webnovel

CHAPTER 76

" ANG PAG GISING NI ALICE "

PREVIOUSLY...

Dahil sa humihina na ang katawan ni Marco, napagdesesyunan ni Sitan na maghanap ng bagong katawan na pwde nyang Saniban.

Sa kasamaang palad, Si Alice ang kanyang napili..

" Hindi lang sa trabaho mo masama ka, Nakikita ko sayo na may poot at Galit ka sa Puso mo.. " sambit ni Sitan kay Alice.

RIGHT NOW....

Sa Kuta ni Sitan, Habang Abala ang kanyang mga alagad sa pagsasanay ay bigla nalang syang nakakaramdam ng pagkahilo.

" Faith... Nasaan na Yung Libro ni Jenna!!!" Sabi ni Sitan nang biglang bumagsak sya sa Sahig habang inuutusan nya si Faith.

" Mahal na reyna Alice!!! Tulong! Tulong! " Sigaw ni Faith habang nakita nyang bumagsak si Alice. Agad namang nagtungo sina Nica, Bea at Diosca kasama pa ang ibang kawal na nagbabantay sa silid.

" Anong nangyari? Bakit sya natumba?" Tanong ni Diosca.

" Hindi ko alam? Inutusan nya lang ako na kunin ang libro ng Babaeng Babaylan. Hindi ko pa inaabot sakanya ang libro ay agad syang Natumba." Salaysay ni Faith.

" Halika tulungan nyo akong buhatin ang reyna..ihiga natin sya sakanyang Silid." Sabi ni Nica. At agad naman nilang inalalayan si Sitan patungo sa silid higaan nya.

" Ano kaya ang nangyayari sa Reyna? Noong isang araw nakita ko din syang nawalan nang malay.. ayus lang ba ang reyna?" Sabi ni Bea.

" Diba Doctor ka dati Diosca... Bakit Di mo tingnan ang reyna." Sabi ni Faith.

" Ha bakit? Walang maitutulong ang syensa sa Salamangka. " Sabi ni Diosca.

" Meron Diosca... Kahit ako nagkakasipon din ako. Malakas ang pakiramdam kung buntis ang reyna.." Sabi ni Bea.

" Buntis? Bakit sino naman ang Kasiping nya? Wala Akong nababalitaang nobyo ng reyna." Sabi ni Nica.

" Sge na ichechek ko na, sandali !" Sabi ni Diosca.

Habang tinitingnan ni Diosca si Sitan.. ay magtungo naman tayo sa mga Adonis.

" Oh bakit ang bilis mong nakabalik ate Kat?" Sabi ni Tyler habang nagwawalis nang sahig.

" Ha? Bakit nasa bahay na agad ako..Hindi pupwede yun.! Nasa panganib pa ang kababata nyo." Sabi ni Katalina.

" Ano po Anong nangyari kay Jesjes? " Sabi ni Jake habang kakalabas lang nya galing sa Kwarto nina Tyler.

" Nasaan si Theo? Kelangan nyang malaman ito... nanganganib ang Buhay ni Jessel. " Sabi ni Katalina.

" Nasa kwarto nyo tulog pa din.." Sagot ni Tyler.

" Salamat pupuntahan ko si Theo.. at pakitawag nalang nina Insan at Charlie at Ian." Utos ni Katalina.

" Opo ate!" Sagot ni Tyler.

Pagkalipas ng Ilang sandali...

" Bakit napaaga ang Balik mo insan?" Sabi ni Jenna.

" Hindi ko nga alam, nandoon nako.. may kinakalaban sina Jessel doon. At ang kakaiba doon isang Pari. " Sabi ni Katalina sa harapan ng mga kasamahan nya.

" Isang Pari ? " Gulat na Sabi ni Ian.

" Oo,Inulit mo lang ang sinasabi ko!" Sabi ni Katalina.

" Kung ganun kung sino pa ang kalaban ni Jessel kung nasa panganib siya ay Kelangan natin syang Tulungan.." Sabi ni Theo.

" Agree ako bayaw!" Sabi ni Jake.

" Ako din kuya..." Dagdag na Sabi ni Tyler.

" Kung ganun tutulong ako..." Sabi ni Jenna.

