webnovel

CHAPTER 86

" ANG PAGSASANAY AT PANGANIB"

PREVIOUSLY..

Nanalo na sina Jenna at Tyler laban sa diwatang si Magayon. at Nakuha nila ang Adjil At Kelwa. Habang si Sitan naman ay Nabigo man ang kanyang mga alagad sa pagkuha sa mga Sandata. May bago ulit silang hakbang upang tuluyang mabuksan ang Pinto ng Impyerno.

RIGHT NOW..

Sa Kanlaon..

" Pinuno! Nasaan ka ba?" Sigaw ng Diwatang si Alunsina.

" Narito lamang ako Alunsina.. bakit moko hinahanap may nangyari ba?" Tanong ni Bulan habang papalabas palang ito sa kanyang Silid.

" May mahalagang mensahe si Faith para sainyo.. narito " Sabi ni Alunsina at agad nyang pinakita kay Bulan ang hawak nyang Salamin.

" Mahal na diwatang Bulan.. ako ho ang Sugo ni Diwatang Magwayen upang mag man man sa mga Kalaban. Hindi ko na po maaring maiulat ito kay Magwayen ngunit. Nais kung ipaalam sainyo na nasa panganib si Magwayen ngayon. Tutungo kami mamaya sa Sulad upang kunin ang Kalag ng dating Tagalipon ng Pisces. " Sabi ni Faith.

" Anong Gagawin nila sa mga Kalag doon..." Tanong ni Bulan.

" Nais nyang buksan ang Pinto ng Impyerno. Hindi na ako magtatagal narito na sila!" Sabi ni Faith at biglang naglaho ang mukha ni Faith sa Salamin ni Alunsina.

" Anong ibig sabihin ni Faith, pinuno?" Tanong ni Alunsina.

" Bubuhayin nya ang isa sa dating Tagalipon ng Oroskopyo ng Pisces upang mautusan itong mabuksan ang Pinto ng Impyerno. Dahil Di sila nag tagumpay sa Balak nila noon. Na bigo sila kay Tyler noon... Kelangan masabihan si Magwayen tungkol dito. Nanganganib ang ating Kapatid. " Sabi ni Bulan at agad itong nagtungo sa kanyang Silid.

" Ano pong balak ninyo? " Tanong ni Alunsina.

" Magtutungo ako ng Sulad ngayon din... At Alunsina ihanda mo ang mga Kawal natin upang saklolohan ang diwatang Magwayen. " Sabi ni Bulan

" Ibabalita ko din ba ito sa mga Tagalipon? " Tanong ni Alunsina.

" Hindi na ayukong maabala sila sa kanilang pag sasanay. Pag nandito na si Haliya sabihin mo agad sakanya ang mga nangyari. " Sabi ni Bulan at agad itong naglaho.

Balik naman tayo sa Pagsasanay..

" Ngayon, kunin nyo saamin ang Oisensa at Jujin!" Sabi ni Gassia sabay hakbang sa gitna kasama si Dalikmata.

" Ang elemento ng Lupa at nyebe.. " Sabi ni Theo.

" Handa na ako..." Sabi ni Jake sabay tayo galing sa kanyang kinauupuan.

" Iisa lang ang sandata ng Jujin... Kayat ikaw na babe Ang Karapat dapat kumuha nun!" Sabi ni Ian kay Charlie.

" Nagkakamali ka Ian... " Sabi ni Gassia sabay ngiti.

Jujin Ipakita mo saamin ang iyong tunay na anyo.. at sa isang iglap pa ay ang dating Kwentas naging dalawang Espada.

" Alam ko Ian na ang sandatang gamit ni Charlie ay sumanib sa Iyong sandata. Upang mas maging malakas pa. Ngayon ang Espadang ito. Mas triple pa ang Bangis at Lakas nito. At para malaman ninyo kung gaano ito kalakas. Heto! Gamitin nyo sa labanang ito!" Sabi ni Gassia. At ibinigay nya sa dalawa.

" Sandali Gassia, Di ba masyadong Maluwag ka sa kanila..." Sabi ni Dalikmata.

" Ay Hayaan muna, kasi naman diba.. kesa maiistress pa sila. Atleast may weapon na sila! Go go Fight lang ng Fight Whooaa!!! (Rufa mae Mode ) " sagot ni Gassia.

" Okay Fine, pagnapagalitan ka ni Bulan. Ikaw lang ah? " Sabi ni Dalikmata.

" Oo ako nang bahala dun.. " Sabi ni Gassia.

