webnovel

There is US not You and I

Ang sabi ng lahat hindi raw tayo 'BAGAY' para sa isa't isa. Pero sino ba sila para pakialaman tayong dalawa? Sya lang ang lalaking nagparamdam sa akin what really loves is! As long as we hold our hands together, kahit ano mang dumating kakayanin natin ng magkasama!

trimshake · 都市
レビュー数が足りません
154 Chs

May Sariling Mundo

Hindi makapaniwala si Jaime na babalik sa kanya ang sinabi nya sa manugang nyang si Mel.

Hindi nya matanggap ang katotoohan.

'Totoo ba 'to o pinagkakaisahan lang nila ako para hindi mapahiya itong si Mel?'

"Oh, Jaime, bakit umurong ang dila mo dyan? Dahil ba hindi ka makapaniwala na kayang bilhin ni Mel ang parte ni Eunice? At malamang iniisip mo na pinagkakaisahan ka lang namin kaya nasabi ito ni Mel."

Nangiinis na sabi ni Edmund.

Kanina pa nya pinagmamasdan ang mga reaction ni Jaime kaya nababasa nito ang isip nya.

Muling tiningnan ng matalim ni Jaime si Edmund.

Kung nakakapatay nga lang ang pagtingin, malamang paulit ulit na nyang nasaksak itong si Edmund.

'Lintek na mokong na 'to ang hilig akong inisin!'

"Huwag mo kasing masyadong maliitin itong manugang mo! Baka hindi mo pa alam, isa si Mel sa pinaka mayan na personalidad sa ating bansa. Katunayan, nasa top 20 yan!"

Pagpapatuloy ni Edmund. Halatang iniinis ng husto si Jaime.

Pero sa sinabi ni Eunice mas lalong nayanig si Jaime.

"Correction Dad, nasa top 10 na po si Beshy Mel."

'Anong ibig nilang sabihin, na itong bubwit kong manugang ay super yaman na?'

"Narinig mo Jaime? Top 10!

At si Eunice pa lang ang natuturo dyan, paano pa kaya pag ako ang nagturo dyan?"

Nakangisi pa itong si Edmund na tumingin kay Jaime.

"Anong pakialam ko sa top, top na yan! Basta ang alam ko, hindi ka basta basta makakapsok ng Sinag Island kung walang permiso ni Don Miguel!"

Singhal ni Jaime sa kanila.

"Nope Tito! Ibinigay na po ni Lolo Miggs kay BigBoss at kay Chief ang pamamahala ng isla. Wala na po syang kinalalaman sa isla matagal na."

"Eh, bakit nung huling nagtungo ako dun, kinailangan pa humingi ng permiso ng presidente kay Don Miguel para makapasok kami?"

Naiinis na tanong ni Jaime.

"Kasi po Tito Jaime, si Lolo Miggs lang ang kilala ng presidente na pwede nyang hingan ng tulong. Hindi pa nya po kilala si BigBoss."

'BigBoss...?'

Sabay tingin ni Jaime sa anak nyang si Kate.

Narinig nya kasing si Kate daw ay si BigBoss. Hindi pa nya ito na confirm.

"Tama po Tito Jaime, si Ate Kate nga po ang BigBoss ng Sinag Island at si Beshy Mel po ang Chief nila."

'Ang anak ko ang BigBoss?'

Hindi alam ni Jaime kung ano ang mararamdaman.

Natutuwa syang malaman na si Kate ang iniilagan na BigBoss ng Sinag Island pero naiinis sya at the same time dahil feeling nya, syan na lang ang huling nakakaalam.

At ang mas nakakapikon nito ay ang palitang pag lilitanya ng mag amang Edmund at Eunice sa mga naging achievements ni Mel lalo na ang SPA at mga beauty products nito. Pati na rin ang food supplement na kaka launch lang pero umaabot na sa labas ng bansa ang mga orders.

"Tito Jaime, ang food supplement na yun ay si Ate Kate mismo ang gumawa at yan ang pinapainom ni Ethan sa kanya nung nasa coma pa sya sa isla!"

"Really? Hindi ko 'to alam!

At si Kate ang may gawa nuon?"

"Yes Jaime si Kate ang nag create at si Mel ang nagpalago nito! Mukhang gumagaling na ang marketing strategies ng batang ito! Hehe!"

Proud na sabi ni Edmund kay Mel.

Pero syempre ginagawa nya yun para inisin pa si Jaime at ang dahilan naman ni Eunice ay para ipagtanggol si Beshy Mel nya.

Pero ang pinaguusapan nila na mag jowa na sina Kate at Mel ay tila walang pakialam sa nasa paligid nila.

