webnovel

CHAPTER 84

" ANAK LABAN SA PAMILYA !"

PREVIOUSLY..

Nagtataka sila kung bakit kay bilis nilang Nakuha ang mga Sandata. Ni walang Hirap o Pagsubok ang naka abang sa bawat lugar. Ngunit ang Di nila Alam ay nagsisimula pa pala ang tunay na plano ng mga Diwata para sakanila.

May bagong Karakter nanaman ang papasok. Yan ay si Kathleya! Alamin natin kung ano ang kaugnayan ni Kathleya sa mga Diwata.

RIGHT NOW...

Pagkatapos nilang Makuha ang mga Sandata. May bagong lugar na ibinigay ang Mapa para sa kanila.

Samantala Sina Alpia, Raven at Mia naman ay nagsimula na sa Pagsasanay kasama si Ofelia.

" Teka! Teka! Guro break muna.. hinihingal na ako." Sabi ni Raven habang bakas sa kanyang Mukha ang Pagud.

" Wala na kayo sa Ibang Bansa. At pati rin ang Lugar na inyong pinagtataguan dati ay nasakop na din ni Sitan..." Sabi ni Ofelia sabay Sugod kay Raven gamit ang Espada nya. At agad naman itong Sinangga ni Mia gamit ang Espada nito.

" Magaling Mia.. Pero, Papano kung ganito ang gagawin ko!" Sabi ni Ofelia at Pinalutang nya ang mga Malalaking Bato sa Paligid at pina atake sa kanilang Tatlo.

" Mahal na Reyna...umilag ka!" Sabi ni Mia kay Alpia. Ngunit gamit ang dalawang Kamay ni Alpia ay Pinigilan nya ang mga malalaking bato sa Pagsugod sa kanila.

" Ang Galing...!" Sabi ni Mia.

" Guro Tanong ko lang, Minsan na kaming nag sanay noon kasama ang mga Diwata.. at sina Theo. Bakit ngayon may pagsasanay ulit! " Tanong ni Raven habang umiilag sa mga Atake ni Ofelia.

" Nais kung maging Aral sainyo ang nangyari sa Babaylang si Jenna. nakuha ang mahiwagang Bilro sa Kanya. At tanging sa Bilro lang nanggagaling ang kanyang kapangyarihan. Nais kung matuto kayong gumamit ng ibang kakayahan bukod sa Inyong mahika.." Sabi ni Ofelia.

" Ako naman!" Sambit ni Mia sabay Talon nang napakataas.

Tinatawagan ko ang Kidlat.. maging kaisa ka saakin.

Engkantasyon ni Mia at sa isang Iglap may napakalakas na Kidlat ang Tumama sa kanya at Nakaramdam sya nang kakaibang Lakas.

" Magaling Mia. Nakukuha mo na.. Tandaan nyong Lahat, wag kayong umasa sa Mahika. Tandaan nyo may mga Likas na kapangyarihan kayo. Gamitin nyo ang Kalikasan. " Sabi ni Ofelia habang si Alpia naman ay Binasag nya ang mga malalaking Bato na Ginamit kanina ni Ofelia para sa kanila. Habang Si Raven naman, kaya na nyang mag bago nang anyo.

" Di lang uwak ang Gayahin mo Raven.. Maraming Hayop ang nasa Paligid na maaring makakatulong." Pangaral ni Ofelia. Habang si Raven ay nagpalit anyo at naging isang Malaking Leon. Akmang Sasakmalin na sana nya si Ofelia agad naman syang Pinalo ni Ofelia nang kanyang Tungkod.

" Napapalibutan nyo nga ako.. pero Hindi bakas sa inyong mukha ang seryuso sa Labanang Ito. Hindi lang sina Theo at Tyler ang may mission. Pati na kayo! " Sabi ni Ofelia at Pinalutang ulit ang mga Malalaking Bato sa paligid.

