" Ang Sumpa ni MABUTI "
PREVIOUSLY...
Muntik ng mahuli sina Jenna ng mga kawal sa Kuta ni Sitan, ngunit dahil na rin sa kanilang mga kakayahan ay mabilis silang nakapagtago sa mga kawal pati na rin sa mga gabay diwata..
" Nasaan tayo,,?" tanong ni Jenna nang tingnan nya ang paligid ay nakita nya ang isang kulay pulang trono na sobrang gara ang desenyo nito.
" Marahil ito ang Trono ni Sitan.." sabi ni Katalina.
" Sandali may paparating.." sabi ni Jake at agad naman silang nag laho. Yun pala dumaan sina, Faith,Bea, Nica at Diosca kasama si Miguel.
" Sandali may nanararamdaman ako.." Sabi ni Nica.
" Anong nararamdaman mo nica??" tanong ni Diosca.
" Palagay ko may ibang nilalang ang nandito sa loob ng bulwagan." Sabi ni Nica.
" nako.. nica maraming ibat-ibang nilalang nandito sa loob ng palasyo, isa na doon ang mga ligaw na kaluluwa. Baka mga ligaw lang na kaluluwa ang nararamdaman mo.. " Sabi ni Miguel.
" baka nga.. just dont matter about it. let's go" sabi ni Bea.
At nang makadaan na sila.. agad lumantad sina Jenna, Jake at Katalina.
Nakilala na din nila sina Faith, Nica, Bea at Diosca..
"Sino sila?" Tanong ni Jake.
" Kilala ko ang dalawang babae na nauna. sila ang dumukot kina Tyler, sila ang nakita ko saaking pangitain. " Sabi ni Katalina.
" kung gayon sila ang dating gabay diwata.. " sabi ni Jenna.
Samantala nasa Oceana si Ofelia at wala pa din itong malay.
" Teka, Joshua ilang araw na bang tulog si nana Ofelia? " Tanong ni Lina.
" Dalawang araw na.. " sagot ni Joshua. at nilapitan nila ito upang tingnan ang kalagayan ni Ofelia.
" Marami syang saksak sakanyang katawan.. Kaya pinagamot namin sya sa mga babaylan dito sa oceana. ngunit hanggang ngayon. di pa din sya nagigising." Salaysay ni Joshua.
Magbabalita na sana sina Sierra sa Aydendril ng biglang dumating ang katipan ng kanilang tita. na si Guarin, at Ibinalita sakanila ang tungkol sa pananalasa ng isang malaking bagyo sa silangang bahagi ng syudad ng mga tao.
RIGHT NOW.....
Sa kuta ni Sitan..
Habang patungo palang sila sa ikatlong palapag ay, Sobrang lakas ng negatibong enerhiya ang bumabalot dito. at nang marating nila ang Seldang ginawa ni Sitan sa magkapatid.
" Tandaan nyo, hindi tayo pwdeng gumawa ng Eksena dto at baka mabulabog natin ang mga nagbabantay.." paalala ni Jenna sa Kanila.
" Got it " Sagot ni Jake.
" may tao ba dyan??" Tanong ng isang boses na kilalang-kilala ni Jake at Katalina.
" Sino ka? "
" nararamdaman ko kayo..."
" nonoy ikaw ba yan? "
Yan ang sabi ni Tyler sa loob ng Selda. agad naman silang nagtago sa isang pasilyo na kaharap ng selda nina Tyler at Theo at inilantad nila ang kanilang sarili.
" Ate kat? "
" Kuya nandito si Ate kat.." sabi ni Tyler.
pero sumenyas naman si Katalina ng tahimik.
Kasabay nun ay tumayo naman si Theo.. at tiningnan si Katalina, At nginusuan naman ni Theo si Katalina.
" Pilyo ka talaga kahit kelan theo.. " Kinikilig na sabi ni Katalina, ngunit di parin tumigil si Theo sa pag nguso sa kanya. at sa pagkakataong ito ay nababahala na ang mukha nito.
"Loka.. may mga parating.. " Sabi ni Jenna.
at hinawakan sya sa braso kasabay nyan ay naging isang paru parung itim silang dalawa. at ang dalawang paru-parung itim ay nag tungo sa selda ng magkapatid. Habang Si jake naman ay naka Invisibility mode parin..
Nang makapasok na ang dalawang paru-paru, agad nag usal ng isang engkantasyon si Theo at Tyler. Isang engkantasyon ng ilusyon. Makikita ng mga nasalabas ang natutulog sila ngunit ang totoo ay gising na gising sila.
