webnovel

TIL DEATH DO US PART

Migra_B · ファンタジー
レビュー数が足りません
3 Chs

Chapter 1

First Death

Justin's Point of View

"Class dismissed. You may now go."

Nag-unat unat muna ako at naghikab. Hay salamat! Tapos na ang klase naming boring! Sinadya kong lakasan ang hikab ko para mabuwiset yung professor namin na nag-aayos ng gamit niya sa table. Nang mahimasmasan ako kinuha ko na 'yung gamit ko at inayos sa loob ng bag. Tumingin ako sa wrist watch ko. May two hours pa akong vacant. Tapos na ang klase ko, pero may practice kami ng basketball mga thirty minutes before na. Kailangan kong pumunta doon kahit tinatamad ako dahil ako nga ang team Captain.

Ako ang MVP. Ako ang pag-asa ng team at ng pride ng university dahil gwapo ako.

Pagkalabas ko ng classroom ay halos mapa-atras ako dahil may babaeng naka-tayo sa hamba ng pintuan. Sinuyod ko ito ng tingin. From looooooong creamy legs, up to tiny waist up to well... boobs. Yeah. Boobs! Oh, my favorite kind of pillow!

"Hi."

Nakangiti ito ng nakaka-akit saakin, at bahagyang nakabuka ang mga labi niya. Pinasadahan ko muna siya ng tingin ulit.

Pwede na.

Ngumiti ako. "Hey." Kumindat ako at sinipat ulit siya ng tingin.

"Mind to join in Lunch, babe?" tanong niya saakin. Tumango ako at napangisi sa isip-isip ko.

You're my lunch of the day honey...

"Sure." Tumango ako. Lumawak ang pagkaka-ngiti nito. I must say that she's not ugly. Maitsura siya, actually. Pero lahat naman ng tao ay may itsura, walang pangit, so... alam na.

When I say pwede na, mapagtyatyagaan kumbaga. Lumapit siya saakin, at ikinawit niya ang kamay niya sa braso ko, pero ang paghawak niyang 'yon ay may kasamang kakaibang hagod. Inakbayan ko siya at hinawakan ko siya sa bewang niya. Unti-unti kong itinaas ang kamay ko... at pumisil.

Pero halos mapamura ako.

Wala akong mapisil kung hindi 'yung foam ng bra niya.

Napakamot nalang ako sa kilay ko ng madiin. Parang mali ang desisyon kong pumayag dito sa babaeng to na makipag-kainan ng Lunch, dahil alam kong hindi ako masasatisfy. Pero alangan namang tanggihan ko 'to diba? Baka umatungal ng iyak 'to at magbigti dahil tinanggihan siya ng gwapong katulad ko. Baka multuhin pa ako ng kaluluwa niyang maputi ang mukha niya at nagkalat ang eyeliner niya. Mag-tyatyaga nalang ako!

Dinala ko siya sa parking lot, at pinapasok siya sa kotse ko. Umikot ako papunta sa driver's seat at hinanda ang sarili ko para magdrive. Ipapasok ko pa lang sana sa keyhole ng kotse ko yung susi pero pinigilan ako ni...

Ano nga ba pangalan nito ulit?

Napaisip ako. Basta yun 'yon.

Unti-unting umangat ang kamay niya...Este—bumaba. Bumaba papunta sa pantalon ko. Sa gitna. Sa alam niyo na! Bigla akong nakaramdam ng init sa katawan ko. Napatingin ako sa kanya at saktong tumama ang halik niya sa leeg ko. Wow! Pawer! Aggressive si Mayora!

Hindi na ako naka-tiis pa at ini-angat ko na ang mukha niya at marahas ko siyang hinalikan sa labi. Pag ganito talaga nagiging wild ako. May tatlong klase kasi ako kung paano ako makipag-torjok. Isa para sa mga marunong. Hindi yun wild. Tama lang. Isa ay para sa mga inosente. Mga baguhan pa lang. Di marunong kaya kailangang i-guide at turuan pa, at ang pang-huli ay ang para sa mga wild na gustong gusto ko.

