webnovel

The Virgin Mary

-COMPLETED BOOK [1]- NBSB? No boyfriend since birth Oo,yan ang kahulugan sa probinsyanang Katulad ko. Never been touch, Never been kiss. Sabi nga ng NANAY ko sakin. THE BEST GIFT OF A MAN OF HIS WOMAN in THE WEDDING DAY IS THE VIRGINTY. Pero yung iba ginawang Monthsary gift, Anniversarry gift, O kaya birthday gift.. Pero lahat yun nagbago. Kinalimotan ko na ang sinabi ng nanay ko non, yung bagay na kina ingat-ingatan ko ay mawawala nalang bigla at naglaho.. Siguro nagmahal lang ng sobra, Kaya pati kaluluwa binigay na.. Pero isa lang ang bagay ang natutunan ko. VIRGIN ka man o Hindi. Kong mahal ka talaga ng isang tao. Tatang-gapin ka niya ng buong-buo. -VIRGIN MARY- Written by: Mommy_J

Mommy_J · 都市
レビュー数が足りません
62 Chs

KABANATA 40

Mag a'apat na araw na pero hindi parin sya nag paparamdam sakin. Nag-sisisi na ako dahil hindi ko sya sinagot nong gabing umiiyak ako sa banyo. Nag-sisisi ako dahil dun ay hindi na sya tumawag ulit sakin. Siguro ay tama iyong narinig ko. Siguro ay niluluko niya ako at isa lang ako sa mga babae niyang nilalaruan. Habang iniisip ko iyon ay nasasaktan ako. Pilit kong kinakalimotan ang nararamdaman ko ngayon. Na sana ay nakinig ako kay Rocky, na sana ay umiwas nalang ako sa kanya. Ilang araw nang sobrang bigat ng dibdib ko. Yung feeling na wala kang gana sa kahit anong bagay. Gusto kong marinig ang lahat tungkol sa kanya, gusto kong malaman ang lahat galing sa bibig niya. Minahal niya ako at ramdam na ramdam ko iyon. Hindi ako nagkakamali mahal niya ako at alam na alam ko iyon. Pilit kong pinapaniwalaan ang sarili ko na nag sisinungaling lang yung mga babae. Pilit kong pinapaniwalaan ang sarili ko na baka gawa-gawa lang nila iyon. Ilang ulit na akong sumusulyap sa phone ngunit hanggang ngayon kahit tuldok manlang ay hindi niya magawang gawin. Iniisip ko nalang baka busy sya? O kaya marami syang ginagawa. Iniisip ko rin nga lang kaya hindi niya sinabi sakin na magkasama sila ni Venus dahil baka ayaw niyang  magalit ako. Baka itinago niya lang din sakin dahil ayaw niya akong masaktan. Ang gulo, ang dami kong pwedeng gawing alibies.

Naalala ko ang sinabi niya, may investment ang pamilya ni Venus sa kompanya ni Matteo kaya iyon ang rason para magkasama sila sa Macao. Ang hirap-hirap paniwalaan kong alam ko sa sarili ko na nagmumukha akong tanga.

Pero sa ginawa niya ngayon ay doble ang balik sakin. Ang sakit dahil doble-doble ang sak-sak saking dibdib.

"Doon tayo girls," Kaway ni Jessica samin. Buti nalang at napag-isipan nilang mamasyal dito sa park kundi baka nabaliw na ako sa kakaisip. Pero kahit nasa labas kami at nag kakasiyahan ay hindi ko maiwasang isipin si Matteo palagi.

"Maey hali ka na," Kaway sakin ni Ivony. Natatawa ako sa kanila dahil nagagawa pa nilang maglaro sa edad nilang yan.

"Sige dito lang ako panunuorin ko lang kayo," Kaway ko saking kamay bago umupo sa may bench. Sumandal ako habang kumakain ng kwek-kwek at bola-bola. Natatawa ako sa apat dahil mukhang bumalik sila sa pagkabata. Hindi ko lang alam kong bakit nagtagal ang mga boyfriend nito sa kanila.

Ang sarap ng simoy ng hangin dito sa park. Ang mga bawat bata sa paligid ay naglalaro ng bike, skitch, dash board. Ang sarap sigurong bumalik sa pagkabata dahil wala kang iniisip kundi puro laro. Hindi ka masasaktan sa puso kundi masasaktan ka lang sa tuhod.

"Wooooo"

"Isa pa...."

"Ivony ako naman kanina ka pa dyan."

