webnovel

This Magnetic Attraction

Hindi pa man nakikilala ni Xander si Cassie, sira na ang karakter ng babae. Pinagdudahan ng kanyang ina na kerida ng stepfather ni Xander si Cassie. Kilalang femme fatale at golddigger si Cassie kaya kinasuklaman na ni Xander kahit hindi pa nakikita. At nang magkakilala sila, agad na dumiklap ang ningas ng atraksiyon sa pagitan nila. Pareho silang nasusunog sa apoy ng pagnanasa. Hanggang kailan kaya sila tutupukin...?

ecmendoza · 都市
レビュー数が足りません
12 Chs

Chapter Twelve

"POSITIVE, Mrs. Kyrios! You're pregnant. Almost three weeks pa lang kaya hindi pa makikita sa ultrasound. Come back to us next month."

Parang nakalutang sa ulap si Cassie. Pregnant…

Mrs. Kyrios. Aywan kung bakit iyon ang isinulat niyang apelyido sa form. Ngunit wala namang makakaalam kaya hinayaan na lang niya ang sariling kahibangan.

Pumara siya ng taxi paglabas sa klinika. Nasa parking lot pa ng company marahil ang kotse niya. Hindi niya alam. Nabubuhay siya sa panaginip.

Pero ngayon ay dapat na siyang bumalik sa realidad. Marami siyang dapat planuhin.

Hindi niya napuna ang kotseng itim na sumunod sa taksi.

*****

"WHAT? Nanggaling siya sa isang clinic? Inalam mo kung bakit?"

Palakad-lakad si Xander habang nagsasalita sa celfone.

"Pregnancy check-up. Positive?" Nang tumugon ang kausap, ini-off niya ang celfone at napaupo. Nanlambot ang mga tuhod niya.

Tumingin siya sa kaharap na bintanang salamin. Buntis na si Cassie! Mawawala na kaya siya sa akin?

Muling kumuriring ang celfone. Ang private detective uli.

"Sundan mo kung saan pupunta." Parang may humigop sa lakas niya.

Nandito na ang kasagutan niya. Iiwan na siya ni Cassie!

Saglit na nagtalo ang kalooban niya. Ang kanyang mama at stepfather ay mayroong ipagtatapat sa kanya. Nagsinungaling siya kay Cassie na kliyente ang kausap niya.

"Mama, postphone ang lunch date natin. Pakisabi kay Dad." Matapos sambitin ang maikling mensahe, sumakay na siya sa kotse.

Inalam niya uli ang kinaroroonan ni Cassie.

"Nandito ako sa tapat ng bahay niya, sir," anang private detective.

Pinaharurot niya ang sasakyan.

Sari-saring isipin ang nagsasalimbayan sa utak ni Xander.

Baka conceited lang siya. Paano siya nakasiguradong gusto ni Cassie ang magkaanak sa kanya? Paano kung namumuhi na ito sa kanya?

Nagtiimbagang siya nang magkabuhul-buhol ang trapik sa harapan niya. Isang trak na puno ng graba ang nasiraan. Nagmistulang pagong ang pag-usad ng mga sasakyan.

Dapithapon na nang makarating siya. Naiibsan ang frustration niya dahil sa regular na pagbabalita ng bantay sa labas ng bahay ni Cassie.

Kailangan pati niya ang kaunting panahon pa para mabawi ang katinuan. Isang nakakabiglang balita pala ang ipagtatapat ng mga magulang.

"Xander, sana ay hindi mo pa nagagawa ang sinasabi mo noon. Si Cassie Torres pala ay anak ni Jose!"

Paulit-ulit na pinakinggan ni Xander ang voice message ng Mama niya.

A, malaki ang kasalanan niya kay Cassie!

Wala pala siyang dapat na ipaghiganti.

Paghigantihan kaya siya ni Cassie?

Napahinto si Xander sa pagbaba sa kotse. Nanlulumong napahawak sa manibela.

Naalala niya ang video tape na ginamit sa pamba-blackmail sa babae. Hindi na niya kailangang gamitin uli iyon.

