webnovel

The Strange Forest (Filipino)

A circle of friends agree to go to Libyong Falls. Unknown to them, where the waterfalls are situated, the strange forest they have to encounter awaits them. Will it be a joyful experience? Or a horrible adventure? Or maybe an evil death?

Blueophiudus · ホラー
レビュー数が足りません
13 Chs

Chapter 5

Mica's POV

"Nasa'n na naman kaya tayo ngayon?" Ang tanong ko sa kanila. Hay! Wala rin pala silang alam like me.

"Maglakad pa tayo nang kaunti baka makita na natin 'yong meet-up place natin," ang sabi ni Sab.

"Pahinga na muna tayo saglit," Yunn suggested. "'Di ba kayo napagod?"

"Kahit pagod, kailangan nating tiisin. Kailangan nating makaalis dito," sabi ko.

"Sandali, sila na yata 'yon, ah?" Wika naman ni Arthur at tinuro 'yong mga tao sa 'di kalayuan.

Agad naman namin silang pinuntahan. Aalis na sana ang mga kaibigan namin buti na lang sumigaw ako nang malakas. Umalingawngaw naman ang boses ko kaya rinig na rinig ng lahat ang sigaw ko. Natawa naman si Sab at ako sa ginawa ko.

"Sandali!" Muli kong sigaw at sa wakas ay nagkalapit-lapit din kaming lahat.

Nagtipon kaming lahat sa medyo walang makakakita sa amin. Nag-form kami ng bilog at naupo. Naglaan ng ilang minuto para ipaliwanag kung ano ang nangyari sa iba naming mga kaibigan na nawala na. Pati na rin ang mga napuntahan at nakasagupa namin.

Labis din ang lungkot naming nadama sa pagkawala ng tatlong kaibigan. Kung noong una ay naligaw pa kami kung kaya't naisipan naming maghiwalay upang hanapin ang tulay palabas ng gubat pero dahil sa pag-uusap namin ngayon, mukhang naiintindihan na nang kaunti ni Clifford ang misteryo sa kakaibang gubat. Ngunit basic pa lamang ito.

Pinaliwanag ni Clifford sa amin ang naintindihan nito.

"Kung sa North tayo pupunta, naroon 'yong hukay na sinasabi namin ni Hailey. Puwede nating makita 'yong matandang babae na pumatay kay Johnny at maaring ito rin ang may kagagawan kay Josh pero 'di pa tayo sigurado roon."

"Sa South naman, may isang lawa kung saan may humila kay Arthur sa ilalim ng tubig."

Patuloy lang sa pakikinig nang mabuti ang lahat sa pagpapaliwanag ni Clifford.

"Sa West, nando'n ang malaking ahas na kumain sa kaibigan nating si Keith."

"Sa East naman ay naroon ang nakakatakot at kakaibang nilalang na may dalang palakol. Maaari rin nating makasalamuha ang matandang babae no'ng nagtanong kayo kung saan 'yong tulay. Siguro kakampi niya 'yong nilalang na sinasabi ninyo kaya niya tinuro ang direksyong papunta sa kaniya."

"Hindi pa natin alam kung ano'ng meron sa iba pang direksyon gaya ng Southwest, Southeast at iba pa. Ano sa tingin niyo? Saan tayo tutungo?"

Sandali munang natahimik ang lahat. Ninanamnam ang bawat detalye. Ilang saglit ay nagsalita si Max na siyang bumasag sa katahimikan. "Maaari ring makatagpo natin ulit ang mga nilalang na 'yon sa ibang lugar na hindi pa natin napupuntahan. Kailangan talaga nating magdoble-ingat. 'Di tayo dapat maabutan ng gabi. Masyadong nakakatakot. Magtulungan tayo."

"I think it's okay na sa place like do'n sa Southwest tayo pupunta. Yes, puwede nating ma-meet ulit ang mga 'yon pero if ever na hindi, let's say may bagong strange creatures. At least, alam natin kung ano pa ang meron, 'di ba? Pero 'wag naman sana," suggest ni Lexi. "Puwede ring sa South na lang ulit tayo. Lake lang naman ang meron doon, 'di ba? So sa tubig lang 'yong nakakatakot but hindi pa rin pala sure."

"May point si Lexi," sang-ayon ni Roy. Napatango naman ang ilan.

"Let's be vigilant na lang talaga anywhere we go dahil hindi natin alam kung ano pang misteryo meron dito sa gubat," Hailey reminded us.