Humagik-ik ako habang pinapanuod sila. Naglalaro sila ng archery, sliding, swing at ang nakakatawa pa ay nag uunahan kong sinong mauuna. Tumayo ako bago lumapit sa kanilang direskyon. Naantig ng puso ko ang duyan na gawa sa bakal kaya umupo ako dun. Nilibang ko ang sarili ko sa duyan bago tumingala sa langit. Bigla nalang nag vibrate ang phone ko kaya dali-dali ko iyong kinuha sa bulsa. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko ng tumambad sakin ang pangalan ni Rocky.

1 message from: Rocky

Bumagsak ang magkabila kong balikat sa nabasa. Mabuti pa si Rocky ay nagagawa pa niyang magparamdam.

I'll be home nextweek. Miss na miss na kita Mary. See you soon.

Napangiti ako sa nabasa ngunit may bahid sakin ang takot at kaba. Pano ko sasabihin kay Rocky na naging kami ni Matteo? Siguro ay maiintindihan niya rin ako. Hindi ko na sya nagawang replayan pa at binalik ko ang tingin sa mga kaibigan kong hanggang ngayon ay nagalalaro parin. Hindi pa ako nakakauwi sa probinsya dahil sa nangyari nong gabing natapunan ko ng alak ang damit ng babae. Binigyan ako ng chansa ni Clifford kaya di ko magawang mag paalam sa kanya. Siguro ay sa susunod na buwan nalang ako uuwi.

Nang matapos ang kabaliwan ng apat ay napagpasyahan nilang magpahinga. Nakaupo kami sa isang malaking swing kong saan pwedeng apat o anim ang kasya.

"Grabe ang sarap tuloy bumalik sa pag kabata." Natatawang saad ni Grace. Kanina pa sya habol ng habol ng kanyang hininga.

"Oo nga noh? Ngayon pa ako nakabalik sa paglalaro. Masaya pala maging bata ulit." Natatawang sambit ni Jessica. Ang kanilang damit ay halos basa ng pawis. Ang kanilang mga mukha ay ngumingiwi sa pagod.

"Sumali ka sana samin kanina Maey. Sigurado akong mag e'enjoy ka rin." Pagmamaktol ni Ivony.

"Pinapanunuod ko lang kayo kanina nag e'enjoy na ako." Sagot ko na ikinasimangot nilang tatlo. Nag-iwas ng tingin si Erika.

"Ahhhhhh ang sweet ng kaibigan natin." Mangiyak-ngiyak na sabi ni Grace. Lumapit sya sakin saka ako niyakap. Agad kong niyakap ang aking sarili dahil sa basa niyang damit.

"Tika lang basa ka," Tinulak-tulak ko sya kaya nag taas ito ng kilay. Nag katinginan silang tatlo na para bang may balak na gawin.

"Girls?" Taas kamay ni Grace saka sila sabay tumingin sakin. Nagulat nalang ako dahil niyakap nila akong tatlo bago idinikit ang kanilang damit sa katawan ko.

"Ahhhhhh nakakadiri," Sigaw ko habang niyayakap ang aking sarili. Natutuwa sila sa ginagawa nila kaya wala na akong magawa dahil hindi ko sila kaya. Hingal na hingal silang bumalik sa upoan habang humatak ng tawa. Panay ang punas ko saking sarili dahil dumikit talaga ang pawis nilang tatlo sakin.

"Oh ayan, tumawa ka narin." Inagat ko ang ulo ko saka sila isa-isa tinignan. Ang kanilang ngiti ay masyadong malapad kaya mahahawa ka nalang.

"Kanina ka pa kasi namin sinusulyapan. Hindi ba nag paramdam si sir Matteo sayo?" Tanong ni Grace. Nag-iwas ako ng tingin. Yan din ang kanina ko pa itinatanong saking sarili. Simula nong hindi ko sinagot ang mga tawag niya ay hindi na sya nagparamdam ulit.

"Apat na araw na syang hindi nagpaparamdam." Sagot ko na ikinagulat nila. Ang kanilang mata ay literal na bumilog sa sinabi ko.

"Apat na araw? Ako nga eh ilang buwan ng hindi nag paparamdam sakin si Josson." Sambit ni Ivony na mas ikinagulat ko. Hindi ko alam kong pano niya nagawang tumawa sa lagay na iyan. Ilang buwan? pero parang wala lang sa kanya.

"Ivony ibahin mo si Maey. First boyfriend niya si sir kaya nahihirapan syang mag adjust." Sagot ni Jessica. Natahimik ako sa sinabi niya. Hanggang kailan ba ako mag aadjust? Hanggang kailan ba ako mag papanggap na okay? Hanggat malaman ko ang totoo kong anong meron si Venus at Matteo.

