"Maey, ihatid mo ito sa number five." tawag sakin ni Jessica.
Agad akong lumapit sa kanya at kinuha ang iilang bote ng alak mula sa counter.
Sinanay nila na tawagin ako sa pangalang Maey. Si Ivony ang unang tumawag sakin niyan kaya ginaya narin ni Jessica at Grace. Ewan ko lang kay Erika, dahil hindi ko pa sya naririnig na tawagin ako, maging sa pangalan ko.
Tinuruan na rin ako ni Ivony kong pano gumalaw at rumi'presenta sa mga costumer. Maging sa pa sikot-sikot sa loob ng bar ay kailangan kong tandaan.
"Good evening Sir this is your order." dahan-dahang inangat ng lalaki ang kanyang ulo. Bahagya syang ngumiti bago ako ngumiti pabalik sa kanya.
"Thank you beautiful," kindat nito bago ako nag bow sa harap niya.
Dali-dali akong bumalik sa counter.
"Maey, pakihatid sa number one." bulyaw ni Erika kaya agad kong tinanggap ang mga bote ng alak.
Nabigla ako sa pagtawag niya saking pangalan. Nasisiyahan ako sa narinig habang naglalakad patungo sa gitna ng bar!
May iilang costumer na panay ang tingin sakin. Sa totoo lang ay hindi ako komportable sa suot ko. Napaka iksi at di umano'y halos kita ang pwetan ko.
Bakit kailangan pa ganito ang susuotin? Siguro ay kailangan kong maging komportable.
"Good evening Sir," sabay napatingin sakin ang apat na kalalakihan. Ngumiti din ako at ganoon din sila.
Nilapag ko 'yong iilang bote ng alak sa mesa. Alam kong nasa akin lang ang titig nila at kailangan kong kumalma.
"Enjoy your drink po Sir," nag bow ako agad sa apat na lalaki bago sila tinalikuran.
Natatakot ako dahil medyo lasing narin sila. Kahit nag mumukha akong walang modo sa inasta kanina ay agad akong umiwas.
Natatakot akong mabastos at sana hindi mangyari iyon sakin dito.
"Hoy. Bakit ang tagal mo huh!?" Nakapamewang na bulyaw sakin ni Erika. Hindi ako sumagot at yumuko nalang. "Ito pa," lapag niya sa tatlong bote ng alak. "Hatid mo sa number eight. Bilis!" umirap sya bago ako tinalikuran.
Minsan ay naiisip ko kong ano kayang problema niya sakin? Naging mabait naman ako. Naging masunurin naman ako sa trabaho. Tila bakit ayaw niya parin sakin?
Napasinghap ako bago tumuloy sa paglalakad. Hinatid ko ang alak sa numerong sinabi niya.
Nakakapagod ang trabaho na ito ngunit mas mabuti na 'to kaysa wala.
Bumalik ako sa counter na nakangiti. Hawak-hawak ang dala kong tray ay naaninag ko ang paglapit sakin ni Ivony. Sobrang lapad ng ngiti niya kaya kumunot ang noo ko. Anong meron?
"K-Kanina pa kita hinahanap." kapit niya sa braso ko. Sumabay sya saking paglalakad. "Pinapunta ka ni Sir sa office niya." kilig nito kaya mas kalong kumunot ang aking noo.
Kinabahan tuloy ako sa sinabi ni Ivony. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
"Bakit raw?" tanong ko na may kaba.
"I dont know, Maey. Pero ang swerte mo huh. Sige na at pumunta kana sa opisina ni Sir," nagulat ako sa ginawang pag tapik niya sa puwet ko. Napausog ako na may ngiti.
Umalis akong may ngiti sa labi. Hindi ko alam kong bakit sobrang hilig ni Ivony na tapikin ang pwet ko. Buti nalang talaga at kaibigan ko sya.
Kinakabahan ako habang naglalakad dito sa corridor. Pagdating ko sa may silid ay nag dadalawang isip pa akong buksan ang pinto ng opisina ni Clifford. Malalim akong bumuntong hininga bago dahan-dahang pinihit ang pintoan.
Unang bumungad sakin ay si Clifford at Robi na nag-uusap. Napapad ang tingin ko sa isang lalake na hindi ko kilala. Nakayuko ito habang titig na titig sa mga papel na hawak niya. Nakagat ko ang ibabang labi ko sa kaba.
"Mary?" napatayo si Clifford na may ngiti. "Pasok ka," tango sakin ni Clifford. Dahan-dahan akong lumapit sa kanila na nakayuko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa kaba.