"Somewhere in the South na lang tayo mauna. Masyadong nakakatakot sa may North eh," ang sabi ko. Nag-agree naman ang lahat kaya we settled na at nag-ready sa paglalakbay.

Hailey's POV

4:30 PM na nang mapatingin ako sa wristwatch na suot ko. Napakaraming puno ang nadadaanan namin. Syempre, gubat eh. Kakaibang gubat. Sa halos kalahating oras na paglalakad namin ay wala naman kaming napansin at naramdamang kakaiba. Pero nang medyo lumalakas ang ihip ng hangin ay naging alerto kami. Medyo malamig dito sa gubat kaya ang lamig din ng mga kamay ko. Nagulat naman ako nang biglang isinuot sa akin ni Kuya Max ang jacket niya.

"Para 'di ka ginawin," sabi niya at ginulo nang kaunti ang buhok ko.

Nginitian ko naman siya. Sobrang love talaga ako ng Kuya ko. Ang swerte talaga ng magiging girlfriend niya. Magkaiba kami ng ugali pero natitiis pa rin ako ni Kuya. Gan'yan siguro talaga 'pag magkapatid.

Umihip na naman nang malakas ang hangin pero parang iba na 'yong ngayon kesa kanina. 'Di ko alam pero nakaramdam ako ng kaba at takot. Kaya naman dumikit ako kay Kuya Max at napahawak sa kaniya.

Sab's POV

Iba't ibang tunog ang maririnig mula sa mga hayop sa gubat. May huni ng mga ibon na tila umaawit, may ingay ng mga kuliglig at maging ang labis na paggalaw ng mga dahon dulot ng hangin ay kapansin-pansin din.

"Woah! Deer 'yon, 'di ba?" Sabi ko kay Will nang lumingon-lingon ito sa paligid. Nasa huli kaming dalawa kaya kami lamang ang nakapansin sa usa sa may 'di kalayuan.

"First time ko makakita ng deer," masayang wika ko ulit. "Will, picture-an ko lang saglit, ha? Dito ka lang sa tabi ko."

"Baka wild 'yan. Atakihin pa tayo bigla," sabi naman ni Will.

"Hindi naman natin lalapitan eh," pagpupumilit ko.

"Sige, bilisan mo lang, ha? Baka maiwan pa tayo ng mga kasama natin," wika niya.

Nilibot-libot ko muna ang aking tingin. 'Yong mga kaibigan naman namin ay nasa unahan na sa 'di rin kalayuan.

"Nasa'n ba 'yong phone ko?" Tanong ko sa sarili ko habang isa-isang dinukot kung ano mang laman ng aking bulsa.

Nang makuha ko na ito ay binuksan ko agad 'yong camera at kukunan na sana 'yong deer pero bigla naman itong naglaho na parang bula sa kinaroroonan nito.

"Will? Nasa'n na 'yong deer?" I asked him.

"Andyan lang–Ha? D'yan lang 'yon kanina, ah?" Sabi naman niya na nakaturo kung saan 'yong usa kani-kanina lang.

"Baka nagtago. Teka lang, ha?" Sambit ko at tinungo kung saan 'yong usa kanina.

"Deer? Where are you?" Nagpalakad-lakad lamang ako at hinanap ito. "There you are." Pagkakita ko sa usa ay kinunan ko agad ito ng pictures.

"It's so adorable!" I said in a low voice nang tingnan ko na 'yong mga litratong nakunan ko.

"Will, ting–" Paglingon ko sa kay Will ay nagulat na lamang ako nang nakasabit na siya sa isang puno nang patiwarik, duguan at nagsilabasan ang mga lamang-loob.

"Will!" I screamed.

Nagsisigaw naman ako sa takot at napatakbo sa unahan upang sundan ang mga kasama namin pero nadapa ako. Natanaw ko ang pagkatali ng mahabang vines sa mga paa ko. Nakapulupot ito sa mga paa ko at hinihila ako nito palayo kaya hindi ko magawang tumayo.

"Help! Tulungan niyo 'ko!" Malakas kong sigaw na ume-echo pa yata sa kagubatan. Hanggang sa may tumusok sa sikmura ko.

Hailey's POV

"Narinig niyo ba 'yon?" Biglaang tanong ni Yunn nang mapahinto kami sa paglalakad.

"Nasa'n si Sab?" Tanong ko matapos mapansing kulang kami. "Si Will?"