"Baka busy o kaya napagod o kaya nawala ang phone o kaya na snatch, o kaya may nangyaring masama kay sir------------?" Bulyaw ni Grace kaya binatokan agad ito ng dalawa. Napabuntong hininga ako sa sinabi niya. Sana naman hindi!

"May narinig ako kahapon." natahimik sila sa sinabi ko. "Isa sa mga costumer," napasinghap ako bago pumikit. "Narinig ko silang nag-uusap----,"

"Anong narinig mo?" Tanong ni Ivony. Bawat titig nila sakin ay hinihintay akong magsalita. Ang kanilang mata ay tila nag-aalala sa sasabihin ko. Yumuko ako habang pinagalalaruan ang phone ng pa ikot-ikot.

"Magkasama si Venus at Matteo sa Macao ngayon. Yun ang narinig ko." Narinig ko ang mura nilang tatlo. Halos sinabi nila ang lahat ng pagmumura sa buong mundo.

"Sinasabi ko na nga ba't pinaglalaruan ka lang ng lalaking yan eh." Iritasyong  singit ni Ivony.

"Baka naman kasama si Venus sa trip na yan. Sinabi ba sayo ni Matteo?" Umiling ako agad sa tanong ni Jessica. Nagmura ulit ang dalawa kaya sumulyap ako kay Erika. Ang kanyang mata ay naglalaro at tila nag aalala din.

"Ang kapal talaga ng mukha ng Venus na iyan. Napakalandi. Sigurado akong pinag siksikan niya ulit ang kanyang sarili kay sir." Irritable na sambit ni Grace. Ang kanilang masasayang mukha kanina ay naging tigre. Nag-sisisi na ako ngayon kong bakit sinabi ko pa sa kanila ito.

"Titigil si Venus kong hinaharangan sana ni sir Matteo. Ang dali lang naman gawin iyan pero hindi pa nagawa ni sir." naging mabagsik ang boses ni Grace. Halos sumabog ang puso ko sa sakit. "Ito naman kasing mga lalaki galit na galit sa malalandi, pero pag sila ang nilandi? Abot langit ang ngiti." natamaan ako sa sinabi ni Grace. Tila naiisip kong ganon na ganon kaya si Matteo?

"Kilala nyo naman si sir Matteo diba? Kahit tayong apat ay saksi kong gano sya ka playboy. Ibat-ibang babae ang dinadala niya sa bar. Natigil lang iyon ng dumating si Maey sa buhay niya." natahimik kami sa biglaang pag sambit ni Erika. Kitang-kita sa mukha niya ang galit at inis. "Im sorry to say this Maey huh? Nakita ko si sir Matteo at Venus na naghahalikan sa labas ng bar. Hindi ko alam kong kailan iyon

Basta ang alam ko kayo na sa mga panahon na iyon." Nabigla ako sa narinig. Ang puso ko ay unti-unting kumukupas. Ang dibdib kong sobrang sikip na tila ayaw akong pahinga-in. May namumuong luha sa mata ko ngunit pilit ko iyong pinipigilan.

Ilang sandali akong natahimik. Ang luhang pinipigilan ko ay isa-isang pumatak. Nakagat ko ang labi ko sa sakit. Halos hindi ko na sila makita dahil sa luhang ito. Kong ganon niluluko lang pala ako ni Matteo.

"Erika totoo ba yan?" Putol ni Ivony saka lumapit sakin at niyakap ako ng mahigpit. Mas lalong bumuhos ang luha ko sa ginawa niyang pag yakap sakin.

"May rason ba para gumawa ako ng kwento? Kong ano man ang nakita ko yon ay totoo. Tska gusto ko lang gumising si Maey sa katotohanang mababa tayo mataas sila." Dugtong ulit ni Erika. Humikbi ako sa kakaiyak. Nag-sisisi na ako ngayon. Sana ay nakinig ako kay Rocky sana ay umiwas nalang ako kay Matteo. ang daming sana saking isipan kahit alam kong hindi na maibabalik ang oras.

"Im sorry Maey sana ay pinigilan ka nalang namin." mangiyak-ngiyak ni Grace. "Nakikita kasi naming masaya ka sa pakikipag relasyon kay sir Matteo. Kaya hinayaan ka nalang namin. Sino naman kami kong pipigilan ka namin diba?" Salaysay niya ulit. Ang mga luha kong patuloy parin ang agos. Ang sakit masaktan, ang sakit umasa. Ang dali-dali kong nabilog sa mga palad niya. Ang dali-dali kong naisuko ang kina ingat-ingatan ko.

