi kasi maalis sa isipan ko ang mga saglit na nagpaalam kami ni Prim sa isa't isa, sa labas ng hotel na tinutuluyan niya. Nakaupo kami sa mga concrete blocks na nakapaligid sa isang puno at mga halaman.

Umupo kami roon ng ilang mga minuto. Tahimik lang. Siguro pareho kami nang nararamdaman. Paano nga ba magpaalam?

"Thank you." Mahinang banggit niya. Nagpasalamat na naman siya. Ganito niya siguro nais mag-paalam.

Hindi ko alam ang isasagot ko. Tumingin ako sa kanya. Inabot ko ang kamay niya na kasalukuyang nakapatong sa lap niya. Hindi siya tumingin sa akin pero makikitang nakangiti siya. Unti-unti niya kong nilingon. Mas lumaki ang ngiti niya nang makita niyang nakangiti rin ako.

"Thank you," ako naman ang nagbanggit ng mga salitang iyon.

Ilang minuto pa pormal na kaming nagpaalam sa isa't isa. Habang naglalakad ako papalayo, maka-ilang beses akong lumingon upang kumaway. At gano'n din naman siya; nakataas ang kamay niya para kumaway sa akin.

+ + +

Inilapag ko ang libro sa study table at binuksan ang computer. Naisipan ko na rin kasing gawin ang book review para sa klase ni Ms. Rodrin.

Nagsimula akong mag-type ng mga salita:

Naalala ko ang  mga linya ni Nicholas Sparks, mula naman sa iba niyang akda. Sabi niya, "People come, people go—they'll drift in and out of your life, almost like characters in a favorite book. When you finally close the cover, the characters have told their story and you start up again with another book, complete with new characters and adventures. Then you find yourself focusing on the new ones, not the ones from the past."

Si Sarah at Miles sa libro, pareho silang nasaktan at iniwanan, pero nagawa nilang buksan ang bagong bahagi nang buhay nila para sa iba.

Ang totoo, mahirap gawin 'yun. Ang hirap isipin na ang mga taong nakilala mo at naging bahagi na ng iyong buhay, iiwanan ka lang. Oo, may ibang darating, may iba kang makikilala, pero nakararamdam ka pa rin ng takot kasi hindi mo sigurado kung mananatili ba siya sa'yo o iiwan ka rin niya.

Pero sana, sa bawat paalam na maririnig natin . . . maging katulad nang kina Miles at Sarah. Tulad ng sa kanila, ang salitang paalam ay pansamantala lang.

+ + +

Nang gabing iyon nanaginip ako. Pero hindi lang iyon basta panaginip. Isa iyong nagbabalik na ala-ala.

Paano nga ba nagsisimula ang isang istorya—ang isang love story?

Marahil, marami ang magsasabi na nagsisimula ang lahat sa unang pagkikita.

Ang una naming pagkikita ni Prim, hindi naganap dito sa Baguio.

Nang gabing iyon naalala ko ang isang bagay na hindi ko napagtuunan nang pansin noon:

Unang araw ng klase. Third Year High School. Napalipat ako ng Section. Sa Section nina Prim.

Tumatakbo ako sa pasilyo at nagmamadali nang mabangga ko ang isang babae. Maikli ang buhok niya, medyo chubby, at nakasalamin.

Nabitawan niya ang mga hawak niyang libro. Nagkalat iyon sa sahig. Awtomatikong umupo at pinulot niya ang mga gamit niya. Gayon din ang ginawa ko habang humihingi ng pasensiya.

"Sorry."

Ngumiti siya. "Wala 'yun."

Siya nga.

Nang mapatingin ako sa mga mata niya, parang bumagal ang takbo ng paligid. Nag-slow-mo.

May fireworks sa background.

May sparks.

+ + +

Pagkagising ko parang hindi maalis-alis ang saya sa mukha ko. Mas lumaki pa nga anb ngiti ko nang maalala ko na hindi nga pala naibalik ni Prim 'yung jacket ko.

May dahilan para magkita pa ulit kami.

Till we meet again, Prim!

WAKAS.

Thank you for reading!

Thank you for reading!

Im_Bareuncreators' thoughts