Rock n' Roll.

Isa isang natanggal ang mga damit namin. Inuna niya ang t-shirt ko. Unti unti niya 'yong itinaas hanggang sa nararamdaman ko nalang na kinakapa na niya ang anim kong pandesal. Isinandal ko siya sa bintana ng kotse ko sa backseat. Kung paano kami nakapunta dito sa backseat? Iisa lang ang sagot diyan.

We are young, wild, and free.

"J-justin..."

I pinned her wrists to the glass window. Unti-unting gumapang ang kamay ko mula sa tyan niya paakyat sa dibdib niya. Inilusot ko ang kamay ko sa ilalim ng bra niya at pumisil doon. And to my dismay... it was just nipples. Pakitang dibdib lang yung bra niyang cup C ata. Humiwalay ako sa halik.

***

After a few minutes of doing it, pareho kaming nakasandal dito sa back seat ng Mazda ko. Tanging underwears lang ang suot ko. Tumingin ako sa katabi kong patapos na magbihis. Gulo gulo ang itim nitong buhok kaya napa-iling nalang ako. Ikaw ba naman ang baliwin sa sarap ng isang Lance Justin Alazar 'di ba?

*Phone rings*

Tinignan ko ang phone ko na nagriring sa dash board. Malutong akong napamura nang mapagtanto ko kung anong oras na. Napakalayo ng parking lot sa Gymnasium. Paniguradong late na ako! Shit! When it comes to sex, nakakalimutan ko talaga ang mundo ko! Shit talaga!

Tangina! Malas.

Hindi ko na sinagot 'yung tawag. Basta ko nalang pinatay 'yon. Mas matataranta ako pag sinagot ko 'yung tawag. Kailangan ko ng maka-takas sa babaeng 'to!

"Babe, maybe we can have our round two at the hotel nearby." Sabi nung babae sakin.

"May practice pa ako sa basketball game." Sagot ko.

"But babe, you're a good player naman na. Team Captain ka na, MVP ka pa." She said in a seducing voice. Hinimas niya ang baba ko. Halos mapangisi ako sa harap niya. Bumaba ang tingin ko sa dibdib niya. Gusto kong mapahilamos sa mukha.

---

Lakad takbo ang ginawa ko papunta sa gym. Hindi pa ako naka-suot ng jersey ko kaya mas lalong nakadagdag sa pagkalate ko ang pagbibihis ko. Uminom muna ako ng tubig bago tuluyang pumasok sa Gym. Nasa gitna ng court si Coach at busy sa training sa team. Malapit na ang Intramurals ng campus namin kaya kailangang mag-practice kami dahil may laban kami sa iba't ibang school.

"Coach!" tawag ko. Lumingon ito saakin. Napahinto ang team sa paglalaro at naghiyawan sila.

"Pre! You saved us! Kanina pa kami pinag-iinitan ni Coach! Ang tagal mo!" sigaw ng ka-team kong isa. Inirapan ko nalang ito at hindi na sinagot. Tumingin ako kay Coach na papalapit saakin, at nang tuluyan siyang lumapit ay kinotongan niya ako.

"Naturingan kang team Captain pero napaka-suki ka ng late! Alazar, umayos ka!"

Hindi pa ako nakakapag salita ng mag salita nanaman siya. "10 laps! At 100 curl ups! Bilis!" Nanlaki ang mga mata ko. Tanginang 'yan! Malas talaga nung babaeng flat na 'yon! Panira ng araw!

"Coach naman! Practice na tayo! May review pa ako mamaya sa bahay!"

Akmang kokotongan nanamn ako ni Coach pero naka-layo na ako. "Kasalanan ko bang inuuna mo yang libog mo?!" tanong niya. Hindi na ako sumagot. Sabi ko nga, gagawin ko na! Nakakapagod ang 10 laps! Pero ayos na rin! Para manganak na abs ko at maging sampu na sila!

