webnovel

Friend- Enemy

ANA IS competitive. They battled on surfing, swimming, and Jet Ski. She only defeated her in surfing. Ana had the incredible manly body under her feminine and delicate flesh. Her skills are superb. No wonder she is an agent.

It's another day, the sun was about to set. But they aren't tired on the beach. Doon sila nagkasundo dahil magkaparehas nilang gusto ang dagat at kalikasan. Parehas silang hinihingal habang nakaupo sa buhanginan.

"Can I ask you something?" Hindi niya ito binalingan nang tingin. She loved the sunrise and sunset, though she is not an early person she can only watch the sunset. It's very magical. The color of the sky as it changed into the dark, it's incredible.

Truly, sunsets are proof that no matter what happens, every day can end beautifully.

"Sure."

"Are your hands already tainted with the blood of human?" She kept her eyes on the far edge- if the ocean had an edge where the sun hides. She anticipated that Ana would hesitate to answer that question but, right now, she will assure her that whatever secret spilled between them will be confidential.

"Yes. Many times."

Mula sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niyang nilingon siya nito. Huminga siya nang malalim bago ito hinarap. "What was your deep reason why you ended up killing them? She is aware that those are over boarding but she wasn't scared of Ana. Hindi niya alam, parang komportable siyang kausap ito.

"Reasons? To protect my loved ones. To protect me. Call of duty."

Tumango siya. "If ever Ana would confess to me that she killed my father. I will ask the same question because I know she had a deep reason. I wanted to know her reason. Why? She is the last person I would suspect on that crime."

"Paano kung siya nga? Mapapatawad mo ba siya?"

"Ang tanong paano kung kapatid ko ang pumatay sa ama namin, mapapatawad ko ba siya?"

Umiwas nang tingin sa kanya ito. Bigla ay napangiti. "Natatandaan ko ang kauna-unahan kong hawak sa baril at ang taong unang naging asintado ko. Maniniwala ka bang iyon ay ang pinakamamahal kong tao?"

Ana's words pierce her. Weird but she can vividly feel how painful could those moments be. She remembered Thaysky, how she almost killed her brother in law because of false accusation. May mga sitwasyon talagang inaakala nating tama, iyon pala ay mali. Ano nga ba ang kulang? Pag-uusap? Paglilitis?

Namilog ang mata niya nang makita ang luha na dumadaloy sa pisngi ni Ana. She is crying? Bigla itong lumingon sa kanya habang nakangiti. "He is still alive, though. And he already removed me on his memory. He is only looking at me now just like those strangers who are passing by."

She was about to give Ana a hug, but Ana immediately stopped her.

"My story is different, now tell me yours."

Niyakap niya ang kanyang mga binti at idinantay ang baba sa kanyang tuhod. "Are your parents still alive?"

"Namatay sila dahil sa car accident," sagot nito.

"Oh, sorry."

"That's fine. Bakit mo naitanong?"

"Siguro naman nakasama mo sila noong nabubuhay sila. Sinusuportahan ka sa lahat ng gusto mo. Lahat ng gawin mo ay nagpapasaya sa kanila. They celebrate your birthday."

"Oo naman. Kasama ang mga kamag-anak namin. Sinusunod ni daddy ang lahat ng gusto ko. Ikaw ba?"

Jealousy succumbed her chest. Ngayon napagtanto niya na siya lang ang pinagkaitan. Isinantabi siya. Sinawalang bahala. "I never experience those. You are lucky," she said, her voice broke when tears rolled down on her eyes. She didn't blinked and continued, "I came from a nice family, but I didn't felt that I belong with them. Until my sister spilled the beans. Anak pala ako sa ibang babae ni daddy. Kaya pala-" Tinakpan niya ng mga kamay ang kanyang mukha.

Nahihiya siya kay Ana. Mukha siyang humihingi ng simpatya. Dagli niyang pinalis ang kanyang mga luha. "I am sorry."

"Ibig sabihin inilihim ng pamilya mo ang existence mo?"

Malungkot siyang tumango. Nagulat sa tuwalyang dumapo sa kanyang likuran. Pagtingala niya kung sino iyon ay napatayo agad siya. "Oh my gosh, Lite!" Buong init niyang niyakap ito nang mahigpit.

Paulite heartily laughed. "Sana laging may ganito kapag magkikita tayo."

Tiningala niya ito. "Palagi ko 'tong gagawin... um." He closed her lips with his. And she kissed back.

"Alright. I'm leaving," parinig ni Ana.

