" ANG BAGONG SANDATA NI JENNA "
PREVIOUSLY...
NAGTUNGO NA SI SUSMIHTA SA AYDENDRIL UPANG IBALITA ANG MGA NANGYARI SA MUNDO NG MGA TAO. AT SINA ALPIA, MIA AT RAVEN NAMAN AY BUMALIK SA DALAKET UPANG ITAYO MULI ANG KAHARIAN NILA SA TULONG NANG KANILANG GURO NA SI OFELIA..
ito na ang Karugtung.. Enjoy!
" Napaalis man natin ang mga alagad ni sitan dito sa kanlaon. Pero ang ating mga lagusan ay laging Bukas sa nino man. Hanggat Bukas ito Nang-nganganib tayo!" Sabi ni Bulan sa kanyang mga kasamahang Diwata.
" Ngayon pinuno Anong plano mo.?" Tanong ni Dalikmata.
" Isasara ko na ang lagusan ng tuluyan Wala nang balikan. " Sagot ni Bulan.
" Kapatid totul ako sa plano mo.. " Sabi ni Haliya.
" Di nanamin mababantayan ang mga lugar na nakalaan para saamin.." Sabi ni Lalahon.
" Tama.. papano ko mababantayan ang mga puno, halaman at hayop sa aking bundok? " Sabi ni Makiling.
" May maibibigay ba kayong sulosyon?" Sabi ni Bulan.
" Bulan... Wag na muna yan ang isipin natin nasa Krisi padin ang mga tao. Kelangan natin silang tulungan." Sabi ni Magayon.
" Oo nga..." Pagsang-ayon ni Magwayen.
" Magwayen Anong ginagawa mo dito?" Sabi ni Bulan.
" Pwde ba bulan? Kalimutan na muna natin ang ating personal na alitan. Naparito ako dahil dumadami na ang Kalag sa Sulad. At ang mga Kalag na yun ay mga biktima ni Sitan. " Salaysay ni Magwayen.
" Kahabag-habag Anong Gagawin natin pinuno?" Tanong ni Lalahon.
" At Hindi lang yun.. Sabi ng aking alagad na si Faith.. nag deklara na nang Digmaan ang magkapatid kay sitan. " Sabi ni Magwayen.
"Hindi maari.. Di pa nakakabawi ng Lakas ang babaylang si Jenna.." Sabi ni Dalikmata.
" Wala kay Jenna ang Libro. " Sabi ni Sara.
" Pasensya na mga mahal na diwata kung pumasok na ako ng walang pahintulot. Pero nais ko lamang Sabihin na ang likas na kapangyarihan ni Jenna ay nawawala na." Sabi ni Sara.
" Hindi ito maari... Sila ang itinakdang tatapus ka sitan. Hindi pwdeng mawalan ng kapangyarihan si Jenna. " Sabi ni Bulan.
" Anong Gagawin natin ?" Sabi ni Sara.
" Gassia, Lalahon, Makiling, Dalikmata, At Magayon.. magtungo kayo sa Kubol ni Jenna. Ibalik nyo ang pag-asa ni Jenna..." Sabi ni Bulan.
" Kung ganun tayo na.." Sabi ni Magayon.
Samantala si Jenna naman ay Inaalala nya ang mga mahihiwagang Salita na nasa Libro.
" Libro ng Liwanag ako ang amo mo..
Magbalik ka!" Engkantasyon ni Jenna. Ngunit Wala pading nangyayari.
Habang sa Panig naman nina Sitan. Ay umiilaw ang libro.
" Ano bang Meron sa libro na yan Mahal na reyna?" Tanong ni Nica.
" Ito ang Libro ng karunungan at Liwanag.. dito kumukuha ng Lakas ang babaylang si Jenna. Ngayon ay nasa atin na ito. Tyak na madali lang natin matatalo ang mga magkapatid. Umaasa lang sila sa kapangyarihan ni Jenna. Ngayon lagot na sila." Sabi ni Alice.
" Mawalang galang na reyna Alice.. may gustong kumausap saiyo." Sabi ni Bea.
" Sino naman yan?" Tanong ni Alice.
