webnovel

TIL DEATH DO US PART

Migra_B · ファンタジー
レビュー数が足りません
3 Chs

Chapter 2

Second Death

Justin's Point of View

Napakamot ako sa tungki ng ilong ko bago ko siya hinawakan sa pulsohan niya.

"Tara!" hinila ko siya papunta sa kotse ko. Mabuti nalang na ihatid ko siya sa bahay nila kaysa manggulo siya dito ng parang baliw. Baka natuluyan na 'to kaka-aral! Study first nga siya e, bago ang gwapong katulad ko! Mukha ba akong distraction?! Shutangina! Isa akong magiting na attraction! Tourist spot man!

"Saan mo ako dadalhin?!" inis na sigaw nanaman niya habang nagpupumiglas. Mas hinigpitan ko ang hawak sa kanya. Wala akong paki kung nasasaktan siya.

"Dadalhin kita sa mental hospital!" pikon sigaw ko rin. Parang hindi siya yung babaeng niligawan ko kakasigaw niya ngayong araw na 'to na para bang hindi papatalo. Sa pagkakatanda ko, dalagang pilipina 'yon e! Mahinhin pa sa pusa.

Pinagbuksan ko siya ng shotgun seat at pabatong ipasok 'don. Pabagsak ko 'rin na sinara 'yon at mabilis na pumasok sa driver's seat pero siniguro kong hindi siya masasaktan physically. Niligawan ko pa 'rin naman 'to 'no!

"A-ano ba?!"

"Shut up! Ia-admit kita sa mental hospital! Tangina!"

"Baka ikaw pa ang i-admit 'don at hindi ako!" ang sama ng tingin niya sa guwapong ako. Hanggang ngayon ang labo pa 'rin ng mata!

"Putang-ina naman kasi!" inis akong napahampas sa steering wheel. Napapitlag siya.

"Ano nanaman bang pakulo 'to ha?! Pwede ba!!! Tigilan mo 'ko!" Nanlilisik ang mata kong tumingin sa kanya. Baka trip nanaman ako nito dahil tinigilan ko na siya. Ilang buwan na 'rin ang nakalilipas.

Walang emosyon siyang nakatingin saakin. Kanina pa ako naiinis sa kanya dahil para siyang tangang kausap. Kung ano anong weird ang sinasabi niya. Parang ang sarap totohanin 'yung sinabing dadalhin ko siya sa mental eh.

"Unang una, hindi ako ang nagconfront sa ating dalawa." Kulang nalang umapoy na ang mga mata niya.

"Ano bang nangyayari sa'yo?! Are you even aware that I almost hit you with my car?—"

"Yes! I'm aware! But I didn't care at all! Hindi ako nagpapakamatay kung 'yan ang iniisip mo! Paano ako magpapakamatay kung kaluluwa nalang ako!" she shouted in front of my face.

Napatanga ako sa sinabi niya. Kaluluwa amp!! Gusto kong matawa sa sinabi niya pero seryoso lang siya. Walang halong biro ng sinabi niya 'yon saakin. Parang pang—wattpad lang ang acting ah?

"Watch me!" lumabas siya sa kotse ko. Sinundaan ko ng tingin kung saan siya pupunta. Akala ko kasi mag-wawalk out na. Naglakad siya sa gitna ng kalsada. Tumingin ako kung saan siya nakatingin at may pick up car na paparating.

Nataranta ako. Tangina. Baliw na talaga 'tong babaeng 'to. Tingin naman niya tatagos siya 'don sa kotse?!

"Shit, Migra!"

Mabilis akong lumabas sa kotse ko. Mabilis ko akong tumawid sa kung nasaan siya at mabilis ko siyang hinagip kasama ng katawan ko papaiwas doon sa makakasagasa saaming kotse.

Pareho kaming lumagapak sa sahig. Pumaibabaw ang katawan ko sa kanya. Mabuti nalang at naalalayan ko ang likod ng ulo niya. Nagtama ang paningin naming dalawa na parehong nanlalaki dahil sa gulat at sa... posisyon namin.