Parang may sariling mundo ang mga ito na walang ginawa kundi ang magholding hands at magtitigan sa isa't isa.

Nakaakbay pa ang isang kamay ni Mel sa balikat ni Kate habang magkadaupang palad naman ang isa pa nilang kamay.

Puro ngiti lang ang ginagawa nila, wala talagang pakialam ang dalawa sa pinaguusapan ng nasa paligid nila.

Kaya imbes na matuwa si Jaime mas lalo tuloy itong naiinis.

Bigla itong napatayo para magtungo sa pwesto ng magasawang Mel at Kate para pumagitna sa dalawa pero mabilis magisip si Nadine.

Natunugan nya agad ang balak nito. Kaya agad nyang hinila si Jaime paupo sa tabi nya para tumigil ito.

"Dito ka lang Jaime! Ano na naman bang katarantaduhan ang pumapasok sa isip mo?

Pwede ba, kung ano man yang binabalak mo, itago mo na lang yang sa sarili mo! Isipin mo naman ang kalagayan ng anak mo, buntis sya at magulo pa ang isip nya ngayon dahil sa sakit nya!"

Bulong ni Nadine sa asawa na may halong pagbabanta.

"Hmmmp!"

Tanging naiusal ni Jaime.

Ala syang magawa kundi manahimik na lang at kimkimin ang inis na nararamdaman.

"Pero Kuya Jaime, may katwiran naman din itong suggestion ni Melabs. Andun si James sa Sinag Island at maaalagaan ka nyan dun!"

Sabi ni Nicole para maibalik na ang usapan sa sitwasyon ni Jaime.

"Kunsabagay may punto nga yun, Jaime! Tyak na matutulungan ka ng anak nating si James!"

At sa puntong ito umaliwalas ang isip ni Jaime.

"May punto nga ang sinabi mo Nichole."

"Kuya hindi ako ang nakaisip nyan si Melabs!"

Umismid na lang si Jaime.

Hindi naniwala si Jaime na si James ang dahilan kaya sya nito gustong dalhin sa Sinag Island.

*****

Samantala.

Naisama din ni Eleanor si Ethan sa kaibigan nitong Psychologist.

"Mom, bakit mo ako dito dinala? I'm not crazy!"

"I'm not saying that your crazy! I just want to know what happened to you!

At isa pa, sya lang ang kilala kong may posibilidad na alam ang bahay ng father ni Kate.

So it's up to you, are you coming or not?"

Naapaisip si Ethan ng matagal bago ito pumayag.

Mas malakas ang kagustuhan nyang makita si Kate kesa ang nararamdaman nyang pagkailang.

"Ellie, long time mo see! Bakit biglang gusto mong makipagkita? And who's this young man?"

"Hi Adrian, this is my son Ethan. Pasensya na sa biglaan appointment, emergency lang talaga!"

"Okey lang Ellie, basta ikaw!"

Kababata nya itong si Eleanor at may secret crush sya dito. Yun nga lang hindi nya kaya si Jaime kaya itinago na lang nya ito at iwinaksi sa isip.

Sinong magaakala na one day lalapit sa kanya ito at hihingi ng tulong.

Kaya agad nyang kinansel ang mga appointment nya para kay Eleanor.

"Anak mo sya? Gosh, para lang kayong magkapatid!"

"Uhm, Adrian, nagkaroon kasi ng traumatic experience itong anak kong si Ethan kaya ko sya dinala dito dahil gusto kong malaman kung ano talaga ang nangyayari sa kanya ngayon. Nalilito kasi ako!"

"Wait Mom! Sabi nyo pupunta tayo para alamin ang address ng father ni Elise, pero bakit ganito?

I'm not a patient!"

Medyo agitated si Ethan.

Nakaramdam ng irita itong si Adrian ng madinig na parang gusto ng umalis ni Ethan.

'Kay tagal kong pinangarap ito tapos saglit lang kayo!'

'Hindi ako papayag!'

"Iho, sinong Elise?"

"Sya ang girl na tinulungan ko 3 months ako at kailangan nya ako ngayon!"

"Pwede mo bang sabihin sa akin kung bakit ka nya kailangan? Hindi ko kasi alam."

At sinabi nga ni Ethan ang nangyari sa kanila ni Kate.

Wala itong kamalay malay na sa pagtatanong ni Adrian, naikwento na nya ang buong nangyari sa kanina ni Kate.

Mas detalyado nya itong kinuwento kaya na shock si Eleanor ng madinig nya ito.

Hindi tuloy mapigilan ni Eleanor na mapaisip.

'Jusmiyo, hindi kaya may ginawa syang masama kay Kate habang nasa coma ito?'

'Mukhang kailangan nga talaga naming makausap si Kate....'

'.... lalo na si Jaime!'