*CHAPTER FIVE*
"Ahhh!!"
Narinig kong sigaw ng isang boses babae.
Naglalakad ako papasok ng main gate ng Lexington Academy nang maagaw ng aking pansin ang isang babaeng sumigaw. Nakatayo ito sa isang lane ng daan, twenty meters ang layo mula sa kinatatayuan ko. Nakaguhit ang takot at pagkabalisa sa mga mata nito.
As if my instinct is telling me that the girl is in danger, kaya mabilis ko itong nilapitan. Hindi ko alam kung bakit sya sumigaw at kung bakit takot na takot sya.
'Shit!'
Pero napamura ako sa isip nang isang nakakasilaw na ilaw mula sa isang sasakyang mabilis na tumatakbo papunta sa kinatatayuan namin ng babae. It was only five meters from where we stand. It would only take a couple of milliseconds before the car hit us.
Pero dahil mas mabilis ang naging reaction ko, niyakap ko agad ang babae at mabilis na iniwasan ang rumaragasang kotse. Muntik pa akong mahagip nito, buti nalang at bahagya ko itong naitulak gamit ang aking paa.
"You're safe now." Bulong ko dun sa babaeng tinulungan ko sabay alis at tinungo ang kotse na ngayon ay nakahinto na, twenty meters mula sa kinatatayuan namin ng babae.
Nakita kong bumaba ang driver nito at mabilis na tumatakbo patungo sa babaeng tinulungan ko na ngayon ay hindi parin nakagalaw dahil sa naramdamang pagkabigla sa mabilis na takbo ng mga pangyayari.
Hindi ko nalang pinansin ang babaeng driver dahil parang hindi nya ako napansin. Nilapitan ko lang ang kotse nya at tiningnan yung parte na tinamaan ng paa ko.
At hindi na ako na shock nang makita ko ang yupi sa parteng yun ng sasakyan. Simpleng tadyak lang yun ng paa ko para makakuha ako ng momento upang mas mapabilis ang aking galaw at upang hindi rin ako mahagip nito. Pero yupi agad ito. Ganun ba talaga ako kalakas?
Well, siguro nga. Dahil kita naman yung mga nangyayari kanina.
I bent several big iron bars. I chased a fast running car. I climb a building with my barehand. I knocked out a couple of bad guys. And I dodge some bullets.
Kaya hindi na ako na shock pa sa nagawa ko ngayon.
"Are you alright?" Narinig kong tanong nung babaeng driver ng kotse.
"Ahh." Tanging tugon ng babaeng hanggang ngayon ay shocked parin.
"I-I am very sorry that I almost bump you. N-napabilis kasi ang takbo ko, hindi ako naka-reduce ng speed nang makita kitang papatawid." Parang nataranta ring sabi ng lady driver. "I am really sorry."
"I-it's okey." Finally, nagawa ring makapagsalita nung babaeng niligtas ko. "Somebody has just saved me." Sabi pa nito.
"Huh? W-what do you mean? W-wala akong nakitang nagligtas sa iyo." Nauutal paring sabi nung lady driver.
Malinaw na malinaw kong naririnig ang kanilang pag-uusap habang nakatago ako sa likod ng isang malaking punong kahoy sa gilid ng daan.
Pagod ang aking isip dahil sa mga pangyayari sa araw na ito, kaya minabuti ko nalang na hindi nalang magpapakilala sa kanilang dalawa, na ako yung nagligtas dun sa babae. Nakakapagod magpaliwanag kung nagkataon.
Saka, ayaw ko ring maraming taong makakaalam na may kakaiba akong ability. Mahirap na at baka mapahamak pa ang iniisip kong plano sa mga oras na ito.
Kaya ang ginawa ko ay pa simple lang na lumabas mula sa aking pinagtataguan at kaswal na naglakad patawid ng daan at pumasok sa main gate ng Lexington Academy.
Pinabayaan ko na ang dalawang babaeng nag-uusap tungkol sa nangyari.