Sunud-sunuran si Cassie.

Wala na siyang mahihiling pa. Isang mapusok at mapanuksong kerida si Cassie. Kahit na anong oras at kahit saan, palagi itong mapagpaubaya.

Siya lang ang nagtitimpi kapag nasa pampublikong lugar sila. Ayaw niyang gawin ang mga bagay na katulad ng ipinaranas ng naging asawa ni Cassie.

Gusto niyang maiba sa lahat ng lalaki. Gusto niyang mapahanga ang babae sa pagiging masuyo at maginoo niya. Gusto niyang…

A, Xander, anong kabaliwan ang iniisip mo? Alam mong may taning na isang buwan ang relasyon ninyo.

Pero hindi pa siya nagsasawa.

Sumindi ang mga ilaw sa loob ng kabahayan. Nagdalawang-isip pa rin siya kung pupunta o hindi.

Kumuriring ang celfone niya. Si Cassie!

"Hello?" Tinugon niya agad.

"Xander! Um, p-pasensiya ka na. N-nandito ako sa bahay. N-nakatulog ako—n-nakauwi ka na ba?" Mabilis at halatang natataranta sa pagsasalita ang babae.

"Ssh. Don't worry, sweetheart. Nasa kotse pa rin ako."

"Oh." Tila nagkontrol sa sarili. Nang muling magsalita, kalmado na. "Pauwi na ako."

"Okey. Baka kasunod mo lang ako. Take care!" Pilit na pinasigla ang tono.

"Ingat ka rin. Bye!"

Magkasunuran nga lang sila. Sinundan niya ang sinakyang taxi ni Cassie.

Nang bumaba sa labas ng hotel ang babae, kinambatan ni Xander ang valet. Walang imik na iniabot ang susi habang ang mata ay nakatutok kay Cassie.

Minasdan niya ang babae mula sa di-kalayuan. Nakabestida ito. Nakalugay ang mahabang buhok. Hindi pa nga yata sinuklay. Lampas-tuhod ang laylayan, mataas ang kuwelyo at mahahaba ang mga manggas. Bitbit ang isang simpleng handbag.

Walang alahas ni isa. Wala ring bakas ng make-up. Tila talagang nagmamadali.

Nang pumasok sa elevator si Cassie, sumunod si Xander.

"Hi, sweetheart."

"Oh… Xander! K-kasunod lang pala kita?" Halatang nagulat ang babae. Namutla ito. Nanginig.

Gusto niyang hawakan ang isang kamay nito. Pisilin para kumalma. Ngunit natakot siyang hindi lang hawak ang magawa niya. Gusto niyang halikan ng buong pagkasabik ang mga labing nangangatal.

Takut na takot si Cassie. Kay Xander o sa naging asawa, si Ric?

Si Xander ang nagbukas ng pinto. Halos hindi makahakbang ang babae.

Hinawakan niya sa siko at, nang magdaiti ang kanilang mga balat, tuluyan na siyang tinangay ng mga emosyon.

Parang itutumba si Cassie ng hangin. Labis-labis ang pangangatal.

Walang imik na niyapos niya ito. Pinangko at kinandong nang maupo sa sopa. Hindi pa nakabukas ang mga ilaw sa loob. Tanging ang liwanag na nanggaling sa hardin ang iluminasyon.

Tahimik na sinuklay ng mga daliri niya ang buhok palayo sa mukha ng babae. Hinayaang mabasa ng luha ang balikat ng polo niya.

Niyuyugyog si Cassie ng mga hagulgol. Parang hindi matatapos. Ang mahahabang taon ng kalungkutan ay iniyakan din marahil.

Halos madurog ang puso ni Xander ngunit tanging ang masuyong paghagod sa likod ni Cassie ang magagawa niya.

Nang makatulog, dahan-dahang inihiga sa kama ang babae. May luha pa rin sa mga matang nakapikit.