"Good evening po Sir Clifford at Sir Robi." masaya kong bati bago sinulyapan ang kasama nila. Kahit hindi ko sya kilala ay kailangan ko syang batiin. "Good evening Sir---,"
"Matteo," sagot niya habang sa papel nakatuon ang tingin. Humalukipkip ako sa takot. Kahit hindi ko pa nakikita ang kabuohan ng kanyang mukha ay sigurado akong nakakatakot sya. Ano ba itong naiisip ko?
"Dito ka umupo Mary." tumayo si Robi saka inilahad ang upoan gamit ang kamay niya. Uminit ang pisnge ko sa ginawa niya.
"Okay lang po ako dito Sir," ngisi ko na ikinanguso ni Robi.
"Hindi pinapatayo ang mga magandang dilag na katulad mo, Mary. Sige na't umupo kana dito." nakagat ko ang ibaba kong labi sa kahihiyan. Sumulyap akong muli kay Matteo na ikinaiwas ko agad ng tingin. Nakatingin na pala sya sakin.
Agad akong umupo sa kinauupoan ni Robi kanina. Hinila ko pababa ang dulo ng aking damit bago tumagilid at humarap kay Clifford.
Magkaharap kami ngayon ni Matteo. Si Robi ay nasa likuran ni Matteo kong nasan ang sofa. May inilahad sakin si Clifford at napagtanto kong isa iyong contract sign.
"Sign this first, Mary." Agad ko iyong tinanggap. Binasa ko ng paulit-ulit ang papel. Hindi ko maiwasang tignan sila mula sa gilid ng aking mata. Namamawis ang paa ko sa ilalim ng aking sapatos. Kinakabahan ako sa titig ng tatlo.
"Oh? Diba pupunta sina Venus dito? Bakit hindi pa dumadating?" wika ni Robi sa dalawa. Nag-uusap sila habang pinepermahan ko ang iilang papel.
"Traffic raw. Nag text sakin ngayon lang." sagot ni Clifford.
Kitang-kita sa gilid ng aking mata kong pano tumitig si Matteo sakin. Nanginginig ang kamay ko habang pumiperma.
Agad kong binigay kay Clifford ang mga papel saka niya tinanggap iyon. Isa yung kontrata na mag tatrabaho ako sa bar ng isang taon. Sobrang saya ng naramdaman ko ngayon dahil isang taon akong may regular na trabaho. Makakaipon pa ako para pambili ng mga gamit.
"This is a contract which means you will work here for one year." salaysay ni Clifford na ikinatango ko. Sobrang malaking bagay na ito sakin. Kahit ilang taon pa yan basta't may makakain lang ako araw-araw.
"Ganito kasi yan Mary. Noon umaalis ang mga waitress namin dito ng walang paalam. Kaya napag-pasyahan naming gumawa ng kontrata. Kong sino man ang may balak umalis dito ay may obligation sa bar at makukulong sya ng ilang buwan." paliwanag ulit naman ni Robi. Kahit wala pang contract iyan ay wala akong balak umalis dito.
"Thank you po Sir. Naiintindihan ko po." ngisi ko na ikinatango ng dalawa.
"Anyway Mary. Bagong salta ka dito sa Manila diba?" lumingon ako sa katanongan ni Robi. Direkto ang mata ko sa mata ni Robi, kahit gusto ko ng sulyapan si Matteo dahil sa titig niya ngayon.
"Opo Sir. Taga probinsya po ako sa lanao del norte." ngiti kong sagot kahit nanginginig ang ibabang labi.
"Cut the "Sir" masyadong pormal." napayuko ako sa sinabi ni Robi. Iyon naman dapat ang tinatawag sa mga matataas na katulad nila.
"You must be kidding me Robi." halakhak ni Clifford na ikinahalakhak din naman ni Robi. Palipat-lipat ang tingin ko sa dalawa.
"Probinsyana girl Clifford, its probinsyana girl. Don't get me wrong." paulit-ulit na saad ni Robi. Hindi ko alam kong anong ibig sabihin ng dalawa. Sumulyap ako kay Matteo at nahuli ko itong nakangiti habang nilalaruan ang labi. Humalukip-kip ako at dahan-dahan ibinaba ang damit sa may hita.
"I know so shut-up Robi. Kilalang-kilala kita." Pagbabanta ni Clifford kay Robi. Mas lalong lumakas ang tawa ni Robi. "I felt so sorry Mary. Robi is just an asshole!" Natatawang sabi ni Clifford sakin.