" Ako si Linda.. isa Akong maghuhula nais ko lamang Sabihin sainyo mahal na reyna ang mga nakikita ko.." Sabi ng manghuhula.
" Sige ano naman ang ihuhula mo?" Tanong ni Sitan/Alice.
" Ang Libro na iyan ay magdudulot ng inyung kasawian..." Sabi ni Linda.
" Hangal bakit Mo naman nasabi yan?" Tanong ni Sitan..
" Dahil sa isang alagad ng Liwanag na nagbabalat kayo.." Sabi ni Linda.
" Anong ibig mong Sabihin ?" Tanong ulit ni sitan na sa oras na ito ay nakakunot not na ito.
" Mag iingat ka sa apat na babae.." Sabi ni Linda.
" Isang Traydor? Ilahad mo kung sino? At papatayin ko.." Sabi ni Sitan.
" Lubhang napakagaling nyang magbalat kayo! Di ko sya mabasa o makita.." Sabi ni Linda.
" Baka walang kwenta ang kapangyarihan mo..sayang naman..." Sabi ni Alice.
" Sandali baka si Faith ang sinasabing Traydor na yun?" Sabi ni Nica.
" Oo nga..." Biro naman ni Diosca.
" Umayos nga kayo. May proweba ka ba Mangkukulam?" Sabi ni Faith sa matanda.
" Tama na yan.. para kayong mga bata.." Sabi ni Alice.
" Mahal na reyna Alice. Bakit Di natin balatan si Faith?" Sabi ni Bea.
" Balatan ? What do you mean?" Sabi ni Faith..
" Balatan.. kumbaga paaminin ka!" Sabi ni Bea.
" Mga Loka-loka ? Ito ba Yung Issue natin dahil sa isang Batang Di ko pinatay? Uulitin ko nanaman ba ang pag aabugado sa sarili ko.?" Galit na Sabi ni Faith.
" Tama na nga yan.. Faith, Bea, Nica, at Diosca...mag aaway nanaman ba kayo?" Sabi ni Sitan.
" Mahal na reyna.. tapat po ako sainyo, diba kayo ang bumuhay saamin? At Wala Akong naramdamang Guilt sa sarili ko. Baka kayong Tatlo meron.? Bakit sobrang defensive nyo nang ikwento ni Linda ang taksil sa ating Hanay. ? " Galit na Sabi ni Faith.
" Faith Tama na..." Sabi ni Sitan.
" Mahal na reyna.. sawa na ko! Hayaan mo ako ! " Sigaw ni Faith.
" Lapastangan ka dalaga.. sinigawan mo ang reyna !" Sabi ng Matandang si Linda.
" Isa ka pa.. kung magbibigay ka nang babala sa reyna, siguraduhin mong makikita at malalaman mo kung sino ang taksil. " Sabi ni Faith at sinakal nya si linda.
" Bitawan moko Hindi ako makahinga...panginoon tulong!" Sabi ni Linda humihingi ito nang Tulong kai sitan pero nakatingin lang si Sitan sakanya at Ngumingiti lang ito.
" Uy Faith binibiro lang namin.." Sabi ni Bea.
" Wag na wag nyo Akong bibiruin.." Sabi ni Faith at mas hinigpitan pa nya ang pagkakasakal kay Linda sa Leeg. At ilang sandali pa ay biglang nanuyot ang buong katawan ni Linda. Binitawan nya lang ito nang Wala nang masipsip na likido ang kanyang kamay.
" Ngayon maging silbi sanang Leksyon sainyo ang pang gogood time nyo saakin.." Sabi ni Faith. Dahil sa kanyang sigaw ay nag silaparan ang mga espada ng mga kawal sa Paligid.
" Tama na Faith... Napaka init naman nang Ulo mo.." Sabi ni Nica.
" Hayaan nyo lang sya.. dahil nabubuksan na ang Libro ni Jenna. Hahaha " Sabi ni Sitan.
Balikan naman natin si Jenna kung saan, pilit syang gumagamit ng Salamangka.
" Baso Gumalaw ka!" Sigaw ni Jenna ngunit Wala pading nangyayari sa Baso na balak nyang pagalawin.
" Jenna may bisita ka!" Sabi ni Andy.
" Ikaw pala Andy sila magayon ba yan?" Tanong ni Jenna.
