webnovel

CHAPTER 94

 " ANG DIGMAAN " 

ANG NAKARAAN..

Nagsimula nang manghasik ng lagim ang mga tauhan ni Sitan sa Tatlong mundo. Samantala di parin nagigising si Jessel, Buhat nang pagsugod at pagbawi nya sa Libro ni Jenna.

ANG KARUGTUNG..

SA AYDENDRIL..

" Heneral Jenleff, Harangan nyo nang mga tauhan nyo ang Lagusan patungong Oceana, at Dalaket. Di maaring magkapunta ang mga kalaban sa karatig kaharian. " utos ni Olivia sout ang kanyang baluting pangdigma.

" Masusunod mahal na reyna, pero nasaan ang inyong tapat na Alagad na si Susmihta?" Tanong ng Heneral.

" Nasa Dalaket sya ngayon upang tulungan si Ofelia. "Sagot ni Olivia at pina alog nya ang Lupa na kinatatayuan nang mga Itim na kawal ni Sitan. at bigla namang sumulpot sa likuran nya si Gassia.

" Kelangan mo ba nang back up Sissy??" Sabi ni Gassia.

" Mahal na Diwata.. mabuti't nandito na kayo.. Papano sina Tyler ?" Pag aalalang sabi ni Olivia.

" Kelangan nating talunin ang mga Dirty sa kaharian mo upang matulungan natin sila.." Sagot ni Gassia.

" Kung gayon, Sa likud ka !" sabi ni olivia habang napapalibutan silang nang mga kalaban.

" pagsusugod sila.. Alam mo nang gagawin mo.!" Sabi ni Gassia.

" oo mahal na diwata." Sagot ni Olivia. Ilang sandali pa nang sumugod na ang mga kalaban patungo sa kanila, agad pinadyak ni Olivia ang kanyang paa, at Lumindol ulit nang napakalakas, habang si Gassia naman ay pinalabas ang mga malalaking Ugat na nang galing sa ilalim nang Lupa. at isa-isang nagapos ang mga kalaban.

Samantala sa Kanlaon..

" Nagsimula na ang Digmaan, Naway magapi nila ang mga kaaway!" sabi ni Makiling Habang nakatingin sa Mahiwagang Bukal kung saan lahat nang mga nangyayari ay nakikita nila doon.

" Nasa Aydendril na si Gassia, at kasalukuyang tinutulungan si Olivia. tayo ano ang maitutulung natin?" Tanong ni Magayon.

" ikaw pala magayon kanina ka ba nariyan?" tanong ni Makiling kay magayon at biglang Sumagot si Bulan sa kanilang usapan.

" wala na muna tayong gagawin.. Mananatili muna ang isa sa inyo dito sa Kanlaon, hanggat hindi pa oras." Sabi ni Bulan.

Habang sa Dalaket naman...

" Sa lagusan, mag madali kayo!" Sigaw ni Susmihta, kina Raven, Mia at Alpia. at agad namang nag palit anyo ang tatlo. Si raven naging isang malaking maitim na ibon, Si mia naging isang bola ng kidlat. at si Alpia naman ay naging isang Paru-paro.

" Susmihta, Linisin mo ang dadaanan nila.." Sigaw ni Ofelia habang nakikipag laban sa mga maiitim na kawal.

"Opo..." Sagot ni Susmihta, at Inutusan nyang muli ang mga dahon upang paslangin ang mga kaaway.

Nang makalabas na sina, Raven, Alpia at Mia sa Lagusan agad silang Tinulungan nang mga Kalalakihang may dalang Baril.

" Nandito na ang mga sugo. Protektahan sila!" Sigaw nang isang Lalaki na may dalang baril.

" Opo kumander, " sagot nang isang lalaki na may dalag baril.

" Paslangin ang mga Bandido, wag hayang matamaan ang mga sugo." sigaw nang isa pang lalaki.

At dahil doon, matagumpay na nakapunta silang tatlo sa kinaroroonan nina tyler at Theo.

" Nandito na sina, Alpia... Ian, lagyan nang harang sila..!" Utos ni Theo.

" Masusunod!" sabi ni Ian at ikinumpas nya ang kanyang mga kamay habang nasa ire pa sina Alpia may Harang na yelo ang pumapalibot sakanila.

" Theo, may plano kaba kung papano natin tapusin ang mga maliliit na alagad ni sitan. " Sabi ni Katalina. Nang makatapak na sa Lupa sina Alpia, agad nag balik ang kanilang anyo sa dati.

" huli na ba kami?" Tanong ni Raven Habang nakatingin kay Tyler.

" hindi pa naman... " Sagot ni Tyler sabay ngiti.

" malandi ka rin ano? katabi mo lang jowa. Tapos kung maka ngiti ka sa Ex suitor mo." Saway ni Jenna.

