Yakap-yakap ko ang magkabila kong tuhod habang nakatuon ang tingin sa sahig. Hinahayaan kong tumulo ang aking luha sa sakit. Sana nalang pala ay hindi na ako lumapit sa kanila. Sana ay hindi ko nalang sya hinanap. Humikbi ako ng iyak saka pumikit ng marahan. Mahal na mahal ko parin si Matteo. Hanggang ngayon ay nasasaktan parin ako sa ginawa niya sakin.
"Mary?" Inangat ko ang ulo ko. Tumabi sakin si Rocky sa sofa. "Aalis muna ako saglit, babalik din ako agad." Tumango ako bilang sagot sa sinabi niya.
Pinunasan niya ang huli kong luha kaya napapikit ako. Nagbuntong hininga sya bago ito tumayo. Kita mula sa gilid ng aking mata kong pano niya ako titigan. Sumulyap ako kay Rocky saka ito ngumiti sakin. Binalik ko ang tingin sa pader. Nandito ako ngayon sa condo niya. Ayaw niya akong bumalik sa bar. Naiisip ko ang apat at alam kong nag-aalala na sila sakin. Hindi ko magawang etext sila dahil lowbat ako. Sana ay tama itong desisyon ko. Sana ay hindi ako magkamali.
Bumagsak ang mata ko at hindi ko alam kong pano ako nakatulog. Maging sa panaginip ko ay hindi ko magawang maalis si Matteo sa isip ko. Ang gaga at tanga ko. Nagmahal ako ng lalakeng hindi ko ka level. Isa lang akong mababa at mahirap, samantalang sya ay mataas at hinahangaan ng bawat tao. Bakit umabot ng ganito?
Nagising ako dahil sa mainit na palad na humimas saking noo. Dahan-dahan kong minulat ang aking mata at tumambad sakin si Rocky na nakangiti. Inalalayan niya akong bumangon.
"Bakit dito ka sa sofa natulog?" Kunot noo niya. Napahilot ako saking batok.
"Okay lang Rocky. Nasanay nga ako sa probinsya na kahoy lang ang nasa ilalim ng kama." Pagbibiro ko kaya tumawa sya ng mahina. Ginulo niya ang buhok ko.
"Hali ka kumain muna tayo," Tumango ako saka tumayo. Sinundan ko sya sa kusina at saka ako umupo sa highchair. Pinapanunuod ko ang bawat galaw niya. Napapangiti ako habang iniisip na nagkagusto parin pala ako sa kanya noon. Bahagya akong ngumiti kaya nahuli niya iyon. "Smilling while staring at me?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Naramdaman ko ang pangi-nginit ng aking pisnge kaya dali-dali kong inayos ang aking sarili.
"Hindi may naalala lang ako," Sagot ko na ikina-singkit ng kanyang mata.
"Ano naman yun?" Tanong niya na ikinasulyap ko. Huwag na Rocky baka matawa ka pa pag sinabi kong nagkagusto ako sayo noon.
"Wala gutom na ako," Agad kong nilibang amg sarili sa pagkain. Hindi ko sya magawang sulyapan dahil sa binabalotan ang sarili ko sa kahihiyan.
"Anong balak mo?" Napahinto ako sa hapag. Sumulyap ako kay Rocky.
"Kailangan kong bumalik sa bar rocky." Natahimik sya sa sagot. Ang kanyang mata ay bumagsak sa pinaglalaruan kong pasta.
"Gusto mong ipagpatuloy ang pagtatrabaho dun?" Galit niyang tanong kaya nag buntong hininga ako.
"Hindi ko alam. Hindi ganon kadali Rocky dahil may pinermahan akong kontrata. Isang taon akong maninilbihan sa bar ni Clifford." Sagot ko na mas lalong ikinagalit niya.
"Isang taon kang mag-titiis na makita si Matteo dun? O baka umaasa kang babalik sya sayo." Naikuyom ko ang aking kamao sa galit. Pumikit ako ng marahan at ayaw kong mag-away ulit kami ni Rocky tungkol dito.
"Rocky gustohin ko mang umalis ngunit hindi ko magawa. Kahit gustohin mong ilayo ako kay Matteo ay hinding-hindi ko maiwasang masaktan. Hindi ganon kadali ang makalimot." Tumulo ulit ang luha ko. Ang mata koy bumagsak sa hapag. "Kahit lumayo ako mahal na mahal ko parin sya." Humagol-gul ako ng iyak kaya naramdaman ko ang yakap ni Rocky mula sa likod ko.
