webnovel

The Lion in Love

Hindi mag-sink in sa utak ko ang sinabi niya.

Maninira siya ng kasal? Joke ba 'yun?

Tumahimik lang ako. Pinagmasdan siyang mabuti habang inaantay ko na sabihin niyang Just kidding! pero hindi ko 'yun narinig mula sa kaniya.

Bakas sa mukha niya ang lungkot. Mukhang seryoso siya sa sinabi niya. Ramdam ko.

Muli siyang yumuko. Nagulat na lang ako nang bigla siyang nagsalita, "Kennon Road."

"Lion's head?" Tugon ko sa kanya.

"No'ng dumating ako rito sa Baguio, nakita ko 'yun. Ang laki-laki niya. Pero no'ng nakita ko siya, nalungkot ako."

"Bakit naman? Medyo natawa nga ako no'ng huli ko siyang nakita e. Iba na naman kasi ang kulay."

"Bigla ko kasing naalala 'yung kwento tungkol sa isang leon."

"May k'wento ba ang lion na 'yun?"

"Hindi 'yung mismong lion sa Kennon Road. Ang naalala ko e 'yung fable ni Aesop na nabasa ko dati," paliwanag niya.

"Tungkol saan ba ang istoryang 'yun?" usisa ko.

Bigla tuloy akong na-curious. Nagbabasa rin ako dati ng mga pabula, pero 'di ko pa yata na-encounter ang kuwento ni Lion o baka naman nakalimutan ko lang.

"Hindi nga lang ako magaling mag-k'wento," ani Prim.

Ngumisi ako. "Okay lang 'yan. Ik'wento mo na. Hindi kita i-dya-judge."

"Alam ko namang 'di ka mapanghusga kaya lang pag ako ang nag-k'wento feeling ko 'di impacting. Gets mo?"

"Sige na nga. Babasahin ko na lang." Kinuha ko ang bag ko at kinuha ang tablet.

"Curious ka talaga ha. Ngayon mo na talaga babasahin."

"Oo e. Connected na naman ako sa wifi dito."

"Mukhang tambay ka nga dito sa resto. Yayamanin," biro niya.

"Hindi naman. Hot chocolate lang naman ang madalas na order ko. Mura lang," paliwanag ko habang tina-type sa google ang istorya. "Nahanap ko na. The Lion in Love by Aesop."

"'Yan nga." Ngumiti siya. "Basahin mo na."

"Sige."

A Lion once fell in love with a beautiful maiden and proposed marriage to her parents. The old people did not know what to say. They did not like to give their daughter to the Lion, yet they did not wish to enrage the King of Beasts. At last the father said:

"We feel highly honoured by your Majesty's proposal, but you see our daughter is a tender young thing, and we fear that in the vehemence of your affection you might possibly do her some injury. Might I venture to suggest that your Majesty should have your claws removed, and your teeth extracted, then we would gladly consider your proposal again."

The Lion was so much in love that he had his claws trimmed and his big teeth taken out. But when he came again to the parents of the young girl they simply laughed in his face, and bade him do his worst.

Pagkatapos kong bigkasin ang istorya, ilang segundo rin akong natigilan.

Love can be blind, sa isip ko. Gano'n ba talaga kapag umiibig ka, kaya mong ibigay ang lahat?

Ini-angat ko ang tingin ko mula sa tablet at tiningnan si Prim. Nabigla ako nang makita ang mga mata niya—luhaan.

"Ang tanga niya no? Ang tanga no'ng leon." Nagpilit siya ng tawa.

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isagot. Dapat ba kong sumang-ayon at sabihing tanga nga ang leon?

Hindi pa ko sumasagot, nagsalita na naman siya. Sa pagkataong ito, mas bumuhos ang emosyon niya. "Ang tanga niya. Ang tanga niya, Don. Ang tanga-tanga ko."

"Prim, okay ka lang ba?" pag-aalala ko. Parang gripo kasi ang mga mata niya. Seryoso bang umiiyak siya dahil sa isang pabula?

Parang tanga.

Ooops. Sabi ko nga pala, hindi ko siya i-dya-judge.

Tinakpan niya ng dalawang palad ang kaniyang mukha, "Pumunta ako dito kasi ikakasal na 'yung boyfriend ko,"

"Boyfriend mo pa rin? Hanggan ngayon?" Medyo sarcastic yata ang tanong ko.