Napahampas siya sa dibdib ni Paulite. Si Paulite naman ay inosenteng tumingin sa babae. "Oh, hi, Ana. Yes, please."

Muli niyang hinampas sa dibdib si Paulite. "Don't say that." Nilingon niya ang papalayong si Ana. "Thanks for your time, Ana. See you later."

Ana just waved her hand.

"She is cool," she said.

Hinigpitan ni Paulite ang yakap sa kanya. "Oh yeah?" He sniffed her neck.

Nahigit niya ang kanyang hininga sa kiliting hatid noon. "Bakit hindi mo sinabing ngayon ang dating mo?" Hindi niya na makilala ang sariling boses.

"I wanted to surprise you." Now using his hand, he brushed her hair and repeated what he just has done earlier.

She parted her lips from the sweet tickling sensation that immediately scattered all on her veins. Is he teasing her right now? Outside? Where her bodyguards are hiding from nowhere, watching them cuddling?

"Lite, enough."

"Hmm. I've long for your smell for how many freaking days. J, your pictures won't satisfy me. Damn it, why all your photos on Instagram are exposing your butt?"

Napalunok siya. Inaalala kung kanino niya narinig ang kaparehas na komento. "Lite, I'm a model. It's fine-"

"It is not fine with me, J. But-" He heaved a long sigh. "Thanks to your Instagram, I gain alibis that will clear your name. Tomorrow we will fly going to Owl City Main. I talked to Blaire. Pumayag siyang huwag sa husgado pag-usapan ang tungkol sa kaso mo."

"Uh... Lite, paano si Ana? Nakausap mo ba siya?"

"She is under the protection of your mother. I can't use my power for her."

Malungkot siyang tumango. Naalala ang tungkol sa sinabi ni Gretta. "Kamusta pala ang kompanya niyo? Hindi ba... tagilid? Sorry, hindi mo na dapat pinapasan pa ang problema ko pero-"

"Hey! J, what are you talking about? Huwag mong isipin ang kumpanya ng lolo ko. Matanda pa sa akin iyon. Kaya nilang gumalaw ng wala ako." Pinagsalikop nito ang kanilang kamay. Pinatakan ng halik bago siya hinila pabalik sa bahay.

"Akala ko kasi-"

"I saw you crying there. Why?"

Nilingon niya ito. Ngayon niya lang napansin na tumutubo na ang maliliit na buhok sa ilalim ng baba nito. Dahil sa pagiging abala ay nakakalimutan na ang sarili. Gayunpaman, ang ningning at pag-aalala sa mga titig nito ay patuloy na binibihag ang kanyang puso. Sobrang namiss niya ito.

"May napag-usapan lang kami ni Ana. Miss na kasi kita." She bit her lower lip. Bigla ay nauuhaw siya.

He caressed her chin. "Miss na rin kita."

Pinulahan siya ng pisngi nang makita kung saan ito nakatitig. Muli ay napabasa siya ng kanyang labi. Bahagyang napatalon nang maramdaman ang pagkaling ng ilong nito sa kanya. Napangiti siya. Uhaw lang siya sa halik ni Paulite.

Pagbalik sa loob ay kinausap ng binata ang grupo ni Ana. Naroon sila sa sala, siya ay pinaakyat sa kuwarto. Saglit siyang naghanap ng isusuot bukas, wala namang mahalagang okasyon pero naiisip palang niyang haharap siya sa kanyang ina-inahan at kapatid ay kinakabahan na siya. When she's finally done, she decided to join them downstairs. Pagsara palang ng pinto ng kuwarto ay narinig na niya ang hinaing ni Ana.

"Mrs. Smith is a lawyer, right?"

"Yes, she is but Ana's statement about Jessica wasn't strong."

"We will close this case. Jessica's name will be clean, but the real suspect about the crime is still open. We have to find that bitch and interrogate. Hindi ko masabing inosente 'yung Ana dahil hindi ko pa siya nakikita. Ako nang bahala sa kanya, mauuna na ako sa inyo. Doon nalang tayo magkita sa meeting."

"Thanks, Ana. Take care," Paulite said.

Napahinto si Ana sa pag-alis upang lumingon sa kanya. Maging sila Paulite at ang apat na lalaki ay tumingala sa kinaroroonan niya.

"J?"

"Ana, puwedeng pakisabi sa katukayo mo, kahit siya ang pumatay kay daddy papatawarin ko siya."

Tumaas ang kilay nito. "Your kindness won't save you. Sometimes you have to fierce."

"I am fierce with my enemy, not with my friends."

Pagak na tinawanan siya nito. "How you will classify a friend-enemy, Jessica?