" Ate jenna, mag kaibigan na kami ni raven. pati na din sila ni Jake. namangha lang naman ako. kasi, malaki na ang pinagbago ni Raven ngayon. Dati ang Katawan nya patpatin pa. ngayon tignan mo naman. May Maskels na, braso palang Ulam na.! " Sabi ni Tyler habang nakatitig sa Braso ni Raven. habang si Jake naman ay pinunit ang kanyang damit, bandang sa may braso. at nag feflex ito sa harapan ni tyler.

" teka malaki din naman masels ko! tingnan mo mahal.." Sabi ni Jake habang panay Flex.

" Alam ko.. ito naman napaka seloso..!" sabi ni tyler.

" Theo, kasamahan din ba natin ang mga lalaking may baril doon sa bundok? " tanong ni Alpia.

" Opo mahal na reyna.." Sagot ni Theo.

" Wag mokong tawaging reyna, theo. sapat na saakin ang Miss Alpia. mas nasanay akong tawagin moko sa ganung paraan." Sabi ni Alpia.

" Anong gagawin natin ngayon..." Tanong ni Mia.

" ilag mia.." Sigaw ni Charlie at pinatamaan nya ang itim na kawal gamit ang lumulutang na yelo sa kanyang Balikat.

"Salamat.. Pero hindi pupwdeng nasa Iisang lugar lang tayo kelangan nating mag hiwalay-hiwalay. " Sabi ni Mia.

" Tama si Mia Kuya.. kelangan nating, mapabagsak si Sitan. kelangan nating maisara ang pintuan ang impyerno. " Sabi ni Tyler.

" Ngunit napakaraming nag babantay sa Kuta ni sitan. " Sabi ni Katalina.

" Sge ganito ang gagawin natin.. mahahati tayo sa dalawang grupo. Puksain ang mga alagad ni Sitan na sina Diosca, Nica at Miguel. at biglang sumulpot si Lina.

" kami na ang bahala sa Tubig kung sakaling sasalubingin kayo nang mga kawal ni Sitan. " Sabi ni Lina.

"Salamat Lina.. " Sabi ni theo.

"Walang anuman yun Theo.." Sagot ni Lina sabay yuko.

" sandali, hahanapin ko muna sa aking ikatlong mata kung nasaan ang mga kaaway.." Sabi ni Katalina at agad nyang ginamit ang kanyang ikatlong mata.

" Paki sabi narin kay reyna Olivia, na salamt sa mga kawal na nandito ngayon.." Sabi ni theo.

" makakarating Theo.. mauna nako.kelangan ko pang balikan sina Ate. sa kaharian." Sabi ni Lina at agad syang naglaho.

" nakita ko na sila.. " Sabi ni Katalina.

" Saan sila ngayon kat?" Tanong ni Jenna.

" Si Diosca nasa baybayin, habang si Miguel nasa Kagubatan at si Nica naman ay nasa Kabundukan. at ang mga sinasabi nyong kasamahan natin na may baril o sabihin nalang nating mabubuting bandido. ay kasalukuyang nanga-nganib." Sabi ni Katalina.

"Mahabaging langit. Ako na ang bahala sa Nica na yan. magbabayad sya!" Sabi ni Jenna.

" gagamitin nyo ba ang mga sinaunang sandata?" Tanong ni Tyler.

" teka oo nga.. ihanda nyo na ang mga sandata." Sabi ni Jenna.at tinanggal nya ang ipit sa kanyang buhok.

" adjil, Ipakita saakin ang tunay mong anyo." Sabi ni jenna at ilang sandali pa ay ang maliit na pang ipit sa buhok naging isang malaking bomerang.

Ngunit may kakaibang nangyari.

" Bakit parang nalulusaw sila?" Tanong ni Katalina.

" Oo nga pati na rin ang oisensa.." Sabi ni Charlie.

" Hindi maari ito. papano natin sila tatalunin..?" Sabi ni Ian.

" Pansinin nyo kung saan patungo ang mga buhangin.. " Sabi ni Alpia.

" patungo ito sa libro mo sissy!" Sabi ni Mia.

AAAaaaaaaarrrrggggggggggghhhhhhhh!!!!!!

Sigaw ni tyler.

" ayus ka lang tai?" Tanong ni Jake.

" hindi ko alam napakasakit nang Ulo ko..Aray ko! aaaarrrggghhhhhh!!! " Reklamo ni Tyler. at ilang sandali pa ay may Puting Ilaw ang lumabas sa dibdib ni Tyler.

At ang puting ilaw ay naging isang Babae.

"Wag kayong matakot.. Dahil hindi ako kalaban!" Sabi ng babae na galing sa puting liwanag.

TO BE CONTINUE...