"Okay lang po, Sir." ngisi ko sabay ng pagtayo ni Matteo. Padabog niyang ibinaba ang hawak niyang papel kanina.
"I have to go," bagsak boses niyang saad saka niya kami tinalikuran.
"Matt? Hindi pa dumadating sina Venus. Kindly wait for a while?" usal ni Clifford bago ito tumayo.
Dahan-dahan syang lumingon samin na blanko ang ekspresyon ng mukha. Bawat titig niya samin ay nakakatakot. Hindi ko mabasa ang iniisip niya dahil sa sobrang seryoso ng kanyang mukha. Oo inaamin ko! Ngayon ko pa napagtanto ang kagwapohan niya. Ang medyo magulo niyang buhok ay natatakpan ang isang kilay niya. Ang kanyang mapupulang labi ay nakakaakit. Sabayan mo pa sa matangos niyang ilong. Naipilig ko ang aking ulo.
Nababaliw na yata ako at mukhang napapaniwala na ako kina Ivony.
"I can't imagine myself staying here, if that girl," ngusong turo niya sakin kaya nanlaki ang mata ko. Bakit? Anong problema sakin? "if that woman is wearing a short dress, to show me her body to seduce me, sons of God oh mercy lord. Shit!!!! She almost showed herself by me." Humalakhak ang dalawa niyang kaibigan sa sinabi niya. Sobrang laki ng mata ko sa kahihiyan.
"Haven't you ever thought of almost seeing your panty with someone else?" Na statwa ako sa sinabi niya.
Dahan-dahang bumagsak ang mata ko sa nakabuka kong hita. Dali-dali kong ipinagdikit ang hita ko sa kahihiyan. Sobrang init ng pinsge ko. Kaya pala gusto niyang umalis mula sa kinauupoan niya kanina dahil kitang-kita ang undies ko mula roon.
Nagtawanan sina Clifford at Robi. Nakakahiya, sobrang nakakahiya. Yumuko ako sa kahihiyan. Tanging pagsara lang ng pinto ang narinig ko. Tila nabingi ako sa tawanan ni Clifford at Robi.
"Haha I'm sorry Mary. Gago lang talaga yung pinsan namin." sobrang init ng pisnge ko sa sinabi ni Robi.
"Sorry po Sir." tumayo ako bago nag bow sa dalawa. "Babalik na po ako sa trabaho. Salamat po ulit excuse me." Tuloyan na akong nagpaalam sa kanila. Panay ang hila ko pababa sa suot kong damit.
"Nakakainis. Nakakahiya ka kanina Mary." bulong ko saking sarili. Naikuyom ko ang aking kamao sa inis. Kaya pala kanina pa sya titig ng titig sakin. Ang bastos bastos talaga!
Pagbalik ko sa counter ay naging busy ang lahat. Dumaan ang ilang oras ay lumabas si Clifford at Robi galing sa office nila. Panay kalbit ni Ivony saking tagiliran. Tila kinikilig ng makita ang dalawa.
"Shit. Nakakalaglag panty." natatawa niyang wika. Naalala ko tuloy ang eksina sa opisina kanina dahil sa sinabi ni Ivony.
Umupo sila sa may sulok. Ngayon ko pa napagtanto na nandoon pala si Matteo sa sofa habang naninigarilyo ito. Bakit hindi ko sya nakita kanina?
Bumalik kami sa trabaho. Binusy ko ang aking sarili sa trabaho. Minsan ay lumilingon ako sa direksyon ng mag pinsan at panay tawa ng tatlo. Tila nagkakasiyahan.
"Maey, Ikaw na ang maghatid nitong mga alak sa number two." agad kong tinanggap ang tray na inilahad ni Ivony. Nagtungo ako sa numerong sinabi ni Ivony.
"Good evening Sir here's your order two bottle of vodka." napatitig sakin ang lalaki na may ngiti. Sinuri niya ako mula ulo hanggang paa.
"Bago ka dito miss?" Tanong niya bago naglagay nang alak sa baso.
"Opo Sir." Ngiti kong sagot. Bahagya syang nag taas ng kilay.
"Kaya pala looking fresh and young." kinabahan ako sa sinabi ng lalaki. Dali-dali akong nag bow sa harap niya.
"Salamat po Sir. Excuse me po." mabilisan ko syang tinalikuran. Nakaka ilang ang bawat titig niya sakin kaya mas pinili kong umalis nalang.
