Dahil sa bilis nang tibok ng puso ko at para bang hindi na ako maka hinga ay umalis na ako doon. Hindi dahil sa takot, kundi sa kaba na hindi ko maintindihan.
Habang naglalakad ay may nararamdaman akong sumusunod sakin kaya naman mas binilisan ko.
*BEEEEPP!
Mabilis pa sa alas kwatrong may nanghila sa akin patagilid at nagulat na lamang ako nang mabitawan ko ang payong ko dahil sa paghigit nang lalaking naka hawak sa pulsuhan ko.
"Magpapakamatay kaba?" Tanong nito at natigilan ako. Dahil alam ko kung kaninong boses ito.
Patayo na sana ako nang higitin ako nito at ikinanuot naman ang noo ko.
"Kung hindi mo ako sinusundan ay hindi ako mapupunta sa gitna nang kalsada!" Singhal ko sa kanya na ikinatawa naman nito.
"Hindi kita sinusundan." Bigla na lamang akong natawa sa sinabi nito.
"Kaya pala niligtas mo ako?"
"Dahil nakita kita kaya sinundan na rin kita." Asik nito at para bang siya panay may ganang mainis, samantalang hindi pa sya humihingi nang tawad sa akin.
"Bitawan mo ako." Kalmadong sambit ko at kaunti na lang ay gusto ko nang maiyak nang maalala ang masasakit na sinabi nya sa akin.
"Why would i?" Pamimilosopo nito, kaya naman hindi ko na siya napigilang sampalin.
"Namimiloso kapa?! Ang kapal din naman nang mukha mong sundan ako at magpakita sa akin matapos mo akong pagsalitaan ng hindi maganda?!" Sa puntong ito ay hindi ko na napigilang sumigaw.
Matapos niyon ay kinuha ko na ang payong ko at tumayo na. Mabilis akong naglakad ngunit may humigit na naman sa akin at nagulat na lang ako nang niyakap ako nito.
"Patawad." Nagulat na lang ako na halos pumiyok na ang boses nito at rinig ko ang hikbi nito. "Patawad, Irish. Hindi ko gustong gawin iyon, sana maintindihan mo." Sambit nya at mas lalong hinigpitan ang yakap sa akin kaya nabitawan ko na naman ang payong ko.
"Hindi ko gustong saktan ka, oo alam kong nagawa ko pa rin, gusto ko lang na maging ligtas ka, Irish. Pasensya na kung ngayon ko lang ito sasabihin at aaminin. Oo, matagal na rin kitang gusto, ngunit alam kong hindi madali. Pasensya, ayokong mawala ka nang maaga sakin kaya inilayo na muna kita sa akin." Isinubsob nya ang mukha nya sa leeg ko at naramdaman ko pa ang pag tulo ng luha nito. "Hindi mo lang alam, araw araw kitang binabantayan, nasa malapit ka man o nasa malayo. Ang hirap mag tiis Irish. Una pa lang minahal na kita at ngayong nandito kana sa harap ko at abot ko na, ayoko na kitang pakawalan." Nanghina ako sa sinabi niya at hindi na nakakibo pa.
Ilang minutong katahimikan ang bumalot sa amin habang ang ulan ay unti unti nang humihina. "Pasensya na, kung alam ko lang na ganun pala ay-"
"Shh, wala kang kasalanan." Hinakawan nito ang dalawang pisngi ko at inangat ito upang magtama ang paningin namin.
Hindi ko na naiwasan umiyak sa harap nya na ikinataranta naman niya kaya niyakap nya ulit ako.
"I-i'm s-sorry." Pag uulit ulit kong sinabi iyon at sya naman ay panay hingi rin nang tawad habang pinupunasan ang luha ko sa pisngi.
Bigla na lamang nya ako sinalubong nang halik nito. Halik na may pagmamahal at pagka miss sa isang tao. At sa tagal nang panahon at buwan ay ito siya sa hindi makapaniwalang umamin ito at mahal na pala ako.