"Anong ginagawa nyo dito?" Tanong ni theo sa mga paru-paru at nagpalit anyo ang dalawang paru-paru.
"Theo ililigtas namin kayo.." Sabi ni Jenna.
"Oo nga.. halika kalagan ko na kayo.." Dagdag na sabi ni Katalina. Nang kakalagan na sana ni Katalina si Tyler ay biglang Sumigaw ang kawal sa labas.
" May mga nakapasok!!"
"Lagot mukhang nakita ata si Jake..." Sabi ni Katalina.
" teka kasama nyo si Jake ate kat?" Tanong ni Tyler.
" Oo. nasa labas sya nagbabantay.." Sagot ni Katalina.
" Kat, puntahan muna natin si Jake.." Sabi ni Jenna.
" Sge" at tinigilan ni Katalina ang pagkalas sa kadena ni Tyler.
" maiwan ko muna kayo..." sabi ni Jenna at nagbago ulit sila ng anyo. at nang makalabas sila ng rehas ay agad silang tumakbo patungo sa mga nagkukumpulan na kawal.
Samantala sa Punong bulwagan ng Palasyo ni Sitan...
Naguusap sina Miguel at Faith ng biglang nagkagulo ang mga kawal.
"Senyor Miguel... May mga kalaban na nakapasok sa palasyo.." Balita ng isang kawal.
"Kung ganon... Puntahan nyo! Dakpin nyo! kelangan bang ako pa ang gagawa ng mga bagay na yan..?" Galit na sabi ni Miguel at nagLiyab ang kanyang mga mata.
Agad namang tumakbo ang kawal palabas ng bulwagan..
"Teka Senyor Miguel.. Baka mga kasamahan yun ng mga Tagalipon..." Sabi ni Faith.
"Palagay ko.. kaya tawagin mo ang mga kasamahan mo upang tumulong sa paghahanap sa mga lapastangan.." Sabi ni Miguel at naging isang malaking Ibon ito na may kulay pula ang Mata.
Nang makaalis si Miguel sa Bulawagan...
" Kung naririto sila kelangan ko silang tulungan.." Sabi ni Faith.
" Ianuae Magicae " Agad naglaho si Faith..
Samantala sina Jenna at Katalina naman ay hinahanap nila si Jake sa loob ng palasyo ng biglang makita nila ang isang Kawal na hawak si Jake kasama ng iba pang mga kawal sa palasyo. nang patungo na ang mga kawal sa kanilang kinalalagyan ay agad silang naglaho upang di sila makita.
" Lagot na nahuli na si Jake..." Sabi ni Katalina.
" Magtago na muna tayo.." Sabi ni Jenna habang palingon-lingon sa paligid at sabay hawak sa kamay ni Katalina at naglaho sila.
Habang si Faith naman ay agad nagtungo sa Selda ng magkapatid.
" Mukhang ito na nga yata.." Nang akma nyang bubuksan ang Kandado ng selda ay agad syang nakuryente.
" Malas.. may Engkantasyon ang selda... " sabi ni Faith at tiningnan ang magkapatid sa loob.
Habang si Theo at Tyler naman ay nagulat sa pagdating ni Faith..
" anong kailangan mo dito?" Sabi ni Theo. Hindi umimik si Faith bagkus ay nagpalit sya ng anyo. at nagsambit sya nang isang salita.
" Mutata specie " At ilang sandali pa ay naging Puting Daga si Faith at pumasok sa siwang ng Selda.
" Anong kailangan mo saamin??" Tanong ni tyler sakanya ng makapasok ito. Ilang sandali pa ay bumalik ang anyo ni Faith.
" Wag kayong matakot ako ay inyong kakampi.." Sabi ni faith.
" kakampi? anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Tyler.
" Oo nga.. mga kasamahan mo ang dumukot saamin.. " Dagdag na sabi ni theo.
" Ako ay isinugo ni Diwatang Magwayen.." Sabi ni Faith.
" ang diwata ng Sulad..?" sabi ni Theo.
" Oo, at alam ko ding nandito ang inyong mga kasamahan upang iligtas kayo." Sabi ni Faith ng biglang dumating ang isang kawal.
" binibining Faith anong ginagawa nyo sa loob..?" tanong ng kawal.
" Tang ina.. bakit ba kasi ang daming bantay dito." Pabulong na sabi ni faith.
" Hindi mo ba nahahalata.. sinasaktan ko sila. dahil pakiwari koy nandito ang kanilang mga kasamahan.. nais ko silang parusahan upang sabihin nila saatin kung nasaan ang mga kasamahan nila.." Sigaw na sabi ni faith sa kawal. at nakita ng kawal ang galit sa mukha ni faith.