Nang tangkain nilang gamitin ang kanilang kapangyarihan upang makapaglaho, ay Hindi parin sila lumayo sa bahay. Bagkus lumabas lang sila sa ibat ibang bahagi nang bahay.

Si Theo sa Kwarto ni Jake at Tyler...

" Nasaan ako? Bakit may picture nina Tyler at Jake dito?" Sabi ni Theo.

" Sandali... Yung kama, at tsaka Unan..

Nasa kwarto ako ni Tyler.. pambihira!" Sabi theo at agad namang tinungo ang Pintuan palabas.

Si Katalina at Tyler naman ay napadpad sa Likud bahay nila..

" At Kat nandito na ba tayo? Bakit ang daming Bulaklak?" Sabi ni Tyler.

" Oo nga.. parang...." Sabi ni Katalina sabay gala sa Kanyang paningin.

" Tai, Hindi tayo naka Alis nang bahay nasa Likud bahay lang tayo.. tingnan mo Yung Faucet. Saatin yan. Yung halaman tanim ni Jake yan." Sabi ni Katalina.

" Oo nga.. first time pumalpak ang paglalaho natin ate Kat. " Sabi ni Tyler.

" Alam ko mabuti pa ay bumalik na tayo sa loob.

Si Jake at Jenna naman ay napadpad sa kusina.

" Nasaan tayo..?" Takang Sabi ni Jake.

" Pamilyar ang kusinang ito. Yung Kurtina..." Sabi ni Jenna.

Nang Biglang Dumating sina Theo, Katalina at Tyler.

" Nasa bahay pa din kayo.. " Sabi ni Katalina.

" Nako.. papano nangyari na pumalpak ang mga kapangyarihan natin..?" Sabi ni Theo.

Habang sina Ian at Charlie naman ay napadpad sa banyo.

" Sandali... Bakit nasa banyo tayo?" Sabi ni Ian.

" Oo nga pamilyar ang Shower curtain..." Sabi ni Charlie. Nang marinig nyang may mga Taong nag uusap sa labas.

" Narinig mo yun Charl?" Sabi ni Ian.

" Oo.. bakit parang sina Ate Jenna.. ang boses nila." Sabi ni Charlie at agad binuksan nya ang Pintuan ng Banyo.

" Charlie ?? Dyan ba kayo napadpad ?" Sabi ni Tyler.

" Sino ka? " Sabi ni Ian.

" Akala ko ba si Charlie ang may amnesia bakit pati si Ian meron na.." Sabi ni Katalina.

" Sino kayo? Bakit nyo ginagaya ang wangis ng mga kaibigan namin.." Sabi ni Ian.

" Ian.. Charlie nandito pa rin kayo sa bahay.. Di kayo nakaalis.." Sabi ni Jenna.

" Naniniwala kaba sa Huwad na jenna na yan?" Sabi ni Charlie kay Ian.

" Hindi.. " sagot ni Ian.

" Nakakaloka kayo.. nasa Bahay nga padin kayo." Sabi ni Katalina.

" Oo nga.. promise " dagdag na Sabi ni Jake.

" Sge nga kung kayo ang mga kaibigan namin. Kelan birthday ko? " Tanong ni Ian..

" Oo nga ako din Kelan?" Dagdag na Sabi ni Charlie. 

" Ako na ang sasagot!" Sabi ni Jenna.

" Ikaw Charlie.. October 21 at Ikaw naman Ian ay October 12. Pareho kayong ipinanganak sa buwan ng oktubre. " Sabi ni Jenna.

" Tama ka.. kayo nga ang mga kaibigan namin. Pero papano nangyari yun ate jenna?" Tanong ni Ian.

" Dahil sguro.. Hindi tayo pinapayagan ng Libro ni Jessel. Ang Libro ni Jessel ang nagpapunta kay Katalina kanina. At ang libro din nya ang nagpabalik.." Sabi ni Jenna.

Samantala Balik tayo sa Kuta ni Sitan.

" Ikaw na ang bahala sa reyna Faith.. Maghahanda kami nang makakain ng reyna" Sabi ni Diosca.

" Maayus lang naman ang reyna diba?" Tanong ni Nica.

" Oo.pagud lang ang katawan nya..need lang nya ng rest." Sagot ni Diosca.

