webnovel

The Strange Forest (Filipino)

A circle of friends agree to go to Libyong Falls. Unknown to them, where the waterfalls are situated, the strange forest they have to encounter awaits them. Will it be a joyful experience? Or a horrible adventure? Or maybe an evil death?

Blueophiudus · ホラー
レビュー数が足りません
13 Chs

Chapter 8

Mica's POV

"Oh my gosh! Where are we now, Roy?" I asked him. We ran to the same direction kasi.

"Hindi ko alam," tipid na sagot niya. Tinignan ko muna ang paligid baka merong kakaiba. I covered my mouth out of shock when I realized where we were.

"Roy, nasa Libyong Falls tayo! My gosh!" I blurted out in astonishment. Nakita ko kasi at dinig ko ang pag-agos ng tubig mula sa taas pababa. Tsaka, kumikidlat naman kaya naaninag ko ang paligid. Medyo giniginaw din ako sa lamig. Umuulan pa rin kasi.

"'Wag na tayong bumalik doon. Baka mamatay tayo." Narinig kong may nagsalita sa 'di kalayuan. Napagtanto kong nasa may pampang siya. Nasa pampang si Roy.

I creased my forehead. What was he doing there? Lumapit ako sa kaniya. I covered my mouth out of shock na naman. There was another me? At, nakikipag-usap siya kay Roy? Oh my gosh! Ano'ng nangyayari?

"Roy!" I called out. "She's not Mica! I'm the real Mica!" I said to him loudly.

Napatingin naman siya sa 'kin at bumalik ulit sa taong nasa harapan niya. Tingin ko nalilito siya kung sino sa 'min ang totoong Mica.

"'Wag kang maniwala sa kaniya! Ako si Mica!" Sabi ng babae sa kaniya.

"No!" Pagpumilit ko. "Don't believe her! I am the real Mica, Roy! Impostor 'yan!" I shouted. I was now crying.

Lumayo si Roy sa babae pero nahawakan siya nito agad kaya napatingin siya sa babae.

"Saan ka pupunta?" Tanong ng babae.

Sabay kaming nagulat ni Roy nang nag-iba ang anyo nito. Oh my! Siya 'yong babae roon sa bahay. 'Yong older sister ng bata.

"Bitawan mo 'ko!" Sigaw ni Roy at pilit tinatanggal ang kamay ng babae na humahawak sa kaniya.

I was panicking na nang mapunta ang isang kamay ng babae sa leeg ni Roy at sinasakal na siya. Umuubo pa si Roy. Hindi ko naman maigalaw 'yong mga paa ko para lapitan at tulungan si siya.

"Hoy! Bitawan mo siya!" Sigaw ko na natatakot pa rin. Hindi ako pinansin ng babae. Instead, she walked backwards with her hands on Roy's neck. Mukhang ihuhulog niya si Roy sa pampang.

Sa wakas ay naigalaw ko rin ang mga paa ko at tumakbo ako palapit sa kanila pero bago pa man ako makalapit ng tuluyan ay sabay na tinangay ng babae si Roy and they both fell doon sa tubig.

"Roy!" I cried loudly.

Vaness's POV

Binuksan ko ang mga mata ko. Umaga na pala? Wait! Nasa'n ako? I found myself lying on the ground with blood all over. Napabangon ako bigla at nilibot ang paningin ko sa paligid. Wala namang kakaiba.

Tumayo na lang ako at naglakad-lakad na parang pilay. Ang sakit ng mga paa ko. Nagulat na lang ako nang may tumulong dugo sa lupa na galing sa mukha ko kaya hinipo ko ito ng kamay ko. My eyes widened nang makita ko ang mga kamay ko na may dugo. Kaya tumakbo ako sa pinakamalapit na lugar na may tubig.