Ilang minuto ang lumipas ay tumayo na ako. Marahas ko siyang hinatak patayo.

"Diyan ka na nga!" sabi ko. Nagsimula na akong naglakad pabalik sa kotse ko. Hindi niya ako pinigilan. Hindi niya rin ako sinundan kaya nakahinga ako ng maluwag.

Hindi mo 'ko maloloko.

Iminane-obra ko ang kotse ko ng walang habas pero nagulat ako ng tumakbo siya papunta sa kotse ko. Ang bilis niyang tumakbo na halos hindi na siya mahagip ng paningin ko. Para siyang hangin. Sinalubong niya ang kotse ko at huli na para apakan ko ang break.

Kingina. Nakasagasa na nga ako ng tao!

Agad na sinalakay ng kaba ang dibdib ko. No. No. No. Not Migra. Not her. Shit.

No!

"Ano? Tumagos lang ako."

Biglang may nagsalita sa gilid ko. Nakatulala lang pala ako sa manibela ko dahil sa sobrang kaba na sumalakay sa dibdib ko. No. No. Hindi ako makahinga ng maayos dahil sa kaba ko at sa kaisipang nakasagasa ako or worse—nakapatay.

Unti unti akong lumingon sa gilid ko which is sa shot gun seat.

Tangina!

Napalunok ako. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng dugo sa katawan.

"P-p-paan-no k-ka napunta d-diyan?!!" pinilit kong itinaas ang boses ko, pero hindi ko nagawa. Nanginig ang buong katawan ko at pakiramdam ko ay namamawis na ako ng husto.

Shit. Ang bilis niyang humiwalay sa katawan niya. N-Napatay ko siya?!

"Kaluluwa na nga lang ako." Buntong hininga niya.

Mas lalo akong napalunok ng mas malalim.

"AAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!" Napasigaw ako sa takot.

Oo.

Sigaw ko 'yan. Shit! Kahit sino naman mapapasigaw ng di-oras kung nasa-posisyon ko na. Ano ba 'to? What the fuck is happening?!

Migra shit! Siguradong hindi ako nagda-drugs para mag hallucinate ng ganito katindi. Shit shit shit!

"Wag ka ngang sumigaw! Para kang bakla!" awat niya saakin. Nanlalaki ang mata kong tumingin sa kanya. Nanatili akong nakanga-nga kahit hindi na ako nakasigaw. Ang bilis ng tibok ng puso ko habang nakatingin sa kanya. Please tell me, this is just a nightmare!

"P-p-paano k-ka n-n-napunta d-diyan?!" sigaw ko sa kanya ulit. Halata sa boses ko na kahit nakasigaw ay halatang nagmamatapang lang ako. Nanginginig pa 'yung boses ko, kasabay ng unti unting pagtagaktak ng pawis mula sa noo ko.

"Paulit-ulit ka ng tanong! Multo nga ako eh! Kaluluwa! Espiritu!" bulyaw niya saakin, with hand gestures pa na parang siya pa ang frustrated na frustrated sa aming dalawa. Hah! Siya pa ang may ganang mafrustrate? Diba dapat ako kasi ako yung...damn!

"M-multo k-ka?" kanda-utal parin ako.

In Jesus name.

In Jesus name!

Umalis kayo mga masasamang espirito!

In Jesus name!

"Oo nga! Ang kulit mo!"

"W-wag m-mong sabihing n-n-napatay k-kita?!" napasabunot ako sa buhok ko at napasandal ako.

In Jesus name!

Umalis kayo mga masasamang espirito!

"Paulit-ulit ka ng tanong! Kanina ka pa!" inis niya.

"So, sa ating dalawa ikaw pa ang naiirita, ikaw pa 'yung naiinis?!" masama akong tumingin sa kanya.

"Oo kahit kaluluwang katulad ko maiirita nalang sa kakatanong mo eh! Duwag!"