" Hindi..." Sagot ni Andy. Agad namang pumasok si Katalina at Tyler.
" Ate Jenna Anong nangyayari sayo. Bakit ang Putla Putla mo na. Di ka ba nag make up?" Sabi ni Tyler habang umiiyak na nakayakap kay Jenna.
" Loko ka talagang Bata ka.." Sagot naman ni Jenna.
" Insan maayus ka na ba.? Saan ang sugat mo? At papagalingin ko.. " Sabi ni Katalina
" Kat, sandali Di ako makahinga sa Yakap ninyong dalawa.." Sabi ni Jenna.
" Sensya kana ate. Nag aalala lang kami. Tama nga ang sinabi ni Sitan na napuruhan ka!" Sabi ni Tyler.
" Sitan ? Nagtungo ba sya nang mundo nang mga mortal?" Tanong ni Jenna.
" Hindi Insan, ginamit nya ang katawan ni Ian pero panandalian lang. Sinabi nyang panalo na sila dahil napatumba kana nila. " Sabi ni Katalina.
" Ate Totoo ba sabi ni Andy na nakuha nila ang Libro mo?" Tanong ni Tyler.
" Oo Tyler.. Wala napakabilis ng mga pangyayari. Totoo ngang napakalakas ng mga Gabay diwata." Sabi ni Jenna.
" Insan iniwan ni Jessel ang Libro nya sa panggagaway. " Sabi ni Katalina.
" Teka nasaan na si Mang Gaspar. ?" Tanong ni Tyler.
" Nasa Kabilang Kubol sila ni Helena.. " sagot ni Jenna.
" Pero bakit naman nya ito iniwan?" Tanong ni Jenna.
" May nasabi syang ang libro mo at Libro nya ay Magkakambal. Di ko nga ma gets.." Sabi ni Katalina. Ilang sandali pa ay Dumating si Magayon at Makiling kasama ang Dalawang Diwatang sina Sinukuan at Maria Cacao.
" Mahal na diwata..." Sabi ni Tyler at niyakap nya si Magayon.
" Napakalambing mo talaga bata ka.." natutuwang Sabi ni Magayon at Kasunod naman ay niyakap din nya ang Gabay diwata nya na si Makiling.
" Nako napakalambing naman ng Gabay tao ko.. " Sabi ni Makiling.
" Teka Mahal na diwata ano ang ginagawa nyo dito?" Tanong ni Katalina.
" Nandito kami katalina.. upang tulungan si Jenna. " Sagot ni Makiling.
" Pero papano? Di ang basong ito Di ko mapagalaw.." Sabi ni Jenna.
" Jenna, nakalimutan mo na ba ? " Sabi ni Makiling.
" Na ano mahal na diwata ?" Tanong ni Jenna.
" Hindi ka nilukuban ng kapangyarihan ng mga Oroskopyo, at Wala ka ding Gabay Diwata kaya Wala kang kapangyarihan. Ang kapangyarihan mo ay nasa Libro ng Liwanag na ngayon ay Wala na sa mga kamay mo.." Sabi ni Magayon.
" Pero bakit kami ni Tyler, may basbas pa ng mga diwata at Oroskopyo.. bakit Di natin bigyan si Jenna nang diwatang Gabay ?" Sabi ni Katalina.
" Hindi maari Katalina, dahil lahat kaming mga diwata ay lumampas na sa Tamang Bilang. " Sabi ni Magayon.
" Oo, ay Di maaring pumili nang bagong Gabay na tao. Dahil huli na si Tyler. At si Magayon naman ay huli na si Theo. " Sabi ni Makiling.
" Si Dalikmata, Si Gassia o si Lalahon?" Tanong ni Katalina.
" Wala na lumagpas na sila..isa nalang ang maitutulong namin katalina.." Sabi ni Makiling.
" Ano yun mahal na diwata ?" Tanong ni Tyler.
" Ang tulong namin ni Cacao at Sinukuan. " Sagot ni Magayon.
" Papano ?" Tanong ni Jenna.
" Bibigyan ka namin ng bagong sandata.." Sabi ni Maria Cacao.
" Sandata ? Anong sandata yan?" Tanong ni Jenna.