" Hindi lang Lakas ang Kelangan... Kelangan ng Utak at Puso sa Laban. Daanan nyo yan!" Pangaral ni Ofelia sa Tatlo.

Samantala nang Makuha na nila ang mga Sandata ay nagsama-sama ulit ang mga tagalipon.

" Magaling at Nakuha na ninyo ang mga Sandata... Ngunit Di ba kayo nag tataka kung bakit kay bilis nyo lang nakuha ang mga ito?" Sabi ni Magayon.

" Oo nga po mahal na diwata bakit nga ba?" Sambit ni Tyler.

" Dahil Di naman talaga sila ang tunay na nangangalaga sa mga Sandatang iyan. Walang iba kundi... Ako!" Sabi ni Magayon at isa isang nagsibalikan ang mga sandata sakanyang kamay.

" Kung ganun, sinasabi ko na nga ba.. Anong Gagawin namin mahal na diwata?" Tanong ni Ian.

" Inuulit ko ang mga Sandatang ito ay taglay ang ibat ibang Elemento sa Mundo.. ngunit upang maging Karapat dapat kayo sa mga Sandatang ito. Kelangan nyong Dumaan sa Huling Pagsubok." Sabi ni Magayon.

" Pagsubok? " Sambit ni Katalina.

" Anong pagsubok man yan Mahal na diwata naka handa kami..." Sabi ni Jenna.

" Oo naka handa kami!" Dagdag pa ni Katalina.

" Kung ganun... Kelangan nyong Labanan. Sila!" Sabi ni Magayon at isa isang Lumabas ang mga Dating nagbabantay sa mga Sandata.

"Sila? " Gulat na Sabi ni Charlie.

Lumabas ulit ang mga Diwata na sina, Lalahon, Gassia, Makiling, Dalikmata. Kasama din ang isang babae na may benda ang Mukha na si Kathleya.

At ibinigay ni Magayon ang mga sandata sa mga diwata na tunay na nagbabantay.

" Ngayon kelangan nyo kaming Labanan.." Sabi ni Magayon habang sya naman ang may hawak sa Adjil ni Jenna.

" Papano yan, Wala Akong kapangyarihan." Sabi ni Jenna.

" Wala kabang namememorya ate Jenna sa Libro na kahit Anong spell?" Tanong ni Jake.

" Meron pero Di ako sigurado kung para saan ang mga spell na yun. Pero bahala na!" Sabi ni Jenna.

" Hayaan mo ate Jenna. Icocover up ka namin ni Jake. " Sabi ni Tyler.

" Wag nyong gagawin yan.. magtiwala kayo saakin. Nararamdaman ko pa naman na may konting mahika pa ang natitira sa katawan ko. " Sabi ni Jenna.

" Pero ate jenna Kilala mo ba ang Diwata na kasama nila..?" Tanong ni Theo. Habang nakatitig sa babaeng nakabalot ang mukha sa Benda.

" Hindi.. ayun sa Philippine Mythology. Walang diwata ang ganyan. Tanging si Haliya lamang ang nagmamaskara. Noong Labanan nya ang Bakunawa. " Sagot ni Jenna.

" Mukhang malakas sya ate..." Sabi ni Tyler.

" Oo nga.. mag iingat pa din tayo." Dagdag ni Katalina.

At nagbigay na nang Hudyat si Magayon..

" Ako muna ang mauuna. Labanan moko Jenna upang Makuha mo ulit ang Adjil.!" Sabi ni Magayon.

" Walang Problema mahal na diwata..." Sabi ni Jenna.

" Ngunit.. pumili ka nang isa sa mga kasama mo. Dahil Di lang Adjil ang nasa akin.. pati na rin ang Sandata ng Hangin." Sabi ni Magayon.

Agad naman Humakbang si Tyler.

" Ako Mahal na diwata.. " Sabi ni Tyler.

" Magaling, Di lang hangin ang nasasaiyo Tyler. Taglay mo din ang Elemento nang Tubig na dating Taglay ng iyong Oroskopyo ang Payses!" Sabi ni Magayon.