" Heto Jake saluhin mo! " Ibinigay ni Dalikmata ang Dalawang Kapirasong Kahoy kay Jake.

" Ano ito? Arnis? " Tanong ni Jake.

" Oo... Alam ko. Idol mo Yung si Sanggre Danaya diba? So Go Go lang! " Sabi ni Gassia.

" Papano ba yun? Ganito ba yun.. ?" Sabi ni Jake.

Lingid sa kaalaman nila, nag aaral ng Arnis si Jake dati.

" Ang galing... mukhang sanay kanang Gumamit sa ganyang Sandata .." Sabi ni Dalikmata.

" Opo mahal na diwata, Nag aaral ako nito dati. " Sagot ni Jake.

" Okay, Simulan na natin Yesshhh!! Whooaah! Mapapalaban yata ang Beauty ko. " Sabi ni Gassia.

" Handa na kami!" Sabi nina Charlie at Ian

Habang si Jake naman ay Yumuko sa kanilang dalawa.

Bago pa man nag Simula ay Tumingin si Jake kay Tyler. At kinindatan nya Ito.

" Galingan mo! " Sabi ni Tyler habang nilalagyan naman ni Katalina ang kanilang sugat ni Jenna.

" Alam mo Tai..

Akala ko talaga Di na kayo magkakabalikan ni Jake. Akala ko nga dun ka kay Raven.." Sabi ni Jenna.

" Nako ate Jenna.. Akala ko lang kasi kaya kung Kalimutan ang Baliw na yan. Pero Hindi pala!" Sabi ni Tyler.

" So, Anong na kay Raven or Should I say.. Anong reaksyon ni Raven nung binasted mo sya. " Tanong naman ni Katalina.

" Hindi ba sya nagalit?" Dagdag na Tanong ni Jenna.

" Hindi naman.. napakabait nga ni Raven. Kasi sya pa nga ang pumigil kay Jake na umalis ng Davao dati. Buti nalang naabutan nya sa Airport. " Sagot ni Tyler.

" Davao? Anong ginagawa nyo sa Davao?" Tanong ni Jenna 

" Ay nko ate jenna naman.. doon kaya tayo dinala nina Magayon. Upang makapasok sa Dalaket. Sa tulong na din ng Diwatang si Sandawa. " Sabi ni Tyler.

" I remember that.. " Sabi ni Katalina.

" Teka at Kat, Di kaba nakakaramdam ng kakaiba sa Babaeng kasama nila?" Tanong ni Tyler.

" Naitanong muna yan.. paulit ulit. Oo nga parang kakaiba sya. Parang Kilala ko sya. Di ko alam !" Sabi ni Katalina. Habang nilalagyan ng Benda si Jenna sa Braso.

" Di mo ba namimiss ang anak mo Katalina?" Tanong ni Jenna.

" Namimiss naman pero Di pwde may misyon pa tayo. " Sabi ni Katalina.

At Di naman nagtagal ay nag Simula na ang labanan.

Dalikmata, at Gassia Versus, Jake, Ian at Charlie.

" Babe sa Likud ka lang... " Sabi ni Ian.

" Wag mo na akong bini-baby babe.. yan palagi nating issue noon. Hayaan mong Ipakita ko sayo ang kakayahan ko. " Sabi ni Charlie.

"Wag na kayong mag away dyan.. " Sabi ni Jake.

At unang umatake si Gassia.

" Napakabilis nya.. Di ko makita kung saan sya. " Sabi ni Ian.

" Jake ilag !" Sabi ni Charlie sabay Tulak kay Jake na muntik nang matamaan ng matutulis na Tinik na galing kay Gassia.

" Gamitin nyo ang inyong mga sandata guys. Hindi yan pang Ootd!" Sigaw ni Gassia na sa Sobrang bilis ng mga Galaw nya ay Di sya makita.

" Palagi lang kayong Alerto.. " Sabi ni Ian.

" Nararamdaman ko sya wag kayong mag aalala. Sasabihin ko kung nasaan sya." Sabi ni Charlie.

" Sandali nasaan si Dalikmata. " Sabi ni Jake.

" Malamang nasa Paligid lang sya.. " Sabi ni Ian.

Puno yumabong ka! Sigaw ni Jake at nag si taasan ang mga puno sa Paligid.

Baging! Hulihin sya!  Sabi ni Jake at Lumabas ang mga Baging at akmang huhulihin na sana si Gassia agad itong napunta kay Charlie.

" Sorry ! Di ko sinasadya! Bat ba kasi ang Lakas nyang gumalaw! Parang si Flash!" Sabi ni Jake.

TO BE CONTINUE...