Hinubaran niya ito ng bestida. Ang itinira ay ang bra at panty. Minasdan nang matagal ang mahabang pilat sa isang hita. Hindi pa niya alam kung saan nakuha ni Cassie ang pilat ngunit nahulaan niyang si Ric ang may gawa niyon.

Bumuntonghininga kapagkuwa'y kinumutan. Masuyong pinunasan ng panyo ang mga pisnging basa ng luha.

Nahiga si Xander sa ibabaw ng kama. Paharap kay Cassie.

Magdamag niyang pinagmasdan ang natutulog na babae. Payapa na. Wala na ang mga bangungot.

*****

NAG-IISA sa kuwarto si Cassie nang magising. Kahit na nakasara pa ang kurtina, tanaw niya ang matingkad na liwanag. Tanghali na.

Dahan-dahan siyang bumangon. Mabigat kasi ang katawan at masakit pa ang ulo niya.

Unti-unti, nakapunta siya sa banyo. Nag-shower habang pinakikiramdaman ang sarili. Medyo naliliyo lang siya.

Minasdan niya ang repleksiyon sa salamin. Maputla pa siya. Medyo namumugto na lang ang mga mata.

Nagbibihis siya nang maulinigan ang pagbukas ng pinto ng kuwarto.

Si Xander…

Huminga siya nang malalim. Dapat na siyang magpaalam pero… Pero may ilang araw pa bago mag-isang buwan.

Three days, to be exact. Gusto ko pang makasama si Xander, bulong niya sa sarili.

Dali-daling naglagay ng pulbo sa Cassie. Idinampi lang ang lipstick sa mga labi. Sabik siyang humangos palabas.

Huminto siya nang makitang nakapamulsa ang lalaki habang nakatalikod sa kanya. Tila malalim ang iniisip habang nakatanaw sa langit.

"Xander?"

"Cassie." Agad na lumapit ang lalaki sa kanya. Tila may hinahanap ang mga mata sa mukha niya.

"Um, anong oras na?" Hindi niya natagalan ang masidhing pagtitig ni Xander.

"Lunch time na. Hinayaan kitang matulog… Um-order na ako. Halika na. Maupo ka."

Maingat siyang iginaya sa lamesang bilog. Idinampi lang ang isang kamay sa likod niya.

Napansin ni Cassie ang marahang pag-aalis ng takip ng bawat bowl. Para bang may hinihintay na reaksiyon niya.

Naamoy niya ang sinigang na baboy, ang pritong bangus, ang enseladang talong at hiniwang kamatis.

"Where would you like to go after lunch?"

Naiilang si Cassie. Asikaso siya ng lalaki sa pagkain.

"A-about last night…" Naglakas-loob na siyang buksan ang paksa.

"Yes?"

"I'm sorry, Xander."

"Malupit si Ric."

Nabigla siya. Nanlaki ang mga mata.

"K-kilala mo si—si Ric."

"Sinasaktan ka niya, hindi ba?"

Tumango lang siya.

"Hindi ako nananakit ng sinuman, Cassie. Lalo pa ng isang babaeng mahina at walang kalaban-laban."

Hindi siya makaimik. Tanging ang mga mata lang nila ang nag-usap.

Nagpatuloy sila sa tamilmil na pagkain.

"Maghihintay ako, sweetheart. Kapag kaya mo nang magkuwento, nandito lang ako." Tumindig ang lalaki para hagkan ang noo niya.

Naninibago si Cassie kay Xander. Palagi itong nasa malapit ngunit tila napakalayo.

Hindi sila lumabas. Nakuntento sa panonood ng telebisyon maghapon. Magkatabi sila sa sopa. Madalas na hinahaplos ang mahabang buhok niya.

Hinihintay niyang kawitin ang kanyang leeg para halikan sa bibig, katulad nang malimit gawin ng lalaki. Ngunit hanggang paghaplos lang.

Tapos na silang maghapunan nang kunin ni Xander ang video tape. Walang imik na hinila ang laman at itinapon sa trash can. Pagkatapos, sinindihan ang isang papel upang masunog ang tape.

