webnovel

THIS NERD IS MY DREAM GIRL (Completed Novel)

SI NERD - isang unpopular, weird, chaka pero matalino. Yun nga lang, madalas siyang binubully ng mga kapwa niya estudyante dahil sa pagiging nerd niya. But still, she's lucky for having her friends that always saves her day. SI HEARTTHROB - sikat, guwapo, mayaman, habulin ng mga babae, star player pero hindi masyadong matalino. In short, nasa kanya na ang lahat. But still, he's waiting for a girl he loves for many years. Ngunit paano na lang kung malaman nilang pareho ang sikreto ng bawat isa? Is there a complication between them? O mabubuo kayang pagtitinginan?

JhaeAnn_16 · 若者
レビュー数が足りません
81 Chs

CHAPTER FIFTY FIVE

(De Vega Group of Companies, morning)

(Vivian's POV)

PAGPASOK ko sa opisina ko ay agad akong naupo sa swivel chair. May nakita akong diyaryo sa mesang katabi ng swivel chair na inuupuan ko. Kinuha ko iyon at binasa.

- DE VEGA CLAN IS IN THE PERIL. ONE OF THEIR HOTELS TURN INTO ASHES - ang nakita ko sa headline ng diyaryo.

Napikon ako sa nabasa ko kung kaya naman pabalabag kong itinapon ang diyaryo sa basurahan.

Ba't ba kasi hindi pa rin mamatay-matay ang issue na yan? Kaya tuloy napapasama na ang imahe ko sa mga kaibigan ko eh! Kasi napaghihinalaan na nilang naghihirap kami!

Well, para sabihin ko sa kanila, mayaman ang asawa ko at isang hotel lang namin yung nasunog kung kaya naman hindi kami basta-basta maghihirap! At hinding-hindi mangyayari yun!

Natigil lang ako sa mga pinag-iiisip ko nang makita kong pumasok ang secretary ko sa loob. At napansin kong may dala siyang kulay pulang box.

"Ano yang dala mo, Nida?" tanong ko sa kanya sabay turo ko sa box.

"Para po sa inyo 'to, Ma'am." sabi niya sabay patong niya ng box sa mesa ko.

"Kanino galing 'to?" tanong ko pa.

"Wala pong nakalagay na pangalan o address sa box na 'to." sabi pa ni Nida.

"Salamat. Sige na, makakaalis ka na."

Umalis na agad ang secretary ko.

Binuksan ko ang regalo ngunit laking gulat ko nang tumambad sa akin ang namantsahang damit ng isang lalaki na naninigas na dahil sa dami ng dugo. Biglang nanindig ang balahibo ko sabay tapon ko ng box na yun sa basurahan. At saktong pagkatapon ko ng box ay napansin kong may nagkalat na mga litrato. Pinulot ko iyon at halos manindig na ang balahibo ko sa sobrang pagkagulat...

Dahil picture ni Elbertson ang mga yun.

"AAAAAH!!!" ang tarantang tili ko sabay tapon ko ng box na yun sa basurahan. Nanginginig akong napaupo sa swivel chair sabay inom ko sa wine na kasasalin ko pa lang sa goblet.

"Imposible. Imposibleng buhay ka pa, Elbertson. Imposible." ang paulit-ulit na sabi ko habang pilit kong pinapakalma ang sarili ko.

Hanggang sa biglang nag-ring ang cellphone ko.

"Baka si Jack ang nag-text." sabi ko sabay tingin ko sa text message. Ngunit mas lalo akong natakot sa text message ng isang unknown number.

- Vivian, nagustuhan mo ba ang regalo ko sayo? It reminds you of your sin. Elbertson. -

"HAYUP KA TALAGAAAA!" sabay tapon ko ng cellphone sa sahig.

"Are you okay, Vivian?" tanong ni Albert na kanina pang nasa pinto at nakatingin sa akin.

"A-Albert?!" ang halos manginig ko nang sabi. "K-kanina ka pa ba dyan?"

"Hindi, kakadaan ko pa lang dito." sabay lapit niya sa akin. "Okay ka lang ba?" sabay tapik niya sa likod ko.

"Okay lang ako. Sadyang nagulat lang ako." sabi ko habang pilit kong pinapakalma ang sarili ko.

"Are you sure, Vivian?"

"Yes. Wag mo akong alalahanin. Ba't nga pala naparito ka?" tanong ko sa kanya.

"Kasi may sasabihin ako sayo. Magkakaroon ng corporate dinner sa Hotel McGrath and the same time, may maglalakad ng investment sa atin." ang nakangiting sabi ni Albert.

"Talaga? That's good! Sino naman yung magiging investor natin?"

"Remember Diana Lee? Arthur's girlfriend." sabi ni Albert.

"Yes! I'll remember her. Yung isa sa mga bisita sa party natin nung nakaraan." I said.

"Tama ka. So umuwi ka na muna sa bahay at ihanda mo na ang pinakamaganda mong damit. Aalis tayo mamayang hapon, okay." at hinalikan ako ni Albert sa pisngi bago siya lumabas ng opisina.

Nung wala na si Albert ay may tinawag akong janitor at iniutos kong itapon ang laman basurahan na yun sa labas, including that f*cking box. Kaagad na rin akong lumabas ng opisina.

(Versace/Casablanca Boutique, Makati)

(Esprit's POV)

ABALA ako sa pag-sha-shopping ng mga damit na ireregalo ko kay Satchel nang makita kong umilaw ang cellphone ko. Tinignan ko iyon.

- 1 unread message from Elbertson -

I opened the inbox.

- Miss Esprit, tagumpay ang plano natin. Natakot ko na naman si Vivian. -

I smiled evilly.

- Very good, Elbertson. Ipagpatuloy mo lang yan. Baliwin mo siya hanggang sa tuluyan na siyang mamatay sa takot. -

I send the message to him.

Pagkapamili ko ng mga damit ay dumiretso ako sa boutique ko na malapit lang sa binilihan kong boutique. Pagpasok ko sa loob ay namili ako ng pinakamagandang red fishtail gown na isusuot ko para sa pinaplano kong corporate dinner mamaya kung saan muli ko na namang makikita sina Albert at Vivian. Kasama ko si Arthur na pupunta sa hotel kung saan gagawin ang dinner na yun.

"Kailangan kong magpaganda ng husto para maisampal ko kay Vivian na ako lang ang nararapat na pagtuunan ng atensyon ng lahat...lalo na ni Albert." and I smiled very evilly habang hawak ko ang mamahaling silk fishtail gown na isusuot ko mamaya.

Sisiguruhin kong mapapasailalim na kayo sa mapaminsalang bitag ko...

Albert at Vivian.