"Im sorry. Im sorry!" Paulit-ulit niya saka ako dahan-dahang huminahon. "Hahayaan kitang bumalik sa bar, pero sana hayaan mo rin akong protektahan ka Mary. Please!" Natahimik ako sa sinabi ni Rocky.
Ang puso koy nagsimulang bumilis ang tibok. Nakagat ko ang aking labi bago pumikit ng marahan. Siguro ay ganon niya ako kamahal bilang isang kaibigan. Ang swerte-swerte ko kay Rocky, nang dahil sakin ay naaabala ang kanyang trabaho sa Dubai para lang damayan ako saking mga problema.
Hinatid ako ni Rocky sa bar. Isang araw akong nawala sa trabaho kaya hindi ko alam kong papagalitan ako ni Clifford sa ginawa ko. Pag-pasok ko sa bar ay ang unti-unti nilang paglinis. Sabay silang napalingon mula sa maindoor kong saan ako nakatayo. Nanlaki ang mata ng apat dahil sa tatlong araw ay hindi ako nagparamdam sa kanila. Napadpad ang tingin sakin ni mam Shelo kaya dali-dali syang lumapit sakin.
"Aba nakauwi na pala ang donya galing sa lakwatsa. Ang swerte mo naman dahil palagi kang nag babakasyon samantalang kami dito ay naghihirap sa trabaho." Bulyaw sakin ni mam Shelo kaya yumuko ako. Siguro ay tama sya. Palagi nalang akong nawawala samantalang sila ay nagtatrabaho gabi-gabi.
"Im sorry mam Shelo pero may emergency lang po kasi." Sagot ko na ikinunot ng kanyang noo. Nakapamewang sya sa harap ko habang nakataas noo.
"Anong klaseng emergency? Yang pagsama mo kay Rocky?" Nagulat ako sa sinabi niya "Sana naman Mary naiisip mo rin na may limitasyon ang paglalakwatsa. Sini'sweldohan ka dito kaya huwag kang puro sarap lang." Huli niyang sabi bago ako tinalikuran. Sumulyap ako sa mga kaibigan ko at kitang-kita sa mukha nila ang pag-aalala.
Yumuko ako sa kahihiyan saka dali-daling umakyat sa itaas. Nagiging unfair na yata ako saking mga kasamahan. Isang oras akong naghintay sa kwarto. Ilang sandali lang ay bumukas ang pinto at bumungad sakin ang sampong kasamahan ko pati ang apat. Dali-dali silang lumapit sakin..
"Bakit ngayon ka lang umuwi?" Si Grace na tumabi sa gilid ko.
"Saan kayo nagpunta ni Rocky?" Si Ivony.
"Tika lang kayo na ba?" Si Jessica.
Nagbuntong hininga ako. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanila ang lahat. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanila na magkapatid kami ni Venus sa ama. Ayaw ko ng pahirapan pa ang sitwasyon. Gusto ko ng manahimik nalang.
"Dinala niya ako sa bahay nila sa Pampanga." Nanlaki ang mata nila sa sinabi ko. "Naalala nyo yung sinabi ko? Naging katulong si nanay sa kanila noon kaya gusto akong makita ng mommy niya," Wika ko saka sila dahan-dahan tumahimik. Hindi ko alam kong pano ako nakalusot. Pero kailangan kong mag-sinungaling sa kanila.
Tumahimik narin sila saka napagpasyahang matulog nalang. Nakatitig ako sa kisame habang iniisip ang lahat ng nangyari sakin. Kailangan kong makausap si Mr. Francisco. Kailangan kong magpakilala sa kanya. Bukas na bukas ay babalik ako sa bahay niya. Pinilit kong pumikit nalang at matulog.
Maaga akong nagising kaya dali-dali akong umalis agad ng bar. Tulog sila ng iniwan ko kaya hindi ko na sila ginising pa. Ayaw ko naring makadisturbo sa tulog nila.
Sumakay ako ng taxi. Iniisip ko kong pano ako magpapakilala sa kanya. Iniisip ko kong maniniwala ba sya sakin. Dala-dala ko ang itim na box ni nanay. Nag-babasakali na baka hindi sya maniniwala kaya meron akong proweba na anak niya ako. Kinakabahan ako ng maaninag ko na ang malaking bahay ni Mr. Francisco.