Tinanggal niya ang pagkakatakip ng kaniyang mukha at pinunasan ang mga mata niya, "Ex pala. Nagkamali lang po."

"Sorry. Naguluhan lang din kasi ako." Huminga ako nang malalim para makibagay sa pagka-seryoso niya. "Totoo ba 'yung sinabi mo kanina? May balak kang sirain ang kasal?"

"Hindi ko alam king kaya ko ngang gawin 'yun. Umaasa kasi ako na baka pag makita niya ako bukas maalala niya na ako dapat 'yung kasama niyang nakasuot ng belo at . . . na ako talaga ang mahal niya. Ang tanga no?"

Tumitig siya sa'kin na parang nag-aantay ng tugon ko.

"Ang tanga mo nga," pagkalabas ng mga salitang iyon sa bibig ko parang gusto ko kaagad ibalik at bawiin. Close na ba kami? Tanga mo Don!

"Nakakainis ka naman e." Natawa siya habang umiiyak. "Ako nga kanina pa nag-iingat sa mga sinasabi ko sa'yo. Gusto ko rin kaya kitang sabihan ng tanga kanina pero 'di ko sinabi. Kainis 'to!"

Napangisi ako. "Okay, sorry na."

"Wala 'yun," nakangiti niyang tugon, "para tayong mga tanga."

Medyo nilapit ko ang mukha ko sa kaniya. "Pareho lang tayong umibig."

Ningitian niya ako. Ngumiti ako. Nagkatitigan. Matagal. Mga tatlong segundo. Ang tagal nga.

"Sira!" Tumawa siya at bahagyang hinawi ang mukha ko.

Umayos ako ng upo. "May naisip ako. Naiisip mo ba ang naiisip ko?"

"Sira, siyempre hindi," natatawa niyang sabi.

"Naisip ko . . . kasi malungkot kyung kwento ni Lion, bakit kaya hindi natin siya gawan ng happy ending?"

Tumango siya at ngumiti. "Gusto ko 'yan. Para kapag napadaan ulit ako sa Lion's Head, positive thoughts na lang. Matalino ka rin 'no, tanga lang sa pag-ibig."

Hindi ko alam kung matutuwa ako sa complement niya. Ipatumba ko na kaya 'to? Joke.

"Ha-ha!" sarcastic kong pagtawa, "Ikaw nga diyan valedictorian pa no'ng high school pero para rin namang si Lion."

"Grabe siya." Napakunot ang noo niya. "Ang sakit no'n ha."

"Sorry. Binibiro lang kita," paliwanag ko sabay nguso na parang nagpapaawa.

"Wala 'yun." Tumawa siya "Binibiro lang din naman kita."

"Pero sorry talaga. Medyo feeling close kasi mga birahan ko."

"Close na naman tayo, 'di ba?"

Ngumiti ako at tumango.

"Balik tayo do'n sa idea mo. Ganito ang gusto kong ending. Na-realize ng magandang babae na mahal niya pala si Lion kaya . . ." Sandali siyang tumigil at nag-isip, pagkatapos sinabi niya nang masigla, "kaya sinundan niya ito sa gubat."

Nakapangalumbaba kong sinabi, "Huwag na nating paasahin pa si Lion, pwede? Ikaw ba, umaasa ka ba talaga na babalikan ka pa niya?"

Naging seryoso ulit yung tone ng boses niya, "Ikaw ba, gusto mo bang balikan ka niya?"

"Di ba tinatanong mo ako kanina tungkol sa pag mu-move on. Acceptance. Nang tinanggap ko na iniwan niya na ko at na masaya na siya sa buhay niya ngayon, noon ako nagsimulang maging okay. Unti-unti, pero malaking tulong na nagising ako sa realidad."

Ilang saglit siyang tumahimik. Yumuko siya at tumingin sa 'di niya pa nauubos na turon. Kung may mga mata lang din siguro ang turon sasabihan siya ng Ano na? Matutulala ka na lang ba diyan?

Mayamaya, muli niyang iniangat ang tingin niya sa akon. Ngumiti siya na para bang may mas maganda na siyang naisip na happy ending para kay Lion.

"Sige ganito lang . . . bumalik sa gubat ang leon. Doon unti-unting tumubo ulit ang kanyang mga kuko at ngipin. Tumubo ang mga iyon at naging mas matitibay pa kumpara sa dati."

Nagngitian ulit kami. Nagtinginan. Mas matagal. Mga seven seconds.