webnovel

21Lumaban O Pagsuko

Minsan sa buhay natin kailangan nating mamili kung lumaban ba o ang pagsuko. Lumaban dahil kailangan, para manalo sa tamang paraan ng pagmamahal o ang pagsuko. Pagsuko dahil para wala kang masaktan, pagsuko kahit na alam mong mahal mo pero dahil ayaw mong masaktan kailangan mong gumawa ng desisyon na ikaw lang ang masasaktan kaysa sa taong mahal mo..Mahirap ba talagang magmahal? Bakit ba kailangan pang may masaktan kapag nagmahal ka hindi ba pwedeng kapag nagmahal ka un lang tahimik at walang gulo, pero hindi e ang salitang pagmamahal yang ang nakakapag pagulo sa tao, sa nararamdaman ng tao..

-Shengyou: Ang desisyon ko ay ang lumaban para sa sarili ko, para mabuhay,para tumayo sa sarili ko at ayokong umasa sa ibang tao dahil sa mahina ako..At minsan sa buhay ko kailangan din tumayo at lumaban ng patas sa buhay digmaan ng pag ibig at lumaban para sa tama at hindi sa mali..Ang pag suko naman hindi dahil sa duwag ka, dahil minsan kailangan mo talagang sumuko lalo na kapag buhay na ng taong mahal mo ang nakasasalalay, dahil minsan ang pagsuko siya ang nagtutulak sayo para lumaban ka pa at maging matatag yan ang goal ko sa buhay, mula pa noon at hanggang ngaun.. Ako si Yu Shengyou na handang lumaban at sumuko..Lumaban sa tama, at sumuko para maging matatag pa lalo dahil ang pagsuko sentro lang ng kahinaan natin pero ang pagsuko din ang dahilan para maging matatag ka..😀😀

Siguro kailangan ko na silang kalimutan ilang taon narin naman ang nakalipas simula nong maglayo kaming tatlo e, mga 8 years narin pala.. Nandito nga pala ako sa North Korea,walong taon narin pala ako nandito..Pero wala parin akong natatagpuan para sa akin, siguro si Yushu at Yuanhan may mga pamilya na, wala narin akong koneksyon sa kanila dahil pinutol ko ang ugnayan naming tatlo para tuluyan na kaming magkalimutan diba, kaya di ko narin alam kung ano ng nangyari sa kanila basta ito ako ngaun nandito sa labas ng bansa, siguro panahon na para bumalik na sa lugar kong saan ako lumaki..Handa na akong harapin sila, matagal narin naman na e..

At sa bandang huli nakapag disesyon na nga si Shengyou na bumalik na ng Pilipinas..Wala siyang pinagsabihan sa pag uwi niya..

_______________________________________

At ilang oras lang makalipas naka balik na siya ng Pilipinas...At napag pasyahan nalang niya na sa hotel na dumiretsyo dahil napagod soya sa byahe...Dumating na sa hotel si Shengyou at magpapahinga na dahil sa pagod..

Ilang oras ang makalipas napag pasyahan ni Shengyou na lumabas ba muna dahil nakakainip sa loob..

-Shengyou: Cguro wala naman nang gulo sa pag uwi ko, matagal na din naman na ang nangyari diba..Sana maayos na sila dahil ako naayos na ako, naka get over na ako sana lang ok na sila..

Ang hindi alam ni Shengyou, may nakarinig sa sinabi niya..

-Lalaki: Ehem! Ehem! Amh, miss are you ok?

-Shengyou: Huh!!? Ako ba kausap mo?

-Lalaki: Yes! Wala namang ibang tao right..

-Shengyou: Pilusupo.. Bakit ba lahat nalang ng lalaki ganito..

-Lalaki: Miss, may sinasabi ka ba?

-Shengyou: Wala naman..

-Lalaki: Ako nga pala si Bi Wen Jun...😊

-Shengyou: Yu Shengyou..

-Wen Jun: Nagbabakasyon ka ba?

-Shengyou: Nope..Taga dito talaga ako, kaso may nangyari noon kaya nagbakasyon ako sa Korea kaya ngaun lang ulit ako nakauwi dito..