Iyon sana ang sex scandal na ipinam-blackmail sa kanya.

"Forgive me for making the tape, Cassie. I deeply regret it."

Hindi siya makapagsalita. Naumid ang kanyang dila.

Ginagap ni Xander ang isang kamay niya. "I don't want to end this," bulong nito. "I want to be with you for a longer time."

Ang pinipigil na paghinga ay agad na kumawala. Hindi iyon ang gusto niyang marinig.

I want to be with you forever…

"Okey," ganting-bulong ni Cassie. "Kiss me." Pagkasabik ang nagpahiram ng lakas ng loob niya.

Pigil ang sabik na yakap at halik ni Xander. Pinangko siya ng matitigas na bisig.

Ngayon lang nakaramdam ng lubos na kapayapaan si Cassie. Kahit ramdam niya ang higit na lakas ng kaniig, hindi na siya nangangambang magiging dahas iyon.

Hindi nananakit si Xander. Walang ipinagkapareho ang lalaki at si Ric.

Pumikit siya. Hindi na niya makita ang mukha ng naging asawa. Tanging si Xander na lang ang nasa isipan.

Ang ama ng magiging anak niya…

Dagling nagmulat ng mga mata si Cassie. Nagi-guilty siya. Dapat malaman ni Xander na buntis siya. Pero baka magalit ito.

"Xander…" Magkatabi na sila sa kama. Magkaharapan sa iisang unan.

"Cassie?" Hinagkan-hagkan nito ang isang kamay niya.

"I'm pregnant…" Naghintay siya sa biglang pagsabog ng galit.

Kinuha ng lalaki ang isa pang kamay niya. Parehong hinalikan.

"Alam ko. Nahulaan ko."

"Paano?"

"Naalala mo yung painting na tinitigan mo nang matagal?"

"Oh." Painting ng mother-and-child iyon.

"I bought it for you. Wala lang akong lakas ng loob para ibigay sa iyo."

"I want this baby."

Tumango si Xander. Hinagkan ang noo niya.

"Will you marry me?" Pabulong pa rin.

Napamaang si Cassie. Hindi niya inaasahan iyon.

"Alam ko nang anak ka ni Dad. Please, forgive me for thinking horrible things about you." Taimtim ang pagsasalita ni Xander.

"Nagtapat na si Daddy kay Elizabeth!" Walang pagsidlan ng tuwa si Cassie. "I mean, sa iyong mama."

Isang halik sa bibig ang buong pagsuyong inialay ni Xander.

"Marry me, please. Ikaw ang babaeng gusto kong makasama habambuhay."

"Ikaw rin ang lalaking gusto kong makapiling… ngunit hindi mo na ako kailangang pakasalan, Xander."

"Ssh… We shall be married. I'll be patiently waiting."

Inuunawa nito ang pangamba niya sa pagpapakasal.

"Trust me."

Tumango siya. "Salamat, Xander."

"Now, where are we?"

Ngumiti siya habang kinakawit ng mga braso ang leeg ng lalaki.

"We're making love, Xander," anas niya. "Oh, let's make love…"

*****

HARD AS NAILS. Jetsetter playboy. Ilan lang ang mga ito sa naging bansag kay Xander… noon.

Pero ngayon, hindi na ganito ang mga deskripsiyon na babagay kay Xander.

Devoted father to his twin sons: Alexi at Andrei. Gentleman to the core.

Palaging mayroong ngiti sa mga mata ni Xander. Lalo't kaharap ang mabait na ina ng mga anak. Wala na siyang mahihiling pa: malulusog na mga anak na lalaki at maasikasong babae sa buhay niya.

"Xander, nandito sina Daddy at Mama Elizabeth."

Dumiretso sa pagkakayuko sa magkatabing crib si Xander. Humakbang siya palapit kay Cassie.

Mas gumanda pa ito ngayon. Palaging may kislap ng ligaya sa mga mata. Ang mga labi ay laging may ngiti.