" Ngayon handa naba kayo?" Tanong ni Magayon.

" Handa na po!" Sagot nina Jenna at Tyler.

" Ate may kakaiba sa babaeng may benda... Parang may kakaiba akong nararamdaman. " Sabi ni Tyler.

" Ako rin Tyler. Di ko alam kung ano basta..." Sabi ni Jenna.

" Sge na Simulan na natin...!!" Sigaw ni Magayon.

Tinatawagan ko ang sandata ng Liwanag,

Libro ng Liwanag ibigay saakin ang Kabilan!

Engkantasyon ni Jenna habang sinusubukan nyang tawagin ang Sandata na Ginamit nya sa Huling Digmaan.

At sa isang Iglap, may lumabas na Espada sa kanyang mga Kamay.

" Magaling! Kahit Wala na ang Bilro nagagamit mo pa ang mga Salita na nasa loob. Magaling Jenna. Pero tandaan mo. Di mag tatagal ang sandatang yan. Dahil wala sayo ang Libro. " Sabi ni Magayon.

" Totoo ba ate jenna ?" Sabi ni Tyler.

" Oo, sa ngayon Di ko alam hanggang saan tatagal ang Kabilan na hawak ko. Di mag tatagal babalik ito sa libro. Pamansamantala akong binigyan ng pahintulot!" Sabi ni Jenna.

" Kung ganun ako naman!" Sabi ni Tyler.

Hangin ang aking Taglay,

Oroskopyo ng Pisces dinggin aking pagsamo.

Ibigay saakin ang Iyong kapangyarihan.

Sambit ni Tyler habang nakataas ang kanyang mga kamay. Habang sina Jake at Theo naman ay nababahala.

" Kuya theo.. papano kung lulukuban nanaman si Theo ng Oroskopyo?" Sabi ni Jake.

" Wala na ang oroskopyo Jake. " Sabi ni Theo .

" I mean yung negative energy ng Pisces baka kontrolin sya ulit nito.." Sabi ni Jake.

" Hindi na magyayari yun. Dahil habang nakakulong kami dati sa Kuta ni Sitan. Sinubukan nyang gamitin ang negative energy na meron ang Pisces. Pero Di na ito nangyari. " Sabi ni Theo.

" Kung ganun.. kahit masaktan pa si Tyler, Di na magkakabagyo?" Sabi ni Jake.

" Tumpak " sagot ni Theo.

Balik ulit kina Tyler, Jenna at Magayon.

" Palibutan natin sya Ate.. " Sabi ni Tyler.

" Magandang edeya yan Tai... " Ngiting Sabi ni Jenna.

" Kung masusugatan nyo ako. Ibibigay ko sainyo ang mga sandata.. pero babala!" Sabi ni Magayon .

" Asawa ni? " Tanong ni Tyler.

" Babalu!" Sagot ni Jenna.

" Babala nga.. Hindi ko kayo pagbibigyan!" Sabi ni Magayon at Sabay kumpas ng kanyang mga kamay may malakas na hangin ang Tumangay kina Jenna at Tyler.

" Aaaatttteeeeee!!!!! " Sigaw ni Tyler habang linilipad sila nang hangin.

" Tai, Kelangan mong mag Focus. Taglay mo din ang hangin. Gumawa ka ng paraan!" Sabi ni Jenna habang nakakapit sya sa Kañyang Kabilan na nakabaon sa Lupa.

" Alam ko na ang Gagawin ko..." Sabi ni Tyler.

Ipo-ipo ng Hilaga,

Tinatawagan ko kayo.. sumunod sa aking nais. Tapusin sya!

Nag usal ulit nang engkantasyon si Tyler at sa oras na ito. Tatlong malalaking Ipo-ipo ang Dumating at patungo ito kay Magayon.

Abangan ulit ang Karugtung mga Mahal.