-Wen Jun: Ah!! Ganun ba.. May tinatakasan ka ba?

-Shengyou: Siguro.. Di ko alam kung tinatakasan ko nga ba, basta ang alam ko lang ngaun na duwag man ako noon handa na akong harapin sila kahit na hindi ko alam kung kakayanin ko kapag nalaman kong masaya na sila sa mga bagong buhay nila..

Teka nga bakit ba ako nag kwekwento sayo..

-Wen Jun: Ok lang, ako din e, may tinatakasan din.. Sana lang maging ok na din sila..

-Shengyou: Tungkol ba sa love ang tinatakasan mo?

-Wen Jun: Oo..Sa totoo lang maganda naman ung girl e pero hindi ko siya mahal, ayokong ipilit ang gusto ng magulang ko dahil lang sa gusto nila, ang gusto ko ung mahal namin pareho ang isat- isa.. Ayokong masaktan ung babae sa bandang huli, ang gusto ko pareho namin gusto ang isat- isa hindi Yong isa lang ang may gusto sa amin ayokong mag suffer ang isa sa amin..

-Shengyou: Alam mo may lalaki pa palang tulad mo na ayaw makasakit sa babae, kadalasan kasi sa nakilala ko gusto lang nila masaktan ang babae.. Sana lahat tulad mo..

-Wen Jun: Ikaw ba, yon din ba ang tinatakasan mo?

-Shengyou: Sa totoo lang Oo, pareho silang mahalaga sa akin e, hanggang sa dumating yong point na yong taong una kong minahal e umalis dahil din naman sa pride ko, at hanggang sa ito nakilala ko ang kaibigan niya at naging kami dahil ang akala ko di na siya babalik pero dalawang taon makalipas bumalik siya, at don ko nalaman na mahal ko parin siya at mahal ko din ang kaibigan niya,.. Kaya noon litong lito ako.. At hanggang sa ung ngang naging boyfriend ko e na nganganib ang buhay kailangan kong sumugal at pakasalan Yong una kong minahal para lang mailigtas ko ang boyfriend ko, pinakasalan ko yong bumalik 2 years ago, at hindi ko alam na itong boyfriend ko e gumawa pala ng paraan para mailigtas ako, binayaran niya ang buhay ko para sana maging maayos ang pagsasama namin pero huli na ang lahat dahil kasal ako sa kaibigan niya dahil akala ko un ang makakapagligtas sa kanya un pala dapat nagtiwala ako sa kanya.. Kaya dumating ung punto na wala akong pinili sa kanila at nakipag divorce ako sa taong pinakasalan ko para wala talaga akong pinili sa kanila at I'm decided to vacation in Korea in 8 years, kaya nga bumalik ako dahil matagal naman na ang nangyari e.. Siguro may mga pamilya na sila.

-Wen Jun: Paano kung pareho na silang may mga pamilya anong gagawin mo?

-Shengyou: Handa ako sa kung ano man ang mangyari kaya nga umuwi ako dahil ayoko na ulit takasan kung ano man ang kahihinatnan nang pag uwi ko, tatanggapin ko ng buo, ayoko ng maduwag ngaun..Magiging masaya nalang ako kung ano man ang naging buhay nila ngaun.. Un naman talaga ang gusto ko e, ang maka move on na sila sa akin..Dahil alam kong naging parte din naman sila sa buhay ko kaya buong puso kong tatanggapin na maging masaya para sa kanila..

-Wen Jun: Sa bagay tama ka, hindi pwedeng habang buhay kang tatakbo sa problema para lang tumakas dahil kung minsan kailangan mong harapin ang problema para maging maayos na ang lahat..Cguro ganun din ang gagawin ko, sa ngaun mag isip muna ako..

-Shengyou: Sige, goal nating dalawa yan, total nag open naman na tayo sa isat- isa so friends na tayo.. Saka salamat sa oras mo ahh, para lang damayan ako at samahan dito..

"*Guys search nyo ang ginamit ko ditong karakter ni Bi Wen Jun.."

"Bi Wen Jun" (yan ang search nyo guys)

Mas pogi pa yan sa kay Aide Yushu!! Ang pogi niyan.. Pwede nyong search sa Google o kaya sa YouTube..