"Hindi mo nabanggit sa akin na darating sila ngayon. I just hope, kakasya sa atin ang lasagna for lunch."

Isang halik ang iginawad niya sa pisngi ni Cassie. Kinawit niya ang beywang nito. Nag-iisip siya ng idadahilan pero minabuting magsabi na ng tutoo.

"Don't worry about lunch. Pinapunta ko sila, sweetheart." Ninenerbiyos si Xander.

"Dad, Mama, kumusta kayo?" Nakaupo ang dalawa sa mahabang sopa. Ang pinili niya ang armchair. Sa sandalan siya naupo.

"We're good, hijo. Kayo ni Cassie?" ang nakatawang wika ni Jose.

"Ang mga babies?" tanong naman ni Elizabeth.

"Natutulog po," ang nakangiting pahayag ni Cassie. "Katatapos lang maligo, e. Maya-maya po ay magigising na. Oras ng pagdede."

"Kuu, pihong ang lulusog nila lalo. Kailan ba tayo nandito, oy?"

"Nung isang linggo lang, mahal."

Tumawa si Xander. "Halina kayo sa hardin. Nakahain na marahil ang pananghalian."

Nabili niya ang malaking bahay sa tabing dagat. Sariwang hangin at maluwang na beach ang gusto niya para sa mga anak habang lumalaki.

Ang mga negosyo niya ay ipinabahala ni Xander sa mga hand-picked managers. Monthly meeting at consultation na lang ang papel niya sa mga kumpanya.

Nauna ang dalawang babae. Parehong nakangiti sa isa't isa habang pinag-uusapan ang bagong kakulitan ng kambal.

At nagpapasalamat siya dahil may pagbubuhusan na ng pagmamahal ang ina. Unti-unti nang napapawi ang depresyon nito.

Nagpahuli sina Xander at Jose.

"Dad, gusto kong hingin ang kamay ni Cassie. I want to marry her."

Hindi na nagulat ang kaharap. "What's stopping you, son?"

"Nangako ako na maghihintay," buntonghininga niya.

"Hanggang kailan?" Tumikhim ang may edad na lalaki. "Alam mong nasa iyo na ang basbas ko."

Tumango si Xander. "Ang basbas ng simbahan na lamang ang kulang."

"Kinausap mo na ba siya?"

Umiling siya.

"Well, talk to her. Ask her again."

Sa pang-uudyok ng stepfather, nagkaroon ng lakas ng loob si Xander. Niyaya niya si Cassie sa di-kalayuan.

Kasalukuyang inaayos ang hapag-kainan. Simple lang pero masagana. Lihim na um-order ng mga espesyal na pagkain sa restawrang paborito nila ni Cassie.

"Cassie, will you marry me?" ang walang paliguy-ligoy na tanong niya, habang gagap ang mga kamay nito.

"Yes, Xander, I will marry you!"

Nanlaki ang mga mata niya. "Payag ka na?"

"Matagal na pero nahihiya akong mauna magsabi." Isang nakikiming ngiti ang sumilay sa bibig ng babae.

"Oh, Cassie!" Niyakap niya ito nang mahigpit. "We'll get married now. Isasabay natin sa binyag ang kasal natin sa simbahan. Would that be okey?"

"Now?" Isa lang ang rumehistro.

"Yes, now. Hindi ako mapapakali hanggang hindi tayo nakakasal, Cassie."

"Pero kailangan mo ng lisensiya at—"

"I have the marriage license and the rings." Isang kahita ang dinukot niya sa bulsa ng pantalon. Iniluhod niya ang isang tuhod.

"I want to marry you." Isang diamond solitaire ang singsing na inaalay ni Xander.

Maagap siyang hinila ni Cassie para muling tumayo. "Oh, hindi mo na kailangang gawin iyon. I want to marry you, too."

"I love you, Cassie."

"Oh, I love you, too, Xander!"

Nang magdaop ang kanilang mga labi, nandoon ang mga pangakong puno ng pagmamahal at paggalang.

WAKAS

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

ecmendozacreators' thoughts