"Tawagan ko lang yung mga ka-group study ko, Coach." Tinanguan niya ako. Pumunta muna ako sa bleachers para tawagan yung tropa ko. May finals kami bukas at kailangan naming mag-review para doon dahil gwapo ako at studious ako bukod sa pagiging sporty...pero mukhang hindi ko magagawang magreview dahil sa kamalasang nangyari saakin ngayong araw na 'to!

Nang matapos kong tawagan ay inumpisahan ko na ang parusa ko. Alam kong male-late ako sa group study namin... at hindi ko alam na lingid sa kaalaman ko na may bagay na mangyayari saakin ngayong araw na 'to.

Mas malas pa sa malas.

Nga ba?

***

Pagkatapos ng practice namin ay hindi na ako nag-abala pang mag-bihis at diresto na akong umuwi kaagad. Naka-on ang FM radio ko, at kung mamalasin ka nga naman sa kanta, STAY by ZEDD pa ang natapat. Hindi ko din alam sa sarili ko kung bakit hindi ko na pinatay 'yung Radio.

Waiting for the time to pass you by

Hopes the winds of change will change your mind

I could give you a thousand reasons why

And I know you, and you've got to

Diretso ang tingin ko sa daan habang nakikinig ng kanta. Nag-iisang taong nagpapa-alala sakin na kayang magseryoso ng isang babaerong tulad ko. At possible din na masaktan ang tulad ko. Dahil sa kanya. Nang huminto ang stop light ay napasandal ako sa upuan, at sandaling napa-pikit. Alangya, ramdam na ramdam ko ang pagod na dala ng ilang oras na practice. Pakiramdam ko, hindi ko na kayang mag-review pa. Nakakapagod.

*Phone rings*

Nag-go na ang stop light, tsaka ko sinagot ang tawag. Hindi ko na tinignan kung sino ang caller dahil alam kong yung mga kasama ko sa review lang yon.

"Problema mo?" bungad ko. Nakarinig ako ng tawanan sa kabilang linya. Napa-irap nalang ako habang nagmamaneho.

"Tanginang 'to. Ang init ng ulo. Asan ka na ba?" tanong niya.

"Andiyan na. Papasok na ako ng subdivision." sagot ko at lumiko na ako papasok sa subdivision namin. Napabuntong hininga ako. Sa wakas.

"Ayos! Dalian mo brad!"

Pinatay ko na ang tawag. Inihagis ko sa dash board ang cellphone ko, at patuloy na nag-sound trip. Tangina. Nakakagutom.

Make it on your own, but we don't have to grow up

We can stay forever young

Living on my sofa, drinking rum and cola

Underneath the rising sun

"I could give you a thousand reasons why..." napangisi akong sumabay sa kanta. Shit na 'yan. Sumaludo saakin si manong guard kaya tumango ako at bahagyang ngumiti. Nagpatuloy ako sa kanta habang nakatingin ng diretso. Kitang kita dito ang papalubog na sinag ng araw.

"But you're going, and you know that...All you have to do is st—"

SCREEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEECH!

A minute just take your time

The clock is ticking so stay...

Mabilis kong inapakan ang breaks kaya halos mauntog ako sa sarili kong manibela nang may makita akong babae sa gitna ng kalsada na muntik ko ng masagasaan. Putangina! Saan nanggaling 'yon? Wala naman akong nakita kanina na naglalakad 'don! Bigla nalang lumilitaw.

All you have to do is wait a second

Your hands on mine

Pasilip kong ibinalik ko 'yung tingin ko sa harapan at napataas ang kilay ko ng makita kong parang wala lang 'dun sa babaeng 'yon na muntik ko na siyang masagasaan. Nakayuko lang siyang naglalakad habang natatakpan ng buhok niya 'yung mukha niya sapat na para hindi ko makita, pero pamilyar.

The clock is ticking, so stay

All you have to do is wait a second

Your hands on mine

The clock is ticking, so stay

"What the actual fuck..." nasambit ko nalang at napa-nganga habang bumaling ang ulo ko para sundan ng tingin yung babaeng muntik ko ng masagasaan na naglalakad ng parang wala lang.