"Manong dito lang po ako," Saad ko saka sya binayaran. Dali-dali akong bumaba saka tuluyang umalis si manong driver. Tumingala ako sa bahay.
Naiisip ko si nanay siguro ay pareho kami ng sitwasyon noon. Siguro ay pareho kaming nagmahal ng mayaman. Hindi ko alam kong bakit hindi sila nagkatuluyan ni Mr. Francisco kaya interesado akong malaman ang lahat tungkol sa kanila ni nanay. Nagbuntong hininga ako saka nagsimulang maglakad. Hindi pa ako nakakalapit sa gate ay bumukas na ito. Nagtago ako sa mataas na halaman saka sumulip ng bahagya. Lumabas ang isang itim na ferrari sabay ng pagsira ng salamin mula sa bintana. Si Mr. Francisco habang may kausap sa cellphone niya. Dali-dali akong tumakbo patungo dun saka kinatok ng ilang ulit ang bintana.
"Sir.....Sir Francisco." Kinatok ko pa ng ilang ulit habang sinusundan ang kotse na umaandar. Sumenyas ito sa driver niya saka huminto ang kotse. Hingal na hingal ako habang hawak ang magkabilang tuhod. Bumukas ng pahalang ang pintoan at tumambad sakin si Mr. Francisco na naka pormal suit.
"Mary what are you doing here?" Kunot noo niya. Ang kanyang ekspresyon ay umiba ng makita ako.
"Sir pwede ka bang makausap kahit saglit lang?" Hingal ko paring sabi. Luminga-linga sya sa paligid saka ito sumulyap sakin.
"Sige pumasok ka." Saad nya saka lumapad ang ngiti ko. Dali-dali akong pumasok ng kotse.
Napagpasyahan niyang mag-uusap kami sa isang resto kong saan tahimik at walang masyadong tao. Kinakabahan ako at gumugulo parin sa isip ko kong pano ako magpapakilala sa kanya. Huminto ang kotse sa isang resto. Pinagbuksan sya ng driver saka ito umikot at pinagbuksan niya rin ako. Sumulyap sya sakin saka tumango bilang pagsunod ko.
Napatitig ako sa kanya mula sa likuran. Hindi ko aakalain na mayaman ang tunay kong ama at ama pa talaga ng babaeng minahal ni Matteo noon.
"Goodmorning Mr. Villa Vieste." Bati ng isang usher saka ito yumuko bilang pag respito. Napagtanto kong kilalang-kilala sya si Mr. Francisco dito.
"A table for two," Saad ni Mr. Francisco saka ito sumulyap sakin.
"This way po sir," Inilahad ng usher ang kanyang kamay saka kami sumunod. Bumukas ang isa pang pinto mula sa dulo at unang tumambad sakin ang iilang mamahaling mesa at upoan na gawa sa salamin.
Nawawala ako saking sarili kaya hindi ko maiwasang pawisan. Hinintay ako ni Mr. Francisco na umupo bago ito sumunod sakin sa pag-upo.
"Anong pag-uusapan natin?" Pinagdikit niya ang kanyang kamay saka ito sumandal sa upoan. Ang bawat titig niya sakin ay nagpapakaba saking dibdib.
"Sir Francisco may gusto po sana akong sabihin sa inyo." Una kong salita bago ito tumango bilang pagpatuloy ko sa usapin. Nagbuga ako ng hininga. Pinaglalaruan ko ang dulo ng aking kamay mula sa ilalim ng mesa.
"It's all about my daughter?" Agad ko syang tinignan sa diretsahan niyang tanong. Kita sa mukha niya ang iritasyon at galit. "Mary kong isa ka sa mga babaeng sisira sa relasyon ng anak ko at kay Matteo ay wala akong oras para makinig sa ganyang bagay. Marami ng babaeng lumalapit sakin para sirain ang dalawa. Ayaw kong masaktan ang anak ko kaya kong ano man yang sasabihin mo sakin ay huwag mo ng ituloy." May namumuong luha saking mata. Hindi ko aakalain na ito ang maririnig ko mula sa kanya. Napahawak ako ng mahigpit saking kamay. Ang sikip ng aking dibdib ay pinapahina ang tibok ng aking puso ko. "Tama ako diba?" Dugtong niya. Gusto kong ibuka ang aking bibig pero hindi ko magawang magsalita. "Kong wala karing sasabihin. I have to go!" Tumayo sya sabay ng pagpatak ng aking luha. Yumuko ako saka ko naramdaman ang paglagpas niya sakin.