Naging busy ang bar sa gabing to. Halos lasing narin ang mga ibang costumer. Nag-siuwian narin ang iba dahil sa kalasingan.
Habang nakatayo kami sa counter ni Ivony kasama si Jessica ay may biglang dumating na dalawang babae. Nakuha nila ang atensyon naming lahat. Sobrang ganda at napakaperpekto ng kurba ng kanilang katawan. Papalapit sila sa kinauupoan ng mag pinsan.
Hindi ko maiwasang mamangha sa ganda at anyug ng kanilang katawan. Ang kanilang itsura ay sumisimbolo sa tunay na kagandahan. Bigla akong siniko ni Ivony kaya napalingon ako sa kanya.
"Ang ganda noh?" lumingon ako sa kanya bago tumango. "Sila lang naman yung mas'wewerteng babae ni Sir Clifford at Sir Matteo." ekplenasyon niya habang nakanguso.
"Ah ganon ba?" ibinalik ko ang tingin sa kanila. Oo sobrang ganda nila. Sigurado akong nagmula sila sa mayayamang pamilya.
"Sa mga katulad na mayayaman lang nababagay sina Sir Matteo. Sobrang taas nila kumpara satin diba? Hayy nakakainggit." sambit ni Jessica habang nakanguso ito at yakap-yakap ang tray.
Ibinalik ko ang tingin sa direksyon nila.
Umupo ang isang babae sa tabi ni Clifford saka ito humalik sa pisnge niya. Inilipat ko naman ang tingin kay Matteo na nilalaruan ang hita ng babae habang ang babae ay panay ang bulong sa tenga ni Matteo. Umiwas agad ako ng tingin saka napagdesyonang magpatuloy sa trabaho.
Lumipas ang ilang oras ay isa-isa na kaming naglinis sa bar. Pagkatapos ng mahabang paglilinis ay isa-isa narin kaming pumasok sa silid. Sobrang nakakapagod ang gabing ito.
"It was a very tired night." gumapang si Ivony sa kama saka ito humiga ng patalikod. Sobrang sarap palang magtrabaho at nag e'enjoy ako.
"Maey bakit ka pinatawag ni Sir Clifford kanina?" tanong sakin ni Grace habang sinusuklay ang mataas niyang buhok.
"May pinermahan lang ako."sagot ko habang inaayos ang mga gamit sa drawer.
"Talaga? Kong ganon nakita mo na ba si Sir Matteo?" napatili si Grace sa kilig. Napailing ako sa tawa. "Oh my ghad. I kennat!" tumalon-talon si Grace sa kama niya na para bang mahihimatay na sa kilig.
Hindi naman talaga ipagkakaila na gwapo ang mag pinsan at inaamin ko iyon. Sobrang na gagwapohan talaga sila sa tatlo kaya hindi nila maiwasang tumili at kiligin pag nakikita ang tatlo.
Lumabas ako saglit ng bar dahil gusto kong kumain sa streetfoods. Ito kasi yung kinahihiligan ko sa probinsya ang kumain ng tempura, kwek-kwek at pancue sa gilid ng kalsada. Buti nalang talaga at may ganito dito sa Manila. Kahit gabi ay may nagtitinda parin.
Palabas na ako ng bar ng mapadpad ang tingin ko sa nakaparadang kotse sa may gilid. Nanlaki ang dalawa kong mata nang maaninag ko ang babae kanina sa bar. Nanigas ako sa kinatatayuan ko ngayon. Nakapatong sya kay Matteo habang walang saplot ang kanyang pang itaas na bahagi.
Namawis ang dalawa kong kamay at nanginig ang dalawa kong tuhod sa nakita. Nakataas ang kanyang ulo habang sinasabunotan niya si Matteo sa buhok at habang hinalik-halikan naman ni Matteo ang kanyang leeg.
Bawat kilos nito ay pataas pababa. Paulit-ulit, at tila naririnig ang kanilang ungol sa labas. Agad akong tumalikod at dali-daling pinunasan ang noo sa pawis.
Dali-dali akong bumalik sa bar saka napagdesyonang matulog nalang. Hanggang sa pagtulog ko ay tumatatak parin saking isipan ang nakita kanina. Hindi ko magawang sabihin sa mga kaibigan ko ang nakita dahil sa kahihiyan.
Tinakpan ko ng unan ang mukha ko saka pinilit makatulog.