Isang oras bago kami bumalik ng bar. Ang kaninay mga luha kong isa-isang umagos ay ngayon hindi na magawang bumuhos. Siguro ay naubos kanina sa kakaiyak ko. Pagod na pagod na ang mata ko.

Ramdam na ramdan ko ang pamamaga ng aking mata kaya hinihila ako paantok nito. Pagod na pagod na ang katawan ko sa kakaiyak sabayan mo pa sa dibdib kong nag susumamo. Gusto ko syang kausapin at paniwalain. Gusto kong marinig ang eksplenasyon niya. Gusto kong marinig sa kanya na hindi totoong pinaglalaruan niya lang ba ako.

Ngayon nakuha na niya ang gusto niya. Hindi na niya magawang mag paramdam sakin. Hindi ko manlang na malayan na nakarating na kami ng bar. Wala sa sarili akong naglakad papasok sa loob.

"Maey," Tawag sakin ni Ivony kaya huminto ako sa paglalakad. Pahina ng pahina ang katawan ko kaya hindi ko magawang tignan sila ng diretso. Ewan ko kong bakit huminto sila sa paglalakad. Ang kanilang titig sakin ay para bang kakaiba. Kinakabahan ako sa mga reaskyon nila. Sinundan ko sila ng tingin dahil sa mga tingin nilang nasa likod ko.

Nanlaki ang mata ko sa nakita. Ang kaninay puso kong sumikip ay para bang nakalabas sa isang malaking hawla. Ang kanyang tindig at ayos ay sumisigaw ng kayamanan at karangyaan sa buhay. Dahan-dahan syang lumapit sakin na nakataas kilay. Nabibingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko ngayon.

"Mary right?" Head to toe niyang tanong sakin. Napalunok ako ng iilang laway dahil sa guhit ng kanyang kilay na sobrang taas.

"Good day madamme," Pormal kong bati na mas lalong ikinataas ng kanyang kilay. Titig na titig sya saking kasuotan.

"Gusto sana kitang makausap," Bagsak boses niyang sabi. Ang kanyang mata ay hinuhuli ang bawat bigkas ng bibig ko. "In a private place Mary."

Sumulyap ako mula sa mga kaibigan ko. Ang kanilang mukha ay may malaking question mark na tila nagtataka. Hindi ko alam kong kilala ba nila ang babaeng to.

"Sige po madamme." Sagot ko na ikinangiti niya.

"Okay come with me." Tuluyan niya akong tinalikuran saka ako sumunod. Titig na titig sya saking mga kaibigan bago niya ito nilagpasan. Suminyas lang ako sa kanila at sasabihin ko rin ito sa kanila mamaya.

May nakaparadang Porches sa gilid ng bar at dalawang lalake na sobrang laki ng mga kawatan. Isang body guard at isang driver at iyon ang napag kaalaman ko. Pinagbuksan ako ng pinto ng lalake kaya napahinto ako. Nagdadalawang isip pa akong pumasok at tila tama ba itong ginagawa ko? Bakit nga ba ako sasama? Hindi ko rin alam dahil kusa lang pumayag ang sarili ko. Tuluyan na akong pumasok sa loob bago sya sumunod sakin.

Kinakabahan ako sa pustora ng mukha niya ngayon. Ang kanyang ayos ay mukhang galing pa sa trabaho. Nilibang ko ang aking sarili sa labas ng bintana. Nabalotan kami ng katahimikan sa loob ng kotse.

Ilang sandali lang ay huminto ang kotse sa isang coffeeshop. Sumulyap sya saglit sakin bago suminyas na maunang lumabas ng kotse. Pinagbuksan ako ulit ng lalake saka ako lumabas.

Sumunod ako sa kanya papasok ng shop.

"Good morning madamme Torria," Pormal na bati ng isa sa mga crew. "This way po madamme," nilahad niya ang kanyang kamay saka tinuro ang isa pang pinto mula sa dulo.

Namangha ako sa disensyo ng paligid. Ang malaking chandelier mula sa gitna at kisame pati pader nito ay gawa sa marmole. Hinilahan kami ng upoan ng kanyang gwardya bago sya sumulyap sakin ulit. Iminuwestra niya ang upoan kaya napatitig ako. Umupo sya sa kabila bago ako sumunod rin. Bawat galaw ko ay tinititigan niya na para bang nag hihintay syang magkamali ako.

"What do you want to drink?" Taas kilay niyang tanong. Umiling ako agad sa anyaya niya. Ayaw na ayaw kong uminom ng isang iinumin kong galing naman sa pera niya.