Napaluhod ako at sinimulang maghilamos. Sobrang dami naman ng dugo. Sa gitna ng paghihilamos ko ay may naramdaman akong something sa dalawang pisngi ko kaya mas hinawakan ko ang mga ito. May nahipo akong mga guhit. Nagtaka ako because I did not have pimples or something sa mukha ko. Makinis naman ito. I touched my face gently with my fingers and ran it through my whole face.

"Oh my gosh!" Bulalas ko when I realized kung ano 'yong marka.

May "X" sa magkabilang pisngi ko. Dali-dali ko na namang binasa ang mukha ko dahil dumadami na naman ang dugo. Naiiyak na ako. Where did I get these ba? Wala akong matandaang bagay na nangyari para magkaroon ako ng ganito. Was it my karma dahil pinagtaksilan ko ang kaibigan kong si Erika?

I looked at my reflection on the water. My forehead rumpled. I saw myself pero ba't parang kakaiba? Parang hindi ako. Inilapit ko pa nang kaunti 'yong mukha ko sa tubig para makita pa nang malapitan.

"Waahh! Help–" Hindi ko na natapos ang pagsigaw ko dahil may humila na bigla sa buhok ko mula sa tubig kaya nahulog ako.

Bakit ang lalim? Hindi ako makahinga. Kinaway-kaway ko pa ang mga kamay ko baka sakaling may makakita sa 'kin at tulungan ako. I knew it was impossible but I still did it.

Nasa tubig na ang buo kong katawan. Mula ulo hanggang paa ay nasa tubig na. May humihilang mga kamay sa mga paa ko. Tsaka ko lang nalaman na ito yata 'yong lawa. I thought a lake was just mababaw. Unti-unti akong nanghina. I could not breathe anymore. Hanggang sa 'di ko na alam ang sumunod na nangyari.

Max's POV

Nang idilat ko ang aking mga mata ay nakita ko ang nagsitaasang mga puno. Nasa kakahuyan pa rin pala ako. Agad akong bumangon. Nasa'n na kaya 'yong kapatid ko. Lagot talaga ako nito kay Mommy at Daddy. Hindi ko rin mapapatawad ang sarili ko 'pag may nangyaring masama kay Hailey.

Nagsimula akong maglakad. 'Di ko alam kung saan ako papunta. Napahinto lang ako nang may marinig akong nagsisibak. Nagtago ako sa likod ng puno at dahan-dahang tiningnan 'yong narinig ko. Sa unang tingin ay wala akong nakita pero mayroong maliit na bahay at may apuyan sa labas pero ilang hakbang lang ang pagitan nito sa bahay. Lumaki ang mga mata ko nang sa wakas ay nasilayan ko rin ang nagsisibak.

"Sh*t!" Napasapo ako bigla. Ba't sa lahat ng lugar dito sa gubat ay dito pa talaga ako napunta kung saan nakatira 'yong kakaiba at nakakatakot na nilalang? Diyos ko! Tulungan Niyo po ako. Ayoko pa ang mamatay. Kailangan ko pang hanapin si Hailey.

'Di naman talaga ako masyadong matakutin na tao pero sa pagkakataong 'to, makita ko lang ang itsura ng mala-halimaw na nilalang, natatakot talaga ako nang sobra.

Bumilis ang pintig ng puso ko nang biglang huminto sa pagsibak 'yong nakakatakot na nilalang. Tinitignan nito ang paligid ngunit hawak pa rin nito ang palakol. Agad akong umupo at nagtago nang maayos sa likod ng puno at mga halaman na 'di ko lang kung ano ang tawag. Baka kasi mapunta ang tingin niya rito at makita ako. Deads talaga ako kung sakali.

Hailey's POV

"Hailey..."

"Hmmm..."

"Hailey, gising na."

"Hmmm... inaantok pa 'ko."

"Okay. Mukhang nag-e-enjoy ka naman sa pagyakap sa 'kin eh." Narinig kong sambit ng nagsasalita. Dinig ko pang tumawa ito nang marahan.