Oh God! Demonyo 'to! Demonyo! Hindi ito si Migra!

"ANONG SABI MO?!"

"SABI KO DUWAG KA! DUWAG!!"

"Aba't!" Napayukom ako ng kamao ko. Kung hindi lang 'to babae makakatikim 'to sakin eh.

"Nakakainis ka kasi eh!" sigaw niya ulit saakin at inirapan niya ako.

"Wow!" I said with full of emotions and sarcasm pa! Puta.

"Kamusta naman ako, diba? Nananahimik akong nagdadrive pauwi para makapag-review para sa exam ko bukas tapos may bigla biglang lilitaw sa harap ko na muntik ko nang masagasaan which happened to be spirit! Aba'y edi wow!"

Nawala nga 'yung takot ko, bumalik naman 'yung inis at pagkairita ko! Tsk!

"Arte mo! Kamusta naman akong nagising nalang sa kung saan na walang maalalang kahit ano! Tapos malalaman kong kaluluwa lang ako! Aba'y edi wow din!"

In Jesus name.

In Jesus name!

Hindi ko na siya sinagot at nakipag-sukatan nalang ng tingin sa kanya ng masamang tingin! Nakakapagod makipagtalo sa babaeng 'to. Hindi papatalo e. Ako ang unang umiwas ng tingin at hinawakan ang maibela ng kotse ko. Kunot noo akong nakatingin sa harap.

"Anong paangalan mo?" bigla siyang nagsalita.

Hindi siya si Migra. Hindi niya ako nakikilala.

"Tss."

"Dali na. Arte nito! Bakla!"

"Anong sabi mo?!"

"Bakla!"

"Shut up!"

Walastik din itong demonyo na ito!

"Ehhh. Ano kasing name mo? Ikaw lang kaya nakaka-kita sakin!" para siyang bata nang sinabi niya 'yan.

"Ba't gusto mong alamin? Close tayo?"

"Magiging..." she quoted her hands in the air. "Magiging close tayo." Dugtong niya.

Tinasan ko siya ng kilay. "Ang feeling."

She leaned closer to me. Nagulat ako sa ginawa niya kaya nilingon ko siya. She's smiling at me. "Tutulungan mo ako eh."

Halos maduling na ako habang magkatinginan kami sa isa't isa. Tangina. Utang na loob, wag mo kong sapian!

"Tulungan?" angas ah. Kinopya mo na nga mukha ni Migra! Tutulungan pa kita?!

"Yeap. Since you're the only one who sees me, then you're the one who have the obligation to help me." She smiled sweetly, while quoting the word 'HAVE' again. Pakiramdam ko mas lalo akong pinagpapawisan nang ngumiti siya. Tsk! Puta naman. Pwede bang umuwi na ako? "Tulungan mo akong hanapin 'yung katawan ko."

The "Ghost's" Point of view

Sa isang linggong pagpapalaboy-laboy ko simula ng magising ako sa isang gubat ay hindi ko ine-expect na may makakakita saakin kahit isa. Kaluluwa nalang naman kasi ako, at dahil akala ko ay kaluluwa nalang ako, ay wala ng makakakita sakin kahit sino. Wala 'rin akong matandaang kahit ano.

Akala ko tuloy forever na akong magpapalakad lakad at magpapalaboy laboy sa kung saan saan.

Tapos pag humangin pa, kung saan saan ako dinadala ng hangin. Kainis.

Pero thank you sa hangin, nasa side walk ako ng highway ng biglang humangin ng malakas. Alam kong sa kung saan na naman ako mapupunta. And to my surpise, someone saw me. Malay ko bang may- makakakakita pa saakin. Hindi na ako nag-abalang tumabi at maglalakad sa gitna kasi nga tatagos lang naman ako!

Eto pa ang nakakainis! 'Yung taong nakakita saakin ay isang cussing machine! Palagi nalang nag mumura at nasigaw na akala mo, bingi kausap! Eh sa katotohanan ay mabibingi ang kausap kakasigaw niya! Mukha pa siyang ipinanganak ng may sama ng loob! Nakakainis!