" Sge na halina kayo dahil gutom na din ako.." Sabi ni bea.

" Uy, wag nyong uubusin ang pagkain.. " Sabi ni Faith.

" Sge dadalhan kita nang pagkain dito." Sabi ni Nica.

Nang makaalis na sila at naiwan lang si Faith.

" Nasaan ako?" Tanong ni Alice.

" Mahal na reyna gising na pala kayo?" Sabi ni Faith.

" Si-sino ka?" Tanong ni Alice.

" Sino ako? " Sabi ni Faith.

" Oo... Nasaan ako sis? Bat ang Dilim? "Tanong ni Alice.

" Wala ka bang naalala?" Tanong ni Faith.

" Alala ? " Sambit ni Alice at bigla nyang naalala ang huling nangyari sakanya. Bago sya saniban ni Sitan.

" Ang naalala ko.. nag away kami nang step father ko. Tapos nang araw na yun ay may Booking akong Lalaki sa Isang Inn sa Bayan namin. " Salaysay ni Alice. Kahit masakit ang Ulo ay malinaw nyang naalala ang huling araw na sya pa ang nagmamay-ari ng katawan nya.

" Kung ganun Ikaw ang tunay na nagmamay-ari ng katawan na yan.." Sabi ni Faith.

" Anong ibig mong Sabihin.?" Naguguluhang Sabi ni Alice.

" Sinaniban ka ng masamang Kaluluwa.. " Sabi ni Faith..

" Kaluluwa? At this Techno age ? Are you sure... Tsaka sino kaba?" Sabi ni Alice.

" Ako si Faith.. " pagkasagot ni Faith sakanya ay biglang naalala nya ang mga pangyayari na si sitan pa ang gumagamit sa katawan nya.

" Faith Ikaw Yung babae sa panaginip ko. Diba may kasamahan ka na tatlo pang babae. Si Nina ba yun." Sabi ni Alice na naguguluhan pa din.

" Nica ang pangalan nya.." Sabi ni Faith.

" Oo yun nga, nica,bea at Diosca. Tama yun nga ang ngalan nila so ibig sabihin nanaginip pa din ako.. pero parang Totoo ka!" Sabi ni Alice.

" Totoo ang lahat nang yun!" Sabi ni Faith at ipinakita nya ang kanyang kapangyarihan na makontrol ang Tubig.

" Tingnan mo.." Agad pinagalaw ni Faith ang Tubig na nasa baso at hinulma nya itong barko.

" Ngayon nanaginip kapa din ba?" Sabi ni Faith.

" Papano mo nagawa yan." Tanong niAlice

" Para malaman mo ang katotohanan.. ito tingnan mo.." Sabi ni Faith at hinawakan nya ang ulo ni Alice.

" aaaarrrraaaayyyy!! " Sigaw ni Alice.

At sunod sunod ang mga imahe ang kanyang nakita sakanyang ulo. Imahe sa kanyang pagpasok sa Dalaket, Piging sa Aydendril na sinakop pa ni Erol ang kaharian. At pagsakop ni Sitan sa Mundo ng mga tao...

"Ako ba ang may gawa ng lahat nang yun? " Sabi ni Alice.

" Hindi Ikaw pero may masamang Kaluluwa ang gumagamit sa katawan mo..hayaan mo at Tutulungan kita!" Pagkasabi ni Faith sakanya ay biglang bumagsak ulit si Alice.

Pagkagising ay si Sitan na ang nagsasalita.

" Oh bakit ka nandito Faith? Anong nangyari.?" Sabi ni Sitan.

" Mahal na reyna.. Ikaw pala..pasensya na at naidlip ako sa pagbabantay." Palusot ni Faith.

" Nung bumagsak ako may nangyari ba? "Tanong ni Sitan.

" Wala naman po? Si Diosca nga ang tumingin sayo. Sabi nya maayus naman daw kayo. Kelangan nyo nang pahinga.." Sabi ni Faith.

" Teka nakauwi na ba si Miguel?" Sabi ni Sitan.

" Hindi pa po.." sagot ni Faith.

Alrighty.. there you have it I hope nagustuhan nyo ang kabanatang ito.

Leave your comments lang below. Your votes is very important and Highly appreciated. Thanks mga mahal