Nagpalingon-lingon naman sila at napagtantong wala nga ang mga ito. Kaya naman nilakad ni Arthur ang daan pabalik. Sumunod naman kami. Nakakaramdam na rin kami ng masamang kutob dahilan para magmasid sa paligid, bagama't 'di pa namin tuluyang nalalaman ang iba pang hiwaga o misteryo sa kakaibang gubat.

"Oh my gosh! Guys, I think we need to go ahead na. Look!" Saad ni Lexi na nakatutok sa napansing bakas ng dugo sa naghalo-halong lantang mga dahon galing sa mga puno. Naluha naman ang iba sa mga iniisip sa kung ano'ng nangyari kina Sab at Will. Humagulgol pa ng iyak si Mica sapagkat siya pa naman ang pinaka-close kay Sab. Ganoon din si Lexi dahil nahuhulog pa naman ang loob nito kay Will.

Pagkalingon naming lahat sa may gilid namin ay sabay-sabay kaming nagulat at nasindak sa nakita. Hindi tuloy magawa nang iba na tingnan pa ang kanilang nasaksihan. Ang kaibigan naming si Will ay nakasabit nang patiwarik sa sanga ng puno at ganoon din si Sab sa kabilang sanga nito. May ilang patak pa ng dugo na umagos mula sa hiwa at mga sugat ng mga ito. Kinuha ni Mica ang phone ni Sab na nakita niya sa damuhan at agad naming nilisan ang lugar.

5:47 PM. Unti-unti nang lumubog ang araw. Napadpad kami sa stream sa bandang Southeast ngunit kung ipagpatuloy namin ang paglalakbay ay maaring mapunta kami sa South kung nasaan ang lawa. Kapag naman hindi namin susundan ang stream ay posibleng sa bahagi ng East kami mapunta na may nakakatakot na nilalang na siyang pinakaayaw naming makita.

Isa-isa naming sinundan si Arthur na nangunguna. Sinusunod lang namin kung saan ba patungo ang stream na nilalakbay namin ngayon. 'Di naman kami makadaan na roon sa dinaanan namin kanina kasi masyadong marami at mahaba na 'yong mga damo at shrubs. Ang kati pa sa balat kaya wala na kaming choice kundi sa stream na 'to. Hindi rin namin makita 'yong sementadong daan na may maraming puno na magkadikit.

Malapit na talagang dumilim at hindi pa rin kami nakakaalis sa gubat na 'to. Masyadong mapanganib 'pag gabi. Dahan-dahan lang kami sa pagtapak sa may gilid dahil napakaraming bato rito. May malalaki, maliliit at may katamtaman lang. Dinig din ang mahinang pag-agos at pagdaloy ng tubig sa stream. Naisip ko rin na sa sobrang ganda ng kalikasan, medyo nakakatakot din pala.

Natigilan ako sa kung anu-anong iniisip ko nang marinig kong may tumikhim sa likuran ko.

"A-ano... kasi... may itatanong lang sana ako," sambit niya. Boses pa lang, alam ko na kung sino.

"Ano 'yon?" Sabi ko nang hindi siya nilingon. Ang iba ay patuloy pa ring nagchi-chitchat habang tumatahak kami rito. Nasa hulihan kami ni Clifford.

"Ba't ka pala nag-ano... nag-reply sa message ko... n-no'ng nag-chat ako sa 'yo?" Napahinto naman ako sa tanong niyang 'yon.

"Ah... e-ewan ko... h-hindi ko alam. Sinipag yata ang mga kamay ko. Hehe!" Ba't ako nauutal gaya niya? Tsaka, anong klaseng sagot ba 'yon? Nagulat naman ako nang nasa tabi ko na siya. Nakatayo kami sa malaking bato. Humarap siya sa 'kin.

"Ang sungit mo pa rin talaga kahit sa chat," sabi niya at tumingin sa 'kin. "Pero alam mo, masaya na ako dahil nag-reply ka."

Nakita ko naman siyang tumawa nang bahagya na siyang gustung-gusto kong marinig. Para itong music sa tainga ko. Maganda naman talaga ang boses niya, napaka-manly at bagay sa kaniya dahil sa kagwapuhan niya.

"Uy! Nakikinig ka ba?" Sabi nito kaya agad akong bumalik sa 'king sarili. Masyado na pala akong nakatitig sa kaniya. Nakakahiya.

Pinagpatuloy naman namin ang pagtapak sa mga bato. Muli na naman siyang nagsalita. "Ba't kasi ang sungit-sungit mo, lalo na sa 'kin?"