Napamulat ako bigla nang mapagtanto ang sinabi niya. May naririnig akong tumitibok. Wait, nakapatong pala ang ulo ko sa may dibdib niya. Tapos, nakayakap pa 'ko sa kaniya, gano'n din siya sa 'kin. Tsaka, nang dumako ang tingin ko sa paanan ko, nanlaki ang mga mata ko. Oh my gosh! Nakadantay ang isa kong paa sa ibabaw ng paa niya.

Napabalikwas naman ako ng bangon at lumayo nang kaunti sa oras na matanto ko 'yong position namin. Nakita ko naman siyang naka-smirk.

"Ano?" Pagsusungit ko at tiningnan siya nang masama.

"Wala. Himbing ng tulog mo. Nabitin ka pa yata." Nakangisi lang ang loko. Tumayo na ako at nagpagpag. Gano'n din siya.

"Aba! Ikaw nga 'yang yakap nang yakap sa 'kin eh. 'Di mo man lang ako ginising agad."

"Talaga? Eh ano ba 'yong ginawa ko? Kanina pa kita ginising pero ayaw mo pa ring bumangon. Tsk."

Hindi naman ako nakapagsalita. Oh, siya! Siya na 'yong tama.

"Saan na tayo ngayon?" Biglang tanong niya. I just shrugged my shoulders. 'Di ko nga rin alam eh.

"Tara!" Sambit niya at nilagay 'yong isa niyang kamay sa kabilang balikat ko para ilapit ako sa kaniya at hinatak ako palabas ng kweba. Naglakad-lakad lang kami. Siya lang 'yong nasusunod kung saan kami papunta.

"Ano na kaya ang nangyari sa kanila, no?" Sobrang nag-aalala na ako sa kanila, sa 'min. "Sana okay lang sila. Miss ko na si Kuya Max."

Bumuntong-hininga lang si Clifford. Sa nilayo-layo ng paglalakad namin ay may napansin kaming tao roon sa 'di kalayuan. Napaupo naman kami ni Clifford para hindi kami makita. Tiningnan namin nang maayos kung sino 'yon. Kagaya namin ay mukhang nagtatago rin ito. Nasa likod kasi siya ng puno at mga halaman at parang may sinisilip siya. Kaya naman lumingon ako kung saan siya nakasilip.

"Oh my gosh!" I covered my mouth in terror. Kinalabit ko agad si Clifford na nasa tabi ko. "Clifford, 'yong strange creature," mahinang sabi ko sa kaniya. Napatingin naman siya sa tinutukoy ko. Pagkakita niya ay hinawakan niya agad ang kamay ko.

Napansin naming lumipat ng ibang kahoy 'yong tao sa 'di kalayuan. Tsaka lang namin napagtanto kung sino nang magtama ang aming mga mata.

"Kuya..." I muttered pero narinig ito ni Clifford. "Clifford, si Kuya Max."

Sinenyasan kami ni Kuya Max na lumayo. Lumipat na naman siya ng pwesto. Ngayon ay medyo malapit na siya sa 'min. Lumalayo yata si Kuya sa kinaroroonan ng halimaw.

Umatras kami ni Clifford gaya ng senyas sa 'min ni Kuya Max. Tumingin kami ulit kung saan ang nakakatakot na nilalang. Kinabahan ako bigla nang wala na ito sa kinaroroonan nito kanina.

"Nasan na 'yon?" Pabulong na sabi ni Clifford.

"Andyan lang 'yon kanina, ah?" Sabi ko. Lumingon-lingon kami sa paligid pero wala naman kaming nakita.

"Baka pumasok sa bahay niya?" Bulong ko kay Clifford.

Pero, nagkamali ako. Nagulat na lang kaming tatlo nang makita na namin ito na nakatayo malapit sa 'min. May hawak pa itong palakol.