"Anak ako ni Marita Floora Montano," Diretsahan ko. Naramdaman kong huminto sya sa paglalakad at nakatayo lang ito mula sa likuran ko. Tumayo ako saka sya hinarap. Ang kanyang mata ay puno ng iritasyon at galit.
"What are you trying to say?" Galit niyang sabi. Hindi ko aakalain na ganitong Mr. Francisco ang bubungad sakin. Ibang-iba sya nong nakausap ko sya sa bar.
"Anak nyo ako kay Floora Montano." Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. Luminga-linga sya sa paligid saka ito lumapit sakin at hinawakan ang braso ko ng mahigpit.
"Ano bang pinagsasabi mo?" Nasaktan ako sa mahigpit niyang hawak sakin. May namumuong luha saking mata pero pilit ko iyong pinipigilan.
"Ama kita at anak mo ako. Ito ang mga proweba na nagsasabi ako ng totoo." Pinakita ko sa kanya ang iilang larawan ni nanay at ang sulat. Isa-isa niya yun tinignan kaya kitang-kita sa mukha niya ang gulat. Pinapanuod ko syang tignan lang iyon. Dahan-dahan niyang inangat ang kanyang ulo saka ito tumitig sakin.
"Wala akong anak kay Floora. Wala syang sinabi sakin na nagkaroon kami ng anak." Binalik niya sakin ang larawan at sulat. Hindi ko alam kong anong isasagot kong wala akong alam tungkol sa nakaraan nila ni nanay.
"Hindi ko rin alam kong bakit itinago ako ni nanay mula sayo." Sagot ko ng mahina. Hinilot niya ang kanyang sentido saka binaling ang tingin sakin.
"Listen Mary," Buntong hininga niya. "Iniwan ako ng mama mo dahil sumama sya kay Goncillio. Pano ako maniniwala na anak talaga kita kong ang alam ko ay nagpakasal silang dalawa? Don't make me stupid." Galit niyang saad kaya naikuyom ko ang aking kamao.
"Buntis si nanay nong sumama sya kay tatay," Tanging nasagot ko. Hindi ko alam kong anong isasagot dahil hindi sapat ang larawan lang at sulat na proweba ko.
"Bakit ngayon ka lang nag pakilala sakin? Bakit ngayon mulang naisip sabihin sakin lahat ito? What's the cath Mary? you wan't money? I can give you what you want, huwag mo lang gulohin ang pamilya ko. Ayaw kong masaktan ang anak ko at mas lalong ayaw kong malaman niyang may kapatid sya sa labas." Sunod-sunod niyang sabi kaya isa-isang tumulo ang luha ko. Humikbi ako ng iyak. Buong akala ko ay maniniwala sya sakin. "You know what Mary your just wasting my time. I have to go." Tinalikuran niya ako agad saka ito nagmamadaling naglakad.
Dear Mahal,
Napahinto sya sa paglalakad saka ito dahan-dahang lumingon sakin. Pinunasan ko ang luha ko saka nagsimula ulit magbasa. Pinilit kong magbasa kahit sobrang sikip ng aking dibdib.
Patawarin mo sana ako kong lumayo ako sayo. Alam kong nasaktan kita pero ginagawa ko lang ito para sa anak natin. Tatlong buwan akong buntis ng iniwan kita. Susurpresahin sana kita sa unang anibersaryo natin para sabihin sayo na buntis ako ng biglang dumating ang mommy mo sa apartment ko. Hindi ko alam kong pano kita ipaglalaban sa kanya kong ang kapalit ay ang pagbili niya ng lupain sa Gregoria. Ayaw kong mawalan ng kabuhayan ang mga magulang ko dun pati na ang mga taga roon. Mahal na mahal ni tatay Ben ang lupain sa Gregoria kaya hindi ko kayang mawala sa kanya iyon. Patawarin mo sana ako mahal ko dahil hindi kita pinaglaban sa pamilya mo. Balang araw mahal ko ay magkikita kayo ng anak natin. Sana ay mapatawad mo kami ni Goncillio. Mahal na mahal kita Francisco.
Nagmamahal,
Floora.