" Ito... " Sabi ni Sinukuan at sa ire ay lumabas ang napakalaking Boomerang.
" Isang Boomerang ?" Gulat na Sabi ni Katalina at Tyler.
" Ang Sandatang iyan ay nagtataglay ng kapangyarihan naming apat. " Sabi ni Sinukuan.
At sumingit naman sa usapan si Mang Gaspar.
" Kanina pa ba kayo dyan?" Tanong ni Katalina.
" Ang Sandatang yan ay isa sa mga Sandata nang iyong Libro.. katulad nang sinasabi ko saiyo. Minsan ko nang nagamit ang librong iyon. At ang Sandatang ito ang pinakamakapangyarihang sandata. Ito ang Adjil. " Salaysay ni Mang Gaspar.
" Upang mapalakas pa namin ang sandatang yan.. ay Babasbasan namin ang sandatang ito. " Sabi ni Magayon. At itinapat nilang apat ang mga kamay nila sa Adjil. At sabay Sabay na nagliliwanag ang kanilang mga kamay.
" Kami ang Diwata ng Liwanag at Kalikasan.. Maging sandata ka sa Sandaling manganib ang bagong nagmamay ari sayo...
Ako si Makiling ang Diwata ng Tubig, naway katulad ng Tubig maging dalisay ka sa nangangailangan ng iyong Gabay at katulad ng Alon ay maging Mabagsik ka pagkina-kailangan.
Ako si Magayon, Ang diwata ng Hangin.. Katulad nang hangin, magbigay ka ng buhay sa Nangangailangan at tangalan mo ng hininga ang magtakang manakit sa bagong gagabay sayo.
At ako si Sinukuan, at Maria Cacao kami ang mabibigay ng Kaliwanagan ng isip at Katapangan ng bago mong Tagapangalaga. " Engkantasyon nilang Apat. At namangha naman sina Mang Gaspar, Katalina, Jenna at Tyler sakanilang mga nasaksihan. Ilang sandali pa ay natapos ni sina Maria Cacao, Makiling, Sinukuan at magayon.
" Ngayon heto saiyo na ang Adjil. Ingatan mo ito Jenna.. " Sabi ni Magayon sabay abot sakanya.
" Teka mahal na diwata napakalapad at laki ng sandatang iyan. Parang ang Bigat.." Sabi ni Katalina.
" Sge nga pahawak..." Sabi ni Tyler. At inaabot naman ito ni Magayon sakanya.
" Tang *na napakabigat!" Sabi ni Tyler habang namumula ang mukha dahil sa bigat nang sandata na hawak nya.
" Pa Subok nga..." Sabi ni Katalina at ganoon din agad nyang nabitiwan ito dahil sa bigat nang kunin ito ni Magayon ay para lang itong napakagaan sakanya.
" Papano nangyari yun? Ang bigat nang sandatang yan Mahal na diwata pero nung nasa kamay mo na.. bat ang Gaan lang?" Pagtataka ni Tyler.
" Dahil Hindi ito para sainyo.." Sabi ni Magayon sabay ngiti at sa isang iglap ay nasa labas na sila. At nasa patag na sila.
" Nasaan tayo?" Tanong ni Mang Gaspar.
" Jenna saluhin mo.." Sabi ni Magayon at inihagis nya ito.
" Nako di pako ready... " Sabi ni Jenna. Walang magawa si Jenna, kundi saluhin ang sandatang Adjil ngunit, nang mahawakan nya ito ay Di sya nabigatan.
" Huh? Bat ganun?"
" Bakit insan Anong nangyari?" Tanong ni Katalina.
" Ang Gaan lang ng sandatang ito..." Sabi ni Jenna.
" Ngayon subukan mong paliparin yan at saluhin Kapag babalik na sayo. " Sabi ni Makiling.
At yun nga ang ginawa ni Jenna agad nya itong itinapon sa Ire at paikot-ikot ito sa ire nang makabalik ito kay Jenna....
" Dama ate Kat!" Sabi ni Tyler. At yumuko naman sila.. dahil muntikan na silang matamaan ng sandata ni Jenna.
" Ang laki parang Eroplano..." Sabi ni Katalina.
TO BE CONTINUE...