"Waahh!" Napasigaw na talaga ako sa takot at napaatras sa puno. Malakas ang kabog ng dibdib ko. Tila nanginginig ang buong katawan ko. Napakuyom ako ng kamao nang lumapit pa ito kay Kuya Max. Napaatras si Kuya sa likuran. Bakas din ang takot sa mukha niya.

"Kuya!" Namalayan ko na ang sarili kong umiiyak. "Clifford, ano'ng gagawin natin? Si Kuya!"

"Dito ka lang. Okay?" Tumango ako sa sinabi niya. Kumuha siya ng kahoy na nasa paligid lang. Lumapit ito sa likuran ng strange creature. Doon ko nakita ang nakasulat sa likod nito. "Karyas?" Mahinang sambit ko no'ng binasa ko.

Sa tingin ko'y nakita rin 'yon ni Clifford. Siguro, Karyas ang pangalan ng nilalang na 'yon. Nakadikit na si Kuya sa puno kaya kita ko ang takot sa mga mata niya. Nasa harap na niya si Karyas.

"Kuya!" Malakas kong sigaw habang humagulgol. Bigla kasing tinaas ni Karyas ang palakol gamit ang dalawang kamay nito at sinibak kay Kuya Max pero tumama ang palakol sa kahoy dahil sa pag-ilag ni Kuya. Kung hindi niya ito nagawa ay siguro natamaan ito sa ulo.

Nakalapit na si Clifford sa likuran ni Karyas at sinipa ito. Hinampas pa niya ang kahoy sa ulo ni Karyas dahilan para matumba ito at nabitawan niya ang palakol. Kumuha naman ng kahoy si Kuya. Tumayo si Karyas at hinagis nito papunta kay Kuya ang kahoy na napulot sa harap niya kaya nadaplisan si Kuya sa kaliwang braso. Napahawak si Kuya rito dahil sa sakit. Kita ko rin ang pagtulo ng dugo mula roon sa sugat na tinamo niya.

Hinampas na naman ni Clifford si Karyas kaya lumingon ang halimaw sa kaniya. Kinabahan na naman ako. Sinugod bigla ni Karyas si Clifford at nag-agawan ang dalawa sa kahoy na hawak ni Clifford. Sinipa ni Karyas si Clifford kaya natumba siya. 'Yong kahoy naman ay hawak na ni Karyas at ipupokpok na niya kay Clifford pero gumulong patagilid si Clifford para umilag. Nagulat na lamang ako nang magtama ang tingin namin ni Karyas kaya nasindak ako lalo at nanginig.

Tumakbo siya palapit sa 'kin at ako naman ay parang estatwa na hindi maigalaw ang katawan. Gusto ko ring tumakbo pero hindi ko maihakbang ang mga paa ko. Napapikit na lang akong umiiyak at yumuko.

Hinintay kong may tumama sa 'kin pero may narinig ako kaya idinilat ko ang mga mata ko. Sumigaw ako dahil nasa harap ko ang itsura ng nakakatakot na nilalang. Nakakadiri!While the strange creature was in front of me, nasa likod naman niya si Kuya na hawak-hawak ang palakol at tsaka ko lang napansin na tinamaan pala si Karyas sa likod.

"Hailey, lumayo ka! Bilis!" Pagkasabi ni Kuya no'n ay lumayo ako sa halimaw. Good thing I was able to move my feet.

Kinuha ni Clifford 'yong kahoy at pinukpok sa ulo ni Karyas. Pero bakit gano'n? Parang wala lang sa kaniya? Pansin ko naman ang dugo na umagos sa likod ng halimaw. Hinampas bigla ni Karyas si Kuya at Clifford gamit ang malaki nitong mga kamay kaya tumilapon silang dalawa sa magkabilang direksyon.

"Clifford! Kuya!" Naibulalas ko bigla.

Kuya was holding his right arm, 'yong nadaplisan ng palakol kanina. Tumutulo pa rin ang dugo nito. Alam ko ring nanghihina na siya at humihingal sa pagod. Si Clifford naman ay pilit na tumayo at napasandal saglit sa may puno, hawak ng kamay niya ang kaniyang tiyan.