Wala naman akong makukuha kung sasabihin kong ako ang nagligtas dun sa babae diba? At kung meron man, barya lang yun sa nakuha ko mula sa mga Smiths. At saka hindi naman ako yung klase ng tao na nagpapabayad sa kawanggawa. Hindi fame at reward ang dahilan kung bakit ko niligtas ang babae. Niligtas ko sya dahil nasa bingit sya ng kapahamakan. Ganun lang ka simpleng dahilan.
Speaking of Smiths. Hindi biro tong binigay nilang card sa akin. Sinubukan ko ito kanina nang bumili ako ng pagkain sa isang Mall, nung nagbayad ako, isang swipe lang ng card na ito payment successful agad. Napapaisip nga ako na maybe I can use this card to buy a car?
Kidding aside. Haha as if marunong akong mag drive.
One thing about this superb card is that I can use it to withdraw a certain amount of money from any ATMs. Nag-withdraw kasi ako kanina ng five thousand pesos to see if pwede ba. And I've successfully got the money.
So basically, I am rich. Right? Kasi may card akong may lamang one hundred million pesos. I am a multi-millionaire now. Haha
Am I deserving to have this?
Yes I am. Yeah. I guess I am.
I saved the Smiths from danger. And also, I will be their family protector, especially Abigail.
So basically, I deserve to have this. Kasi hindi biro ang bantayan ang isang super-rich family. Ang dami nilang kalaban. Kaya buhay ang puhunan ko rito.
And speaking of Abigail. Nalaman ko kanina na dito pala siya nag-aaral sa Lexington Academy. Lowkey lang talaga siguro ang mga Smiths kaya hindi siya masyadong kilala sa Academy.
Good thing naman na nandito lang sya dahil madali ko lang syang mabantayan. As for Heath. Sabi nya kaya nya raw ang sarili nya dahil may security group naman syang nakabantay sa kanya nang palihim.
I even met one of those security. A martial arts master and an experienced battle expert. Dating membro ng isang elite special forces, nagbitiw sa trabaho dahil mas malaki ang offer ng mga Smiths sa kanya. He can fight against multiple men at once. Battle tested dahil ilang beses nang napasabak sa labanan.
Pero nung sinubukan nyang makipag-sparring sa akin, tinalo ko sya sa isang suntok lang. Heath was shocked. Actually lahat nang nanood sa amin ay nabigla dahil alam nila ang kakayahan ng taong yun.
At dahil sa pinakita ko, pumayag yung mga nakabantay kay Abigail na ako na ang babantay sa kanya.
Makulit daw kasi yung Abi na yun. Ayaw nya raw nang may nagbabantay sa kanya kasi parang nasu-suffocate sya. Kaya nung tinakasan nya ang kanyang personal security, na-kidnap sya. Buti nalang at nailigtas ko sya.
The beautiful Abigail agreed that I would be her bodyguard but it comes with several conditions. Like, hindi pwedeng magpapahalata na bodyguard nya ako. Hindi pwedeng susundan ko sya kahit saan, unless I'll do it secretly nang di nya alam. Hindi pwedeng makikialam sa mga gagawin nya unless it will put her in danger. At saka, dapat na saka lang ako magpapakita sa kanya kung pipindutin nya na yung emergency button ng Cellphone nya.
Yes, may ganun yung Cellphone nya. At kapag pinindot nya yun, automatically masi-send sa aking tracking device ang kanyang current location at pati na dun ang shortest possible route para marating ko agad ang location na yun.
Ganun ka ganda ang device na ito. At syempre itong device na ito ay galing din to sa kanila. Ginawa raw ito exclusively for them and their security group.
Iba talaga ang mayayaman.
Mapapa-sana all kana lang.
"Uh Gale, alas nuebe na ah. Ginabi ka yata." Bungad sa akin ng ka roommate kong si Melchor nang pumasok ako sa aming dormitory.
Ginagabi rin kasi ang isang to dahil may part time job sya sa isang food court dito sa loob ng Academy.
"Oo nga, eh. May ginawa rin kasi ako." Nakangiting tugon ko sa kanya.
Sa Dormitory kasi, sya ang pinaka-close kong kaibigan. At pati narin sa buong Academy. Tinutulungan din ako nito sa tuwing gipit na gipit na ako kahit na medyo gipit din sya.