Bumubos ang luha ko ng matapos kong basahin iyon. Inangat ko ang ulo ko sabay ng paglapit niya sakin. Kinuha niya sakin ang papel saka niya iyon binasa ulit. Nagulat ako sa ginawa niya ng isa-isa niya iyong pinunit sa harap ko. Itinapon niya yun sa sahig saka ito humarap sakin na galit na galit. Ang sikip ng aking dibdib. Bakit di niya magawang paniwalaan ang mga sinasabi ko.
"Sige sabihin nalang natin na anak kita kay Floora." Ani niya na may bahid na iritasyon. "Mary ayaw ko ng gulo. Masaya kami ng pamilya ko at ayaw ko ng magkaroon pa ng ibang problema." Salaysay niya na ikinahinto ng ikot ng aking mundo. Ang akala ko ay hindi na ako muling mag-iisa pa. Ang akala ko ay may makakasama ako ulit.
"Anak nyo rin naman ako ah!" Hinawi ko ang aking luha. "Ayaw nyo ng gulo dahil nakakagulo lang ako sa paningin nyo? Sir, nagsasabi po ako ng totoo. Gusto ko lang naman magpakilala sainyo, at gusto ko ring makilala ang totoo kong tatay. Ilang taon akong nag-isa kaya nag pursige akong hanapin ka dahil buong akala ko ay may makakasama ako ulit." Humagol-gul ako ng iyak. Tanging singhap lang ang narinig ko mula sa kanya. Ibang-iba sya kay tatay.
Kinuha niya ang kanyang phone saka ito may tinawagan. Humalukip-kip ako habang pinapanunuod sya. Ilang sandali lang ay dumating yung driver niya. Naglahad iyon ng puting papel saka ito inabot kay Mr. Francsico.
Umalis ang driver saka binaling niya ulit ang tingin sakin..
"Tanggapin mo ito," Nilahad niya ang puting papel at napagtanto kong cheke iyon. Sumulyap ako sa kanya muli.
"Hindi ko pa iyan matatanggap Sir," Iling ko. Ayaw kong ipamukha sa kanya na mukha akong pera. 2million? ganon lang kadali para sa kanya ang bigyan ako ng ganyan kalaking halaga?
"Diba sabi mo anak kita?" Saad niya. "Edi tanggapin mo ito dahil nagpapaka ama ako sayo ngayon." Sarkastiko niyang sabi kaya agad ko iyong hinawi.
"Hindi ko kailangan ang kayamanan nyo Sir." Umigting ang kanyang panga sa sinabi ko. Inabot niya ang kamay ko saka niya iyon pilit binigay sakin ang cheke.
"Mary tanggapin mo ang pera at huwag ka na muling magpapakita sakin. Lumayo kana dahil ito naman ang habol mo diba? Ang makakuha ng pera mula sakin." Itinapon ko sa sahig ang cheke.
Bumuhos ang luha ko ngunit hinahayaan ko lang iyon. Naikuyom ko ang aking kamao sa galit. Ang dibdib koy sobrang sikip dahil sa sinabi niya.
"Tama rin pala ang disesyon ni nanay na ilayo niya ako sayo. Mas mabuti nalang pala na lumaki ako sa tabi ni tatay Goncillio kaysa isang amang katulad mo." Hinawi ko ang luha ko saka inayos ang sarili. "Huwag kang mag-aalala hindi ako mang-gugulo sa pamilya mo. Dahil wala rin naman akong makukuha kong gugulohin ko kayo. Gusto ko lang naman makilala ang tunay kong ama pero ngayon? Nag-sisisi na ako dahil bakit ikaw pa ang naging ama ko." Huli kong sabi saka sya nilagpasan at tuluyang iniwan.
Mas lalong bumuhos ang luha ko. Humikbi ako ng iyak ng makalabas ako ng resto. Halos hindi ko na makita ang daan dahil sa mga luhang humaharang sakin. Ang sakit-sakit. Bawat taong nakapaligid sakin ay sinasaktan ako.
Bakit sya pa ang minahal ni nanay? bakit sya pa ang naging ama ko? Itong daloy ng dugo ko ay konektado sa daloy rin ng dugo niya. Nag-sisisi na ako ngayon, kong bakit pinilit ko pa ang sarili kong makita sya. Sana ay bumalik nalang ako sa probinsya at namuhay ng normal. Hindi sana ako nasasaktan ng ganito ngayon.
Continue...