Naalala ko tuloy 'yong reason bakit mas masungit ako sa kaniya. Kaya naisipan kong kausapin siya.

"Sino ba 'yong kasama mong kumain noon sa restaurant sa tapat ng school natin?" I asked him. Nakita ko kasi siya noon sa isang restaurant no'ng napadaan ako. Nagtatawanan sila. May kasama siyang babae na hindi ko kilala.

Bago pa man siya makasagot ay nadulas ako bigla sa isang malaking bato buti na lamang at nahawakan niya 'ko sa baywang at 'yong mga kamay ko naman ay nasa balikat at braso niya kaya magkadikit kami ngayon. Muntik na kong mahulog sa tubig. Pero bumilis ang tibok ng puso ko dahil masyadong magkalapit ang mga mukha namin. Doon ko napansin nang malapitan ang mukha ni Clifford.

Ang kapal ng kilay niya, mahaba ang eyelashes, malinaw na mga mata. Ang ilong naman ay matangos. Nagulat na lang ako nang mapunta ang tingin ko sa mga labi nito. Napalunok ako bigla. Napansin ko rin 'yong paggalaw ng Adam's apple niya.

Halos mapabalikwas naman kami sa gulat nang bigla kaming tinawag ng mga kasama namin. Napabitaw naman agad kami sa isa't isa at nag-iwasan ng tingin. Masyado na pala kaming nakatitig sa isa't isa.

"Hoy! Kayo, ha? Ano 'yon?" Dinig kong tanong ni Denisse na may nakakalokong ngiti.

"W-wala," I replied promptly but it seemed like I failed because I stuttered. Napakagat-labi naman ako. Ba't ba ako nauutal?

"Ano ka ba, Denisse? Inistorbo mo naman. Malapit na sana eh!" Suway na sambit ni Lexi kay Denisse. Nakangisi naman 'yong mga lalaki sa 'min.

"Tumigil nga kayo! It's not what you think." Ako naman ang napairap sa kanilang lahat. Napahawak naman sa batok nito si Clifford na animo'y nahihiya. Nagpatuloy na kami sa paglakbay. Pansin ko naman na parang may iniisip si Clifford.

"Ah! Naalala ko na," biglang saad niya. "Ka-groupmate ko 'yon sa project namin sa business management," he continued na nasa tabi ko pa rin. 'Yon pala ang iniisip niya?

"Eh ba't ang sweet niyo?" Inis na tanong ko. Huminto kaming dalawa at nagkaharap.

Pinagmasdan naman niya ako. "Hmmm... nagseselos ka ba?" At nakangisi na siya ngayon.

I arched a brow. "What?" I blurted. "Hindi, ah! Asa ka!"

"Ganito kasi 'yon," panimula niya. "Nag-lunch muna kami. Lima kami roon sa restaurant. Nag-order ulit 'yong isang lalaking kasama namin dahil papunta rin daw 'yong isa pa naming kasamang lalaki. 'Yong isang babae naman ay nando'n sa restroom kaya kami 'yong naiwan. May nabasa siyang meme sa Facebook kaya pinakita niya sa 'kin. Kaya natawa kami. Pinakita nga namin 'yon sa ka-groupmates namin pagbalik nila eh!"

Natameme naman ako sa haba ng paliwanag niya. So all this time akala ko pala kung sino 'yong babae? At baka may gusto siya sa babaeng 'yon. Mali pala ang mga inisip ko. Napahiya tuloy ako.

"Ano ba kasing akala mo noon?" Nakangising tanong niya. "Kung anu-ano kasi ang iniisip mo."

"A-akala ko kasi... ano... kalimutan mo na nga 'yong sinabi ko. Nakakainis ka." I pouted. Walang hiya talaga! Tinawanan lang niya 'ko. Napangiti naman ako.

Sa pagkakataong 'to, may na-realized ako. Bakit ngayon pa? Bakit sa ganitong pagkakataon ko pa na-realized na gusto ko pala siya? Kaya ba ako nagseselos sa kasama niya noon dahil gusto ko siya? Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa na kung kailan 'di namin alam kung makakalabas pa kami nang buhay rito sa gubat na 'to?

"Hailey?" Napalitan naman ng pag-aalala 'yong tawa niya. "Okay ka lang?"

Pinunasan naman niya 'yong tubig na nasa mukha ko. 'Di ko namalayang naluluha na pala ako sa gitna ng realization ko.

I hugged him and he hugged me, too.