"Ganun, ba. Nakakain ka na ba? May dala akong pagkain mula sa food court." Aniya sabay taas ng dala nyang cellophane.
"Tapos na akong kumain Mel. Medyo malaki-laki kasi ang kinita ko ngayon." Nakangiting sabi ko.
"Okey lang yan. Kainin na natin to sa room mamaya, baka kasi mapapanis nato bukas, eh." Giit nya naman.
Tira-tirang pagkain lang kasi tong dinadala ni Melchor. Sayang daw kasi kung itatapon lang at ipapakain sa asong kalye. Kaya kami nalang ang kakain.
Pagpasok namin ng room namin ay sumalubong agad sa amin ang seryosong mukha ng tatlong roommates namin. Anim kami dito sa room dahil may tatlong double decker beds ang bawat rooms ng simple rooms dito sa Dormitory namin. Samantalang dun sa regular rooms may dalawang double decker beds lang, at maganda pa yung design ng beds nila.
"What's with the faces mga buddy?" Masiglang tanong ni Melchor sa kanila, trying to lift up the what it seems a heavy atmosphere in our room.
Ano kayang nangyari bakit ganito yung mukha nila?
"They're making fun of Gale again." Tugon ni Sandro, ang pinakamayaman sa room namin. Sa room lang namin. Mahirap din sya kung ikokompara sa mga nakatira sa Regular Rooms, not to mention the ones in the Standard Rooms.
"Ano na namang ginagaw nila?" Seryoso ring tanong ni Melchor.
"They posted a video in Lexington's Platform. And now the video is getting a large amount of audience with a total of 10,000 viewers, 15,000 reactions and 2,000 shares." Sabi naman ni James.
The Lexington Academy is quite a unique school. Dahil may sarili kaming social media platform na tulad ng Facebook, Twitter, Instagram at iba pa. At ito yung Lexington's Platform. Lahat nang mga activities ng students, informations tungkol sa Academy, news at kung anu-ano pa ay dito makikita.
"What kind of video?" Tanong ni Melchor sabay kuha ng kanyang sariling Cellphone at nagsimulang mag search trending section ng platform.
"Video kung paano sya binasted ni Sherly White." Tugon naman ni Eric. "'How Sherly, the top ten beauty of Lexington Academy, busted the country bumpkin of the Academy.' Yan ang caption ng video."
Napasapo naman ako sa aking mukha nang marinig yun.
Bakit ganun ang caption ng video?
That Kenny. Sinet-up pala talaga ako ng isang yun. Akala ko yun lang pagkapahiya ko sa harap ni Sherly at mga Dormmates nya ang target ng kumag, may mas malala pa pala.
What the heck!
"You piece of trash!"
"Do you seriously think that I would be happy if you'll give me these cheap flowers?"
"You're overestimating yourself! Have you looked at the mirror before you came here?"
I can hear Sherly's very angry voice in the video the Melchor is currently playing.
"This guy must have some problem in his head, mukha nya pa lang kahit bayarang babae aayaw eh, si Sherly pa kaya?"
"This country bumpkin really thought high of himself."
"Damn! Sherly got him good."
"He was rejected before he could say anything. That was embarrassing."
"Hahaha! Serves him right."
I can even hear the comments of Sherly's Dormmates in the video.
"Don't you ever think of coming near me again. Or else, kakasuhan kita ng harassment."
"I will tell my boyfriend about what you did to me today. Be ready, he will surely beat you up. You loser!"
Napahugot ng malalim na hininga si Melchor matapos makita ang buong video at napatingin sya sa akin.
Ako naman ay parang nanliliit na sa hiya. Mas nakakahiya pala yung makuha ng video ang nakakahiyang sandali ng buhay mo.
Bwesit na Kenny yun. He really set this up.
"Who asked you to give her flowers?" Maya-maya'y tanong ni Melchor sa akin. Seryosong-seryoso ang mukha nya ngayon.
"Si Kenny." Tipid ko namang tugon. Pero sa kaloob-looban ko, nagngingitngit na ako. Gusto ko nang saktan ang Kenny na yun.
"That bastard. Sumusobra na talaga sila." Reklamo ni Melchor.