" a-ah ganun ba-ah binibini.. pasensya na." Sagot ng kawal sa labas.
" Nang magkasilbi ka.. akin na ang susi sa seldang ito. nag palit pako ng anyo upang makapasok..bwesit! akin na!!! " Sigaw ni Faith. agad naman inihagis ng kawal ang Susi sa kanyang paanan.
" pasensya sa gagawin ko.. Umarte ka nalang na nasasaktan ka.." Bulong na sabi ni Faith at agad nyang sinakal si Theo. at nag tanong.
" Nasaan ang mga kasamahan mong nagtungo dito sa palasyo?" Galit na sabi ni Faith.
Samantala si Tyler naman ay umaarteng gustong pigilan si Faith sa pagkakasakal sa kanyang kapatid.
" Bitiwan mo sya.. walang hiya ka!! " Sigaw ni Tyler. at Inilapit ni faith ang kanyang bibig sa tenga ni Theo.
" Papakawalan ko kayo ngunit.. nais kung saktan nyo ako. nandito na saakin ang susi. kunin nyo. " Sabi ni Faith. Tumango lang si Theo. at sumigaw ulit si Faith.
" Kawal.. alam ko na kung nasaan ang kanyang kasamahan.. nasa KAMALIG nang mga itim na libro ng mga magkukulam.. Puntahan nyo.. nanakawin nila ang mga Libro." Panlilinlang ni Faith sa kawal. At ang kawal naman ay agad ibinalita sa kanyang kasamahan.
Samantala sina Jenna naman ay sinundan nila ang mga kawal na may hawak kaY jake ng biglang may humila sakanila papasok sa isang Iskinita ng palasyo.
" Saan kayo pupunta..." Sabi ng boses na pamilyar sakanila.
" Nakikita mo kami..??" Sabi ni Jenna, at nang lingunin nila ito ay Si Jake pala ito nag palit ng Kasoutan.
" Ngunit papano mo?" Sabi ni Katalina.
" Haleerr diba sabi nyo mag lo-long last lang ang invinsibility mode natin ng isang Oras. edi ayun.. kumuha nko ng kasuotan mula sa mga kawal dito. at sa tulong ng Mahikang itinuro mo Katalina. sa tingin nila ay ako ang nahuli ng mga kawal. ngunit yun pala hindi." Sabi ni Jake.
" NAKO kahit kelan.. bulol ka magtagalog.. " Sabi ni Jenna.
" Oo nga I agree, ilang taon na dito sa pilipinas di parin marunong mag tagalog. " Dagdag na sabi ni Katalina.
"Wow napaka judgemental nyo.. Im trying to work on my tagalog.." Sabi ni Jake.
" Ay nako Jake.. alibi pa more..." Sabi ni Katalina.
" Wag na tayong mag chismisan dito..tayo na balikan na natin sina Tyler." Sabi ni jenna.
" Sige " Sagot ni jake at agad naman syang humawak sa balikat nina Jenna at Katalina. at Naglaho sila.
Balik sa OCEANA...
Habang nasa hapag kainan sina Sierra, lina at Rica, ay nabulabog sila ng isang malakas na sigaw mula sa Kwarto na kinalalagyan ni Ofelia. Sigaw ito ng namimilipit sa sakit. Agad nagkatinginan sina Lina, at Sierra.
" Puntahan natin si Ofelia.." Sabi ni Rica. Agad naman silang nagsitayuan at nagmamadaling nagtungo ng kwarto ni ofelia kasama ang iba pang kawal. at nang mabuksan nila ito ay nakita nilang nagliliwanag si Ofelia.
" Anong nangyayari kay Ofelia.?" Tanong ni Sierra.
" hindi ko alam..." sagot ni Rica. at si Lina naman ay agad nyang nilapitan si Ofelia.
"Nana Ofelia? Nana ofelia...naririnig mo ba ako?" Sabi ni Lina.
" Nana ako to ? si Linyang..."
"Nana anong nangyayari sainyo?" Sabi ni Lina habang si Ofelia ay patuloy parin sa pagsigaw at pagbalikwas sa kama. animoy sinasanabin ito.
" Sandali.. pano nakakahinga si Ofelia?" Tanong ni Sierra.
" Pinakain po sya ng inyong kapatid ng Lato.. " Sabi ng isang kawal.
" Ang Lato na pinapangalagaan ng Berberokang si Julia (Hulia)?" Sabi ni Lina.
DID YOU KNOW??
- Berberoka, ensnares its victims by drinking enough water in the pond until a number of fish appear into the surface. When the potential victims get attracted to the school of fish, the berberoka drowns them by hosing water and swallowing them afterwards.