What the fuck?

Ilang minuto ako nakatulala bago makabawi. Inis akong bumaba sa kotse ko. Parang tanga lang 'yung babae dahil sa gitna siya ng kalsada naglalakad. As in sa gitna talaga! Nagpapakamatay na ata 'to! Aba! Kung magpapakamatay siya, duon siya sa building hindi 'yung magpapasagasa siya!

Bakit? Pag natuluyan ba siya, masasabi o may makakapagsabi bang nagpakamatay siya para lang hindi makulong 'yung nakasagasa sa kanya? Powtah!

"HOY! NAGPAPAKAMATAY KA BA?!" Inis na sigaw ko ilang distansya nalang mula sa kanya.

Nakadagdag ng inis ko 'yung tuloy tuloy lang siyang naglalakad at hindi manlang ako nilingon. Bingi ba 'to?!

"HOY!" Nilapitan ko siya. Hinawakan ko siya sa balikat at iniharap saakin.

"Anak ng put—" sa isip ko na naituloy ang mura ko nang makita ko kung sino ang babaeng muntik ko ng masagasaan. Ilang segundo ako bago nakapagsalita dahil nanatili akong naka-titig sa mukha niya. Habang siya ay halos na lumuluwa na ang mga mata niya sa gulat habang nakatingin saakin. "A-anong..."

Pakiramdam ko may demonyong sumapi saakin. "Sawa ka na ba sa buhay mo?! Pwede ba kung nagpapakamatay ka wag mo kong idamay! May pangarap pa ako sa buhay ko!" sigaw ko sa mukha niya. Nakatingin lang siya at hindi kumukurap.

Anak ng!

Hinawakan ko 'yung magkabilang balikat niya at inalog 'yon. "Magsalita kaaaa!"

Kumurap siya. Mabagal...at tatlong beses lang yon bago siya nagsalita. "Are you t-talking t-to me?"

Huh?

"Nakikita mo ako?" nakaturo pa siya sa sarili niya.

Anak ng tokwa!

"Malamang naman! Nakikita kita—"

"Nahahawakan mo ako?!" halata parin sa kanya ang pagkagulat. Tinignan niya yung magkabilang balikat niya. Mas nagulat pa nga siya sa sinabi ko. Parang kung shock na siya kanina, mas nadagdagan pa 'yung shock niya habang tinitignan niya 'yung kamay kong nasa balikat niya.

"K-kilala mo ba ako? Nakikita mo talaga ako?!" tanong niya sakin sabay turo sa sarili niya ulit.

"BALIW KA BA?!" naisigaw ko nalang sa mukha niya.

Tangina. Nag-iinit na talaga ang ulo ko! Una, Flat 'yung babaeng naikama ko. Pangalawa, naparusahan ako ng coach namin dahil late ako. Pangatlo, muntik na akong maka-sagasa. At pang-apat...she's my former soon to be girlfriend sana.

"Sagutin mo nalang 'yung tanong ko!" sigaw niya saakin. Aba't! Sinisigawan niya ako?! Siya pa talaga ang sumigaw ha! Matapos mo akong bastedin?!

"Sagutin mo muna 'yung tanong ko! Baliw ka ba?!!!" mas nilakasan ko 'yung sigaw ko.

"Hindi ako baliw! Kaya nga tinatanong kita kung nakikita mo ako—" Kung malakas na ang boses ko ay mas malakas pa ang boses niya saakin. Mas isinigaw niya pa. Anak ng?!

"Oo! Nakikita kita! Malamang! Bakit, multo ka ba para ako lang ang makakita sa'yo?!" inis na tanong ko. Nanggagalaiti ako! Nagulat nalang ako ng makita kong may tumulong luha sa mga mata niya kahit sobrang sama ng tingin niya saakin.

"Oo. Tangina mo! Kaluluwa ako! Kaya nga tinatanong ko kung nakikita at nahahawakan mo ako!"