"Sumama ako dahil gusto mo akong kausapin. Hindi ako sumama para lang gumastos ka ng inumin," Marahan kong sagot kaya umigting ang kanyang panga sa sinabi ko. Ang kanyang mata ay namumula sa galit.

"Didiretsohin na kita, stay away to my son," Bagsak boses niya. Ang kaba ko ay nag papanginig saking katawan. "Hindi ka nababagay sa anak ko. Isa ka lang waitress and you distracting our family background." napalunok ako sa sinabi niya.

"Mahal ko si Matteo," Yun lang ang tangi kong naisagot. Bahagya syang tumawa bago nagtaas ulit ng kilay.

"Mahal? Then the question is mahal ka din ba ng anak ko?" Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa tanong niya. Bigla akong natahimik. Sobrang bigat ng aking nararamdaman. "Diba hindi ka makasagot?" ngisi niya pa. "Maraming naghahangad at nangangarap sa anak ko. They all beautiful, rich and high standard. And I dont really expect na babagsak sya sa isang waitress lang? My son is a sucessful business man, at hindi ako papayag na mapupunta lang sa isang cheap waitress ang lahat ng pinaghirapan namin." Naikuyom ko ang aking kamao sa sinabi niya. Bawat buka ng kanyang bibig ay nagpapalasing sakin.   Marahan akong pumikit.

"Wala akong pakialam sa kayamanan nyo. Mahal ko si Matteo at wala na akong mas hinahangad pa mula sa kanya." Mahina kong sagot. Tumawa sya ng maarte saka ito sumandal sa upoan ng may ngiti. Nilalaro niya ang kanyang kamay sa mesa habang tinititigan ang bawat hugis ng katawan ko.

"My son is not a source of your income. Baka nga yang suot mo ngayon ay galing sa kanya. And how about the cellphone? Or maybe the next day house and lot." Napatayo ako sa sinabi niya. Hinabol-habol ko ang hininga ko sa galit. Ayaw ko syang patulan dahil Mommy sya ng taong mahal ko. Sinasak-sak niya ako paharap kaya sobrang sakit.

"Hindi ko pini'perahan ang anak nyo. Kahit anong sabihin nyo ay hindi ko lalayuan si Matteo. Wala akong pakialam kong ano man ang iisipin nyo dahil mahal niya ako at iyon ang pinang-hahawakan ko." Bagsak boses kong sagot. Naningkit ang mata niya sa sinabi ko. Literal syang napalunok. Mahal ako ni Matteo at alam ko iyon. Hindi sya gagawa ng kahit anong bagay na ikakasaya ko kong niluluko niya lang pala ako. Gusto kong maging matapang kahit ngayon lang. Wala akong pakialam kong nasa Macao sya kasama si Venus, dahil alam kong may rason sya para magsalaysay sakin.

"Mag kano ba ang binabayad ng anak ko sayo?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya gusto kong manampal ngunit pinipigilan lang ako ng sarili ko. "I can pay you triple layuan mulang ang anak ko." nag tiim ako ng bagang.

"Hindi nababayaran ang pagmamahal." Asar kong sagot kaya umawang kanyang labi. Tumayo sya at padabog na itinukod ang mag kabilang kamay sa mesa.

"Hindi ko alam kong anong nakita ng anak ko sayo." Taas kilay niya sakin. "Yes inaamin ko maganda ka ngunit hindi ikaw ang tipo niya. Alam mo kong sinong nababagay sa anak ko? Si Venus na kasama niya ngayon sa Macao. And beside they both happy there, they enjoying the beautiful spot of Macao. Which is mean, doon nila balak mag pakasal. Hindi niya sinabi sayo diba? Dahil hindi ka mahal ng anak ko. Well, ito na ang huling pag-uusap natin. Excuse me," Huli niyang sabi bago ako tuluyang iniwan.

Napakapit ako ng mahigpit saking dibdib. Ang katawan kong pahina ng pahina ay dinadala ako paupo sa upoan. Pano ko ipaglalaban si Matteo sa kanyang Mommy kong pabalik-balik sumasagip sa isip ko na mag kasama silang dalawa sa Macao?

Lagi kong inaalala ang kanyang sinabi sakin. "Trust me Mary," Iyon ang pinanghahawakan ko kaya di ko magawang maniwala sa kanilang lahat. Naniniwala ako kay Matteo ngunit sa bawat taong humaharang samin ay parang unti-unti ko naring naiisip na isang malaking kalokohan lang ang lahat.

Sobrang sakit palang magmahal lalo na kong maraming sagabal.