Pero deep inside me, I know na wala rin silang magagawa dun dahil wala sila sa kalingkingan ni Kenny kung yaman at connection ang pag-uusapan. Kaya they wouldn't dare confront Kenny regard his issue with me dahil baka madamay lang sila.
"Oh! May bagong trending video na naman sa platform. Five minutes ago palang nai-post pero 5,000 views na agad, 6,000 reactions na at 3,000 shares na." Maya-maya'y sabi ni Sandro. This time, sya na naman ang nag-try na pagaanin ang atmosphere ng room namin.
"Nice one Buddy." Sabi naman ni James sa kanya.
"I'm serious." Tugon naman agad ni Sandro sabay paharap ng screen ng iPhone 11 nya sa amin kung saan naka-play ang isang video mula sa parang dashboard mounted camera ng isang sasakyan.
Ang caption ng video ay 'Real Life Superhero Emerged'.
"Whoa!" Sabay na sambit ng apat na kasama ko nang makita nilang may isang babaeng tumawid sa daan at mukhang masasagasaan na ng kotse na nagmamay-ari nung dashcam. Pero, all of a sudden, parang may isang aninong mabilis na tumawid sa daan at dinala ang babae sa gilid ng daan bago pa ito masagasaan.
May slow-motion part ang video na yun. At dito mas makikita ang blurred outline ng isang tao na mabilis tumawid sa daan at niyakap ang babaeng muntik nang masagasaan sabay hila nito pagilid ng daan.
"What the hell was that? Is that a phantom shadow?"
"He's definitely a human! (This user inserted a screenshot of a part of the video)"
"Real life superhero, indeed!"
"He's like a shadow version of The Flash"
Ito ang iilan lang sa mga komentong mababasa sa ibaba ng video.
Ako naman ay parang nakahinga ng maluwag nang makitang hindi pala nakilala ang mukha ng sinasabi nilang Real Life Superhero.
"I bet that superhero is handsome like Captain America."
"How I wish he will show up in my bedroom tonight."
"With my beauty and brain, I am proud to pursue him when I know who is he."
"The top ten beauties of the Academy would dream to have this type of guy as their boyfriend."
May mga babae ring out of topic ang comments sa video na pinost.
"These girls really are disgusting." Komento ni Eric matapos mabasa ang mga comments ng ilang mga babae.
"The video seems right, right? It's seems like it's not editted or animated." Puna ni Sandro.
"Yeah. And it makes me think that superheros aren't just movie things. They're real." Dagdag naman ni James.
"Baka nakilala ng babaeng nailigtas ang identity ng superhero na yun." Sabi naman ni Melchor.
Ano kaya ang magiging reaksyon ng lahat kung malalaman nilang ang lalaking tinuturing na 'piece of trash' ng majority ng mga students ng Lexington Academy ay ang mismong Real Life Superhero pala na pinagkakaguluhan nila.
Napatawa nalang ako sa aking sarili nang subukan kong i-picture out ang magiging reactions nila. Especially those girls na diring-diri sa akin.
Ah, nevermind them. They're now worthless for me.
Ilang minuto lang ang lumipas ay parang bombang sumabog ang video tungkol sa Real Life Superhero. Pati ang pangalang Janine Valle at
Niña Abad ay naging trending din dahil si Janine pala yung babaeng niligtas ko kanina at Niña namang yung lady driver.
Kaliwa't kanang live interview ang ginawa nila sa kanilang dalawa dahil yung lady driver pala ang syang nag post nung trending video.
But to everyone's disappointment, hindi namukhaan ng dalawang babae ang Real Life Superhero. Dahil napakabilis daw ng mga pangyayari at napakabilis daw ng galaw ng Superhero na yun. But Janine told everyone that the superhero is a guy with a handsome and cool voice.
With that remark, almost all the girls in the comment section ay napakabilis mag type ng kani-kanilang comment, showing their own version of the image of the Real Life Superhero.
Smirking, I chose to ignore the comments and decided to go to my bed. I still have something to do tonight.
If that little incident earlier have already caused such a huge commotion in the internet, paano nalang kaya ang aking gagawin maya-maya lang?
Hmm. This sounds exciting.