"What?"

"Tulungan mo akong hanapin ang katawan ko." Pag uulit ko sa sinabi ko kanina.

"Are you nuts!?" tanong nito saakin ng naka-angil. Sinimangutan ko siya. Kalma lang self!

"I'm a ghost!"

"Ghost your ass! Hindi ka isang multo kundi isa kang kaluluwa slash, demonsyo na dineploy ni satanas sa hindi ko malaman kadahilanan!"

"Ang kapal ng mukha mo!" kung pwede lang umusok ang ilong ko ay nangyari na siguro.

"Dadalhin nalang kita sa albularyo."

Bumalik nalang ako sa pagkakasandal sa inuupuan ko. I crossed my arms. "Ang sama ng ugali mo!"

"Bakla ka! Duwag duwag! Masamang ugali!" Monster. Monster. Monster!

"Shut up, demon!" hindi na ako nakapagpigil at sinabunutan ko siya.

"Hindi ako demonyo, hinayupak ka!" Asar ko sa kanya

Inis niyang tinanggal ang kamay kong naka-kapit sa buhok niya. "Oh, lagyan ko ng konting class, ligaw na kaluluwa!"

Bwisit!!!! "Bakla bakla bakla! Duwag!!! Walang bayag!"

"I said I'm not fucking gay!" halos mapasuntok siya sa steering wheel. Hahaha! Pikon.

"If you're not, then help me to find my body!" hamon ko sa kanya. Desperada na ako. Lalo na't may tao pa palang nakakakita saakin.

"Get out of my sight! Hindi ako tutulong ng isang class na kawatan ni Satanas!" Sagot niya na para bang finalize na ang sagot niya at wala ng makakapigil sa kanya. Nakaramdam tuloy ako ng lungkot dahil sa sagot niya.

Sino nang tutulong saakin? Siya lang kaya nakakakita saakin.

"Sabi ng hindi ako demonyo o kawatan eh!"

"Get out!"

"Pleaseeeeee, ikaw lang ang makakatulong sakin--" I pleaded like a kid but he cut me off.

"In Jesus name. In Jesus name! Umalis kayo mga masasamang espirito! In Jesus name!"

Napanganga ako sa pinagsasabi niya. So, he really thinks that I'm a ghost, worst a demon?!

"Umalis ka na bago pa ako maglabas ng holy water dito!"

Mas lalo akong nakaramdam ng lungkot sa sinabi niya. He's my only hope. Siya lang ang nakakakita saakin at siya lang ang may kakayahang tumulong saakin. Ang sama niya nga. Akala ko masungit lang siya. 'yun pala masama talaga ang ugali niya. Literal na monster siya. Hindi manlang ba siya naawa sakin?

"Hindi ako demonyo. Hindi ka ba naawa sakin—"

"Baba."

"Monster—" sinubukan kong hawakan siyaa sa balikat pero hindi niya 'yon pinahintulutan.

"BABA!" sigaw niya, kaya wala akong nagawa kung hindi ang bumaba, pero bago 'yon...

"Ikaw ang demonyo! Letche ka!"

'Yun ang huling sinabi ko sa kanya bago ako tumagos sa pintuan ng kotse niya. Simula ng mahawakan niya ako kanina sa balikat ay nagsimula na rin akong makaramdam sa sarili ko. Kaya nararamdaman ko na nag-iinit na ang sulok ng mga mata ko, kung possible man 'yon sa isang tulad ko. Hanggang makalabas ako ng kotse, at hanggang sa pinaharurot niya ang kotse niya paalis.

Kusang tumulo ang luha sa mga mata ko.

Sinundan ko ng tingin ang kotse niya hanggang sa mawala 'yon sa paningin ko. Napaupo ako sa daan.

I thought he'd help me, but he's a monster so, he didn't. 

***