"Tumatagal lamang ng Dalawang araw ang epekto non sa mga hindi taga Oceana.." Sabi ni Rica.
" palagay ko umbo, nawawalan na ng hininga si Ofelia.." Sabi ni Sierra.
" kumuha kayo ng Lato.. dali..!! mga kawal samahan nyo si Rica. " Sigaw ni Lina. habang pinipigilan nya itong malunod si Ofelia.
" Sandali magbibigay ako ng Hininga sakanya.. ngunit bilisan nyo hindi tatagal ang aking Sumpa. " Sabi ni Sierra.. at agad syang lumapit kay Ofelia at hinalikan ni sierra sa noo si Ofelia. At dahil doon ay nagkaroon na panandaliang hangin si Ofelia. habang si rica naman ay nagmamadaling magtungo sa lalagyan ng mga mahihiwagang Lato. At nagising naman si Ofelia dahil sa ingay ng magkapatid.
" Nasaan ako?" Tanong ni Ofelia. at agad nyang iginala ang kanyang mga mata sa paligid.
" Nana Ofelia.. nandito ka sa kaharian ng Oceana.." Sabi ni Lina.
" Oceana?? kung ganun.. bakit ako nandito?" sabi ni Ofelia.
" Nakita po kayo ng mga kasamahan naming sirena sa dalampasigan malapit sa portal ng mga dalakit.." Sabi ni Sierra. at nang marinig ni ofelia ang dalakit agad naalala nya ang lahat ng nangyari.
" Sandali kelangan kung umalis na.. nasa panganib sina Theo... " Sabi ni Ofelia.
" nana ofelia.. ligtas na po sila. nakausap ko po ang reyna ng mga aydendrilian doon. at kasalukuyang nasa aydendril sila.." Salaysay ni Lina.
" nana? teka si Linyang lang ang tumatawag sakin ng ganyan.. ikaw ba si??" Gulat na sabi ni Ofelia habang nakatitig sa mukha ni Lina.
"Opo ako nga si Linyang.. " Sabi ni Lina at agad nyang niyakap si Ofelia.
" kay laki muna iha.. nasaan ang iyong ina?" Tanong ni ofelia.
" Sa katunayan wala na po si Ina.." Sabi ni Sierra.
" Ito na ba ang kapatid mo linyang?" tanong ni Ofelia sabay turo kai sierra.
" Opo, siya si Sierra, at may kapatid pa po kaming dalawa sina, Rica at Joshua.." Sabi ni Lina.
" Teka papano ako nakakahinga dito sa ilalim ng tubig?" Sabi ni Ofelia.
" binigyan ka ng mabuting Sumpa ni Sierra, upang kayo ho ay maka hinga sa ilalim ng tubig.." Sabi ni Lina at ngumiti lang si Sierra.
" Sierra, ikaw pala ang ipinangalan sa lola mo.. nakakatuwa naman dahil kamukhang kamukha mo si MABUTI." Sabi ni Ofelia. sabay ngiti kay Sierra.
" Sierra din ba ang ngalan ng aming Lola?" Tanong ni Sierra,
" Tama ka iha, at katulad ng inyong yumaong ina matalik kaming magkaibigan ni Mabuti." Sabi ni Ofelia.
" Ngunit nana bakit mabuti ang iyong itinawag kay lola?" Tanong ni Lina.
" Mabuti, dahil isa sya sa mga pinakamabuting Sirena na nakilala ko.. Hindi lamang reyna ang kanyang papel. REYNA sya sa inyong mundo. Presidente naman sya ng Pilipinas noon. napaka galing nyang mamuno. sa dalawang mundo.. " Ngiting sabi ni Ofelia nang maalala nya ang kabutihan ng dating reyna.
" teka mag balik nga tayo sa usapan kanina.. ligtas naba sina Theo?" Tanong ni Ofelia.
" Opo. nang huli kaming nandoon ay nandoon na sina Tyler at Raven. tsaka isa pa nilang kasama na taga mundo nila." Sabi ni Lina.
" mabuti, kelangan kung maibigay ito kai Alpia.." Sabi ni Ofelia at inilabas nya sakanyang bulsa ang Crystalya ng Dalakit.
" Ito ba ang Crystalya? "
" Napaka ganda..."
" Tunay nga na kay ganda ng inyong kayamanan.. Ofelia." Sabi ni Sierra.
" Oo nga pala salamat sa iyong mabuting Sumpa.. Mabuti" sabi ni Ofelia at kinindata nya ito.
TO BE CONTINUE...