Mukhang nasaktan din siya sa hampas ng halimaw kanina. Kinuha ni Karyas ang palakol kaya 'di ako nagdalawang-isip na kumuha ng malaking bato sa tabi-tabi at ibinato ko sa kaniya pero it did not hit him. Kumuha ako ulit ng bato at binato sa kaniya. This time, tumama na ito sa ulo niya kaya nabitawan niya ang palakol at napaupo, hawak ang ulo niya kung saan ko siya natamaan.

Nilapitan siya ni Kuya at Clifford. Kinuha ni Clifford ang palakol, kay Kuya naman ang kahoy. Pagkahampas ni Kuya ng kahoy, kasunod noon ay ang pagsibak ni Clifford ng palakol sa katawan ni Karyas kaya napaungol ang halimaw nang malakas, dahil siguro sa sakit. Nakakatakot ang ungol niya. Parang may darating na sakuna at kahulihan na ng mundo sa sobrang nakakatakot.

Mukhang nagalit yata ito kaya kahit anong hampas ni Kuya ng kahoy ay nahawakan nito ang kahoy at binali. Hinila niya si Kuya palapit sa kaniya at agad na nahawakan ang leeg ni Kuya gamit ang malalaki nitong mga kamay.

Sinibak ulit ni Clifford 'yong palakol sa likod ni Karyas at umungol na naman ito nang malakas. Pero hindi pa rin nito binitawan si Kuya. Umuubo pa si Kuya at pilit na nanlalaban sa mga kamay ni Karyas upang bitawan siya nito pero mas humigpit pa yata ang pagkakasakal niya kay Kuya. Naluluha na lang talaga ako sa kalagayan ni Kuya. Namumula na 'yong mukha niya. Wala naman akong magawa para tulungan siya, sila ni Clifford.

Nanginginig na kumuha ulit ako ng bato. Ibabato ko na sana kay Karyas pero napansin kong dinukot muli ni Clifford ang palakol at sa ngayon ay pinalo nang malakas sa ulo ng halimaw kaya nabitawan niya si Kuya at sabay silang natumba at nakahandusay.

Agad kong binitawan ang bato at lumapit sa kanila at tinulungan si Clifford na iakbay si Kuya sa balikat para ilayo sa halimaw.

"Max, okay ka lang?" Tanong ni Clifford nang isandal at pinaupo namin siya sa isang puno.

"Kuya..." naiiyak kong tawag sa pangalan niya. Walang humpay ang pagtulo ng mga luha ko.

"H-hailey..." banggit niya sa 'kin. May lumabas pang dugo mula sa bibig niya. "H-hailey..." Hinawakan niya ang kaliwang pisngi ko at pinunasan ang luha ko.

"Kuya, 'wag ka ng magsalita. Okay? Ipahinga mo muna sarili mo. Magiging okay din ang lahat." Niyakap ko siya nang mahigpit.

"Hailey, dalhin na natin siya. Baka tumayo ulit 'yong halimaw. Kailangan na nating umalis." Napabitaw agad ako ng yakap kay Kuya pagkasabi ni Clifford no'n.

"Iwan niyo na 'ko. Umalis na kayo. Bilis!" Suway niya sa 'min.

"Hindi puwede. Hindi ka mamamatay. Dadalhin ka namin," pagpupumilit ni Clifford. Tama siya. "Hailey, tara!"

Pagkasabi ni Clifford no'n ay kinuha niya ang isang kamay ni Kuya at pinaakbay sa kaniya. Inalalayan niya ito sa paglalakad. Tinulungan ko naman siya para mas madali kaming makalayo. Tinignan ko muli 'yong halimaw na si Karyas. Nakahandusay pa rin ito pero medyo gumalaw kaya sinabihan ko si Clifford at Kuya na magmadali kami.